Tumgik
bicolu-blog · 7 years
Text
BLOG MEMBERS
Ang BLOG na ito ay ginawa nina:
Marielle Isidro
Kim Murillo
Micah Jasmin Mostera
Junard Miranda
Jordan Geñoso
Bryan Corral
ng BSEd 2-O.
Theresa M. Rañeses Propesor
To God be all the glory! Shalom!
0 notes
bicolu-blog · 7 years
Text
PAGBABAGO SA PAGBIGKAS, SALITA, AT SA ESTRUKTURA NG WIKA
Narito ang ilan sa mga nakapalap naming impormasyon tungkol sa pagbabago ng wika. Isinama din namin ang estado ng ating wika sa panahon ngayon. Makikita ang mga bidyo sa mga sumusunod na URL.
1. PAGBABAGO NG WIKA: SA MODERNONG PANAHON
https://youtu.be/WNAbsLFTEXE
2. HULING HIRIT SA BUWAN NG WIKA – ANG WIKANG FILIPINO SA MODERNONG PANAHON
https://youtu.be/eWkw6EsA_m8
3. INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES – PAG-USBONG NG MGA BAGONG SALITA, BAHAGI NG PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO
https://youtu.be/pcOpw0Y8rB4
4. INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES: ANG ESTADO NG WIKANG FILIPINO
https://youtu.be/WSsEaBA06-0
0 notes
bicolu-blog · 7 years
Text
MAKABAGONG PARAAN NG PAGBUO NG SALITA
PAGBUBUO NG  SALITA Ang pagbubuo ng mga salita ay isang mahalagang salik na makatutulong sa pagpapanayam ng bokabularyo.
MGA PARAAN: 1. PAGLALAPI 2. PAG-UULIT 3. PAGTATAMBAL
1. PAGLALAPI – ito ay paraan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat.
MGA PARAAN NG PAGLALAPI:
PAG-UUNLAPI
Sa pag-uunlapi makikita na ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Halimbawa: – nag + dalamhati = nagdadalmhati – mag + isip = mag-isip
PAGGIGITLAPI
Sa paggigitlapi makikita na ang panlapi ay nakalagay sa gitna ng salitang-ugat
Halimbawa: – b + um + asa = bumasa – h + in + asa = hinasa
PAGHUHULAPI
Makikita na sa hulihan inilalagay ang panlapi.
Halimbawa: – aklat + an = aklatan – hamak + in = hamakin
PAG-UUNLAPI at PAGGIGITLAPI
Makikita dito na ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-ugat
Halimbawa: – mag + ma + mahal = magmamahal – mag + pa + paraya = magpaparaya
PAG-UUNLAPI at PAGHUHULAPI
Dito makikita na inilalagay ang panlapi sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
– pag + sikap + an = pagsikapan – mag + mahal + an = magmahalan
PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI
Inilalagay ang panlapi sa gitna at hulihan ng salitang-ugat
Halimbawa: – in- + titig + an = tinitigan – in- + tabi + han = tinabihan
PAG-UUNLAPI ; PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI
Dito ikinakabit ang panlapi as unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. Tinatawag din itong  LAGUHAN.
Halimbawa: – mag + d + in + uguan = magdinuguan – nag + ka + gusto + an = nagkagustuhan
2. PAG-UULIT – Sa pag-uulit ng salitang-ugat ay nakabubuo ng bagong salita na may bagong kahulugan.
MGA PARAAN: PAG-UULIT NA PARSYAL Bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit.
Halimbawa: a + alis = aalis sa + sama = sasama
May mga salitang maylapi na ang inuulit ay ang unang katinig o patinig nga salitang-ugat.
Halimbawa: bali-balita sali-salita dala-dalawa
May mga salitang ang likas na kayarian ay may pag-uulit.
Halimbawa: bulaklak paruparo alaala
PAG-UULIT NA GANAP Dito makikita na inuulit ang buong salita na maaaring gamitan ng pang-angkop o hindi.
Halimbawa: araw = araw – araw guni = guni – guni
KOMBINASYON NG PARSYAL AT GANAP Pagsasama ng dalawang payak na salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Halimbawa: Mag + la + lakad + lakad = maglalakad-lakad
A + alis + alis = aalis – alis 3. PAGTATAMBAL
MGA URI PAGTATAMBAL NA DI-GANAP Nanatili ang kanyang kahulugan sa dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa Anak + pawis = anakpawis Balik + bayan = balikbayan
PAGTATAMBAL NA GANAP Magkaroon ng kahulugang iba sa dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa basag + ulo = basagulo bahag + hari = bahaghari
Sanggunian: https://prezi.com/zlu_gpglvb_m/pagbubuo-ng-salita/
0 notes