captainrams1978-blog
captainrams1978-blog
Untitled
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
captainrams1978-blog · 8 years ago
Text
KARATULA/anak
Busog  na naman  ang gabi  sa nakalipas  na karahasan,
May karatulang paratang  sa luray  na katawan
Umaagos  ang dugo ,habang pinagpyepyestahan ng karamihan
Luha ,punglo karapatan, katarungan sa pagitan
nakakahilakbot ang panaghoy ng isang ina
habang haplos ng butohang kamay ang anak na walang hinga
Tigmak ng luha  at kawalan pagasa
Impit na daing at walang katapusan pagdurusa
Patuloy sa pagkitil ang di mabilang na punglo
Patuloy sa pag agos ang  inosenteng dugo
mariin pumikit  at lumuha ng ng buong pait
Masdan ang karatulang, nahihimlay sa kanyang duguan dibdib
Karatula/larawan
may karatula para sa disiplina 
May mga karatulang puro paasa
May karatulang para paalala
may mga karatulang larawan puro nga nga
Busog ang isip at mata  sa dami ng salita 
may konting kiliti sa nahihimbing na diwa
nasasagi nitong pilit  ang iyong karapatan
sa karamihan ng  karatula wala ring kalayaan
dudurugin pilit  ang iyung kalayaan
parang manika susupilin ang iyung isipan
iwawalan kabuluhan  ang karapatan manindigan
hanggang umagos ang dugo sa pusikit na kadiliman
ang karatulang larawan ay katulad ng maskara sa ulunan
pilit tinatakpan ang mata at isipan
mga karatulang lumikha sila din ang sumasaway
habang di susi manika ang bawat nilalang
kung sa muling pagdaan ay inyung mamasdan
ang karatulang larawan mababasa sa kung saan saan
atin hablutin at punitin mainam
hawakan mariin ang iyung karapatan
Karatula /robot
ang karatula  ay data base  ng pangkaraniwang robot ,
na nilalamon ng pabrika sa pagitan ng alasyete  at alas otso 
ang do at donts na batas ng panginoon sa pabrika
ay syang karatulang koryente  sa utak ng bawat isa
dudurugin at didikdikin ang walang silbi robot
pilit aalisin ang awa pagmamahal sa nahahapo  nilang puso
sa pagpihit ng kamay sa ilalim ng karatulang orasan
libo libong pangkaraniwan robot ang lugmok sa karimlan
sumasagitsit ang laman at dugo ng abang nilalang
sa hulingdaing ay dumaloy ang luha ,habang kanyang minamasdan
 ang  robot ,na tinatahak ang daan na kung saan hindi umiiral ang pagmamahal
Saranggola Blog Awards 9
www.sba.ph.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
captainrams1978-blog · 8 years ago
Text
Ako at angpanulat ay iisa
Ako at angpanulat ay iisa
  Nakatayoako  kung saanhindikolubosmauunawaanangisangtinig
Isinilangakosapanahonangbawatyugtongbuhay ay luha  at pagdurusa
Angnaghahari
May pagkaunawaangisip,isangpanulat,marurobangpagpapahiwatig
Ako at angpanulat ay iisa
Mgapahiwatigna gusto ihatid , samgapusong di pangkaraniwannilikha
May isanahindimakakaunawa
Tanging bukasnaisipangmakakaitindi
Ako at angpanulat ay iisa
gayangtinignabumabalong
Sa kalalimanngdamdamin
0 notes
captainrams1978-blog · 8 years ago
Text
ng puting nilalang sa panahon ng pagkaguho ng buong maynila(2050AD)
Ang puting nilalang sa panahon ng pagkaguho ng buong maynila(2050AD)
  Maalikabok at tahimik ,ganun ang maynila pagsapit  ng umaga ,bahagya palang sumisikat ang haring araw ,mapula ang paligid ,amoy hurno
Binabagtas ng isat isa ang kanya-kayan layunin
Mabilis ang bawat minuto ,paroot parito ang isang pangkaraniwang robot ,
Patuloy na niyuyurakan ang paligid,isang nilalang ang sumusunod malapit sa paanan,
Isang tinig ang maririnig,isang paglalambing,ngunit nawala ang pusot isip
Saglit napatingin,patuloy ang pag-ulan ng asido,nakakasulasok ang usok,nagaapoy na ang haring araw,mala impyerno na ang paligid
,muling binabagtas ng pangkaraniwang robot ang kanyang layunin
Ang patuloy na pagkawasak sa kanyang sarili
