Tumgik
bernardenace-blog · 7 years
Quote
Pagtumahimik ka, magpapa-banner ako
77. And that’s a little bit annoying, pero nakakakilig na moment din. Nakakainis kasi insulto saakin yun eh. sinasabihan mo kaya akong maingay. HAHAHA. Pero in that way nakakakilig din kasi ewan ko basta nakakakilig para saakin. Kaya memoreable din yang words na yan kasi ang weird sa feeling but i like it. 
0 notes
bernardenace-blog · 7 years
Text
76. Batang nangbabangga ng Motor
One time nagkakayayaan tayo mag stroll then ginamit natin yung motor niyo. And this is another funny moment we have, ppero sobrang kabado nadin. KAsi naman kasi, May isang bata nagpakasuperhero siya, and sinubukan niya siguro talunin tayo kaya sinubukan niyang banggain yung motor na sinasakyan natin. pero narealize niya siguro na he’s no super powers kaya ayun umatungal ng iyak na ikinakaba natin dahil baka sugudin o awayin tayo nung parents nila. 
0 notes
bernardenace-blog · 7 years
Text
75. 20 Pesos
Funny moment mo to eh. Swear! Hanggang ngayon kapag naalala ko pa Sobrang dami ko paring tawa sa isip ko. HAHAHA! if you just saw your face that time. Promise kahit ikaw matatawa, switching from serious to nervous face is priceless. Ikaw naman kasi eh,  hagis ka nalang ng hagis basta basta hindi mo chinecheck kung ano yung nabato mo na. Kung hindi lang matalas mata ko sa mga ginagawa mo hindi mo pa nalaman. But it’s to late, nabato mo na siya. and take note hindi mo lang siya basta binato kung saan. Sa butas ng kanal mo siya tinapon. next check mo muna kung receipt pa ba siya or paper bill na siya.HAHAHAHA!
0 notes
bernardenace-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
74. Chocolate coin &piece of paper Here's one of your surprise. Pick a chocolate coin then pick a piece of paper. On the paper there's a note that written a words for me❤️❤️❤️
0 notes
bernardenace-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
73. Your crying but smiling face😍😻
0 notes
bernardenace-blog · 7 years
Text
72. You sacrifice your life!
Time to nung kulam kulam. Alam ko kung gaano ka nahihirapan at nasasaktan pero binalewala mo lahat ng yun dahil sabi mo nga saakin "Mas gusto ko mamatay ng napakita ko sayo kung gano kita kamahal, kaysa mabuhay ako na nagsisisi" i really adore you how you love me the much.😢
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
71.Pwede wag ka na...
“Pwede wag ka na magsisigarilyo at uminom. Kasi ayoko ng mabawasan yung time na mag kasama tayo. 😞”
Naalala mo ba to nung sinabi ko sayo to. Eto yung time na nakaupo ako sa lap mo, tapos nagkwekwentuhan tayo.
Alam mo bang bago yang araw na yan ilang araw na nasaisip ko yan at sobra dinadrama ko sa sarili ko yan. Kasi napakastrange eh. Although tayo na nya, pero strange kasi sayo ko lang naramdaman yang takot na yan. Sila mabisyo din pero never ko nasabi sakanila yan. Never ko nga din naisip yang klaseng concern na yan. ✌🏻Pero hindi ko alam pero ramdam ko yung takot na sayang yung mababawas sa buhay mo sa tuwing pag yoyosi mo at pagiinom mo. Ganyan ako sobrang takot mawala ka nung time palang nun. 😘😍❤️💋😻
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
70.Anong puno/halaman to?
First ng kakaibang bonding natin to. Yung pinapahula mo saakin kung anong puno yun o kung ano halaman yun. May 3 chances to guess ako nun, tas pag mali may parusa akooo. Naalala mo pa ba yan. 😂😘😍 but the cutest part nung time na yan is yung time na bigla mo ako ng hinug nung nakatalikod ako tapos yung ulo mo nasa balikat ko nakapatong. 😘😻😍❤️💋🤤
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
69. Old school is <3
Lahat ng bulaklak at sulat na binigay mo, nakaipit lahat yun sa isang notebook ko. ganun ko lahat naappreciate lahat ng binibigay mo saakin. Sa totoo lang. sa daming flowers na binigay mo saakin, may isa lang ako nararamdaman sa kanilang lahat. Eto alam kong hindi ko pa nasasabi sayo, at gustong mabasa mo nalang dito para may surprise paring tong ginawa kong to. 
“Nalulungkot ako sa tuwing nakikita kong namamatay na yung mga bulaklak.” 
Natural nalang siguro saakin yung malungkot ng ganun sa bagay na yun, lalo na at alam ko din naman na pinaghirapan mo lahat ng yun. Sobrang napapasaya mo ako sa tuwing binibigyan mo ako ng bulaklak, Promise! Sabi ko naman kasi sayo im inlove with a natural ways parin naman although nasa generation na tayo na corny na ang “old school”. To be honest, lumapas man ako sa boundary ng mga maka’mundong bagay, inenjoy ko lang naman mga bagay na yun yun eh. Hindi naman sila naisapuso. Ako parin yung sikat na “manang” sa pamilya namin. Gusto ko parin yung tipo makaluma, yung tipong full effort ang pagpapakita ng pagmamahal. yung tipong letters, flower, yung kakantahan ka yung dadalawin ka, yung tipong gagawin lahat para maipakita sa tao yung pgmamahal nila. 
