WELCOME. A BLOG CONTAINING MY WORKS IN FILIPINO PSYCHOLOGY
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
GREETINGS! WELCOME TO: “ME”
Hello there, I am Justine L. Sancebuche. 23 years old stunner from Baclaran, Parañaque City. I am an irregular second year psychology student from National University. This Blog is intended for my Filipino Psychology subject as a partial fulfillment requirement for the course. Well, I have nothing else to say and again, Welcome to: “ME”
0 notes
Text
I. Maikling Panimula: Creative Resume

Now we were asked by our professor to create a creative resume that will describe us. I browsed the references she gave and thought of creative inputs to make. While doing my first draft, I thought of this idea to make an actual resume with a twist. Instead of making my resume physically creative or attractive to the eyes, why not make my resume creative on content. So I came up with this output. I hope that by simply reading the content on the resume you will remember that, “Yes, this is Justine alright.” I hope you like it.
0 notes
Text
II. Paggamit ng pagtatanung-tanung sa National University ukol sa mga paksang gustong pag-usapan ng mga kabataan.
Here in the Philippines, people are not surprised when the topic Pakikiapid is brought up. Nowadays, Filipinos are starting to open their minds regarding this topic. Filipinos will talk about this like it is normal and acceptable. We chose this topic because a hit on going teleserye shook the televiewers about its plot which relates to pakikiapid. We were asked to go around the university to use the pagtatanung-tanung and pakikipagkwentuhan method in Filipino Research to know more about the chosen topic whether people are still sensitive or aware on this topic. We purposely selected three (3) participants to answer few questions pertaining to the chosen topic and then we were asked to add more data so I’ve interviewed two (2) more. A total of five (5) participants were asked about the pakikiapid. First is a male house keeper in the university, second is a male food street vendor outside the university, and a regular female university student, a single female preschool teacher and female teenager who works at a BPO company.
To start the pakikipagkwentuhan or the pagtatanung-tanung, participants were approached and was asked about their awareness on the hit teleserye, Halik, which is being aired on ABS-CBN. After the first engagement, follow up questions were asked. The questions are the following: 1) Nanunuod ba kayo ng teleseryeng, Halik? 2) Ano ang opinyon ninyo sa pakikiapid? 3) May kakilala ba kayong nakikiapid? 4) Paano kung naranasan ninyo ito, anong mararamdaman nyo?
After gathering satisfying data, below are the answers provided together with the interpretations.
1. Male; Single; House Keeping. (he was interviewed while doing his task.)
-For him, the action or pakikiapid is nakakahiya and pangit tignan.
-He emphasized that it’s bad for the female’s image than the male.
·We had limited conversation and we decided to end it. Besides being busy on his job, we felt like he is not comfortable being asked question.
2. Female; Student. (She was interviewed in the comfort room.)
-Makikipaghiwalay, she will inflict physical harm before separation from the partner.
-Her grandfather has a second family in U.S and she pity her grandmother because she was in denial at first.
-She gets angry when hearing the topic.
-She also stated that her grandparents did not separate.
·Her Experience with her grandfather led to feelings of aggression when asked about this topic.
·She already has a resolve if ever it will happen to her.
3. Male; Street Vendor; Married. (He was interviewed in his work station.)
-He got fooled. He lost interest in the relationship and had the self-initiative to end it.
-According to him, in case it happens to him again. It will depend on the situation whether he will reconcile with the partner.
-He said that “pagmahal mo kasi iba yung feeling.”
-He got cautious and scared. Has limited trust when it comes to relationship.
-Here are things he said that reminded us of some knowledge:
o “GOLDEN RULE”
o It happens because we are human and not vulnerable to sins.
o “wag mong pasukin ang hindi mo kayang panindigan.”
·During the pakikipagkwentuhan, we exchanged jokes and smiles.
·He is very open minded, and he is comfortable with the conversation.
·He has a clear view of pakikiapid because sadly, he experienced it first-hand.
4. Female; Single; Pre-School Teacher. (Teacher of my Niece, somehow, I know her.)
-Morally speaking, mali sya. Pero dapat hindi ka kaagad manghuhusga ng tao. Kung sa teleserye babase, si Jade (female character in the teleserye who did the pakikiapid) ay hindi stable yung values dahil nanggaling sa broken or separated family. Yung asawa naman nyang si Lino, (Male lead in the teleserye, husband of Jade) ay hindi financially stable, ang kinikita pa nya ay hinahati sa kanyang pamilya at sa kanila ni Jade. Hindi maintindihan ni Jade yung ganung eksena dahil galing nga sya sa broken or separated family. Kaya nung nakilala nya si Ace (Lead protagonist, “kabit” ni Jade) na mayaman, kinagat nya na yung opportunity.
