Tumgik
buttercookiesncream · 7 months
Text
“The things you do for yourself are gone when you are gone, but the things you do for others remain as your legacy.”
— Kalu Ndukwe Kalu
207 notes · View notes
buttercookiesncream · 7 months
Text
2024
unang tatlong buwan pa lang sa taong ito, tinatanong ko ang sarili ko kung para sakin ba ito.
nakahanap ako nang bagong trabaho, ngunit iniisip ko kung para sakin ba ito or pinipilit ko lamang ang sarili ko, ika walo nang Marso sa Taong kasalukuyan. Bagong kasama, bagong paligid, magkaiba sa eksaktong pangyayare nung nakaraang taon. Imbis na tao ang kausap ko sa telepono, kausap ko na sila sa nang personal, gumagawa nang transaksyon kaharap sila hawak ang kanilang milyong kayamanan na pinagipunan. Tinatanong ko ang sarili ko kung para sakin ba ito, or pinipilit ko lang ang sarili ko sa larangang ito para makalaya sa sitwasyon na hindi ko naman pinapangarap. 26 na ako sa taong ito, humihinga nag titipa sa gadyet gamit ang laptop na aking pinundar iniisip kung saan nga ba ang direksyon nang buhay kong ito, iniisip kung tama ba ang daan na tinatahak ko. iniisip kung may problema ba ako or gusto ko na lang kumawala sa sitwasyon na ito, nakakapagod kung may magtatanong kung kamusta na ako, lahat nang galaw ko ay bantay at kailangan iulat sa nakakatanda, 26 pero akala mo may sariling pamilya. wala naman akong pamilya, walang sariling pamilya na kung saan may asawa at anak pero may ina at kapatid na kailangan isama sa buhay. nakakapagod ang taong ito at syempre ang buhay na ito, kasi akala nila porket maganda na ang trabaho mo maganda na rin ang buhay mo, ang hindi nila alam hindi dahil wala naman ang nagtatanong kung kamusta na kaya ang taong naguulat na ito. Kailangan mong galingan dahil pag nag asawa na ang kapatid mo ikaw na ang sasagot sa buhay nang Ina mo at kapatid mo, magiging maramot ba ako kung pipiliin ko ang sarili ko? naawa ako sa sarili ko kasi nag kakasakit na ako pero ni isa walang nagtanong kung kamusta na ba ako? simpleng salita pero walang nagtatanong. uminom ka nang gamot para makapasok ka dahil kailangan kasi pag hindi? nandyan na ang mga bayarin na kailangan bayaran na hindi pwedeng saluhin nang iba dahil may kanya kanyang responsibilidad. iniisip ko pa lang ang magiging sahod ko pero nagiisip na ako kung paano ko pagkasyahin. Lord, ito ba talaga ang plano mo? kasi napapagod na ako, napapagod na ako sa araw araw dahil hindi ko na sigurado kung nasa tamang landas at daan pa ba ako? plano mo bang sumuko na ako? ilang araw na akong nanaginip na kasama ko ang mga namayapa kong mahal sa buhay, naiisip kong mas masaya siguro don kasi walang problema na iniisip, maglalakad lang ako nang payapa dahil sa wakas nakauwi na ako sa tunay kong tahanan. sabi nila hindi raw dapat ako magisip nang kung ano ano dahil nasa isip ko lang ito, pero sa totoo lang? pagod na ako, sinasadya ko nang lumiban sa trabaho para magpahinga pero sa totoo lang gusto ko na lang tumakas sa hamon nang buhay, gigising, liligo, kakain papasok at kung ano ano pa, nakakapagod na rin. napapagod na rin ako :)
0 notes
buttercookiesncream · 9 months
Text
“Be yourself; everyone else is taken.”
— Oscar Wilde
263 notes · View notes
buttercookiesncream · 9 months
Text
Attending online mass last night, ang sarap mag puri sayo <3
0 notes
buttercookiesncream · 9 months
Photo
Tumblr media
Tongariro National Park New Zealand
© Harry Pope
6K notes · View notes
buttercookiesncream · 10 months
Text
“Whenever you see a successful person, you only see the public glories, never the private sacrifices to reach them.”
— Vaibhav Shah
397 notes · View notes
buttercookiesncream · 10 months
Text
“Don’t run from lessons; they are little packages of treasure that have been given to us. As we learn from them, our lives change for the better.”
— Louise Hay
173 notes · View notes
Quote
Stop letting people who do so little for you control so much of your mind and emotions.