Nagsusumamo ang mata na yun,patuloy ang paglalambing
Isang hagupit ng koryente ang humaging,nasindak,tumalilis
Dumaan ang isang halimaw na sasakyan,nakalasog –lasog ang buto,humiwalay ang laman,sumirit ang dugo
Sa huling “ngiyaw”ay dumaloy ang masaganang luha ,ng isang puting nilalang
Na nakatanaw sa papalayung pangkaraniwang robot na patuloy na binabagtas ang daan na kung saan walang umiiral na pagmamahal
     B_�EO
0 notes
captainrams1978-blog · 8 years ago
Text
ng matanda  at ang kalawanging wheelchair
Ang matanda  at ang kalawanging wheelchair
  Yayat at nanginginig na pilit  pinapagulong ang wheelchair  sa kahabaan ng
kalsada ng padre faura,
Manaka-naka ang mga sasakyan dumadaan,salamat  salamat nalang  at hindi tinutulot  ng langit na iyoy kanyang  ikasawi
,ngunit ang bawat pihit  ng gulong na sinisikap paandarin ng butuhang  kamay ang syang unti unti kumikitil sa natitira pa nyang pagtitiis,pagasa  ang patuloy na  bumubuhay sa  kanyang katatagan,kasawian ang bumabakas  sa kanyang malamlam  na mata
Magisa nyang binabagtas ang landas na kung saan di nya alam ang patutunguhan,nagiisa ,hinayaan sa kawalan,nakita ko ang nangungusap nyang mata
Tinapay at inumin yan lang po ang aking tanging maibibigay bukod dun wala na,,
Ngumiti sya ng pagkatamis tamis,tumingala sa papasikat palang  na araw ,napabungtung hininga
Winika nya ang ganitong salita,
Sayang sayang ang panahon, nang aking pagiral,ang bawat kasawian,
ang mga nakaraan at mga bukas nun,papalubog na ang araw  sa dapithapon akoy yayaong  wala sama ng loob kaninuman,ang kasawian ay mananatili at,mananatili gayon
Nakaramdam ako ng kalungkutan  para sa matanda na binabagtas ang kadiliman ng gabi ,upang gamitin ang natitira lakas sa pagpihit ng gulong na kalawangin
Pagpapalain ba sya ng panginoon o papapalain sya  at yun nga mangyayari
Pumihit ang mga araw
Matamis ang bawat ngiti
Dala dala ko ang tinapay at inumin ,ngunit  wala na ang yayat na katawan ng matanda ,tinapos na rin ng mahabaging diyos ang kanyangl  pagtitiis,
kusang nabitiwan ang inumin at tinapay
Nakatayong nakatanaw sa kalawanging wheelchair,malamlam  ang luha , napailing ng ilang ulit
Kasunod nun ay ang malakas na ambon ng madaling araw na pumatak ng 18 ng taong kasalukuyan
   F�I�
0 notes
captainrams1978-blog · 8 years ago
Text
larawan
                                                                 Larawan
                                             Ni Rammicess Cabrera
      Can a mother forget the baby at her breast and have no compassion on the child she has borne?  Though she may forget, I will not forget you!                                                                   Isaiah 49:15
      Dalawang-pung libo piso , yan ang katumbas ng buo kong pagkatao,, nung akoy kasisilang palang at walang malay .
    Hindi ko lubos maisip, kung bakit nagawa nya sa akin yun , sabi nila walang magulang ang makakatiis sa anak, at walang ina ang maaaring magpabaya sa sarili nyang sanggol, naalala ko ang kanta madalas ko marinig sa daanan ng ng padre faura .
    I pray you’ll be my eyes and watch her where she goes and help her to be wise help me to let go, every mothers prayer,  every child knows, leads her to a place ,guide  her with your grace, to a place where she’ll be safe . mariin ang pikit ko at maluha luha, habang dinadama ang kanta yun    Magpapasko na ng mga oras na iyun nararamdaman ko ang lamig na tumatagos hanggang sa himaymay ng aking laman,nakaramdam ako ng di mapaliwanag na kalungkutan habang malayang tinatangay ng hangin ang mga nakasabit ng mga parol sa paligid    Di mapilas pilas ang ngiti nang larawan na iyun ng isang nilalang ng fast food chain , isa na ako manager at nakapagtapos ng hrm sa tulong ni nanay nita na syang nag aruga at nagpa-aral sa akin ,
