B.E.D.S.H.E.E.T P.R.O.J.E.C.T Today, we come across the idea of starting this project. A project that, we hope, will soon make its way to the hearts and minds of each and every Filipino youth in this country. As typical, as natural, and as simple as we can be, we are going to write and by that we mean write by heart what we feel, think of, agree, disagree, and almost everything we come across in our daily lives that we think are sensible enough here. We hope you enjoy. Rock on, Mabuhay!
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
one
ilang araw na lang mar one year na tayo.
parang ang bilis bilis lang ng araw,
parang kailan lang magkatext pa tayo kasi nasa pinas ka pa.
parang kailang lang magkachat lang tayo dito, kasi nasa australia na kau
parang kailang lang nung wala tayong inatupag kungdi mag video call buong araw
parang kailan lang nung naging TAYO
parang kailan lang nung umuwi ka ng pinas
parang kailan lang nung una tayong nagkita at nagkasama
parang kailan lang unang beses akong nagpasko na meron IKAW at merong TAYO
parang kailan lang nung unang beses TAYOng nag celebrate ng bagong taon.
alam ko marami pa tayong pagdadaanan, marami pang pagsubok na darating at mga problemang kelangang harapin. alam ko rin na malalampasan natin lahat ng yan dahil nagtitiwala tayo sa isa’t-isa, minamahal natin ang isa’t-isa at naniniwala tayo sa isa’t-isa
oo maraming nagsasabi na ang hirap ng sitwasyon natin kasi nandyan ka nandito ako. pero hindi naman balakid yun para tayo ay magmahalan diba? kelangan lang nating patunayan sa kanila na meron tayong four-ever. at sasabihin natin sa kanila na kaya namin, kinaya naman, at kakayanin pa namin.
napakaswerte ko talaga sa pagdating mo sa buhay ko mahal. sobrang nagkaron ng direction ang buhay ko, nagkaron na ako ng priorities, nagkaron ako ng goals, at nagkaroon ako ng IKAW. maraming salamat sa isang taon ng pagmamahal. maraming salamat sa pagpaparamdam sa akin na ako ay minamahal, na ako ay importante at higit sa ahat na ako ay tao na kailangan ko rin magpahinga kapag napapagod ako, kailangan kong humingi ng paumanhin kapag ako’y nagkamali at humingi ng kapatawaran kapag ako’y nagkasala.
maraming salamat sa mga sakripisyo mo sa pamilya mo, alam ko naman na kahit hindi nila pinapakita at pinaparamdam sobrang naapreciate nila ang sacrifices mo para sa pamilya. maraming salamat sa pag tanggap mo sa kung ano ang pamilyang meron ako. maraming salamat sa pag tanggap sa mga kaibigan ko. maraming salamat sa pag tanggap kung ano ako. magksama man tayo o hindi. lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. hinding hindi ko ipagpapalit yung mga sandali na magksama tayo. sana madagdagan pa iyon at hindi na ako makapag hintay sa muli mong pag-uwi dito.
maraming salamat mahal ko.
mahal na mahal na mahal na mahal po kita @lumilipadnadolphin
7 notes
·
View notes
Text
belated
happy birthday mahal!
at lost na talaga ako sa mga gusto ko sabihin kasi wala na talaga ako maisip na sabihin sa iyo.
mag wiwish na lang ako:
sana mag enjoy ka sa birthday mo mahal, araw mo ito. sana walang badvibes or kung ano pa mang negativity.
sana bigyan ka pa ni Lord ng good health para magawa mo po ang mga gusto mo pang gawain.
sana matupad yung mga gusto mo pa sa buhay at iba pang mga pangarap mo.
nandito lang ako para sumuporta at maging number 1 fan mo sa lahat ng mga gagawain mo pa.
(last: magiging selfish ako dito. sana makauwi ka ulit para magkasama ulit tayo)
ayan mga paunang wish ko sa iyo. sa totoo lang gusto kong magpasalamat sa iyo. kung di ka dumating sa buhay ko malamang wala pa rin direction yung buhay ko. wala pa ring nagbibigay ng ngiti at kulay.
maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin at sa pagpapapasok mo sa akin sa buhay mo. isang napakabuluhang taon ang 2017 sa buhay ko (natin). sana walang magbago, sana wag kang magsawa sa kakulitan ko. sana maging maayos ka palagi dyan. sana ok ako sa family mo. sana makilala ko na sila. at sana magtiwala sila na hindi kita ilalagay sa pahamak at hinding hindi kita pababayaan.