-May narinig pero hindi kakilala.
-Based on personal experience, nagkita kami ng ex ko na wala kaming communication for 20 years. May feelings pa pala ako nung nagkita ulit kami vice versa. Malalim ang pinagsamahan namin. Nag-asawa nalang sya kasi naghiwalay kami. Sa umpisa, masaya yung feeling kasi mahal ka parin. Pero dahil hindi na pwede, hindi ko na tinuloy kasi may mga taong masasaktan. Nagkita kami para sa closure lamang, pero hindi na pwedeng ibalik ang dati dahil tapos na yun. So ngayon, hindi ako basta basta mang ja-judge. Iintindihin ko muna kung bakit naglead sa ganun. In the end, hindi lahat ng kabit ay ginustong mangyari yun. Baka dahil may kulang sa kanila at doon na lamang sa ganung paraan makakmit yung pagkukulang na yun.
·She is aware of moral action because she is a religious person. If ever it will happen to her, she will choose not to entertain it because she has a fear for God.
·It happened to her, but she was the Kabit. She chose to stop the forbidden relationship because she is aware that people will get hurt it the relationship continues.
·She also stated that she knows that she can win the fight over the legal wife but she is thankful that her good thinking and moral stand prevailed.
5. Female; Call Center Agent; 19 years old. (she is a friend of a friend)
-Tama depende sa sitwasyon, kasi kung mahal nya tapos mahal din sya nung other party. Edi tama.
-Meron, marami akong kilala. Sa iba, kumakabit sila dahi sa pera. Yung iba naman dahil mahal nila yung tao kahit may asawa na yung iba. So pwedeng tama pwedeng hindi, depende sa tingin ng tao.
-Siguro magkakabit ako kung mayaman yung lalaki. Pero kung kakabit yung future asawa ko, siguro okay lang basta wag syang magpapahuli dahil mapapahiya sya sa akin.
·Her thoughts on this topic are based on the experiences of her workmates so she does not have a concrete knowledge about pakikiapid.
·She will depend on the situation whether the action or behavior is acceptable or not.
·She is surrounded by people with different experiences about pakikiapid so her thoughts about this topic is not stable yet.
·She is still young and lacks experience. I think she has to experience pakikiapid to have a better understanding of it.
To be honest, the team and I had a hard time trying to start the pagtatanung-tanung. The first thing that came to my mind is that it is awkward to approach random people and ask them questions about pakikiapid and this is not something that I am used to. Bystanders participants are in mind because they are expected to know the teleserye, Halik. But we did not get the chance to approach them because they are talking to each other and it is hard to interrupt them, and we might get labeled as rude. Some bystanders noticed that we are eyeing them. We assumed that they are waiting for us to approach them, but we can say that they are also waiting for us to approach them or they are nakikiramdam. The main reason is shy got in the way and end up ignoring them to look for another participant. We were lucky to spot a respondent who is very open and who answered questions that are not being asked. The views and opinions of the people who were chosen to answer the pagtatanung-tanung are different from each other. I think that experience and their knowledge about the topic is the reason why we/I got different answers. The answers depended on their social roles, age, civil status, gender perspective, and most importantly, their experience.
Filipino method in research, pagtatanung-tanung and pakikipagkwentuhan in particular is, I think the most convenient way of gathering data. These methods allow us to be more spontaneous and expressive. Same goes for the participants because they get more comfortable in providing data and it does not limit their means of expressing their selves. Also, it gives us more chance to know the participants personally and vice versa because in this method, we feel what they feel and same goes for them while gathering data. It also builds pakikisama because the researcher and the researchee spends time together whether the time spent is short or long and, it also builds a bond that is comfortable on both ends.