        Sa loob ng 31 na taon , sya ang tinuring ko ina at nag mahal sa akin ng lubusan ,
    “nana nita paaalis na po ako “, ang paalam ko sa kanya, nagulat sya ng mga oras na iyun ,
    ikaw pala iha, sabay tiklop ng isang puti sobre , at lagay sa bulsa, ,
     kumain ka na ba habang , pinalis nito ang nakalugay nya buhok, 
    A, hindi na po ,nagmamadali na kasi ako , medyo late na ako , humalik ako sa pisngi ni nana nita,sinundan nya ako sa may trangkahan palinga -linga sya ng mga oras na iyun sa paligid,
     may natanaw ako papalayong matandang babae , ngunit di ko na binigyan pansin ,
  “
    Hannah anak magiingat ka” , ang tila malungkot na sambit ni nana nita ,nabanaag ko sa mata nya ang pagaalala at di maipaliwanag na kalungkutan,isang tipid na ngiti ang ginanti ko ,
          Nahuli ko ng mga oras na iyun nag nagbabalot sa plastic ng laps na manok ang isa naming crew na si jun , bakit kailangan ibalot mo pa yan,
   Kanina ko pa ipinapatapon sa iyu yan diba ,dalhin muna yan sa likod ng waste area, kanina pa nagaabang yung track na kukuha nyan.      mam hannah , kinakain po kasi sya ng mga palaboy doon sa pinagtatapunan namin,naaawa po ako sa kanila, lalo na po kay nana etang,
     Kumunot ang noo ko , “ang matandang iyun “, naalala ko ang tinutukoy nyang si nana etang
    Madalas sya nakamasid at nakaupo sa may labas ng salamin ng estabilemento , makahulugan ang mga tingin ,madalas ako sundan , ngunit kahit anung taboy koy sinusundan parin nya ako , bwisit na matandang iyun ,patay gutom at walang pinagaralan , yan ang katamaran , umaasa sa mga pinaghirapan ng iba , wag mo na pag-aksayahan ng panahon  ang ganyan tao , itapon mo na yan , at bilisan mo ,     Pa-paulan ng oras na iyun , madilim ang bahagi ng kalye dinadaanan ko , kailangan lakarin ko pa ang daan yun para makasakay papunta Fairview, may biglang tumakip ng ng bibig ko, naramdaman ko ang matalim na bagay na iyun sa tagiliran ko,
   Wag kang gagalaw miss, akina ang wallet mo at cellphone , nanginginig ako sa takot at pinagpapawisan ng malamig,,
  napapikit ako ng mariin” diyos ko ,” ang sambit ko ,
    Biglang napadaing ang ekstrang hero na yun sa isang hagupit sa kanyang batok , nabitiwan nya ako, isang pamilyar na boses ang naririnig ko ,
   lubuyan mo sya ,wag mo syang gagalawin hayup ka! di ko masyado maaninag  ang dumaluhong sa lalaki na iyun , marami palo , hanggang sa magtatakbo ito at mawala sa dilim,
“nasaktan ka ba” , tumayo ako ng oras na iyun , napaatras ako ,”si nana etang”, akma lalapit ito , kumunot ang noo ko nakaramdam ako ng inis at pandidiri” wag mo ako lapitan ,”
  Nasaktan ka ba iha , ang muli nitong tanung
 sabi ng wag ,mo ako lapitan e!! naitulak ko sya at nabuwal , nakita ko ang pagsusumamo ng kanyang mata, ngunit nanatili ako matigas “ tigilan mo ako, matanda ka “, tumalikod na ako ng oras na iyun at iniwan sya.       Nakita ko ang mga luha na iyun ni nana nita , yumapos ako sa kanya , bakit kayu umiiyak , may dinadamdam ba kayu ,  makahulugan ang tingin nya ,” sana, maging mabuti ka anak iha ,yun lang alang alang man lang sa akin “, may halong pag tataka napatingin ako , kumunot ang noo ko ,
      Anu pong ibig nyung sabhin ?, hindi ba ako naging mabuti anak sa inyu,?
   hindi sa ganun anak , kasalanan ko kung bakit kailangan sabhin ko pa sayu ang nakaraan mo , napailing ako ng ilang ulit” wala sa akin yun nanay,
   mas mainam na nalaman ko ang mga bagay na iyun , hindi kita sisihin kahit kalian.
