I scream infidelities. I don't ask for everyone's opinion. I am undefined. I believe in myself. I tend to switch mood in just a minute. I am just too strong. I don't hate the player, i hate the game. Dancing is my passion. :) I wanna save the world. I...
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Day 4 - Selos
Sobra kong naappreciate attention niya to the point na I get to overthink, inenjoy ko na lang kasi moving on stage naman ako pati wala namang masama dahil alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin si ex.
Felt special. Felt different. Until I knew ganon pala siya sa lahat. With that, mas naappreciate ko friends kong AGLANDEZ. Di ko alam. They pushed me to enjoy the feeling, ginawa ko dahil may choice ako. May onting kirot kasi I was expecting na special ako e lahat pala kami special. Hahaha. So ayun. Di ko sila masisi kasi may choice ako. Vent out to them, still no judgement. Binigyan lang nila ako ng aral.
Awesome.
Narealize ko bigla, mahal ko pa rin ex.
0 notes
Text
Day 3 - Coping
Happy to rekindled friendship with a long time friend. Super nakakfresh. Also had a chance to talk to my distant bestie. Feels different. It was a nice coping journey, got a chance to reconnect to to know more about yourself by digging deep on the past experience.
Also, found myself swipping again lol 🐝
20241406
0 notes
Text
Day 2 - Thoughts
Mabigat pakiramdam paggising kahit 8 hours akong nakatulog. Ang bigat bigat sa pakiramdam na hindi na ikaw ang kasama niyang bumubuo ng pangarap niya. Hindi ka na kabilamg sa mga taong nilook forward nyang makasama. Ang hirap. Ang sakit. Ang bigat sa pakiramdam. Tang ina
20240610
0 notes
Text
Day 1 - Sadness kicks in
Wasn't sure of what to write pero malungkot. Sobrang lungkot. Didn't know the real reason why he left me. All I can think of is yung magsisimula ulit ako sa simula. Wala pa ako sa hulog sabihin ang favorite color ko. Pagod pa akong kumilala pero tanggap ko nang wala na kami dahil kahit ako sa sarili ko alam kong di na rin magwowork.
Ang hirap lang din marinig na namimiss siya ng lola ko. Tang ina. Naging mabuti kasi siya lahat ng taong nakapaligid sa akin which I deserve. Tapos he think na di ko na siya deserve. Tang ina. 2 weeks na kaming hiwalay pero ngayon lang nagsisink in lahat sa akin. Putang ina.
Ang sakiiiiiiiiiit. Ang sakit sakiiiiiitt.
20240604
0 notes
Text
Day X and Y
Sobrang tagal na bago nasundan. Sobrang tagal bago nasimulan. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, bilang kaibigan.
Ang bigat na naman ng pakiramdam ko at ngayon lang ako sumabog ulit. Ang weird. Ang tagal kong nagkimkim ng mga bagay-bagay - sa opisina, sa mga kaibigan, sa ka-ibigan (walang kami kaya chill ka lang.), sa pamilya, pera, kinabukasan at marami pang iba.
Pinilit kong tumayo sa sarili kong paa. Wala akong gaanong kinakapulong kundi ang “THE USUALS”. Hindi ko alam. Iba’t ibang mga pangyayari araw-araw. Pero hindi ko akalain na dadating sa point na, may pagsubok na naman na dadating sa amin. Ayokong isipin na maghihiwahiwalay na naman kami ng landas. Hindi ko na kaya. Ayoko nang lumiit ang mundo ko. Ayoko nang maging alipin ng mga bakit at paano. Ang tanging nais ko lang naman ay ang maging maayos ang lahat. Yung tipong ang problema lang namin ay kung saan kami kakain, anong kakainin, pambili ng yosi at kung anu-ano pang mabababaw na bagay sa mundo. Hindi ko alam. Baka ako lang nag-iisip ng ganito. Kasi minsan naisip ko, iniintindi rin kaya nila ako. Ayokong isipin na tama si Life Mentor na kaya baka hindi ako mag-grow ay dahil sila ang kasama ko parati. Pero nakakatuwa naman, hindi pa rin nagiging tama theory niya sa buhay ko. Maraming naging tama simula noong naging maayos ulit kami. Maniwala ka sa hindi, mas naging tama akong mag-isip.
