cefthewordsmith
cefthewordsmith
-CeF-
99 posts
MBA, CPA cutie | Iskolar ng Bayan | 1995 | Libra | INFP-T
Don't wanna be here? Send us removal request.
cefthewordsmith ¡ 6 months ago
Text
33/100
“214”
It’s real,
officially—
You and I, always.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 9 months ago
Text
32/100
“Ika-syam ng Nobyembre, Taong Dalawang Libo Dalawampu’t Apat”
Unang beses na hindi tayo nag-usap
sa loob ng isang taon mula sa umpisa;
walang paramdam—walang kahit na ano.
Sa mga lumang litrato, ako’y sumusulyap;
pumapatak ang luha, tuliro, balisa—
paano wawakasan ang pangungulila sa’yo?
0 notes
cefthewordsmith ¡ 9 months ago
Text
31/100
“Cake, Flowers, Coffee”
I’m not a fan of cakes, but I enjoy savoring a slice with you.
It’s very rare that I give flowers, but I hope they made you smile.
I miss our coffee dates, where we find silence in the bustling crowd.
For now, I’ll leave it at that—may these offer peace between our souls and minds.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 9 months ago
Text
30/100
“October-November”
It’s been a year since “us” was real.
We went into dates, did stuff—lots of time spent.
We were very happy, until we weren’t.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 10 months ago
Text
29/100
“Mula Sa Buwan”
Maaari ba tayong magtungo
sa lugar kung saan walang sakit o hapdi,
at lahat ng tao ay nakangiti?
Maaari ba tayong maglayag
kung saan walang pusong nabibiyak,
at kailanman ay hindi tayo iiyak?
Maaari pa bang magsimula ulit?
O mahabaging buwan—
tulungan kaming lisanin itong mundong mapanakit!
0 notes
cefthewordsmith ¡ 11 months ago
Text
28/100
“Insomnia”
“I can’t sleep.”
Sounds like a normal thing for us two.
But what I really meant to say
is that I long for your physical presence.
“I can’t sleep without you.”
0 notes
cefthewordsmith ¡ 11 months ago
Text
27/100
“Baguio”
In this cold city in the mountains of the Cordillera,
you were my warmth.
A few days with you felt like forever,
moments stretching into eternity.
I wish we could always stay like that—
carefree, as if time were infinite.
I enjoyed your company,
and your acts of love I deeply felt.
I will treasure the time we shared.
Now it’s all memories—
something golden to look back on,
and hopefully, it will bring joy
as we reminisce about how it made us feel.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
26/100
“Gengar”
Round body, short arms and legs,
red eyes, pointed ears, spikes down its back,
and a perpetual toothy grin—
familiar to me as a child,
yet still a stranger,
until you:
you are the poison I am willing to take;
you are the ghost I do not fear to face.
A personification of this purple being,
in all the best ways known to every fan.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
25/100
“Quarter Life Crisis”
You may feel a bit lost,
or as if the world’s against you.
Remember to take a pause,
you’re only human, too.
Hold my hand, I’ll guide you home;
Baby, you’re never alone.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
24/100
“Fairytale”
Hear ye! Hear ye!
This is your Prince Not-So-Charming;
yet my heart is pure and love’s disarming,
no great castle, but my home’s warm and welcoming.
I’ll do whatever to save you and break the witch’s curse;
ready to conquer mountains, seas, and enchanted forests—
wherever I may traverse.
Let’s begin writing our story together;
where everything starts with “once upon a time…”
and ends with “happily ever after.”
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
23/100
“Neo”
Nasabi ko na ba sa’yo
na dati’y pangarap kong magka-kuya—
yung maiintindihan, ipagtatanggol ako,
ligtas ang mga sikreto,
kasama sa halos lahat mula pagkabata?
Subalit wala.
At maagang nawala.
Kaya masaya ako para sa’yo,
dahil mayroon kang isang kuyang halos kambal mo na.
Ang dami mong kwento tungkol sa kanya, na sa tuwing sinasabi mo,
at sa mga pagkakataong kasama ko siyang maglaro,
pakiramdam ko’y kuya ko na rin siya,
kahit na siya’y mas bata.