Will Smith (via resqectable)
289 notes · View notes
Quote
If you want to be strong, stop saying things that make you feel weak.
Jordan Peterson (via thoughtkick)
505 notes · View notes
Quote
Standing alone is better than standing with people who hurt you.
Unknown (via resqectable)
255 notes · View notes
Quote
You know who’s gonna give you everything? Yourself.
Diane Von Furstenberg (via thoughtkick)
1K notes · View notes
Quote
Live the life you’d be envious of if you saw someone else living it. This is my personal mantra. Whenever I’m going through a difficult time, like a breakup, and I’m wishing to be the person who could get over it and move on, I tell myself to be that person. Instead of waiting to be inspired by someone else and being jealous that they’re living a life I wish I had, I tell myself not to wait for that moment and to start being the person I want to be. If you wish you were the woman who went for that big promotion, learned a second language, dumped that guy who cheated on you, then just be that person. Think, if I have the energy to wish for it, I have the energy to do it.
Olivia Munn (via resqectable)
113 notes · View notes
Text
Hi
September 06,2023
Hi, It's me again, muli akong sumusulat sa nag iisang takbuhan pag wala na akong makausap at mapag kwentuhan. Today I'm writing habang inaatake ako ng anxiety.
I'm currently on work. 7:00 am ang duty ko, pero past 08:00 am na iyong utak ko nilalamon ng kung ano ano. We're currently working from home kaya hindi nila nakikita kung ano ang ginagawa namin, we can eat, lying on bed, watch movies or kdramas. on duty ako pero ito, nagpapatugtog ng high volume music ng Maroon 5 na kantang Won't Go Home without you lol.
for the past few months, naguguluhan ako kung tama ba ang ginagawa ko. nag rerelapse ako sa mga pangyayareng ayaw ko na pero binabalik ako ulit. nalalabanan ko siya pero may times na malulugmok at iiyak na lang ako talaga.
especially today, ang sakit ng dibdib ko. akala ko sa coffee lang na iniinom ko kahapon kaya hindi ako uminom ng coffee pero nag try akong huwag uminom pero iyong sakit ng dibdib ko nandito parin, so inshort hindi ako nag papalpitate, mabigat iyong dibdib ko for the past few weeks, months days and years.
Aminado ako, hindi heal iyong inner child ko, at hindi ko alam sino ba dapat iyong sisihin ko sarili ko ba insecurities ko or iyong environment ko.
At first my father died before I graduated elementary, at before he left, ang sabi pa niya sakin, hintayin ko siya dahil sabay kaming magpapahinga, pero ilang years na ang nakalipas hindi parin niya ako binalikan pero tuluyan na siyang nagpahinga. ang sakit kasi at my very young age, nakita ko siyang umuuwi ng lasing at kahit mabaho at amoy alak siya, kasama at katabi ko siyang matulog. but after niya mawala, all of that memories at pahingahan ko nawala rin. is that a reason na hinihintay ko siyang bumalik kasi alam kong siya pahingahan ko pero alam kong hindi na siya babalik kaya hindi ko na alam ang salitang pahinga? Papa's girl ako. kaya kahit umiihi na siya dahil sa kalasingan niya nandon parin ako, katabi niya. years have passed wala akong kinausap about don. maski iyong mga kasama kong naiwanan. pero habang tumatanda ako at nakaka kita ako ng complete family nakikita ko kung gaano sila kasaya, habang ako naiinggit kung anong feeling na may sasalubong sakin umuwi. kasi iyong pahinga ko umalis na, nagpahinga na sa malayong lugar. :)
Hindi naman ako totally naiwanan, may nanay at ate pa ako na mas ahead sakin. pero totoo nga iyong sinasabi nila everybody moves on ako na lang siguro itong kumakapit sa memories, hindi ko alam kung ano iyong sakit na pinag daanan nila pero alam ko na may napag kwentuhan sila, since dati pa close talaga sila. kung mabasa nila itong vlog kong ito, ang sasabihin nila ang drama ko pero gusto ko ng matapos iyong sakit na ito.
