Tumgik
bidj69-blog · 6 years
Text
Ang Panitikan ng Cordillera
Ang bulubundukin ng Cordillera at matatagpuan sa Hilagang Luzon. Ang "C A R" ay binubuo ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Ang mga katutubo ay binubuo ng mga Bontok, Isneg, Kalinga, Kankana-Ey, Ibaloy, at Tinguian. Nagkahalu-halo ang mga katutubo kaya nagkahalu-halo rin ang kultura at magkaiba ang mga wika ngunit may tiyak na ugaling mapagkakilanlan. Ang panitikang pasalita ng Cordillera ay maaaring ritwal o di ritwal. Ang panitikang Cordillera ay binubuo ng mga epiko, awitin, mito, alamat, bugtong, kuwentong banyan, at salawikain. Ang "Canao" ay isang nagpaparangal sa espiritu ng kanilang mga ninuno. Ang Canao ay may dalawang uri. Ito ay ang "Simple" at "Malaking Canao". Ang simple ay pagkatay ng baboy, tapoy, pagluto ng gabi at bigas. Ang Malaking Canao naman ay ang pagkatay ng baboy, kalabaw at kabayo. Ang baboy na may batik na itim ay sagradu sa kanila at ito ay tinatanggap ng mga espiritu at nagbibigay ng suwerte. Ang Canao ay may apat na uri, Into ay ang Kape, Kayed, Sabeng, Pechit. Ang kape ay isinasagawa kung may bagong bahay na pinapatayo o pagkalibing sa yumaong kamag-anak. Ang kayed naman ay isinasagawa upang mapanatili ang pagiging pinuno sa barangay. Ang sabeng naman ay isinasagawa ng bagong mag asawa kadalasan ay mag asawa na mayaman ang nakagagawa nito. At ang pechit naman ay ang pinaka mataas na uri ng Canao. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw. Mayroong dalawang uri ng kwentong patula ang ginagamit sa Canao, ito ay ang Hudhod (Ifugao) at Ulalim (Katimugang Kalinga). Dalawang Okasyon kung saan inaawit ang hudhod: 1. Lamay ng isang nasa mataas na antas sa lipunan; 2. ay ang paglilinis ng damo sa palayan ng mga kababaihan at tuwing sasapit ang tag-ani. Ang Ulalim naman ay isang tulang awit na maaaring isalaysay ng lalaki o babae tuwing may kapistahan o mahalagang pagdiriwang.
1 note · View note