brilliandelcastillo
brilliandelcastillo
Untitled
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
brilliandelcastillo · 4 years ago
Text
Kaalamang, Natutuhan, Naunawaan at Naintindihan
Ano nga ba ang Panitikan? Ang natutunan ko sa subject na ito ay ang Panitikan. Ito ay ang pagtula na nag-uugnay sa isang tao at pagsulat ng tuwiran o tuluyan. Ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana ay ang mga panitikan, Ito ang Piksyon at Di-Piksyon. Maaaring ilan sa atin ay hindi paring lubos mauunawaan ano nga ba ang Panitikan, ngunit para sa akin ang panitikan ay ang daan o talento ng isang mamamayan na lumikha o makapagpabago ng pananaw at paniniwala ng isang tao sa pamamagitan ng pagsulat o pagkuwento kung saan maaaring pinagbasehan ang sariling karansan, kaisipan o pawang gawa gawa lamang ng mga tao. ito ay mga istorya na makatotohanan at hindi makatotohanan. natutunan ko din kung paano gumawa ng Kritikal na sanaysay para sa mga sulatin at mga storya na makatotohanan at di-makatotohanan. at ang pinaka mahalaga dito ay kung paano nga ba umintindi ng mga sulatin na may malalim na ibig sabihin. Kaya maganda ring pag-aralan at alamin pa kung ano ang panitikan dahil maaari itong makatulong upang mas makilala o kilalanin mo pa ang iyong sarili kung saan mas madidiskubre mo ang kalinangan at yamang kaisipan na iyong taglay. Ito rin ay nagsisilbing tulay upang makilala at maintindihan natin ang bawat isa, nagkakaroon tayo ng maayos na komunikasyon at maayos na pakikitungo sa ating kapwa. Isa pa sa mga aking nalikom na aral ay kung paano mag suat at bumuo ng maikling kuwento dahil isa to sa aming mga kailangan tapusin at gawin upang maka pasa sa semestreng ito na kahit mahirap natapos at nagawa padin naman ng matiwasay at naisulat naming ng maayos at malinis. para saakin ang pinaka importante dito ay ang pag tutulungan ng grupo namin upang matapos at maipasa ang ginawa naming Maikling kwento.
Tumblr media
0 notes
brilliandelcastillo · 5 years ago
Text
KRITIKAL NA SANAYSAY
Ang Kamalayang Feminismo by Hiraya ni nanay bunso (Critical Essay)
Batay sa aking mga nabasa at naintindihan sa aking binasang kuwento na tungkol sa ang kamalayang feminismo ni hiraya ni nanay bunso isa lang naman gusto ipunto ng kuwento na iyon ito ay tumutukoy sa mga kababaihan o sa isang katangian ng isang babae. Ang pinaka punto lang naman ng kuwento na ito ay ano ano nga ba ang papel ng mga babae sa ating mundo at ano nga ba kayang gawin ng mga babae na kaya din gawin ng mga kalalakihan. Ayon kay nanay bunso ang nais lang naman nya sabihin o ipunto ay na mahalaga ang papel ng mga kababaihan sa ating mundo na may kanya kanya silang gampanin o responsibilidad na kayang kaya nila ng walang tulong ng mga kalalakihan at isa pang sinasabi sa kuwento na Malaki ang mga adboksiya ng mga babae sa lipunan dahil sa kanilang angking talento at kalakasan na meron sila. Masasabi kong ang mga babae ay Malaki ang reponsibilidad sa lipunan bakit? Dahil alam naman natin ang tao ay minamaliit ang babae ito nakakaranas ng mga kung ano anong masasamang mga salita na akala na hindi naaapektuhan ang kanilang mga emosyon o damdamin tao din naman sila marunong din naman silang maka ramdam ng sakit at sama ng loob at higit sa lahat may puso rin naman sila kaya dapat ang mga babae ay ito pinahahalagahan at isa pa ay minamahal ito ng buong puso. Kaya alam naman natin sa ating lipunan lalo na sa gobyerno madaming mga babae ang mga naka upo sa kanilang puwesto na kayang kaya nila itong ipaglaban dahil meron silang sapat na kalakasan upang iloklok sa puwesto nayun at isa pa din na aking natutunan na ang mga babae pala ay may talent din sila upang makagawa o maka pag sulat ng mga kuwento na tulad na lamang itong sinulat ni nanay bunso.
