Tumgik
blogkahirapan · 10 months
Text
KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Tumblr media
Sa kabila ng pag-unlad at paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, patuloy pa rin ang hamon ng kahirapan sa maraming bahagi ng bansa. Nagdadala ito ng malalim na epekto sa mga mamamayan na nagmumula sa kakulangan sa pangunahing pangangailangan hanggang sa mga limitadong oportunidad para sa kanilang pag-unlad.
Ang Pilipinas na may kaniya-kaniyang kakaibang kultura at kasaysayan ay nahaharap sa mga isyu ng kahirapan na nag-uugat mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Isang halimbawa ng isyu ng kahirapan sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ay kakulangan ng sahod ng mga mamamayan at benepisyo na hindi patas sa Hacienda Luisita sa Tarlac City. Ito ang dahilan kung bakit nagpoprotesta sila sa mga may-ari ng sakahan dahil nahihirapan sila sa kanilang kabuhayan.
Maraming pamilya sa Pilipinas ay nagugutom at nagdurusa sa iba’t ibang problema dahil sa pagkukulang nila. Ayon sa tatlong survey na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), may mga 5.6 milyong pamilya ang nasa kahirapan noong 2022 at higit sa 1 milyong pamilya ang nahihirapan dahil wala silang kuryente. Ito ay mas marami sa 5.2 milyong pamilya na natukoy na mahirap sa Listahanan 2 survey noong 2015. Ang kabuuang pagtaas ng kahirapan sa nakalipas na ilang taon ayon kay Andrew Ambubuyog noong Press Conference noong Nobyembre 23 ay dahil sa pagkawala ng trabaho sa panahon ng pandemya.
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
MGA URI NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Sa Pilipinas ay may iba’t-ibang uri ng kahirapan na nagaganap at ang mga ito ay may iba’t-ibang aspeto at dimensyon. Bagama't umuunlad at rumarami ang mga oportunidad at imprastraktura sa mga lugar na malaki ang populasyon. Ang kahirapan ay isa pa ring malaking problema sa Pilipinas. Ang agwat ng kita sa Pilipinas ay sanhi ng maraming isyu sa istruktura. Maraming mga tao ang hindi pa rin kayang magbayad para sa edukasyon o pagpapabuti ng kanilang mga kasanayan sa trabaho katulad ng kahirapan sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan dahil kulang ang pangbayad.
Ang mga kondisyon ng pamumuhay sa mga lugar na marami ang populasyon ay apektado rin ng kakulangan ng hindi sapat na mga sistema ng suporta ng pamahalaan at ang access sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng kuryente, ilaw at inuming tubig, at ang edukasyon ay nananatiling hindi pantay rin sa ibang mga lugar. Ito lamang ang mga mga kilalang problema na laging naririnig, ngunit marami pang ibang uri ng kahirapan na kailangan natin alamin.
1. Situational Poverty - Ang situational poverty ay isang panahon ng pagiging mahirap na dulot ng mga salik sa sitwasyon at kabaligtaran ng henerasyong kahirapan, na isang anyo ng nakabaon na kahirapan na maaaring sumaklaw sa maraming henerasyon ng isang pamilya. Mayroong ilang mga dahilan para lumitaw ang kondisyong ito, ngunit ang ilan sa mga pinakakaraniwan ay ang diborsyo, pagkamatay ng asawa, hindi inaasahang gastos sa kalusugan, at pagkawala ng trabaho.
Tumblr media
2. Generational Poverty - Ang generational poverty ay isang terminong ginamit sa mga pamilyang nakaranas ng kahirapan sa loob ng hindi bababa sa dalawang henerasyon. Maaari itong makaapekto sa bawat aspeto ng buhay ng isang tao: pisikal, sosyal, emosyonal at mental.
Tumblr media
3. Absolute Poverty - Ang ganap na kahirapan ay tumutukoy kapag ang isang tao o sambahayan ay walang pinakamababang halaga ng kita na kailangan upang matugunan ang pinakamababang pangangailangan sa pamumuhay na kailangan sa loob ng mahabang panahon. Sa madaling salita, hindi nila matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at kapag bumaba ang isang indibidwal sa threshold na ito, nanganganib ang kanilang kaligtasan.