alam ko hanggang words lang muna ang magagawa ko ngayon. kakayanin natin ang mga pagsubok. kakayanin natin ang mga challenges, at pagkatapos ng mga yun, masasabi rin natin sa sarili natin na napagtagumpayan natin yun at pwede na natin icherish yung mga oras na magkasama tayo.
super miss na kita. alam mo yan. araw araw ko namang sinasabi sa iyo yun.
mahal na mahal na mahal kita.
hanggang dito na lang muna.
i love you mahal ko @lumilipadnadolphin
kapit lang!
hindi ko pa rin talaga mabuo yung salita ng pagpapasalamat ko mula nung dumating ka sa buhay ko. sana maramdaman mo yung simpleng pasasalamat ko sa araw araw. maraming salamat mahal.
8 notes
·
View notes
Text
Dun ka sa taong kahit wala ka sa tabi nya, hindi maghahanap ng iba.
8 notes
·
View notes
Text
anim
4 mag aapat na tanon na mula nung magpost ako ng pagtatapat ko ng pag-ibig sa iyo, oo kasalanan ko kasi hindi nga naman kita naitag para mabasa mo, medyo late na nung nabasa mo siya. apat na taon na rin nung inakala ko na kayo pa rion ng ex mo, sinu ba naman ang hindi magiisip na kau pa rin eh magkasama pa rin kasi kayo sa mga picture na pinopost mo.
4
apat na buwan ng taong ito (2017) nung kinamusta ulit kita at nagtuloy tuloy na ang kamustahan. hindi ko akalaing magiging katuparan lahat ng mga sinulat ko 4 na taon na ang nakakaraan.
4
pang apat na araw sa pang apat na buwan. parang isang panaginip na nagkatotoo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na meron ng tayo at masasabi ko ng tayo. sa tuwing iisipin ko yung araw na yun parang kahapon lang kasi hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa tuwing makikita ka at makakausap kita.
6
anim na buwan na tayo. 6 na buwan na punong puno ng inspirasyon at pagmamahal. 6 na buwan na gumigising at natutulog na ikaw ang una at huli kong nakikita. napakasarap sa pakiramdam na para akong bulate na inasinan na hindi ko malaman ang gagawin ko sa tuwing sinasagot mo ang tawag ko at messages ko.
maraming salamat mahal sa lahat ng effort at pagmamahal na binibigay mo sa akin. malayo man tayo sa isa’t isa hindi nagiging balakid yun para maramdaman ko yung pagmamahal mo sa akin.
maraming salamat sa pagiging inspirasyon ko sa araw araw at sa lahat ng ginagawa ko.
sa mga short comings ko, sorry. alam ko minsan hindi sapat yung efforts ko para mapasaya kita or kahit mapangiti man lang kita sa araw na malungkot ka or may nagawa akong hindi mo gusto.
i love you so much mahal. never have i experienced this feeling ever before, ikaw lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito. butterflies on my stomach every second that i talk to you. your pictures takes my stress/pain.fatigue away. and your smile, yes your smile always makes my day. whenever i’m down and don’t know what to do i just browse your photos and everytime i saw your smile. ahhh. it brings me closest to heaven. thank you for everything at mahal na mahal kita. @lumilipadnadolphin
4 notes
·
View notes
Text
siya
siya
siya naman yung pagusapan natin, pano ko nga ba siya mailalarawan sa inyo?
hmmmm.. siya yung nagbigay ng pagasa sa akin nung nagsisimula akong muli, siya, siya yung kausap ko nung mga panahong walang wala ako. siya yung nandyan palagi kapag wala akong makausap. siya yung kahit hindi ko pa nakikita ang gaan na ng loob ko. siya, siya yata yung babali sa paniniwala ko na dito lang ako sa pinas mag stay. siya, siya lang ang hinintay ko sa loob ng 3 taon. 3 taon akong naghintay ng tamang panahon para makausap siya ng masinsinan. makapag sabi ng tunay na nararamdaman. siya, siya lang ang nakapagpakilig sa akin na parang highschool ulit ako. siya, siya lang ang hihintayin ko ng 3 taon at hindi ko malaman ang gagawain ko kapag dumating na ang panahong iyon siya ang muling nag puno ng damdamin kong akala ko hindi na mapupunuan muli ng pagmamahal siya, siya yung gustong gusto kong nakikita sa simula hanggang matapos ang araw ko.
siya, wala na akong maisip na gusto pang sabihin sa iyo kundi, maraming salamat. salamat sa pagpawi ng luha sa mga matang pagal ng umiyak salamat sa pagbibigay muli ng ngiti sa mga labi kong tuwing naiisip at nakikita kita salamat sa pasensyang binibigay mo para intindihin ang katayuan ko
salamat mahal ko, salamat @lumilipadnadolphin salamat sa napakasayang 5 buwan na lumipas, salamat sa mga darating pang buwan. salamat mahal ko.