My Mom found a new lover, against ako to be honest, kasi alam ko nung nandyan si papa may iba na siya, dahil nung kami pa lang ang nandito natuto na siyang mag sinungaling kaya may trust issue ako dahil sa kanila din ito nag simula, sa environment ko mismo, sumaya ako ulit nung nagkababy sister ako. nag aaway kami pero super love ko siya. kaso may attitude din siya talaga hahaha.
so fast forward hindi sila nag work kaya months or years later may bago ulit si mama, nagkaka edad na ako at nakakaramdam na ako ng kakaiba, hiniling ko sa kanya na huwag na ulit mag focus na lang siya sa bunso naming kapatid pero ang reason niya iiwan din daw namin siya pag nag asawa kami.
narealize ko kung tama ba iyong reason niya? kasi ilang beses kong nilaban iyong paniniwala ko, na baka pwedeng kami muna pero mas gusto niyang siya na lang muna.
ending, inuna niya iyong siya na lang muna laban sa amin. pag hindi sila okay, magagalit siya. mababadtrip siya, magkakasakit siya so kaming mga anak niya, mag aalala since nanay namin siya need namin mag alala.
paulit ulit iyong ganong scenario, hanggang hindi na healthy iyong relationship ko sa family, dahil kung ako ang tatanungin mo? hindi ko na alam kung anong memories iyong nakasama ko siya na sobrang saya ko. I'm 25 years old already pero uhaw ako sa attention magmula kay mama, hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nag uusap ng hindi kami nag aaway. dahil ang kailangan malakas ako pag nag aaway sila ni ate, kailangan middleman ako. pero napapagod din ako, naiinggit ako sa relationship na meron si mama sa partner niya, aware siya sa ginagawa ng partner niya pero never siyang nagtanong kung kamusta naman kaming tatlo na mga kapatid ko :)
0 notes
Photo
Tumblr media
19K notes · View notes
buttercookiesncream · 2 years
Text
Today, December 16, 2022. I will back to write again.
I'm mixed emotion while doing this, but I need to write to let go this feeling and person
I met Him Last Year. Same work but different department. I always thought na baka, siya na. Siya na iyong makakasama ko since lagi akong palpak sa mga past relationship ko.
We became closed. We got along and meet afterwards. We became couple and getting stronger.
Since uwian siya sa pangasinan, uuwi lang siya dito ng ilang months matagal na iyong 2 to 3 months and Long Distance Relationship na ulit. Every off, nasa kanila ako. Watching Him doing his axie, we played mobile legends. Kakain sa karinderya, oorder sa fast food at kung ano. Both of us had Fun, shile doing simple things together. In short, siya iyong naging pahingahan ko.
I always admire him for being Him. Naniniwala ako sa kanya. Natutuwa ako pag may mga award siya or may CSAT siya, at is, Proud Girlfriend ako sa kanya. I was with Him, when He was at his worst. Same sahod lang din naman kami, pero since mag isa lang siya at may kinuha siyang motor, at kahit short na ako sa pera. Ibibigay ko sa kanya.
May times na rin na pag wala siyang makain at kahit last money ko na, ibibigay ko parin sa kanya. Naruto akong gumamit ng Gcash since every cut off need niya humiram ng pera. Naiintindihan ko yon since I'm His Girlfriend, responsibility ko na tulungan siya. I also said No, Hindi naman ako mayaman para hindi gawin yon lalo at nangailangan na ng Pera iyong Family ko. Ending nag away kami. Sobrang Hindi ko na rin alam iyong gagawin ko that time, kasi ang thinking ko non, kailangan may mabigay ako kasi Girlfriend niya ako. I'm not bragging na ako. Lang palagi ang meron sa relationship namin pero sometimes pag meron siya. Siya naman ang gagastos. Give and Take Kumbaga. Kaso this past few months, nag aaway kami. Siguro iyong time? Iyong religion since different religion kami or sadyang may iba lang.
Nagiging okay kami pero ganon na naman. My Family Knows Him, kaya pag wala siyang pera at makain, hindi ako nahihiya na papuntahin siya samin para kumain. In short kung anong meron ako, gusto ko meron din siya. I'm not into mobile legend pero masaya ako pag naglalaro kami. Pati sa ML, support ako. Kasi lagi nga akong nandyan for him. We tried to do another bonding also, we tried to watch movies kaso nga lang, hindi siya sanay to watched movies kaya ending, kanya kanya na lang. Hindi niya ako laging kasama sa laro pero we played and get along.
Pag mag lalaro siya hinihintay ko siya, minsan nakaka tulog na ako kakahintay pero okay lang, kasi nga support ako at sinusuportahan ko siya.