Tumblr media
4. Relative Property - Ang relatibong kahirapan ay ang antas ng kahirapan na nagbabago batay sa konteksto–ito ay nauugnay sa klima ng ekonomiya. Ito ay kapag ang isang sambahayan ay tumatanggap ng 60% ng average na kita ng sambahayan sa kanilang sariling ekonomiya. Mayroon silang kaunting pera, gayunpaman, hindi sapat upang bayaran ang anumang bagay na higit sa mga pangunahing kaalaman.
Tumblr media
5. Urban Poverty - Ito ay tumutukoy sa kahirapan sa lungsod na tumutukoy sa hanay ng mga kahirapan sa ekonomiya at panlipunan na matatagpuan sa mga industriyalisadong lungsod at resulta ng kumbinasyon ng mga proseso tulad ng: ang pagtatatag ng komportableng pamantayan ng pamumuhay, ang pagtaas ng indibidwalismo, mga proseso ng pagkakapira-piraso ng lipunan, at ang dualisasyon ng labor market, na isinasalin sa sosyal na dualisasyon.
Tumblr media
6. Rural Poverty - Ito ay tumutukoy sa mga sitwasyon kung saan ang mga taong naninirahan sa mga hindi-urban na rehiyon ay nasa isang estado o kondisyon na kulang sa mga mapagkukunang pinansyal at mga mahahalagang bagay para sa pamumuhay. Isinasaalang-alang ang mga salik ng lipunan sa kanayunan, ekonomiya sa kanayunan, at mga sistemang pampulitika na nagdudulot ng marginalization at kawalan ng ekonomiya na makikita roon.
Tumblr media
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
ANG TUNAY NA IMAHE NG KAHIRAPAN
Tumblr media
Ang mga susunod ay maaring mapagkukunan pa ng mas malalim at personal na pagkilala tungkol sa kahirapan. Pinapakita rito ang buhay ng ilan lamang sa ating mga kababayan na dumaranas ng kahirapan.  Kilalanin ang mga sumusunod na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay oras sa panonood sa mga dokyumentaryo.
Ang pagkilala sa mga halimbawa ng mga Pilipino na dumaranas ng kahirapan ay nagbibigay-boses sa mga sektor ng lipunan na nangangailangan ng tulong at suporta. Ito ay nagsisilbing paalala sa mga mamamayan at liderato na may mga tunay na pangangailangan na dapat tugunan.
Lalyn
youtube
“Okay lang maging mahirap basta may pangarap. Pangarap na sinasamahan ng pagsisikap. Pagsisikap na may kasamang tiyaga at diskarte.” - @khelfernando8516
2. Malou Poblete
youtube
“Nakakapagod na, pero mas may pagod pa pala sa iyo.” - @markanthonygimeni9705
3. Lito Bunukan
youtube
“Grabe naman! Bakit kasi hindi man lang tulungan ng gobyerno nila, kawawa naman sila.” - @april-lhergunzales3072
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
POSIBLENG DAHILAN NG KAHIRAPAN
Kawalan ng Trabaho - Ang unang sanhi ng kahirapan ay kawalan ng trabaho. Ang mga taong walang regular na trabaho ay natural na walang sapat na kita upang matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Korapsyon - Ang mga programa para sa paglago ng ekonomiya para sa mahihirap ay hindi maaaring suportahan ng gobyerno dahil sa korapsyon o kulang ang pondo.
Kakulangan sa Serbisyong Pangkalusugan - Ang katayuan sa kalusugan sa pilipinas ay bumuti nang malaki sa nakalipas na apat na dekada. Gayunpaman, ang katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay o malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa o klase sa access sa pangangalaga ng pangkalusugan at ang mga resulta nito ay nananatili.