0 notes
Text
III. Dear X: Advice Column
Dear X, Natanggap at nabasa ko ang iyong sulat. Unang-una, nagpapasalamat ako dahil sa akin mo ibinigay ang iyong tiwala upang malutas ang iyong suliranin. Sinabi mo na ang anak mo ay sobrang pasaway sa kanyang edad. Sa pag-aaral ng sikolohiya, masasabi ko na ang anak mo ay maaaring parte ng tinatawag na Juvenile Delinquency. Ang Delinquency o sa kaso ng anak mo, Juvenile Delinquency, ay maihahalintulad sa pagiging Anti-Social. Pagsinabing Anti-Social, hindi ibig sabihin na hindi mahilig makihalubilo ang isang tao sa iba pang tao. Sinasabi dito na ang ikinikilos ng anak mo ay taliwas sa normal na pananahimik ng isang tao o sumasalungat sa batas na maaring patungan ng kaukulang parusa depende sa antas ng nagawang kasalanan. Sa kaso ng anak mo, isa ang vandalism sa pagiging Anti-Social.
Ang ikinikilos ng anak mo ay pwedeng masabing Anti-Social. Sinasabi rin sa teorya ni Erik Erikson na Psychosocial Development na merong walong yugto. Ang anak mong 15 anyos ay papasok sa ikalimang yugto na Identity vs. Role Confusion. Sinasabi dito ang pagbabago mula sa kabataan patungo sa pagdadalaga o pagbibinata ay importante dahil dito nila tinutuklas ang kakayahang magsarili. Sinasaad din na ang isang indibidwal ay ninanais na mapabilang sa lipunan at bumagay rito.
Sa nasabing teorya, may ginagampanan ang mga taong nakapalid sa iyong anak sa kanyang kinikilos. Sa kanyang edad, malaki ang papel ng miyembro ng pamilya at lalo na ang kanyang mga barkada sa mga kinikilos nya sa kasalukuyan. Meron ka bang kasiguraduhan na mabuting impluwensya ang mga barkada nya? Hindi naman sa kinukwestyon ko ang anak mo, pero nakakasigurado ka rin ba na hindi sya ang masamang impluwensya sa grupo? Maaari ko lamang sabihin sayo na dapat ay mas bigyan mo ng pansin ang anak mo lalo na’t sa kanyang edad, iniisip na nya ang pagsasarili at mga dapat na gagawin sa lipunan. Pwede mo ring kilalanin ang mga kaibigan ng anak mo. Kung makikita mo mang hindi mabuting impluwensya ang mga ito sakanya ay kausapin mo ng mabuti ang anak mo ukol sa masamang impluwensya ng mga kasalukuyang kaibigan.
Para sagutin ang una mong tanong na namamana ba ang pagiging pasaway, masasabi kong ang pagiging pasaway ay wala sa dugo o hindi namamana. Bagkus, ito at natututunan o nagagaya. Maaring nakikita ng anak mo ang mga kilos na masasabing pagiging pasaway sa kanyang barkada o sa inyo mismo. Kinakailangang magbalik tanaw ka kung maaaring nagpakita ka ng pagiging pasaway habang pinapalaki mo ang iyong anak at obserbahan mo narin ang kanyang barkada. Kung hindi naman sa inyo o sa barkada nya, may posibilidad na napanuod nya ito sa isang palabas. Obserbahan mo rin ito. Kung iniisip mo na ikaw ang may kasalanan kung bakit sya nagkakaganyan, ayon sa teorya ni Lawrence Kohlberg na Moral Development sa yugtong Conventional Morality, nalalaman na ng isang tao ang kaibahan ng paggawa ng mali sa tama. Subalit paminsan minsan ay nalilito parin ang tao sa tama o mali kaya minsan ay nakakagawa ng mali ang tao at pakiramdam nyang tama ito. Sa tingin ko, ang anak mo ay nalilito parin kung ano ang tama o mali. Maiging pagtuunan ng pansin at gabayang mabuti ang anak mo habang nasa puder parin sya ng inyong pamamahay.
May mga nais akong ipunto sa iyo ukol sa mga dapat mong gawin upang maisaayos ang mga sinasabi mong negatibong ikinikilos habang sya ay bata pa.
- Kumustahin palagi ang iyong anak upang alam mo ang nangyayari sa kanya sa araw-araw. - Kilalaning mabuti ang kanyang barkada at sabihan ang iyong anak kung makakabuti ba sa kanya ang mga ito. - Ipaintindi sa iyong anak ang tama at mali na may pagpapatibay ng batas upang mas maintindihan nya ang pinagkaiba nito. - Pagyabungin ang talentong pagpipinta. Baka sa paraang ito lamang niya nailalabas ang kanyang saloobin.