Kahit pamilya ko, walang alam. Walang alam na may pinagdadaanan akong ganito. Ayoko na silang magambala. May sakit na nga ako sa puso at sa tyan pati ba naman sa pag-iisip, aabalahin ko pa rin sila? Kaya gumagawa ako ng paraan na kahit paano maging ayos ang pakiramdam ko. Yung tipong, kakausapin ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Nagawa ko naman diba? Nakaya ko naman! Ilang buwan ring nakalipas bago ulit ako nagsumbong sa sarili ko na hindi ko na kaya. Ang sakit at ang bigat na... Hindi ko alam, siguro dala na talaga ng katandaan masyadong nagiging sensitive ang mga tao sa bahay. Konting imik lang, wala galit na agad at gagawa na agad ng diskusyon. Nakakpagod na rin minsan. Kinimkim ko ang batid kong punto. Mga puntong gustong ipaglaban pero dahil sa ayaw ko na ng pagtatalo, mananahimik na lang ako at babalewalain lahat. Nakaya ko, nagawa ko...
May isa akong taong gusto ko laging pagsumbungan. sabihan ng mga bagay na nakikita ko araw-araw pero parang hindi naman niya gusto. Yung tipong nakukulitan na siya sa mga kwento paulit-ulit. Minsan nararamdaman kong ayaw niya sa akin pero kapag nakikita ko at nakakausap siya gumagaan ang mundo ko kasi sa kanya lang ako nakaramdam ng pag-intindi. Sa ngayon, wala pa kaming pag-uusap na labas sa trabaho. Oo, katrabaho ko siya. Siya sana yung “to-go-to-buddy” ko pero parang ayaw niya. Dahil siguro sa hitsura ko? Dahil sa mataba ako? Hindi ako gwapo gaya ng mga kaibigan niyang lagi niyang kasama tuwing Sabado at Linggo. Hindi niya siguro trip ugali ko. Masama yata sadyang ugali ko kaya wala akong nagiging kaibigang matino.
May kotse nga ako. May pera kahit paano pero pakiramdam ko walang-wala talaga ako. Naka-iPhone nga ako pero bakit parang hindi ako kuntento? Ang dami kong bagong gamit pero bakit parang kulang pa rin? Natupad ko na nga halos yung magpalit ng wardrobe. Meron din akong feeling na kapag namimili ako dun lang ako sumasaya. Kaya kahit may pera pero hindi ako makabili pakiramdam ko ang lungkot ng buhay, hindi na ako makakaahon, puro utang na lang binabayaran. Hindi ko na alam talaga ang gagawin kapag usaping pera na.
Masaya na malungkot ang pakiramdam ko.
Masaya dahil nailabas ko na lahat. Kahit na halos mag-isa lang ako lumulutas ng mga problema ko, kaya ko physically. Emotinally, nagagawa kong maging matatag dahil sa Diyos. Hindi man ako laging nagsisimba, hindi ko laging nagdadasal pero alam kong palaging andiyan Siya para sa akin. Malungkot ako dahil unti-unting dumadating ang mga takot ko (1) Takot akong bumalik sa dating pagkatao ang kaibigan/kapatid ko. (2) Mahulog ng tuluyan ang loob ko sa taong hindi ako kayang mahalin. (3) Maging sunod-sunuran ako sa sarili kong emosyon gaya ng kapag malungkot ako, malungkot talaga. Kapag masaya naman napapakita kong masaya talaga ko. at panghuli (4) Ang maramdaman kong mag-isa lang talaga ako at walang kayang mag-alaga sa akin. walang kayang umintindi at magmahal.
Hindi ko alam... Ang sarap lang tumulala minsan kasi alam mong ikaw lang wala nang iba pang makakaintindi sa’yo kundi ikaw lang...
