Tumgik
batch1basil · 2 years
Text
AGUAS, KIMARA P.
"Lahat tayo enrolled Ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag drop ka"
Gusto ko itong linya na ito dahil minomotivate tayo na lumaban at sipagan lang sa pag aaral dahil ang pinaka malaking bagay sa buhay natin ang nakasalalay dito.. yun ang kinabukasan o pangarap natin kayaa pag mas pinili mong sumuko talagang talo ka.
I realized na lahat ng hirap ko sa pag aaral ngayon ay may naghihintay na magandang bunga sa hinaharap kaya kailangan ko lang magpatuloy at lumaban.
Avila, Amy V.
"Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras"
Ang mundo ay hindi titigil para lang sayo, magpapatuloy ang buhay at hindi natin alam ang mang yayari sa darating na oras, buwan at taon.
Na realize ko na ano man ang mangyari dapat magpatuloy sa buhay, madapa man at panghinaan ng loob hindi yun sapat para tumigil tayo bagkus mas lumaban at maging matatag sa hamon ng buhay.
Bacalla, Ladydenise
Nalaman kong ang mundo sa totoong Buhay ay hindi yung makulay na murals na nakikita sa mga preschool.Hindi ito laging may rainbow,araw ,ibon, puno at mga bulaklak
- Natutuhan ko na hindi Isang pintang makulay Ang buhay minsan ito ay Isang simpleng guhit lamang na walang kulay ,walang dating hindi alam kung saan tutungo katulad ng sinabi sa itaas. Hindi rin laging payapa ang buhay minsan hahampasin ka ng unos at mananatili ka dapat na nakatayo.Ngunit lagi ka lang dapat maniwala na sa paglipas ng ulan may lilitaw na bahaghari pag-asa na Hindi ka laging nasa ibaba
Bombales, Angel R.
"Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan"
Hindi man natin ma-achieve agad yung goal natin na makagraduate dahil sa ilang mga dahilan, ang mahalaga ay hindi tayo maubusan ng pag-asa at lakas ng loob na magpatuloy at magtagumpay. Dahil man yan sa financial problems, family problem at kung ano pa man, ang mahalaga ay nagtatry tayo at hindi sumusuko. May mga nakakagraduate ng matiwasay, may mga nagtatrabaho para matustusan ang sariling pag-aaral at may mga nag-aapply for scholarships. May mga nakakagraduate agad at meron naman hindi. May kanya-kanya tayong seasons sa buhay, just wait until your season comes!
Narealize ko na hindi madali ang mag-aral at hindi madali ang way to success. Hindi ako pipitik lang at pagdilat ko graduate na ako. Dadaan ako sa maraming pagsubok at iiyak ako ng matindi bago makamit ang diploma ko sa kolehiyo. Ano't ano man, gagraduate ako.
Bon, Erika
"Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi yung makulay na murals na nakikita sa mga preschool. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno at mga bulaklak.
Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan."
Napili ko ito dahil nalaman nya sa mundo or sa totoong buhay ang mural na kulay na nakikita nya sa preschool nila at hindi lahat rainbow,araw,ibon ,puno at mga bulaklak, at narealize nya na swertr sya may nag mamahal sa kanya dahil pinag lalaro sya at pinag aral sya ng bata pa sya.
Ang natutunan ko ay swerte tayo dahil nakakapag laro pa tayo nuon at nakakapag aral kaya gabayan natin ang ginawa satin ng mga magulang natin dahil hindi lahat ay nakakaranas.
2 notes · View notes