Masasabi kong hindi pa huli ang lahat para sa iyong anak. Pagtuunan mo lamang siya ng pansin upang hindi na humantong sa paglala ang mga masamang ikinikilos. Gawin mo lamang batayan ang mga teoryang nabanggit at ang mga naibahagi kong payo sa inyo. Maraming salamat muli sa pagbabahagi nitong karanasan mo ukol sa iyong anak. Inaasahan ko sa susunod na sulat mo ay positibo na ang mababasa ko tungkol sa anak mo. Lagi mong tatandaan na nandito lamang ako upang mahingian ng tulong.
Hanggang sa susunod, Justine L. Sancebuche
0 notes
Text
IV. “Break-time Muna Ate/Kuya” Reflection Paper
Kapag sinasabing immersion o volunteered work, ang unang pumapasok sa isip ko ay ang mga simpleng manggagawa sa bansa katulad ng mga karpintero, gwardya, housekeeping o service crew. Isang importanteng proyekto sa asignaturang ito ay ang “Breaktime muna Ate/Kuya” kung saan inaasahan kaming pumalit sa trabaho ng isang napiling manggagawa ng panandalian. Sa patuloy na pagpapaganda ng proyektong ito, napagsunduan ng mga estudyante at dalubguro na pumili ng manggagawang kumikita ng malaki o may estado sa buhay. Sa naging pagbabago ng kundisyon ng proyektong ito, ang nakikita kong layunin ay upang makilala ng mga estudyante ng mas malalim ang mga dalubguro na nakakasalamuha nila. Upang hindi lamang matapos sa guro at estudyanteng relasyon ang pagkakakilanlan ng bawat isa sa isa’t isa. Natipuhan namin ng aking katuwang sa proyektong ito ang isang dalubguro na masasabi kong malaki ang suporta sa mga estudyanteng kanyang hinahawakan.
Ang naturang gawain na pandalian kong ginawa ay maging isang Critique sa mga isinumitang papel ng mga estudyante sa dalubguro. Nagbasa ako ng maraming papel patungkol sa isang paksa. Sa apat (4) na oras na itinagal ng panandaliang boluntaryong pagtatrabaho, masasabi kong mahirap ang mga gawain ng mga dalubguro base sa naging karanasan ko. Ipalagay mong lagpas ng isang daan (100) ang iyong estudyante at lahat ng ito ay may isinumiting papel na kailangan mong basahin at bigyan ng grado at kailangan mo pang gumising ng maaga upang magturo maghapon. Hindi ko man masasabi na nasanay na lamang ang mga dalubguro, pero masasabi kong kahit magbasa lamang ay nakakapagod na.
Upang kilalanin pa ng malalim ang dalubguro, gumamit kami ng Filipino Research Method na Pakikipagkwentuhan at Pagtatanung-tanung. Swerte na lamang namin dahil kakilala namin ang dalubguro at magaan ang pakiramdam namin sa isa’t isa. Isa pang nakakagulat na bagay ay magkasing edad lamang kami ng dalubguro na ito. Ang naging panimulang tanong ay “Ano ang nagtulak sa iyo sa Psychology?” Noong nagsimula na syang magkwento, naging madali na lamang para sa akin ang magtanong at sumang-ayon sa kanyang mga sinasabi. Naging maayos ang pakikipagkwentuhan ko sa dalubguro dahil interesado ako sa kanyang mga sinasabi at siguro, dahil magkasing-edad lamang kami.
Pagtapos ng pagtatanung-tanung at pakikipagkwentuhan, napagtanto ko lamang na maikli lamang ang oras natin sa mundong ito at dapat na ginagawa natin ang mga bagay na nais nating gawin habang kaya pa. Dito ko rin napansin na ang dalubgro ang magaling sa pakikisama. Dahil sa saglit lamang na panahon na kami ay nagkakilala, nagawa nang magkwento ng dalubguro ng mga bagay na may kaugnayan sa kanyang pag-aaral upang maging dalubhasa pa sa napiling kurso.
At dahil tinuring ko nang hindi ibang tao ang dalubgurong ito, para sa akin, mayroon na kaming Shared Identity dahil kapwa ko siyang naniniwala sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan. Isang malaking bagay para sa akin ang magkaroon ng dalubguro na madaling lapitan kapag may kailangan. Ginagawa nilang madali para sa akin ang pagiging kolehiyal at habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang mga bagay na nagawa ng dalubgurong ito sa akin at sa aking pag-aaral sa kolehiyo.
