If you found me here, STFU (Vault) PARADOXICAL
Last active 60 minutes ago
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
PASSIVE SUICIDAL
Wao level up, hindi na bangga lang ng motor, nalaglag na sa tricycle hahahaha. Di pa natuluyan, hays. Well, better luck next time.
Tahimik lang akong nalaglag at nagpagulong gulong sa gilid ng kalsada. Nung nalaglag ako, wala nang "ohshit" o pagtutol na narinig ang mga tao mula sa akin.
Banayad akong nagpaubaya sa kapalaran. Na masasabi kong tanggap ko kahit sa mga sandaling hindi ko batid ngunit dahil inaasahan.
Malalaking galos ang natamo, mahapdi at makirot. Ngunit hindi ako nakaramdam ng galit o nayamot, bagkus ginhawa dahil nailipat ko ang sakit na hindi ko mailabas sa mga sugat na aking tinamo.
Tila nais ko pang magpasalamat at nakaramdam ako ng ginhawa sa loob. Ngunit hindi ako pwedeng manatili sa loob lang, kaya ipinaharap ko ang tao sa mga karampatang responsibilidad niya bilang driver.
Siya ang nagbayad ng bakuna, linis, check up, at reseta. Ninais niyang ipaghati ang bayarin, ngunit sa gamot lang ako pumayag. Malaking halaga ang gamot na nireseta ng doktor.
Bagaman responsibilidad ako ng driver, nakakaawa at nakikiusap naman siya ng maayos. Kaya nauwi ako sa pagpapasyang makihati sa babayaran sa gamot.
Sinasabi ng lahat na idaan sa pagpabaranggay ang kaso dahil kahit ako ay iyon din ang naiisip na tama. Ligal na karampatang parusa. Ngunit nagkamali at nakaperwisyo man ang driver, isa parin siyang kapos palad.
Dito ko muli naramdaman ang makatuwiran at makataong loob ni Joris. Ang mga loob na hindi pinahalagahan ng nakararami. Lalo ng taong pinakatatangi.
0 notes
Text
PAGHUGAS SA KATAWAN NG MAPANGLAW NA PARO PARO
Habang tahimik na nakaupo sa higaan at tulala, tinawag ako ng hangin at ulan. Walang pag aatubiling lumabas dala dala ang pusong pagod nang tumangis at isipang nais nang lumimot; upang damhin ang pagiyak ng langit.
Banayad ang paligid sa ilalim ng malakas na ulan, ngunit ang puso't isip ko ay nais magpakawala ng hibik at luha. Gayun pa man ipinagkaisa ko ang tangis ng langit at yakap ng hangin sa bawat sulok ng aking balat.
Upang maramdaman ng puso at isip ang pakikiramay at pagkalamay ng langit sa mga namatay na loob sa pakikipag laban ng puso't isip ko. Sa kabila ng nagluluksang kalangitan at nansa lupang katawan, muli kong ibabangon ang sarili, hindi magmamadali bagkus dahan dahan.
0 notes
Text

Nangayayat daw ako sabi ni mama. Sorry ma. Hindi ko na kaya, pero susubukan ko uli
0 notes
Text
RANDOM THOUGHTS || THICKER & HIGHER WALLS
Nanghihina parin yung buong katawan ko, para akong trinangkaso pero sa isip at puso. Hindi makagalaw galaw. Kanina pag gising ko, ang unang unang sinabi ko sa sarili ko "tangina, ginawang kabaong yung kama ha" eto tanghali na pero magsisimula palang ang araw ko. Masakit ang ulo na parang hindi nanaman nagpahinga kahit tulog.
Hindi ko magawang humingi ng tulong kahit sa mga kaibigan ko. Ni ng makikinig tinatanggihan ko hanapin. Sa mga sandaling ito, narealize ko kung gaano kakapal at katayog ang mga pader na itinayo ko, maprotektahan lang ang sarili, upang hindi na muli mabigo, at makasakit.
Ang mga pader na itinayo ko ay tila naging kulungan, na hindi ko alam kung nanaisin ko pang lisanin. Mas gusto ko magdusa mag isa, kaysa tulungan at mahawakan muli ng iba. Napakalala na ng traumang bitbit ko. Hindi ko na magawang dumepende at mag expect sa iba. Mabibigo't mabibigo lang naman ako.
Sana wag na ako intindihin ng lahat. Magpatuloy nalang kayo ng magpatuloy. Wag niyo ako isipin, ni damayan o bigyan ng sympathy. Itrato nyo akong hangin. Dahil ayaw ko narin makita nyo pa.
0 notes
Text
Naisin ko mang tumulong sa tindahan, hindi kaya ng nanghihina kong puso ang ang gumalaw (matamlay). Mapagnglaw ang aking loob at tinatanggalan nito ng kakayanang magpatuloy ako.
Tila ako ay ibon na nasa gitna pa ng himpapawid ngunit hindi na makapagaspas sa pagod. Patawad.
