Text
Sa dinamirami ng mga kwento sa buhay ko, ikaw ang pinakapaborito ko. Sa kwentong ito, ikaw at ako ang bida. Ikaw at ako, dahil walang tayo. Sa kwentong ito, maraming bakit at paano. Bakit ikaw? Bakit ganito? Paano nagsimula? Paano natapos? Isa itong kwentong maaaring kawangis ng iba ngunit para sa akin ay nag-iisa. Kwentong kaibigan na isa lang ang natutong magmahal. Kwentong bigo, kwentong sawi. Minsan ay mas lamang ang saya sa sakit, madalas mas lamang ang sakit sa saya. Minsan may matamis na ngiti, madalas may luhang dumadaloy sa pisngi. Pero bakit nga ba ito ang pinakapaborito kong kwento? Bakit nga ba ikaw? Isa lang ang sagot: ikaw ang pinakapaborito kong kwento dahil ikaw ang pinakamasakit.
0 notes
Text
HINDI NA IKAW
Hindi na ikaw. Hindi na ikaw ang hinahanap ko sa bawat pag gising ko sa umaga. Hindi na ikaw ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para pumasok ng maaga. Hindi na ikaw ang dahilan ng matatamis na ngiti sa aking labi. Hindi na ikaw ang oras oras kong gustong makatabi.
Hindi na ikaw. Hindi na ikaw ang niyayakap ko sa tuwing ako'y nalulungkot. Hindi na ikaw iniisip ko sa tuwing ako'y nababagot. Hindi na ikaw ang laman ng aking mga madamdaming tula. Hindi na ikaw ang naalala ko sa tuwing ako'y nakatingin sa mga tala.
Hindi na ikaw. Hindi na ikaw ang gusto kong mahalin. Oo, sana hindi na ikaw. Pero puta bakit ikaw pa rin.
0 notes