Upang tapusin ang pagwawari-waring ito, ako ay lubos na nagagalak dahil sa nalamang kong metodo sa pananaliksik ng mga Pilipino. Ito ay babase lamang sa pakikipag-ugnayan mo sa ibang tao at pakikipagpalagayang loob. Napaka dali at walang hamon ang mga metodong ito at pinapadali ng mga metodong ito ang paglikom ng mga impormasyon o datos. Bilang Pilipino, Inaasahan kong lumago at madagdagan pa ang kaalaman natin sa mga metodong ito.
0 notes
Text
V. MOVING FORWARD
1. Pagkatapos ng Filipino Psychology, ano ang pinakamahalaga o pinakamagagamit niyong skill and/or knowledge na natutunan sa klase? Maging kongkreto sa pagpili ng skill o knowledge. Ipaliwanag and inyong sagot.
Sa natapos na ikalawang termino, marami ang nangyari na hindi ko inaasahan. Isang halimbawa na ang pagpili ko ng mga asignaturang kukunin para sa terminong ito. Isa ang Filipino Psychology sa mga ito. Noong una, inakala ko na ito ay isang asignaturang mangangailangan ng pananaliksik batay sa mga kaibigan kong mga nakatapos na sa klaseng ito. Isang pagkakataon din na ang magiging dalubguro ko dito ay dalubguro ko rin sa isang klase. Sa pag-usad ng panahon, maraming naiimbak na kaalaman sa amin ang naturang dalubguro. Masasabi ko na hindi ko makakalimutan ang itinuro nyang paraan ng pananaliksik ng Filipino Psychology. Nakapaloob sa paksang ito ang mga pang araw-araw na pakikipanayam na isa na palang uri ng pananaliksik. Halimbawa dito ay ang pakikiramdam, pakikialam, pakikipagkwentuhan, at pagtatanung-tanung.
Napukaw ng pagtatanung-tanung at pakikipagkwentuhan ang aking atensyon. Bilang isang estudyante, ang mga ito ay naging parte na ng aking pang araw-araw na gawain at pakikisalamuha sa mga kapwa estudyante, at sa mga dalubguro. Hindi ko inaakala na isa na pala itong paraan upang makalikom na mga impormasyon. Bago ko pa lamang matutunan ito, ang pakikipagkwentuhan ay isa lamang paraan upang maibahagi mo ang iyong saloobin sa iyong kapwa. Ang pagtatanung-tanung ay isa lamang paraan ng pag-alam ng mga nais mong malaman. Masasabi kong ito ang pinakamatatandaan ko sa lahat sapagkat ito ay magagamit ko hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati hanggang sa totoong buhay na makikipagsalamuha ako sa mga taong hindi ko kilala. Ang mga ito ay panimula lamang sa mga maari pang mangyari sa estado ng relasyon at pakikibagay sa ibang tao. Makakatulong din ito upang mas makilala mo pa ang mga taong nakapaligid na sa iyo ng lubusan.
2. Panghuling mensahe na lang sa guro at sa mga kaklase tungkol sa nagging karanasan pagkatapos ng Filpino Psychology.
Para sa mga kaklase:
Hindi man kayo bago sa aking paningin, hindi ko man kayo lubusang nakikilala, salamat lamang ang maaari kong sabihing mensahe sa inyo. Salamat dahil nagawa niyong makisama sa akin. Salamat dahil binigyan nyo ako ng pagkakataon na maging bahagi ng iyong buhay estudyante sa maikling panahon. Salamat dahil nagkaroon tayo ng pagkakataong magtawanan sa isang klase. Salamat dahil nakapanayam ko kayo kahit sandali lamang. Inaasahan ko na hindi dito matatapos ang ating pagtatagpo. Nawa ay magkita-kita parin tayo sa paligid-ligid ng unibersidad. Sumainyo ang mabuting swerte mga kapatid ko.
Para sa Daludguro:
Ginang, maraming salamat ho sa inyong matiyagang pagtuturo sa amin kahit sobrang maaga ang ating klase o kahit hindi man kami makumpleto ng isang beses. Salamat rin ho sa mga gawaing ibinigay niyo upang magkaroon kami ng pagkakataon na makilala pa ang isa’t isa. Nais ko lamang ho na malaman niyo na ako ay nagagalak na kayo ang naging dalubguro ko sa Filipino Psychology. Sa aking palagay ay mas naging madali para sa akin ang pag-intindi sa mga konsepto sa asignatura. Inaasahan ko ho na maging dalubguro ko kayo sa ibang asignatura na hindi ko pa nakukuha. Pagpalain ho kayo ng Panginoon.
1 note
·
View note