0 notes
Text
Parang tanga iiyak lang may kasama pang masakit sa ulo at ilong.
0 notes
Text
😪
Kanina'y habang nasa byahe kami ng mama, napagusapan nanaman ang araw na pinaghahandaan niya. Siya sa akin ay kumukunsulta muna, sa mga pinamimiliang pag ganap sa araw na itatala.
Tumutugon ako ng mahina, nais tumangis dahil hindi ko alam kung ano ang nais kong mangyari. Nagaalangang sabihin na nais ko na lamang magpahinga hanggang lumipas ang mga araw at linggo matapos ang seremonya.
Palagay ko ay hindi parin karapatdapat ipagbunyi ang paro-parong ito. Ni ako mismo hindi na maisip na ikarangal ang sarili ko. At habang tumatagal ay nahihirapan nang lunukin ang mga katotohanan na akala ko ay natanggap ko na ng buo.
Bigo akong maabot ang ninais, bigo rin akong magtapos ng tunay na masaya.
Ako'y natahimik ng ilang minuto at dahan dahang sumandal sa balikat ni mama, nais nang tumangis dahil ni magtapos na tunay na masaya ay hindi ko na magagawa.
Nahihiya akong tanggihan ang mga iginagawad sakin ni mama, dahil hindi ko ibig na masayang ang mga paghahanda niya. Batid niyang hindi ako cum laude ngunit ni minsan matapos niyang malaman, hindi ko naramdaman sa kanya na hindi ako naging sapat. Bagkus siya ay nanatiling nagagalak dahil nagawa niyang mapagtapos na ang panganay niya na tanggap niya ng buo.
Nawa'y makita ko rin ang sarili ko sa paningin niya. Isang batang hindi kailan man naging buo ngunit nananatiling sapat sa paningin niya. Nawa'y matutunan kong tanggapin ang mga susunod na pagkatalo magmula sa araw na itatakda, at matutunang ipagbunyi ang sarili.
Sa araw ng pagtatapos ay lalansingin ko muli ang sarili at ang mga nasa paligid na ako'y nagagalak na tunay tulad ng palagi. Muling Ikukubli sa mga ngiti ang tunay na ako, hindi lang para sa sarili, sa araw, ngunit pati sa mga nakapaligid sa akin.
0 notes
Text
ULAN
Basang Basa ako sa ulan kahit naka suot ako ng magara, at may bitbit akong mga importanteng dokumento, ngunit kahit na ganun, imbis na mairita o mainis, tila nais ko nang maligo ng tuluyan.
Habang niyayakap ako ng salisaliwang malamig na hangin, at hinahampas ng malalaking butil ng tubig— ako ay nagagalak, sapagkat nararamdaman ko na banayad ang aking loob, sa mga pagkakataong tulad nito.
Nahuhugasan ang galit, pangamba, at lumbay na aking nadarama. Ang lamig na dala ng hangin ay tila mainit na yakap sa aking pandama.
0 notes
Text
MICRO CHAPTER || BALANCING MORALS AND BELIEFS
Handa akong itapon lahat ng binuo ko sa loob ng anim apat na taon, makalaya lang sa kung ano'ng nagkukulong sa akin ngayon.
Handa akong iwan lahat , Memories, Friendships, Aquaintances, Networks, Bonds, lahat ng pinagpaguran at binigyan ko ng pag tuon.
Gusto ko nang makahinga ng maluwag. Mamuhay ng payapa, malayo sa lahat. Gusto ko naang magsimula uli, kahit ako nalang basta hindi na ako manliliit, iiyak, at ganito kamiserable.
Ngunit nababahag ako sa dami ng maiiwan, at mawawalang bahala.
Napapagod na ako manatili, pero nangako ako kay mama na hindi ko isasauli yung buhai ko. Napapagod na akong lumaban kapalit ng masabi o makaramdamn lang ng kaunting kasiyahan.
Hindi ko alam kung paano ko ihahandle lahat ng nagbago sa'kin. Araw araw oras oras minuminuto kalaban ko ang sarili sa kung pano ko patatakbuhin ang sarili ko nang makalaya na.
Hindi ako makahingi ng tulong, pinipigilan ako ng sarili ko maghanap ng dadamay, wala rin namang makakaintindi at magtatagal.
Ayoko na nitoo 😫😭
0 notes
Text
I don't know what to feel, where to stand, how will I move.
Gusto ko mag leave sa lahat ng gc. Nahihirapan ako huminga, gusto ko iiyak pero hindi ko mailabas. Wag nyo ako isipin, alalahanin o ano man. Kalimutan nyo nalang ako. Kaya ko ng ako lang, hindi ko kailangan ng iba liban sa sarili ko. I don't need pity, concerns, or sympathy.
0 notes
Text
Ano yun? Araw araw nalang? Hanggang panaginip, ikaw parin? Bullshit.
Bangungot.
1 note
·
View note