Tumgik
caralouissee · 2 years
Text
Panunuring Pampelikula
Pamagat: The Hows of Us
Direktor: Cathy Garcia-Molina
Tauhan: George na ginanapan ni Kathryn Bernardo
               Primo na ginanapan ni Daniel Padilla
               Yohan o ang batang kapatid ni George na ginanapan ni Darren Espanto
              Mama Baby Reyes o ang nanay ni George na ginanapan ni Jean Garcia
              Tita Lola o ang Lola ni George na ginanapan ni Susan Africa

Banghay ng Pelikula:
      Si Primo at George ay dalawang taong nagmamahalan. Sila ay nakatira sa Bahay na minana nila galing sa Tita Lola ni George. ito ay pinamana sakanila bago siya mamatay at nangako sila na aalagaan nila ito. Si Primo ay may pangarap na makilala ang kanilang banda at si George naman ay ang maging Doktor.

    Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, dumating na ang mga pagkukulang at problema nila sa isa't-isa. Ang banda nila Primo ay nawala na, hindi na maayos ang pagrerebyu ni George dahil kailangan niyang magtrabaho para sakanilang dalawa. Dumating ang araw na hindi nakapag test si George para sa pagiging doktor niya.

    Noong kaarawan ni Goerge ay walang wala na sila. Nagbigay si Prmo ng regalo ngunit nag-away lang sila. Binato ito ni George at umiyak. Dahil sa nararanasan nilang magkasintahan sila ay naghiwalay. Umalis si Primo sa bahay nila at hindi na bumalik.

   Pagkatapos ng ilang taon ay bumalik si Primo sa Pilipinas at sakanilang bahay. Hindi ito inakala ni George kaya nainis siya at naglagay ng pagitan sakanilang dalawa. Kailangan nang ibenta ang kanilang bahay para sa pagagamot ni Yohan at sa med school ni George. Sa  pagbalik ni Primo ay naging mas mabuti siya, tinulungan niyang makita ng magkapatid ang kanilang tatay, at pumayag na ibenta ang bahay para sa magandang dahilan. Naniniwala na sila noon na hindi na sila magbabalikan kaya nakuntento na sila.

   Binenta na nila ang gamit na pagmamayari nila sa bahay at ito ay punong-puno ng mga ala-ala. Habang naglilinis ng gamit sa loob ng bahay nakita ni George ang regalo ni Primo noong kaarawan niya, May nakita siya sulat at napaiyak siya dahil sa laman nito. Nakita siya ni Primo kaya't lumapit si George dito at yinakap.

  Simula noong araw na 'yon ay nagkabalikan ang magkasintahan at mas anging masaya. Natuto sila sa mga maling nagawa nila at patuloy silang lumaban.
Tema/Paksang Diwa: 
   Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa pinagdaanan ng dalawang magkasintahan. Ipinapakita dito na sa gitna ng relasyon ng dalawang tao ay mayroong paghihirap. Pero kung wala ang mga ito ay hindi sila magbabago. Ipinakita dito na kung wala ang mga suliranin ay hindi sila mapupunta sa kalagayan kung saan masaya sila. 
Pamagat ng Pelikula: 
   Ang pamagat ng pelikula ay tama lang sa mga ganap sa pelikula. Ipinakita kung paano nila nalagpasan ang mga laban nila sa buhay at sa pagitan ng relasyon nila. 
Pagganap ng mga Tauhan: 
   Maganda ang pagganap ng mga tauhan sa kanilang karakter. Ipinapakita nila ito ng maaayos at natural. Ito ay parang nangyayari sa totoong buhay dahil sa maayos na pag ganap nila. 
Diyalogo: 
   Ang kanilang dayalogo ay maganda rin. Nasasabi nila ito sa maayos at clear na paraan. 
Direksyon: 
   Ang pagdidirehe ni Cathy Garcia-Molina ay naging mahusay. Ang kinalabasan nito ay parang hindi iskripted. Maayos ang pagdidirehe niya sa mga tauhan at sa iba para sa kaniyang pelikula. 
Sinematograpiya: 
   Naipakita sa pelikula ang magandang angulo. Nakikita ng maayos ang lahat at ang lighting din ay maayos. Pati ang lokasyon an ginanapan ay mahusay ang pagpapakita. 
1 note · View note