Tumblr media
0 notes
brilliandelcastillo · 5 years ago
Text
FICTION AND NON-FICTION
Force by Habit (Non- Fiction) 
    Batay sa akin mga nabasa at naintindihan habang binabasa ko ang force by habit ay marami akong natutunan at mga sumagi sa akin isipan na bakit ganun? Totoo nga ba talaga na dapat nangyare yun sa kanya? O talaga bang may dahilan kaya nya yun naranasan. ?  Ang mga natutunan ko habang binabasa ko ang kuwento nayun sa una medyo parang hindi ko maintindihan ang punto ng kuwento o tunay na punto ng kuwento so nag patuloy lang ako sa pag babasa habang nasa bandang gitnang parte na ako ng kuwento paunti unti ko na syang naiitndihan o nakukuha ang punto ng kuwento nayun. Hangang ayun na nga na mahalaga pala dapat na bilang isang guro / pangalawang magulang ng mga estudyante ay may maituturo kang maganda na puwede nilang magamit sa kanilang pang habang buhay hindi lang sa habang nag aaral sila. At mahalaga din na may maiwan kang mahalagang aral o kasabihan sa mga estudyante at isa padin na napulot kong aral sa kuwento na si ced ay pumasok sya sa isang relasyon ngunit di maganda ang naging resulta ng kanilang pag mamahalan dahil masyado nyang binigay lahat lahat para dun sa babae. na dapat sa isang relasyon hindi mo lahat ibibigay sa kasintahan mo kung hindi mag titira ng para sayo kase sa huli ikaw ang kawawa at yun ang mga nakuha kong aral sa kuwento nayun.
Tumblr media
   Impeng Negro by Rogelio sicat (Fiction)
Batay sa aking mga nabasa at naintindihan sa kuwentong impeng negro ni Rogelio sicat na kahit ano man ang estado mo sa buhay mayaman ka man o mahirapa ka man o may kaya man hindi yun ang basehan sa lipunan ang mahalaga lang ay masaya ka dahil kumpleto ang pamilya at ang mahalaga ay may sapat kayong tirahan at ligtas ang lahat. Kay impeng naman maganda ang kanyang ginawa dun wag nayang pansinin si ogor dahil wala naman syang mapapala dun sa tao nayun pero sadyang di na talaga natiis ni impeng ang kasamaan ng ugali ni ogor. Kaya napatulan ni impeng ng wala sa oras si ogor na proteksyon lamang ang giniwa ni impeng kaya nya yun pinatulan si ogor dahil nga sa masamang ugali nitong si ogor at sa una palang ay mali na agad itong si ogor. Sa buhay natin mga tao di naman masama ang makipag away sa kapwa natin kung hindi ang iba ay proteksyon lang sa kanilang sarili kaya sila minsan ay napapaway ng wala sa oras yun naman din ang nakita ko at pag kakaintindi ko sa kuwento na aking nabasa. Na mahalaga ay alagaan mo ang iyong sarili at patin narin ang iyong mga pamilya at ilayo sila sa kapahamakan or disgrasya sa ating buhay.
Tumblr media
0 notes
brilliandelcastillo · 5 years ago
Text
PANITIKAN
1. Ano ang Panitikan? 
Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin. Sa payak nitong kahulugan, ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat. Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik“. Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN. Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na mga akda (oral literature). Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng grupo ng mga salita. Karamihan sa literatura ay naipapahayag sa pamamagitan ng pagsulat, at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o pagsasalita.
Tumblr media
2. Bakit Kailangan pag-aralan ang panitikan? 
Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matutunan natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at maayos. At isa pa kung bakit kailangan pag aralan ang panitikan upang maihatid sa ating Pilipino ang panitikan din may puwede natin ito magamit sa pang araw araw nating buhay di lang sa pag aaral kung di kasama rin ito sa pang araw araw na buhay nating mga tao. Pinag aaralan din ang panitikan dahil inihahatid nito sa atin kung paano tayo mag sulat nga nobela at tula ng tamang at angkop na pag susulat o pag gawa. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
3. Paano pinag-aaralan ang panitikan? 
Pinag- aaralan ang panitikan upang maimulat tayong mga Pilipino na ang pantikan ay may saysay sya sa atin nag dadala sya ng mga mahahalagang impormasyon na magagamit natin mga tao sa pang araw araw natin buhay. Napaka gandang pag aralan ng panitikan dahil kung hindi ninyo nalalaman, ang panitikan ay salamin ng buhay. Naglalarawan ito ng realidad. Ito yung mga sulatin na masasabi nating makaka-relate kang talaga. Bilang Pilipino, isa rin sa dahilan kung bakit tayo nag aaral at dapat na mag-aral ng panitikan ay sa kadahilanang ito ang nagsisilbing paalala sa ating mga tila ba nakakalimot sa napakayabong na kultura ng ating bansa.
Tumblr media
1 note · View note