I'm not a perfect girlfriend also, especially this year of 2022, sunod sunod iyong naging problema samin sa Family ko. Nangailangan din kami ng pera lalo nung panahon nakita Kong umiiyak si ate nung kinuha ng Bank iyong kotse niya ako hindi ko na rin alam iyong gagawin, kaya kahit kailangan niya iyong pera. Mas inuna ko iyong pamilya ko kesa sa kanya. Alam Kong nag tampo siya since ayaw niyang mag No ako palagi, gusto niya pag gusto niya may malabas ako. Alam Kong kasalanan ko rin kasi sinanay ko siya pero hindi ko pala kayang panindigan.
My Family? aminado ako na may problema kami sa pera at minsan ibang issue pa na hindi ko kayang iopen sa kanya. Kasi ramdam ko, na baka sabihin niyang nagdradrama lang ako.
Nag open ako one time eh, gusto ko lang ng makikinig nung gusto ko na mag break down, pero wala siya nung panahon na kailangan ko siya. Gusto ko siyang kausapin kasi kailangan ko iyong Boyfriend ko That time. Kaya kinukulit siya na baka pwedeng ako naman. Kaso ending nag away kami at pinili niya na huwag akong kausapin ng 2 days. Kasi sa kanya na raw umiikot iyong Mundo ko. Ganon ba ako? Nung kailangan na kailangan ko siya ako naman iyong walang matakbuhan? I'm anxiety is eating me up, pero nasaan siya ng ako iyong walang wala?
That was His Birthday, Sale namin sa work. Kaya hindi ako naka sama at naka punta. Gusto niyang pumunta ako pero wala akong choice kasi sobrang bigat ng problema namin sa buhay. Syempre Birthday niya yon kahit na may problema kami ayaw kong sirain yon, kaya kahit pagod ako sa trabaho nag alarm ako ng 12 am para mabait siya exact time. Binati ko siya pero hindi sakto kasi nga, nakatulog. Masaya ako na gising siya kaya nag usap kami sa chat kahit ilang mins. Pero need niya ng mag pahinga kasi susunduin niya iyong mga kaibigan niya sa Bayan. Buong sale siya lang iyong iniisip ko, kasi gusto Kong Bumawi para malaman niyang nandito lang ako kahit wala ako sa tabi niya. Tinary ko siyang tawagan agad after ng duty ko pero hindi ko siya nakausap.
Nakiusap ako kahit sandali lang kasi may problema na nga kami pero ayaw kong isipin niya iyon at don na pumasok iyong sinasabi niya na masyado na akong naka sandal sa kanya. Baka ganon na nga naka sandal na ako sa kanya iyong 2 days na yon naging 3 days to 4 days, sa sobrang pag aalala ko chinat ko iyong Friend niya kasi hindi siya pumapasok. Kasi maski chat hindi niya magawa sakin wala ring nakaka alam sa work namin kung anong nangyare sa kanya.
Pag balik niya, Hinamon niya na ako ng Break up. Am I stupid enough? Kasi nag mamakaawa ako na Huwag akong Iwan? Kasi hindi ko alam kung anong mali at kung anong reason niya?
Sinuyo suyo ko siya. Naging okay kami pero after non After His Birthday? Nakipag break na talaga siya sakin. A week after miserable na ako, iniisip ko na kasalanan ko to kasi hindi ko siya pinag bigyan sa gusto niya.
Tinanggap ko iyong Break up kasi Hindi ko na kaya, Nilalamon na ako ng insecurities ko kasi nga Mas okay daw kung si Ex iyong kasama niya. Ang lala tangina, ako iyong nandito pero iba pala iyong gusto niya. Inexplained nila na wala lang daw yon, it's a joke. Is that a joke? Sa sabihan ako na gusto niya iyong ex niya pero hindi na pwede maging sila?
I cried every day kasi Hindi ko na kaya. Kasi lahat nag sabay sabay na. August nung nakipag break siya and until this month, akala ko okay na ako pero hindi pala. One news came in na may jowa na pala siya. Alam Kong magkakaroon na talaga siya pero Hindi ko ineexpect na that fast. Kasi ang alam ko, last sale namin nung November niyaya pa nila ako for Get Together. Gusto ko ng peace of mind kaya hindi na ako nakipag kita.
And I hope and Pray To God na sana mawala na iyong pain na dala dala ko Hanggang ngayon. Kasi gusto ko ng matapos ito.
2 notes · View notes
buttercookiesncream · 2 years
Text
“People are people, and sometimes we change our minds.”
— Taylor Swift; Breathe
233 notes · View notes
buttercookiesncream · 2 years
Text
“At some point you just have to let go of what you thought should happen and live in what is happening.”
— Unknown
1K notes · View notes