babaenglagingpuyat
babaenglagingpuyat
Love Yourself
11 posts
RRJV
Don't wanna be here? Send us removal request.
babaenglagingpuyat · 5 years ago
Text
Kung tunay ang paalam, wag ka nang mag paramdam dahil humihirap lang, hanggang dito na lang.
1 note · View note
babaenglagingpuyat · 5 years ago
Text
Welcome Back!!!
0 notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Ang mahirap kasi porket nag kamali ka akala nila nag mamalaki kana, oo di kalakihan ang binibigay, bahay at trabaho, lahat tayo pagod din. Hindi naman siguro ibig sabihin na nag kamali, sinusuway at wala ng respeto pero sana maintindihan niyo na may buhay na din ako, sariling buhay, sariling kayod para mabuhay. Nag papasalamat ako sayo araw araw, pero sana wag mo kwestyonin ang binibigay ko dahil kahit kailan hindi ko kwinestyon kung bakit mas mahal mo siya kesa sa akin. Dahil alam kong may pag kakamali ako at nanghihingi ako ng tawad.
Gusto ko lang na kumawala kahit saglit, huminga sa kahit paano, ihinga ang pagod at sakit ng pagkalugmo at itigil ang pagtatanong sa sarili na sana hindi ako nandito baka sakaling di niyo na kwestyonin ang pagkatao at kung ano ang kaya kong ibigay at ipaglaban para sa inyo. Kasi alam ko naman naghahanap kayo ng mas perpekto tulad ng iba anak kasi ramdam ko, ramdam na ramdam ko na masaya kayo pero hindi kasing saya pag nakikita niyo ang ibang na magaling sa eskwela, trabaho. Pero sana maging sapat ako para sa inyo maging kontento kayo sa kung hanggang saan kaya kong ibigay at makita niyo ang halaga ko. Dahil baka di ko na kayanin ang lungkot at pagod baka umalis at iwan ko kayo at kahit kailan wala ng babalik pa.
0 notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Walang pagsisi kasi kahit nauwi tayo sa ganito minahal kita.
0 notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Araw Araw.
Araw araw kitang pinili, araw araw mo naman ako sinasaktan,araw araw kitang minamahal.
Ayoko na pagod na ako, pagod na ako piliin ka kaya ngayon ako muna ngayon.
1 note · View note
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
BESTFRIEND FOR LIFETIME!
Eight years and five months kambs.
8 years ago, first day of school naging kaklase kita nung 3rd year High school tayo. Naalala ko pa nga 1st yr tayo ayoko sayo kasi nakakairita ka talaga ang arte arte mo, pero totoo talaga yung salitang "kung sino pa yung ayaw mo sa una sila pa magiging tunay na kaibigan mo" so ayan nga di naman kita pinapansin kasi nga ayoko Haha. Pero dahil nga tuwang tuwa ka kasi ang ingay ingay ko sa room tawa lang kami ng tawa tinanong mo buong pangalan ko hiningi mo pa number ko (Ganda ko kasi char) yung time na yun ikaw ung pinaka maganda sa room muse ka pa. Syempre binigay ko din naman number ko, kinagabihan nag text ka jeje pa tayo nun magtext haha "hi si christine to xD simula ngayon ah June 7, 2011 mag BESTFRIEND NA TAYO" Simula nun lagi na tayong mag kasama kahit nung naging 4th year tyo nagkikita pa din tayo, hanggang magcollege at mag katrabaho kana, hanggang nag kawork na ko. Dami dami natin pinagdaanana, may mga umalis sa buhay ko at may mga dumating pero ikaw lang ang isang natira at di umalis. Swerte ako sayo swerte ako sa mga kaibigan pero di ako swerte sa lovelife HAHAHA.
Pero okay lang sayo pa lang busog na busog na ko sa pag mamahal sabi nila ang swerte mo sa akin kaso never kitang iniwan, pero sabi ko mag swerte ako sayo kasi ikaw ang unang taong nakakaintindi sa magulo buhay ko, at sa ugali kong miski ako di ko maintindihan. Di natin kailangan ng materyal na bagay o hndi nadin kailangan lagi tayo nagkikita. Sapat na sa atin yung kahit gaano ka tagal tayo di mag usap at magkita wala pa rin nagbabago sa atin and very thankfull ako na meron ako kagaya mo nawala ang ibang tao. I LOVE YOU KAMBS!
Happy 8years and 5months kambs ❤ CHEERS!😘💖
Tumblr media
1 note · View note
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Ayokong magpakain ulit sa lungkot at sakit na nararamdaman ko araw araw.
0 notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Wag ka mag alala, sa ngayon hindi pa ibinibigay ni lord yung para sayo. Wag kang mag sasawa na ipagdasal yung mga taong pinag damot sayo at sinaktan ka, kung hindi man para sayo dadating din ang tamang panahon para sayo/sa akin, wag ka mawalan ng pag asa, lagi mo tatandaan KAMAHAL MAHAL KA. Mag antay ka lang dadating din siya.