Paglawak ng Populasyon - Mas magiging mahirap para sa pamahalaan na kontrolin ang mga mamayanan nito. Dagdag pa rito, ilan sa mga epekto ng paglaki ng populasyon ay ang kakulangan ng pagkain at trabaho. Tataas ang proporsyon ng mga taong walang trabaho dahil kung marami ang tao, mas mahihirapan ang paghahanap ng trabaho. Hindi lahat ng kumpanya ay makatutulong sa lahat ng nangangailangan. Dahil dito, mas marami ang naninirahan sa lansangan dahil sa kawalan ng pera kaya naman maraming bata ang hindi nakakapag-aral ng sapat.
Pang-aabuso sa Droga - Ang mga taong mahihirap at naadik sa droga ay mas nahihirapang makapunta sa mga rehab center. Nagdudulot ito ng malalaking problema para sa kanilang kalusugan sa isip at pananalapi.
Mataas na Implasyon - Ang pagtaas ng presyo ay isa sa mga pangunahing problemang pang-ekonomiya na kinakaharap ng ating bansa. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang inflation, at senyales din daw ng pag-unlad ng ekonomiya ang ganitong pangyayari. Ito ang dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay lubhang mahirap ngayon. Nararamdaman ng bawat mamamayan ng ating bansa ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa anumang antas ng pamumuhay.
Iba pang Dahilan ng Kahirapan:
Kakulangan sa Pondo para sa Pampublikong Proyekto
Kakulangan sa edukasyon
Kakulangan sa Infrastruktura
Natural na Kalamidad
Pagkagumon sa Pagsusugal
Pang-aabuso sa Kriminalidad
Pagbabago ng Klima
Mga pagkakamali sa pagbabadyet
Hindi magandang sistema ng pangangalagang pangkalusugan
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
POSIBLENG EPEKTO NG KAHIRAPAN
Child Labor - Isa sa maraming epekto ng kahirapan ay ang tinatawag na child labor. Ito ay ginagawa ng mga bata na kulang sa edad kung saan ay nagtatrabaho sila ng sapilitan at walang permit na maaaring makasama sa kanilang kalusugan. Itinuturing na child labor ang isang gawain kung ang mga batang nagtatrabaho ay nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang. Ang rason kung bakit sila nagtatrabaho sa kabila ng kanilang murang edad ay dahil sa kahirapan at upang kumita sila ng pera na magiging sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kadalasang nakikita ang child labor sa mga gawaang pabrika, quarry o minahan, dagat, bar, tindahan, tambakan ng basura, at sa mismong sariling tahanan.
Tumblr media
Krimen at Pagnanakaw - Ang krimen ay kadalasang sanhi ng matinding kagutuman na mas naghihikayat pa sa ekonomiyang dahilan katulad ng kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at paglaki ng populasyon. Kahirapan ang pangunahing isyu na madalas ay nakaugnay sa krimen at pagnanakaw. Ang pangunahing dahilan ng pagnanakaw ay dahil sa mga paghihirap na dulot ng kahirapan ng mga tao tulad ng kakulangan ng trabaho.
Tumblr media
Kawalan ng Kakayahang Makabili ng Pabahay - Ang kahirapan at kakulangan sa abot-kayang pabahay ay nagdudulot ng kawalan ng kakayahan ng pamilyang pilipino na makabili ng bahay. Ito ay masalimuot na katotohanan na kung saan ay ang kita ng karamihang pilipino ay hindi naaayon sa halaga ng pabahay. Kulang ang kanilang salapi at ipon para makabili nang maayos at ligtas na tirahan. Dahil dito, ang mga nasa laylayan ay naninirahan sa kalye, ilalim ng tulay, at iba pang hindi ligtas na lugar na naglalagay sa kanila sa panganib.