LLY12/10/17
0 notes
Text
Hanggang Dito Lang
Alam kong hindi ako ang gusto mo Sadyang tuwid na tao ang iyong tipo Hindi ko ko aasahang ako'y mapasa'yo Sapagkat ikaw at ako'y hindi talo
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos Ikaw at ako'y nagtutuos Sa mga simpleng bagay, oras nauubos Lalo na sa mga kwento mong di matapos-tapos
Di ko mawari bakit ikaw ang ang napili Ng puso kong pihikan at makasarili Isip ko ngayo'y gulong-gulo at di mapakali Sa nararamdamamg di mapawi
Hindi ko hinahangad maging mundo mo'y ako O kaya'y piliin ang iniikutan kong mundo Tanging hiling ay may mag-alaga sa'yo Na higit pa sa kakayanan ko...
0 notes
Photo

Kagaya ng araw na ibinuhos sa maghapon ang kanyang lakas, kanyang liwanag na nagsilbing gabay sa marami at bumuhay sa mga nilalang ay siya ring pag-akay sa mga buhay na nakadaupang palad. Takipsilim na lumamon sa araw na hudyat na pamamaalam sa liwanag, unti-unting nililisan ang kaginhawaan at kagandahan ng kalangitan ay siya ring pamamaalam sa pangarap na malayo na sa katotohanan... At kagaya ng araw na kinakailangan ring magpahinga... Heto na! Hindi ito ang huli ngunit maaring may magbalik ngunit sa ngayon ay ang takipsilim na lumalamon sa aking damdamin at naghihikayat sa katawang lupa na magpahinga, napagtanto kong ito na... Ito na ang tamang panahon upang ipahinga ang puso at diwa. Maghanap ng mga panibagong inspirasyon at motibasyon upang ang mga nasimulan ay hindi masayang. Upang ang pangarap ay maging katotohanan... Paalam sa ngayon... At bukas sa pagkaway ng araw kasama ng pag-asa at pag-ibig naway abot kamay ko na ang tunay na kaligayahan. Hanggang sa muli mga kapatid! Walang hanggang salamat! Kuya Coach is now signing off ❤️
0 notes
Text
Day 12to17
Ang tagal kong hindi nakapagsulat. Literal. Sinubukan kong makisalamuha. Ibalik ang dating ako. Pero puta ang hirap. Hindi na ako kinikilig sa mga palabas na kinakikiligan ko. Hindi na ako ngumingit sa mga bagay na nakakatawa sa akin. Plastik na tawa na ang nagagawa ko pag andyan si crush. Ewan! Di ko na alam. Ang tagal kong di nagsulat at sinubukan na baka okay na naman. Hindi pa pala. Bumabalik amg mga isipin ko. Mas lumalala. Mas nagiging masakit sa ulo. Tang ina. Pagod. Ubos. Pudpod na ako! Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ng maayos sa ngayon. 31MRCH - 5APRL17
0 notes
Text
Day 11
Ayun. May mga kaibigan ako nagkita na hindi nag-aya kahit yung thought lang na nag-aya kahit alam nila na may trabaho ka. Tapos tatambay sila hanggang gabi. Okay? So yun pala yun e. Buti sila masaya sila. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit ganito ako mag-isip. Yung tipong parang sinisiksik ko lang sarili ko sa inyo. Tang ina. Sa apat na taon, halos laging ganito. Ako ang nagbababa ng pride. Aishh! Masama ang loob ko, oo! Dahil alam nilang hindi ako okay. Alam nilang may pinagdadaanan ako. Yung suporta man lang, hindi ko makuha. Yung tulong man lang na hanapin ko ang sarili ko ulit. Yung pang-unawa man lang na lubos na kailangan ko ngayon. Yung kaunting pagmamahal naman dahil yun ang kulang ko ngayon. Ayoko na lang ilabas sa kanila na nagtatampo ako kasi kahit kailan hindi nila ako para suyuin o para bigyan ng effort. 😭 Hindi ko na alam kung kaibigan pa ba ang turing nila sa akin. 30MRCH17
0 notes