Tumgik
ceeejsmelecio-blog · 5 years
Text
Hazard Identification
Tumblr media
Retrieved at: https://binged.it/2r61nEW
Isa ang Sampaloc, Manila sa mga lugar na mabilis bahain lalo na kapag walang tigil ang pag-ulan. Ayon sa aking nakapanayam na si Kagawad Joel Zamora ng Barangay 459 zone 45, ang pinakamadalas at pinaka problema sa kanilang barangay ay ang pagbaha sa lugar. Kada na lamang dadaan ang bagyo sa Metro Manila o kahit panahon lang ng Habagat ay nagdadala ang mga ito ng malalakas na ulan na dahilan naman ng pagbaha sa lugar. Aking natutunan na ang mga marka sa poste na nakapalibot sa barangay ang kanilang tinuturing na babala sa tuwing umuulan. 
Tumblr media
0 notes
ceeejsmelecio-blog · 5 years
Text
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
Tumblr media
Ang pinakanakakaranas ng baha sa barangay ay ang mga parte na malapit sa Espana boulevard dahil sa mababa nitong puwesto. Ang mga tubig na nanggagaling sa Quezon city ay napupunta sa Espana na dumadagdag sa taas ng lebel ng tubig. Ayon sa aking nakapanayam ay dahil sa halos matataas na building at infrastraktura ang nakapalibot sa barangay kaya mga bahay na maliliit o mabababa ang pinakanaaapektuhan ng sakuna. 
Tumblr media
Retrieved at: https://binged.it/2Z8U0Jt
Ang mga Unibersidad at Paaralan na malalapit sa lugar ay sobra rin naaapektuhan katulad ng Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan madalas pinapasok ng tubig na hanggang tuhod ang  umaabot sa mga buildings. 
Tumblr media
Pagdating naman sa negosyo, ang pinakanaaapektuhan ay ang mga street vendors na tinututring pagtinda na lamang ang kanilang pangtaguyod sa pang araw-araw.  Kawalan ng budyet ang sinasabing dahilan bakit mabagal ang pagbangon ng barangay sa tuwing may sakuna at pati na rin ang problema sa kalat na madalas ay nagiging dahilan ng pagbara ng mga kanal at drainage system ng lugar. 
0 notes
ceeejsmelecio-blog · 5 years
Text
Capacity and Disaster Management Assessment
Tumblr media
Naghahanda ang barangay kapag alam nilang may bagyo o kapag walang tigil ang ulan sa pamamagitan ng pagangat ng mga kagamitan sa matataas na lugar. Ngunit wala silang pinakakonkretong plano kung sakaling may darating na mga sakuna. Tinuturing lang nila na pinakababala ay ang mga marka sa poste kung ang pagtaas ng tubig ay delikado na. 
Tumblr media
Ayon din kay kagawad wala silang tinuturing na evacuation center para sa mga mamamayan na masasalanta. Pero nagkakaroon naman sila ng taunang Earthquake Drills at mga Fire Prevention seminars. Sa kawalan ng budyet at pamamahala ang isa sa mga dahilan ng kakulangan sa paghahanda ng barangay.
0 notes
ceeejsmelecio-blog · 5 years
Text
Safest and Hazardous areas, places, spaces, practices, lifestyles in the community.
Tumblr media
Ang pinakadelikado na nakikita ko sa lugar ay ang mga infrastraktura na mga ginagawa pa lamang. Maari kasi itong magdulot ng peligro sa mga tao sa paligid at lalo na sa mga taong naglalakad sa bababa nito. Ngunit naglagay naman ng mga proteksyon ang mga kumpanya na gumagawa para sa kaligtasan ng lahat.
Tumblr media
Nasabi sa akin ng kagawad na aking nakapanayam na mas naging ligtas na ang barangay ngayon, hindi na talamak ang mga nakawan at hold-up ngunit may mga panahong di talaga maiiwasan kaya dapat lagging nag-iingat. Mas ligtas na raw ang barangay ngayon kaysa noon at mas malinis na rin dahil ginagawan nila ng paraan para luminis ang paligid.
Tumblr media
Isa ang sidecar o pedicab sa mga pinagkikitaan ng mga tao sa barangay. Pati na rin ang pag tri-tricycle at pagtitinda ng mga bagay sa kalsada. Marami rin ang nagbebenta ng mga pagkain na talaga naming sulit sa mababang presyo. Lahat sila ay may kani-kaniyang paraan para kumita ng pera na talagang makikita mo sa kanilang mukha ang pagpupursigido at pagtitiyaga. Ayan ang kagandahan sa Barangay 459.
0 notes