6 notes
·
View notes
Photo





Kelsey Smith on Instagram, Tumblr and Society6
Follow So Super Awesome on Instagram
129K notes
·
View notes
Text
teleport
minsan gusto ko na lang talaga magkaroon ng kapangyarihan na makapag teleport sa mga lugar. bakit? kasi gusto kong makasama yung pinakamamahal ko sa mga bawat oras na free time ko. yung tipo bang isang iglap nandun ka na kaagad sa tabi nya, ready kang makausap kaagad sya ng personal, makita mo yung tawa nya, yung mayakap mo sya or yung simpleng makinig ka lang sa mga kwento nya at minsan maging kalakasan ka nya sa mga panahon na kailangan nya ng masasandalan dahil may problema siya or malungkot siya. yung bang pag katapos ng meeting nyo boom! teleport ka kaagad sa kanila. nakakaloko lang kasi tong mga plan natin sa mga telcom provider. bakit ba kasi may charge pa ang tawag kung naka data ka naman. dapat libre na yun para maka tawag ako or mas magabda makapag video call ako kahit anong oras na gusto ko sa mahal ko. eh ang problema additional charge pa. pero dati nasubukan ko na siya ang tumawag habang naka data ako, sa pagkakatanda ko wala namang nabawas sa akin. hmmmm... mas maganda linawin ko yun sa service provider ko kung tama ba na hindi ako nadadagdagan ng bill kapag siya ang kumokontak sa akin thru net. para everybody happy! diba? hay sorry mahal ko. @lumilipadnadolphin hindi na naman ako umabot kanina para makapag video call tayo bago tayo magpahinga. sobrang busy lang po yalaga today, hayaan mo babawi ako bukas ok? i love you po mahal! mwah!
1 note
·
View note
Text
kami
ang sarap isipin na ngayon pwede mo ng masabi na meron ng KAMI, yung hindi ka na nag iisa sa mga ginagawa mo, yung hindi mo na sasabihin yung akom or siya or ikaw. kami. kami na yung sinasabi mo kapag nagtatanong mga kaibigan mo.
it’s all very new for mem nakakexcite, nakakapanibago, nakakatuwa. ang saya, never i’ve been this happy my entire adult life.
hindi ka rin naman nakikipagrelasyon para lang sa huli hindi pala kau magkakatuluyan, wag ganun guys,
kapag nag commit kayo at pinasok nyo yung decision na yun. isipin nyo kaagad for the rest of my life ko na siya makakasama. literal na nilalagay mo siya sa itaas ng lahat ng bagay na ginagawa mo. yung ginagawa mo siyang inspirasyon sa lahat ng ginagawa mo. at yung pinaka importante, kailangan tanggap ka niya kung sa anong meron ka at kung sino ka. hindi dapat pakitang gilas lang sa simula ng relasyon or habang nanliligaw ka pa, mali yun. magpakatotoo ka lang... kaya nga getting to know each other stage eh, bakit ka magpapakaplastic.
swerte ko lang at sobrang bait ng mahal ko, sabi ko nga sa kanya, ngayon lang ako nakaramdam sa isang relationship ng nararamdaman ko. it’s all new, it’s revitalizing, hindi toxic.
tuwing kausap ko siya nawawala lahat ng pagod ko, kapag stressed ako kumakalma ako kapag kausap ko siya, message pa lang nya sa umaga nakaka goodvibes na sa akin. ibang klase. super ibang iba. super saya, yes minsan nagkakatampuhan pero tama ang sabi ng mga matatanda, wag kayong matutulog sa gabi na hindi kayo magkabati kasi sa totoo lang napakahirap matulog kapag may misunderstanding kami. mahirap ring matulog kapag hindi ko siya nakakausap sa gabi, parang katabi ko na rin kasi siya kapag magkausap kami sa phone. yes umabot kami ng ewan kung ilang oras sa telepono. kulang na lang magreklamo mga cp namin na huy may bukas pa pwede pong tumigil muna pang apat na charge mo na sa buong araw to eh... ganon. hahahahaha
at para sa iyo mahal, tandaan mo ikaw na po. maraming salamat sa pagdating sa buhay ko. wala na akong masasabi pa. usap na lang tayo mamay.