Tumblr media
Malnutrisyon - Ang malnutrisyon ay isa sa mga pinaka-malubhang epekto ng kahirapan sa Pilipinas. Karamihan sa mga pilipinong nasa laylayan ay “isang kahig, isang tuka” na kung saan ay pinagkakasya lamang ang nakuhang salapi o sweldo para mahainan ng sapat na pagkain ang kanilang pamilya. Sila ay pilit na nabubuhay sa limitadong suplay ng pagkain dahil sa kakulangan ng pambili nito. Kung tutuusin, dati ay kanin ang pangunahing pinagmumulan ng nutrisyon ng mga pilipino, ngunit ngayon ay instant noodles na. Mas pinipili na ang instant noodles sa kadahilanang mas mura kahit na hindi masustansya, lalo na sa panahon ngayon na labis ang pagtaas ng presyo ng bigas. Bilang resulta, mas lumalaganap ang malnutrisyon sa Pilipinas dahil sa kahirapan.
Tumblr media
Iba pang epekto ng kahirapan:
Kawalan ng Access sa Kultura at Pampublikong Serbisyo
Kawalan ng Pagkakapantay-pantay
Kawalan o Maliit na Posibilidad na Makapag-enrol sa Paaralan
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
MGA PARAAN PARA MAIBSAN ANG KAHIRAPAN
Pamumuhunan sa Edukasyon
Maglaan ng sapat na pondo para sa edukasyon upang masiguro ang access sa dekalidad na paaralan at mataas na antas ng edukasyon para sa lahat. Ang edukasyon ay nagbibigay ng oportunidad sa isang tao na makakuha ng trabaho at matuto ng mga kasanayan na tutulong sa kanila hindi lamang mabuhay kundi umunlad din.
Pagtaguyod ng Trabaho at Kabuhayan
Itaguyod ang mga proyektong naglalayong lumikha ng trabaho at kabuhayan, lalo na sa mga lugar na may mataas na antas ng kahirapan.
Pagkakaroon ng Dekalidad na Serbisyong Pangkalusugan
Siguraduhing may access ang lahat sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa abot-kayang mapalakas ang seguridad sa pagkain.
Pagpapaunlad ng Ekonomiya
Ang paglago ng ekonomiya ay ang pinakamabisang paraan para mabawasan ang kahirapan at umunlad ang kalidad ng buhay sa mga developing country tulad ng Pilipinas.
Maayos na Gobyerno
Kapag mayroon kang magandang gobyerno sa pulitika, ekonomiya, at institusyon, lalo na pagdating sa paglaban sa korapsyon. Ito ay nagpapataas ng kita ng mga mahihirap at nagpapababa ng kanilang kahirapan.
Pagbabawal sa Droga
Ang mga droga ay dapat na ganap na ipinagbabawal sa Pilipinas dahil ito ay masyadong mapanganib na hindi makontrol, at delikado. Ito rin ay mas nagpapahirap sa ating mga Pilipino.
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
ENTREPRENEURSHIP ANG MAKABAGONG SOLUSYON SA KAHIRAPAN
Tumblr media
Kapag umalis ka ng bahay at pumunta sa isang palengke, ang una mong makikita ay ang isang taong namamalimos o nagbebenta ng isang bagay. Ang kahirapan ay isang patuloy na isyu sa Pilipinas, na ginagawa itong araw-araw na pakikibaka upang mabuhay at humadlang sa ating potensyal para sa isang mas magandang kinabukasan. Sa kasamaang palad, sa halip na mag-udyok sa mga indibidwal, ang kahirapan ay kadalasang humahantong sa kanila sa pamamagitan ng mapanirang landas kung saan hindi na sila maaaring makabangon. Ang mabigat na pasanin na sumisira sa mga pag-asa at pangarap ng hindi mabilang ng mga pamilyang naiipit sa ikot nito, lalo na ang mga patuloy na dumaranas ng paghihirap para lamang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ang kahirapan ay may mapangwasak na epekto na maaaring sumira sa mga indibidwal at komunidad kaya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan upang makakuha ng pagpopondo para sa mga startup ng entrepreneurial, epektibo nating masisira ang ikot ng kahirapan. Ang diskarte na ito ay nagpapalakas ng paglago ng ekonomiya sa isang napapanatiling paraan, na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga indibidwal na kumita ng kanilang sariling kita at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay. Sa huli, ito ay nagbibigay-daan sa kanila na makatakas sa kahirapan at makamit ang kanilang ninanais na antas ng tagumpay.