Sobrang sobra ko naappreciate ang bawat pagbgay mo ng Flowers at hindi ako magsasawang tumanggap ng bulaklak galing saayo. Kasi yung mga bulaklak na yun parang ikaw eh. Ang mga kulay ng flowers na yun ang nagbibigay kulay sa mundo natin, parang ikaw walang sawang nagbibigay kulay sa buhay ko. Sobang hanga nga ako sayo eh. Ang tulad mong manila boy, never ko inexpect na makakagawa ng mga ganung bagay, promise. Actually kahit naman na hindi manila boy, halos hindi narin kaya gumaaw ng mga ganyang effort eh. Reasons nila, “Bakit kailangan ko pa pumitas pwede naman ako bumili hindi pa madudumihan kamay ko” and another one is “nakakahiya kaya magbigay ang old school ang corny.” yan ang mga common reasons ng mga lalaki ngayon. 
Pati nga sa mga letters na binigay mo sakin eh, sobra mong pinapasaya puso ko. Simple lang kasi to be honest wala na akong kilalang matyaga gumawa ng ganyang bagay sa panahon na to. Nakaktamad na kaya magsulat ngaun, pwede naman itype diba? Pero ikaw pinakita mo paring na kaya mo gawin yung mga yun. Ang sweet mo promise. Yun tipong kaya mo pagwalain tong puso kong maligalig. HAHAHA! 
Hindi ko lang naappreciate lahat ng ginagawa mo, pinapakita mo din saakin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. 
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
68. Masarap magising kung alam mo may nagmamahal sayo. Masarap magising na alam mo may nagpapahalaga sayo. Masarap imulat sa umaga ang mga mata, kung may isang taong handa ipakita sayo kung gaano ka deserving mabuhay sa mundong to. Masarap simulan ang umaga kung alam mo ang gusto mong makasama ay gusto ka din makasama. 💕😻😘 Eto ang kauna-unahang bulaklak na bumabati ng isang MAGANDANG UMAGA! 💕😘😻
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
67. Alam mo bang etong flower na to ay ang kauna unahang bulaklak na binigay mo sa harap nilang lahat. Yung walang kaba kabang inabot mo saakin mismo. 😻💕
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
66. Human Alarmclock
Taray may Human Alarm clock ako. 😂🕓🕓Syempre hindi ko binili yan, minahal ko lang siya. 💕 Ikaw kasi nagiging alarm ko sa umaga. Nagreremind na kailangan ko na gumising kasi may pasok pa ako. Pero sa totoo lang naman double meaning to eh. 😊✌🏻️ Kasi ikaw din naging Alarm clock ko sa realidad. Ginising mo ang naglalakabay kong kaluluwa sa makamundong bagay. Ginising mo ang utak kong nalalason. Ginising mo ang puso kong makasarili. Ginising mo ako sa bangungot ng buhay ko. 😘😻💕
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
65. My favorite..
Your name is my favorite word.  Sa tuwing maririnig ko ang pangalan mo parang maraming tusok tusok sa paligid ko na para akong gusto kilitiin. 
Your voice is my favorite sound.   Sa tuwing hindi ko maririnig ang boses parang may kulang, pero apag ito’y maririnig na parang binuhay diwa ko, 
Your facae is my favorite image.    Hindi nakaksawa, ang sarap titigan lalo na kapag ang mga titig na yun ay nagsasalita. Nagsasabing “Shet eto na yung taong papaksalan ko. “
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
64. Take a risk or lose a chance..
To be honest, alam mo ba kung ano sumasagi sa utak ko nung una, tuwing tinatanung nila ako kung nanliligaw ka ba. Syempre ako sasabihin ko hindi. Kasi hindi mo naman ako ininform. 😂Pero ang minsan sumagi sa isip ko, kung sakali man nanliligaw ka “hay nako sia hindi pwede. Hindi ka niya deserve. Hanggang friends lang. Magpigil ka. Wag ka magisip ng kung anu ano. Hindi ka type nun. Mataas type nun. Ikalma mo sarili mo.” Ganyan mga linyahan ng isip ko dati. Minsan pa nga pagnakikita kita tas maloko tong Heart ko syempre lumulundag siya. Syempre ito naman linyada ko “Sarap maging ipis friend!” Ganyan mga expression dati eh. 😂✌🏻️Atsaka ako hindi ko alam kasi nangangapa palang ako sayo nun, ayoko naman magassume. Malay ko ba naman kasi kung ganun ka lang talaga, kung ganun ka lang maging close sa mga kaibigan mo. So syempre ako hindi ko binibigyan ng meaning. Pero nakikiramdam lang muna.  Pero hindi ko namalayan na nafa'fall na pala ako sayo. Sa bawat ngiti at tawa ko na binibigay sayo hindi ko na namamalayan na hindi nalang simple to. Sa bawat pagayos, pagiwas at pagbago sa mga bagay sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagagawa at ginagawa yung mga yun alm mo yung tipong katawan ko nalang mismo ang kumikilos. Ayon na yung time na gulong gulo na ako. Kasi ang bilis eh, walang pakundangan na pinana na ako agad ni kupido.
