Tumgik
blessedantang · 10 months
Text
Paano manligaw?
Marami sa mga lalaking TORPE. Ni hindi magawang pansinin ang isang babaeng gusto nila. Naiintindhihan ko kayo at napag-daanan ko na rin yan. Pero sa mga nanliligaw, wag pangunahan ng kaba at hiya. Manliligaw ka kaya dapat malakas loob mo, kung gusto mo makuha paghirapan mo. 
“EFFORT” wag daanin sa puro salita, ipakita mo sa gawa. Pero di ko rin maintindihan sa ibang babae kung bakit nadadala sila sa mga salita at sa huli magsisisi. Sa panahon nga ngayon chat, direct message at sa text na lang nanliligaw ang ibang lalaki. Di na uso ang sulatan at harana. Mga kerekeng na ibang babae na masabihan lang ng “I love you” mag “I love yo too” na. Kilitasin nyo rin ang mga nanliligaw sa inyo.
Paano nga ba manligaw?
Maraming paraan. Dapat lang EFFORT
1. Una, wag mo na tanungin kung “pwede bang manligaw” kasi pwedeng sabihin ng isang babae HINDI. edi UNA palang BASTED ka na? Sabihin mo. “Liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo, hayaan mo muna nang ipakita sayo kung gaano kita kamahal, at baka sakiling matutunan mo rin akong mahalin”
2. Syempre dapat may komunikasyon kayo, para matanong mo sya kung, ano gusto nya? saan tayo pwede magkita? at syempre para makilatis nyo rin ang isa’t isa. COMMON SENSE na lang dito sa no. 2
3. “BAWAL MAHIYAIN”, basahin mo intro ko.
4. Syempre, di mawawala jan yung bagay na magpapasaya sa isang babae, Flowers, Love Letters, chocolates o anumang mga favorites nila
5. Alamin mo kung ano mga hilig nya sa buhay, para kung sakaling magkasama kayo, di ka ma OP kasama nya. Pag-aralan mo ring gustuhin ang mga hilig nya.
6. Pinaka magandang paraan para mahulog ang isang girl sayo. Sopresahin mo sya. 
at ang pinaka huli
maging handa sa resulta. kahit anong mangyari dapat matanggap mo. Kung ayaw talaga sayo wag mong pilitin, pag pinilit mo ikaw din magsisisi sa huli. At ang maganda dun EXPERIENCE para pag sa susunod mong panliligaw alam mo na gagawin mo at nag IMPROVE ka na
1 note · View note