Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Disaster Awareness in Community or Barangay
9 December - Pumunta ako sa aming Barangay Hall upang magsagawa ng isang interview sa kahit sinong namamahala para sa aming NSTP na may paksang Disaster Risk Reduction and Management.

Sa araw na iyon, aking nakapanayam si Mark Anthony Pader, isang SK Chairman at SK Council ng aming barangay sa North Fairview.


Sa ginawang pakikipanayam ay ibinahagi sa akin ni Hon. Pader ang mga kalamidad at mga epekto nito na aming nararanasan sa aming barangay.
Hazard Identification - Ayon kay G. Pader, isa sa mga kalamidad na nararanasan ng aming barangay ay ang sunog. Dahil sa congested o dikit-dikit ang mga bahay at gawa sa mga light materials gaya ng plywood na mabilis magdulot ng sunog. Isa sa mga nagiging dahilan nito ay ang pagpapabaya ng nakasinding kandila lalo na kapag brown-out. Maliban sa sunog, isa sa matinding sakuna na naranasan ay ang bagyong Ondoy taong 2009. Dahil sa bagyo, matinding pagbaha ang naranasan ng barangay, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog.

Maliban pa sa nasabing kalamidad, isa pang pinaghahandaan ay ang “The Big One” na maaaring maranasan anumang oras. Sakaling mangyari ito, nakahanda ang barangay dito, merong mga ambulansya, fire truck, responders, BPSO na handang tumulong sa barangay.

Bilang paghahanda, ang Barangay Council ay nagkakaroon ng contiuous o tuloy-tuloy na drill (fire or earthquake) nang sa gayon alam ng mga tao ang kanilang gagawin.
Sa pamamagitan ng CCTV sa bawat barangay, nasusubaybayan nito ang mga sakuna na pwedeng mangyari at ang City Council ng Mayor kasama ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office sa City Hall, nasusubaybayan nila doon ang weather forecast na makakaapekto sa lugar. Maliban sa PAG-ASA, ang Mayor ay pwedeng magsuspede ng klase depende sa measure o level ng signals.
Mayroong database ang PAG-ASA na kung saan sila ang nakakaalam kung gaano kadalas mangyari ang isang sakuna tulad ng bagyo.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment - Pagdating sa bagyo, ang pinakamating lugar na napipinsala ay ang mga bahay na nakatayo malapit sa ilog. Sa ngayon, hindi na masyado dahil noon wala pang “retaining wall” sa mga ilog. Noong si Herbert Bautista pa ang Mayor, nagpatayo siya ng retaining wall sa mga ilog tulad ng Tullahan River. Pinatayo ang pader na ito upang ang daloy ng tubig ay diretso hindi tulad noon na umaapaw ang tubig at dahil dito hindi na umaapaw ang tubig.

Kung sakaling tumama ang anumang sakuna, maaapektuhan ang mga bahay lalo na kung hindi sementado at gawa lamang sa mga light materials. Bakit, dahil kung sakaling tumama ang bagyo na may kasamang malakas na hangin, may posebilidad na liparin ang bahay o ang bubong nito. Siyempre ‘di lamang ito nangayayari sa bagyo pati na rin sa sunog na kung saan mabilis ang pagkalat nito sa kanilang bahay pati na rin sa katabi nito.

Sa pamayanan naman lalo na sa merkaado, naaapektuhan ang kanilang pangkabuhayan. Kapag bumabagyo, nakasara ang kanilang lugar, instead na kumita sa araw na iyon, ang nangyayari ay nagsasara sila at nababawasan ang kanilang kita dahil sa pangyayari lalo na yung mga nagtitinda.



Pagdating naman sa mga pampasahero tulad ng tricycle, dahil sa pagkakaroon ng suspension, konti lang ang kanilang pasahero at dahil doon nababawasan din ang kanilang kita. Nangkakaroon din naman ng kita ang mga tricycle driver hindi nga lang ganon kalakas.