  Napailing sya ng ilang ulit, patawarin mo ako , napatungo ito , naguguluhan ako sa mga kilos at pananalita iyun ni nana nita , hanggang sa may anino biglang nawala ng oras na iyun   sa may gawi bintana , maririnig ang kaluskos at tahulan ng aso, napasilip ako sa may bintana , ngunit wala na ang anino na iyun, muli kong minasdan ang umiiyak na si nana nita ,
        Kakauwi ko lang ng oras na iyun galing sa trabaho hinahanap ko ng mga oras na iyun si nana nita  , ngunit wala tumugon,  may napansin ako nakausling  sobre sa may bulsa ng palda , naalala ko ito ang sobreng bigla nyang tinago nung isang buwan na kausap ko sya , kinuha ko ang sobreng iyun ,  may kung anu kirot ako naramdaman , sulat ng aking ina  , nito lang mang nakaraan buwan , bakit kailangan ilihim sa akin ito ni nana nita ang pagtataka kong tanung “ mrs robles milendrez,  ikaw na ang bahala sa aking anak na si Hannah ,”napatungo ako ng mga oras na napailing ng ilang ulit ,habang patuloy sa pagtiktak ang kamay ng orasan sa dingding
     Mam ,masama po ba ang pakiramdam mo , ang tanung ni jun , umiling ako , pilit ngumiti,
  Siguro, kailangan ko  umuwi muna , pakisabi sa mga kasama mo na  maaga tayu magsasara, tumugon si jun,  at tumalikod na ito ,  
   Halo halo emosyon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyun , iniicip ang tungkol sa sulat , bakit natiis ako ng aking ina, bakit nagawa ilihim ni nana nita ang mga bagay na ito , pinagkaisahan nila ako, mga katanungan hindi ko mahanap ng kasagutan magpasa hanggang ngayun, matagal ako nasabik sa pagmamahal ng isang ina ,
    bigla ako nasilaw sa sinag na iyun, naramdaman ko nalang na may tumulak sa akin ,natauhan ako ng mga oras na iyun
  lumangingit ang gulong, nakita ko ang impit na mga daing na iyun,habang nagkakagulo ang karamihan,pilit bumangon ang iika ika matanda,pagalit na nagmura ang driver,bago sumakay at pinaharurot papalayo ang sasakyan,
  nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kalungkutan at awa sa papalayong matanda,
 Sabhin nyu po sa akin ang totoo nana nita , bakit kailangan ilihim nyu ang mga bagay na ito sa akin ,saglit na natigilan si nana nita at sa sobreng hawak ko ng mga oras na iyun, napaupo sya at  napabungtunghininga ng ilang ulit,
    Namatay ang papa mo  sa isang aksidente ,  Dala ng gulo isip at nakapakabata pa ng iyung ina , pinagbili ka nya sa akin sa halagang 20 libong piso,
    nagbalik sya matapos ang 8 taon, nakapagasawa sya ng taga ibang bansa, pero hiniwalayan sya nito, dahil lagi nakatuon ang intenyson nya sayu
  Tinalikuran nya ang kanyang buhay , ,lahat ng naipon nya ibinigay  para sa kinabukasan mo lahat ng pera pagkain at damit sya ang sumporta sayu, lagi ka nya binabantayan,anak.
      Bakit hindi nyu sinabi sa akin ito,?nakita ko nangingilid ang luha n nana nita,
      Pagkat mariin nya sinabi ,maigi manatili lihim  ang lahat , alang alang sayu, naging masama na ang trabaho  nya sa mga nagdaan panahon , sarili nyang laman ang pinambayad nya ,ayaw nya ikahiya mo sya balang araw ,nasabi ko ang dapat ko sabihin , para sa akin sya parin ang iyung ina ,anu man naging kalagayan nya ng mga panahon iyun ,ay hindi nya sinasadya
                                         mother love is instinctual,unconditional,and forever
                                                              unknown
       Umiiyak ako ng mga oras na iyun,nakita ko ang nanunumbat na mga mata ni jun,”
   bakit kailangan maging ganyan kayu mam Hannah,”mag aalas onse na ng mga oras na iyun ,   kikisap kikisap  ang ilaw,nang di mapilas pilas na ngiti na iyun ng larawan  ng fast food chain,
Napailing ako ng ilang ulit , napatungo ,
    napabugtung hininga si jun “mam, matitiis nyu ba ang sarili nyu ina” , natigilan ako ng oras na iyun , napatingin ako  kay jun na parang pinangko sa kinatatayuan nya
Anung ibig mo sabhin ?,
     Humangos ako tumakbo sa sulok na iyun, malapit sa bodega pinagtatapunan ng mga laps na manok , manaka naka ang pag-gapang ng mga ipis sa paligid, namasdan ko ang abang matanda, nakahiga sa malamig at basang semento,
   Papalakas na ang ulan ng mga oras na iyun, inamin po nya sa akin na sya ang inyung ina , na patuloy na nangbabantay sa inyu.
  Iniwan nya ang lahat para sa inyu,mam tinaguyod ka nya ng di nyu nalalaman, ngunit naging malupit kayu sa sarili nyung ina
    Tigmak ng luha ang aking mga mata, dalhin natin sya sa loob , bigyan natin sya ng makakain at makahigop man lang sya ng mainit na sabaw,
   Hinawakan ni jun  ang kamay ng matanda , dinama ang pulso nito, umiling sya,
” huli na po tayu mam , binawian na sya ng buhay, “  kusang  umagos ang luha sa akin mata ,
  “mama” , napahagulgul ako  sa gitna ng malakas na ulan, napaluhod ako sa tabi  nya naalala ko ang mga panahon pinagtatanggol nya ako ,
     Tigmak nang luha ang mata  ng aking ina na pilit pinupugnaw ng malakas  na ulan, yapos nito  ang larawan naming dalawa noong akoy sanggol pa ,
 Larawan na puno ng saya at walang pantay ng pagmamahalan sa pagitan ng ina at anak
0 notes