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
SA BAWAT HAKBANG, UMAALSA ANG TAPANG LABAN SA KAHIRAPAN
Sa pagmumuni-muni sa mga isinulat ukol sa kahirapan sa Pilipinas at ang mga hamon nito, masasabi natin na ang kahirapan ay isang sistematikong suliranin na nangangailangan ng komprehensibong solusyon. Ang iba't-ibang uri ng kahirapan, mula sa sitwasyonal, henerasyonal, absolute, relative, urban, at rural, ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsusuri sa mga sanhi at epekto ng mga ito.
Maraming mga pondo ang nagiging sanhi ng kahirapan sa Pilipinas, tulad ng kawalan ng trabaho, kakulangan sa edukasyon, at korapsyon sa gobyerno. Ang mga epekto nito, tulad ng child labor, krimen at pagnanakaw, kawalan ng kakayahang makabili ng pabahay, at malnutrisyon, ay nagdudulot ng masusing pag-aaral sa kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan.
Sa pagtatapos, ang mga solusyon tulad ng pamumuhunan sa edukasyon, pagtaguyod ng trabaho at kabuhayan, pagpapaunlad ng ekonomiya, maayos na pamahalaan, at pagbabawal sa droga ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring magdulot ng pag-angat sa mga suliraning kaakibat ng kahirapan. Sa pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga mamamayan, posible ang pag-ahon mula sa kahirapan at ang pag-abot sa isang mas maunlad at makatarungan na lipunan.
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
Tumblr media
0 notes
blogkahirapan · 10 months
Text
SA KABILA NG KAHIRAPAN, ANG PAG-ASA AY LAGING NAG-AALAB SA PUSO NG BAWAT ISA
Tumblr media
Sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kahirapan sa Pilipinas, mayroong nagliliyab na pag-asa na bumabalot sa hinaharap. Ang pag-unlad at pag-usbong ng bansa ay nagiging mas matibay dahil sa mga hakbang na tinatahak upang labanan ang kahirapan. Ang pagiging bukas sa mga solusyon, tulad ng pagpapalakas sa sektor ng edukasyon, pagbibigay ng oportunidad para sa kabuhayan, at pagtataguyod ng makatarungan at makataong pamahalaan, ay mga hakbang patungo sa isang mas maginhawa at mas maunlad na hinaharap. Sa bawat Pilipino na nagkakaisa at naglalaan ng tulong, maaaring masugpo ang kahirapan at maabot ang pangarap ng isang lipunang may pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat. Hayaan nating maging inspirasyon ang bawat kwento ng tagumpay at pagbangon mula sa kahirapan. Ang bawat pagtutulungan at pagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng mga nangangailangan ay nagbibigay daan sa pag-usbong ng positibong kinabukasan. Sa ating pagtutulungan, maaari nating palakasin ang bawat sektor ng lipunan at masiguro ang isang mas maaliwalas at mas makatarungan na bukas para sa lahat. Ang pag-asa ay nagsisimula sa atin, sa bawat kilos ng kabutihan, at sa pangarap na ang bawat Pilipino ay makakaranas ng mas magandang buhay. Let us remain hopeful and committed to creating a future where poverty is no longer a barrier, but a challenge overcome through unity, compassion, and collective effort.
1 note · View note
blogkahirapan · 10 months
Text
Pangkat Dalawa [2]
Pangalan ng mga miyembro: BONGA, JESSA JOY CATAPANG, ARIANNE KYLE  FENIZA, RHEIN FRANCINE MARGARETTE  GEROMO, HAILLIE MAE ISIDRO, CARLO ALEXANDER KIM, JIN HA  PENANO, MYLENE  PEREZ, BARNES ALLEN  SANTOS, RHU ANDRE  TACAD, SAMANTHA NICOLE TRESVALLES, FRANCES NICOLE
2 notes · View notes