mahal na mahal kita! @lumilipadnadolphin
4 notes
·
View notes
Text
kwentong bitter na ex na hindi maka move on
magandang umaga tumblr peeps, naranasan nyo na ba yung hindi pa rin maka move on yung mga nakaraan natin? diba parang nakaewan lang kasi di pa rin sila makapag moveon sa nangyari sa relasyon ninyo.
bakit ko nasabi? kasi feeling ko yung ex ko (or ex nya or kung sinupa mang katabi nyanag matulog sa iba’t ibang araw ngayon) nag anon ask sa pinakamamahal ko ngayon. wag ka ng PAKYUt ate, sobrang obvious naman, nagpost ako tungkol sa gf ko nung isang araw tapos mag aanon ask ka sa kanya kasi naka tag.. bullcrap po sa iyo. manahimik ka na.
2 notes
·
View notes
Text
four-ever
matapos ang ilang panahon na hindi ako nagpost dito eto na magpopost na ulit ako. hindi dahil sa may nagsabi sa akin o namilit pero kasi gusto kong magpost ng tungkol sa kanya, yes sa kanya.
naalala nyo ba yung post ko tungkol sa bagong simula? yes kung gusto nyo mabasa, mag backread na lang kayo.
after 4 years kami na. napakasarap sabihin na KAMI na. sa ngayon ineenjoy ko muna yung time na kami at kakaunti pa lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam tungkol sa amin. ang sarap pala talaga sa feeling nung mainlove ka sa tamang tao, naniwala na rin ako sa sinabi ni lola nidora na SA TAMANG PANAHON. tama sa tamang panahon, after ko maghintay ng 4 years nagkalakas na rin ako ng loob para sabihin talaga yung totoong nararamdaman ko sa kanya. (hindi kasi nya nabasa yung post ko about sa kanya - bagong simula) nito nya lang nabasa yun. actually nakalimutan ko na nga na sinulat ko siya kasi ang tagal na rin nun 4 years pero yung pag tingin ko sa kanya sa 4 years na iyon hindi nawala. lalo ko lang siyang hinahanap, bakit ko hinahanap? kasi ni minsan hindi pa kami nagkita, YES! tama ang nabasa ninyo, hindi pa kami nagkita kahit minsan. thru text and chat lang kami nag uusap. kagaya nga nung sinulat ko dati. iba yung feeling ko kapag kausap ko siya. parang nawawala lahat ng problema ko. at ngayon na kami na (yes we’re in an LDR) ito na yun. ito na yung matagal ko ng hinihingi kay Lord, yung matagal ko ng pinagdadasal sa Kanya na bigyan nya ako ng tamang tao para sa pagmamahal ko.
ang sarap lang sa tuwing umaga may babati sa iyo ng good morning! kumain ka na ba? malalate ka na, bilisan mo. ang sarap lang sa pakiramdam na may nag cacare sa iyo na ibang tao. hindi ko maexplain yung feeling.
sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kami, iniisip ko kung susunduin ko ba sya sa airport kapag umuwi siya. kaso kasabay nya family nya kapag umuwi at hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang tungkol sa amin. kinakabahan nga ako parang hs lang kasi hindi ko magiging reaction ng parents nya kapag nalaman na may bf siya na mas matanda sa kanya ng 8 yrs. oo 8 years ang agwat namin. anu naman kung 8 years? ang importante nag kakasundo kami sa mga bagay bagay at masasabi talaga namin na love namin ang isa’t isa. mula nung nagsimula ako mag vc sa kanya walang palya na tumatawag ako palagi sa kanya. kasi yun lang yung paraan para magkasama kami. kapag nasa work naman ako chat lang. ok na ako dun. masaya na ako. ang babaw ko ba? wala ganun nga siguro talaga kapag matindi tama nung pana ni kupido sa iyo.
at para sa iyo mahal, wag kang mag alala kagaya ng promise ko sa iyo, hihintayin kita umuwi, mag hihintay ako sa iyo. mahal na mahal kita. yung promise ko na sana ikaw na ang last. sana nga ikaw na ang last, kasi ikaw na yung gusto ko maging forever. four-ever diba? kapit lang mahal. lagi mong tatandaan nandito lang ako palagi if kailangan mo ng kausap or kelangan mo mag vent out sa binibigay sa iyo ng buhay, handa ako makinig at icomfort ka mahal.
maraming maraming salamat sa pagdating sa buhay ko., mahal na mahal kita. @lumilipadnadolphin para sa four-ever. i love you! I LOVE YOU!!!!
4 notes
·
View notes
Photo

A shower with a view in this mountain lodge located in the foothills of the Atlas Mountains in Morocco. [1200 × 1562]
78 notes
·
View notes