0 notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Tumblr media
KAIBIGAN
Salamat, salamat sa mga panahon na kayo ang naging sandalan ko sa mga panahon binibitawan ko ang mga salitang pagod, sawa,ayoko na. Kayo ang nag silbing ilaw sa nagiging madilim kong mundo, sa mga araw nakikita niyo ako malungkot at umiiyak, wala akong narinig na isang salita sa inyo, pero isang yakap ang binigay niyo sa akin pinaramdam niyo na hindi ako mag isa. Pinakita niyo na kayo ay mabuti at mapapagkatiwalaang mga kaibigan, di man sapat ang isa o ilang taon pag sasama, tandaan niyo na pang habang buhay kayo magiging parte ng buhay ko. Di man ako perktong kaibigan, tinuruan niyo ko kung paano maging mas mabuting tao, tinuruan niyo ko na sa bawat taong nag bibitaw ng masasakit nasalita mas piliin natin wag mag padala at mag paapekto sa mga taong walang ginawa kundi saktan at hamakin tayo. Sa mga panahon na iniiwan ako ng mga taong pinahalagahan ko, pero nandyan pa rin kayo sa tabi ko para iparamdam sa akin, kamahal mahal ako at di niyo ko iiwan. Hindi man tayo perpektong mag kakaibigan atleast totoo tayong lahat, hindi dito matatapos ang pagkakaibigan na binuo natin, dahil sa susunod na taon at panahon mas magiging matibay tayo bilang magkakaibigan at mas magiging matatag, patuloy nating pipiliin ang magmahal.
Mahal na mahal ko kayo at pang habang buhay ito.
4 notes · View notes
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
LORD 🙏
Thank you sa lahat ng pinagdasal ko sinagot mo lahat. Thank you for giving me a chance na gumising tuwing umaga, thank inilayo mo ako sa mga taong di pala talaga para sa akin, thank you kasi sa lahat ng tao alam kong ikaw ang unang nakakaramdam at nakakarinig ng iyak ko tuwing gabi, thank you kasi alam kong pag iniwan ako ng lahat sayo ay sayo pa rin ako tatakbo at babalik. Thank you binigayan mo ko ng mga totoong kaibigan, at binigyan mo ko ng mapagmahal na magulang. Wala na ako masasabi dahil sa lahat ng pinagdadasal, kung alam mong hindi para sa akin ilalayo mo ko doon, dahil alam kong dadalin mo ko sa tamang tao at lalong ikaw nag unang mamahalin bago ako. Thank you for making me realize na hindi titigil ang mundo ko dahil nasaktan lang ako, alam kong kay darating na tamang tao na mamahalin ako tulad ng pag mamahal mo sa lahat ng naniniwala sayo. Thank you dahil sa dinami dami kong kasalanan papatawarin mo pa rin ako, thank you kasi natuto akong i let go yung mga taong minahal ko at iniwan ako. THANK YOU LORD MAHAL KITA!❤
1 note · View note
babaenglagingpuyat · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
To: My loving lola.
April 15, 2019
It's been 3months simula ng nawala ka, naalala ko kasi one week before ka mawala dinalaw pa kita ng hospital tapos okay ka pa nun. Tapos lumipas mga araw saturday ng madaling araw, nahospital ka na naman, this time sa ICU kana i can see na nahihirapan ka pero that time nakakapag salita ka pa sabi mo pa nga sa akin na i should go na kasi i have exams, nag paalam ako sayo sabi ko babalik alo after exam. Di ako mapakali wala talaga ko nasagot sa exam ko after nun, dumeretso ako ulit ng hospital okay ka pa nag sasalita ka pa pero nahihirapan ka talaga. Buong pamilya natin nag hihintay sa labas ng ICU para pumasok at makita ka, dalawang tao lang ang puwede pumasok para makita ka. After nun we decided to go home na iilan na lang natira dun para bantayan ka. Sunday dapat di na muna kami pupunta kasi puyat at pagod din kami, around 8:30pm issa and ate marie tumawag na nirerevive kana daw, so dali dali kami pumunta dun i was crying inside nung pupunta ko hospital and thank god narevive kana, pero pag pasok ko ang dami nakatusok sayo at may tubo ka sa bibig para makahinga piniplit mo tanggalin nag wawala kasi hirap na hirap kana. Papa, tito and tita nag decide na i let go kana kahit most of us ayaw namin talaga pero grabe na ung pain mo, monday ng madaling araw nag paalam ako sayo na uuwi muna tulog ka nun kasi tinurukan ka ng pampakalma. Pero nung nag paalam na ko sayo nag nod ka and you open your eyes, i saw your gray eyes looking at me and telling me na umuwi na ako, di ka makapag salita kasi kay tubo ka sa bibig mo para makahinga ka. Kaya umuwi na ako hinalikan kta sa noo and sabi ko kaya natin to I LOVE YOU LOLA ALWAYS!
Monday 8:30am tumawag sila tita na wala kana daw di man lang kta naabutan, di ako nakapag paalam sayo.
Lola since that day alam kong ito ang pinakamasakit, sabi 3months dapat di na kami nag luluksa, lola i miss you so much everyday and im thankful na ikaw nag lola ko, di ka nakapag tapos ng pag aaral pero napalaki mo mga pitong anak mo ng ikaw lang. Im so proud of you lola laging kang nandito sa puso ko pangako yan. I'm letting you go lola alam ko masaya ka na kung nasaan ka gabayan mo kami dito. Mahal na mahal kita lola habang buhay ko maalala ang masaayang araw natin. No more goodbyes, i'll see you not now but soon! Im letting you go lola!😔🙏
I love you!❤
2 notes · View notes