Kalaro; madalas kasama sa bahay, galaan, at maging sa kalokohan; kakwentuhan.
At kung paano siya sobrang magmahal—
sa kasintahan o sa’yo man,
ay malalim at lubos kong nauunawaan.
Siguro nga dahil pareho kami ng pinagdadaanan,
at ako rin ang kuya para sa ilan.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
22/100
“Obsession”
Too much love is dangerous,
for us both, I want no harm.
Just so you know I’m serious,
let’s keep it real, no fooling around.
I hope you see I’m doing my best,
and never as someone obsessed.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
21/100
“Morning Rush”
What I hated most about being together
for a day or more,
was waking up very early after every last night—
booked a ride home to work onsite.
‘Twas not because of getting up from bed
without enough sleep, half-conscious,
but the sadness I felt from leaving.
I didn’t want to look back;
seeing you alone made my heart heavy—
a goodbye kiss.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
20/100
“Emel”
Mababaw man ito para sa ilan,
iba’ng tama sa lalim ng pinanghuhugutan.
Alam kong malaking bagay ito para sa’yo
kaya naman sarili’y pilit pinagsiksikan;
magkaroon lamang ng maliit na parte
sa tulad nitong sa iyo ay importante.
Iba pala ang sakit ng pinagpipilitang gawin
ang isang bagay kasama mo,
samantalang taong di kilala’y walang hirap
at dali-dali mong nakakasalo.
Nakailang ulit na itinanggi—
kahit isa lang, paulit-ulit umayaw, humindi.
Hindi tayo natuto pareho;
mali, ayaw mo pala talaga akong kalaro.
Patawad, mahal, kung mahina ako
o tingin mo man sa akin ay bobo—
gusto ko lang naman ng kaunting oras mo,
kahit papaano, gayong tayo’y magkalayo,
gaya ng dati na tanggap mo’ng buo.
Ngayon, hindi ko na malalaman
kung hanggang anong oras ka inabot
o kung kani-kanino ka nakipagpuyatan.
Paalam sa ating bulaklak
na hindi na bubuka nang tuluyan.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
19/100
“Exam”
Kailangan ng sagot
sa bawat tanong na nabuo.
Ikaw na ba ay sigurado,
o mananatiling gulo’t kabado?
Minsan yung iba, hindi naaaral,
hindi sapat na utak lang;
minsan damdamin ang dapat umiral.
Kung ayaw ay may dahilan,
kung gusto, palaging may paraan.
Para kang isang pagsusulit—
labis ang nais kong maipasa, ngunit
hindi wari kung hanggang saan ang kaya.
Sapat ba ang baon,
o babawi na lang sa susunod na pagkakataon?
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
18/100
“Kilig”
Minsan naiisip ko
sa tuwing magkausap o magkasama tayo.
Napapakilig pa rin kaya kita?
Itong pangakong bibitawan,
nawa’y pakatatandaan:
Hindi ako hahanap ng kilig mula sa iba.
0 notes
cefthewordsmith ¡ 1 year ago
Text
17/100
“Alala Mo Pa Ba Yung Una?”
Naaalala mo ba…
Yung unang litrato mo na sa akin ay ipinadala?
Yung unang beses na marinig mo ang boses kong kakaiba?
Yung unang pagkakataon na makita mo ako sa personal?
Yung unang halik na aking ibinigay sa mga labi mong espesyal?
Naaalala mo rin ba…
Yung unang bigkas ko sa’yo ng mga katagang “mahal kita”?
Napakaraming una—
Pelikula, inumin, putaheng inihanda, musikal, galaan, byaheng-kalsada;
Maraming ulit pero hindi nakakasawa.
Gayunpaman, batid kong ang lahat ng ito’y limot mo na.
At ako man ay hindi rin eksaktong tanda ang detalye ng lahat,
Naaalala ko kung ano ang damdaming ipinalasap—
Naaalala kita araw-araw.
0 notes