Kung sakaling dumating ang panganib, isa sa mga pinakaligtas na lugar na pwedeng puntahan ay ang evacuation center na kung saan ay dito mananatili ang mga taong naakpektuhan ng anumang sakuna. Ang barangay ay nagtatalaga ng evacuation center area. Hindi lamang nasa iisang lugar ang evacuation center kundi nasa iba’t ibang lugar ito.

Isa sa mga pinakadelikadong lugar sa barangay ay ang mga taong naninirahan malapit sa ilog. Ang mga taong naninirahan dito ay nasa bungad ng ilog at kapag umapaw ang tubig sa tuwing may baha, sila ang unang maaapektuhan. Pagdating naman sa sunog, ang mga bahay na gawa sa light materials ang maaapektuhan, pero nakapepende pa rin ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon sila ang nagiging dahilan o biktima ng sunog. Nakadepende pa rin ito sa komunidad kung sinu-sino ang mga taong naninirahan dito.
Ang kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad tulad ng political opposition yung mga may ayaw sa kapitan, sa administration o sa mga namumuno sa lugar. Bakit hindi nalang natin isipin na “If you help, you were able to meet an impact to your community.” Mayroong tinatawag na “crab-mentality” na kung saan hindi masaya ang isang tao na umuunlad yung isang tao, bagkus hihilain nila ito pababa. Sa totoo lang, kapwa Pilipino dapat tayo nagtutulungan. Ayon sa pelikulang Heneral Luna, “mismong nagiging kalaban mo yung mga nakakasama mo rin.”
Capacity and Disaster Management Assessment - Ang barangay ay laging andito nagmomonitor at ayun ang kanilang tungkulin. Sa paghahanda, nagkakaroon ng trainings, doon papasok ang kanilang kaalaman kung paano pa nila mailalabas ang kanilang abilidad o kakayahan na makatulong sa komunidad. Ang BPSO, ay rumoronda o umiikot sa barangay tuwing gabi, at mga CCTV na inoobserbahan ang mga taong naglalakad at mga sasakyan na pumapasok at lumalabas ng barangay. Lagi rin nakahanda ang fire truck kapag may nangyaring sunog sa isang komunidad. Pati ang ambulansya na handang tumulong.

Sa barangay, mayroong mapa na kung saan nakalagay doon yung mga lugar na delikado, yung mga maaapektuhan sakaling dumating ang sakuna. Nagkakaroon ng continuous training ang barangay na malaki ang tulong o dulot nito sa mga tao.

Sa mga bagay, inaalam kung sinu-sino ang mga biktima, mga naaapektuhan at dahil dito kaagapay ang barangay. Nagbibigay ang mga Social Workers ng ayuno at tulong sa mga taong naapektuhan. Andito ang mga kagawad na kung saan inaalam nila kung sino yung apektado. Sa pagbibigay ng tulong, kasama dito yung mga relief goods, bagong damit upang makapagsimula ulit.
Sa Barangay level, ang Barangay Council ang namumuno dito kasama ang mga kagawad. Dahil sa bagong batas, kasama na rin ang SK pati ang SK Chairman na kabilang sa mga namumuno.
Konklusyon:
Habang ginagawa ko ang aktibidad na ito, marami akong nakunang impormasyon na aking natutunan na hindi lang sa komunidad pati na rin sa aming barangay. Siguro yung mga issue/s na nararanasan ng aming barangay ay yun nga, mga sakuna na dumadating sa ating bansa. Syempre hindi lamang nangyayari ang mga ganito sa aming barangay, pati na rin sa ating bansa. Bilang mamayanan, kinakailangan na ipaalam ito sa publiko nang sa gayon ay maging handa tayo sa anumang sakuna na dumating sa ating lugar. Kung kinakailangan, dapat din tayo sumali sa mga training upang makatulong tayo sa ibang tao.
Kung kinakailangan, makipagkooperatibo tayo sa ating barangay pati sa na gobyerno upang malaman nila ang ating problema nang sa gayon ay masulusyonan ito. BIlang Pilipino rin kailangan din natin magtulungan upang makabangon tayo sa mga sakuna at ipakita natin ang tinatawag na “BAYANIHAN” sa ating lugar.
1 note
·
View note