Ako pa naman yung taong hanggat kaya kong isarili mga bagay bagay, gagawin ko wala kang maririnig saakin, wala kang mapapansin saakin. Pero sa totoo lang sa bawat tingin at ngiting binibitawan ko sayo lahat ng yun may ibig sabihin, lahat ng yun ay may mga katanungan na umiikot sa isipan ko. Nagtataka sa mga kilos mong nakakagulat. Tanung kung bakit ako naguguluhan. Bakit sobrang saya kung kasama kita. Bakit madali mo napapagaan pakiramdam ko. Bakit hindi ka nawawala sa isip ko. Bakit ang bilis. Bakit takot ako mawala ka. Bakit gusto ko kasama ka lagi. Bakit ang halaga mo saakin. Bakit iba ka. Bakit ang daming bakit. Bakit pakiramdam ko sa sarili ko na hindi lang to ngayon. Bakit ang dami kong binabago. Bakit masaya akong inaayos sarili ko para sayo. Bakit kapag nanunuod ako ng sweet flicks ikaw naiisip ko. Bakit ang weird kong tao. Bakit nararamdaman ko to. Ang daming bakit sa totoo lang.
Pero sa lahat ng bakit na yan, Isa lang gusto kong intindihin na tanung. Kung “ ANO NA ITONG NARARAMDAMAN KO SAYO?” Kasi kahit ako hindi ko masagot. At dun ko napatunayan nakita na hindi ka lang basta mahalaga saakin. Isang ka sa bagay na hindi ko na kayang mawala. Sa totoo lang tinanung ko pa sarili nung time na yun, kung sasayangin pa ba kita? Eh paano kung ikaw na nga yung tipong hinahanap ko. Yung gusto ko makasama? 
Sa una dami ko din kinakatakutan kasi nakakagulat lahat ng nangyayare. Ang bilis at sobrang masyadong maganda. Ako pa man din yung taong, hindi masaydo nag titiwala kapag masyadong maganda na masyadong perfect ang dating, nakakatakot kasi paano kung isang kahibangan o kaya naiisip ko na agad tung kapalit neto kung gaano kasakit. Kaso maybe this time kailangan ko naman mas sundin yung puso ko. Kaso laking gulat ko nug nakita kong sumasangayon na din utak ko. Yung tipong lahat ng takot ko tinabi na niya.
Halos hindi ko na nga din maramdaman mga sakit na naranasan ko. Kasi sobrang binigyan ka ng puso ko ng tiwala. Ang bilis ng lahat, pero siguro hindi naman talaga mabilis. Masyado lang naging late ang lahat kaya nagmukhang rush. 😂
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
63. I saw a sincere hapiness..
I saw a sincere happiness in your smile and in your eyes. I know it comes from your heart. 😍😘❤️️💕
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Text
62. Ngiti.
Sabi ko naman sayo may pagkamadamot ako.
Yang mga ngiting yan akin lang yan. Mga ngiting nag papasayaw sa aking puso. Ngiting nag papatigil sa mundo ko. Ngiting nagpapamanhid sa aking mga pisngi. Ngiting nagagawang magpatarnta saakin. Ang ngitng nakabihag sa aking puso at isipan. Ngiting laging hinihiling na makita. Ngiting nagsasabing ngumitin ako. Yang ngiting yan ang isang bagay na hindi ko pagsasawaan na minuminutong hihilingin makita.
Yan ang dahilan kung bakit gusto ko akin lang yan. Kung pwede nga lang kulingin ko nalang yang mga ngiting yan eh. Baka kasi mainlove din sila sa mga ngiting yan. Hindi pwede kasi gusto ko ako lang. ako lang dapat! 😤😡😠
0 notes
bernardenace-blog · 8 years
Quote
Gusto ko kasama ka sa lahat ng gusto kong gawin.
61. Ito unang una kong sinabi sayo na sweet na sobrang bigat. Mabigat na in a way na hindi to basta basta. Kasi sa sinabi kong yan alam ko sa sarili ko na i want you to be in my life FOREVER. Kasi sa decisions and plans ko, gusto ko ng kasama ka at alam ko sa sarili kong hindi kita binobola. Dahil hindi ako ganyang nagbibitaw ng salita. Kasi may part rin saakin na selfish. Yung tipong gusto ako, gagawin KO to, pupunta AKO sa ganito. Ganyan ako, pero ewan ko kung bakit biglang pumapasok sa isip at puso na nagsasalita ng Gusto ko gawin NAMIN to, puntahan NAMIN to. Sobrang hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to before. Yun yung time na sobrang dami ko napapansin sa sarili ko na nagiging iba. Hindi ko kasi namalayan nahuhulog na pala ako sayo ng ganun kabilis. 😊☺️
0 notes