Text
HOD - Step 4
"Oh, 'di na ba bad hair day?" Pang-aasar sakin ni kuya Jackson pagbaba ko. "Tse! Akin na nga 'yan!" Kinuha ko sa kanya 'yung series at inilagay malapit sa DVD player. Isinet ko na rin 'yung unang part ng movie. "Yey! Mo-ma! Mo-ma! Mo-ma!" Pagchachant ni Harmy na pumapalakpak pa. Sinabayan naman siya ni Lyric na kumuha ng pagkain sa lamesa. "Pizza! Pizza! Pizza!" "Ate tabi tayo." Tawag sakin ni Harmy na nakaupo dun sa mahabang sofa. "Usog." Tapik ko sa tuhod ni kuya. Magkatabi kasi sila ni Harmy. "Nooo. Tabi rin kami ni kuya Jackson." "Eh, saan ako? Pang tatlo lang ang sofa. Hindi tayo kasya." Lumingon naman siya sa left side niya. "Kuya Shio, pwedeng pausog?" "Harmy!" "Dito na lang ako. Maupo ka na, Mica." Naupo sa sahig si Shio. Nakasandal siya dun sa dulo ng sofa. "Sigurado ka?" "Oo naman." Ngumiti siya. "Maupo ka na. Magsisimula na, oh." "Yey! Harry Potter!" "Shh. 'Wag kang maingay, Harmy." Saway sa kanya ni Lyric. "Sorry. Hihihi." Pabulong naman na sagot nito at nanood na rin. ~~~ "Aasrass tesssarss lersass-" "Are you practicing your parseltounge, Harmy?" Mom asked. Kakatapos lang naming panoorin 'yung second episode. More than five hours have passed. Harry Potter and the Prisoner of Azkaban na ang sunod. "Can I also talk to snakes?" Inosenteng tanong ni Harmy kay kuya Jackson. "It only happen in movies, Harmy." Sabi ni Melo na pinisil ang mukha niya. "Pause muna. Dinner muna tayo." Sumunod kami kay mama sa kusina. "Kumain ka na rin dito, Shio. 'Wag ka ng mahiya." Yaya ni mama kay Shio na naiwan sa sala. "Hoy. Puntahan mo 'yun." Utos sakin ni kuya. Makapagsalita to. Hmp! Naupo ulit ako dun sa pwesto ko kanina. "Uy." Sundot ko sa pisngi niya. "Kain na." Bigla naman siyang naghikab pagkatapos ay isinandal ang ulo niya sa tuhod ko. Niyakap niya pa yung binti ko! "Huy, Shio!" "Shh. Nangalay ako." Ani Shio. "Ba't kasi lumipat ka dyan kanina. Ayan tuloy. Dapat si kuya na lang 'yung pinaalis eh." "Sa gusto ko eh. Tsaka nirequest na rin kasi ni Harmy." Sagot niya habang nakapikit. "Oh, whatever." Itinaas ko ang kamay ko sa ere -tanda ng pagsuko. "Tara na, kain." Tumayo na ako sa pagkakaupo. Ang kaso, imbis na bitawan niya ang paa ko at tumayo, lalo pa niyang hinigpitan ang kapit niya rito! "Shio!" "What?" Inosenteng tanong niya. "What ka diyan. Kumain na tayo!" Singhal ko. "Ayaw." "Shio!" "Five minutes." Aba't tumawad pa! "Please? Let's stay here for five minutes." "Shazuki Ichigo Ong." Banggit ko sa buong pangalan niya sa tonong may pagbabanta. Iminulat niya ang mata niya at nakipagtitigan sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Please?" Bulong niya. Napabuntong hininga na lang ako at naupong muli. Wala siyang balak na alisin ang pagkakalingkis niya sa binti ko. I have no choice. Isinandal niya ulit ang ulo niya sa tuhod ko at pumikit. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para pagmasdan ang mukha niya. Gwapo si Shio. Maputi ang balat niya, mana sa mama niyang half japanese. Matangos ang ilong at may labi siyang maninipis at kulay rosas. Walang bisyo si Shio. Hindi siya naninigarilyo. Umiinom, pero tuwing may event lang. Iniiwasan niya ang mga iyon at sabi niya sakin noon, hindi siya marunong magsugal. Talagang pagsasayaw lang ang kinaaadikan niya. Singkit ang mata ni Shio, chinese kasi ang kanyang ama. At dahil nakapikit siya, kapansin-pansin ang mahahaba niyang pilik mata. Ano kayang ginawa nito kanina? Parang pagod na pagod siya. "Kaya naman pala ang tagal niyo." Napaayos ako ng upo ng magsalita si kuya. Nakatayo siya at salubong ang kaniyang mga kilay, hawak niya ang platong puno ng pagkain. "Tumayo na kayo dyan! Istorbo kayo sa pag-kain ko." "Uy, Shio." Sinundot ko ulit ang mukha niya ng bumalik na si kuya sa kusina. Iminulat naman niya ang isa niyang mata. "Tayo na diyan." Pumikit siya ulit pagkatapos ay nag-unat. Sa wakas binitawan na niya ang binti ko. Tumayo na ako at lumayo ng kaunti. Baka kung ano ang pumasok sa isip niya at kumapit na naman. Hinihintay ko siyang tumayo ng ilahad niya ang dalawa niyang kamay sa harap ko. "Please?" Napairap ako. "Ang tamad mo." Pagkuwan ay hinila ko siya patayo. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. "Kain na tayo." ~*~*~ "Hay~ ang sarap. Thank you, Tita. The best ka talaga." Puri ni Kuya kay Mama. "Binola mo na naman ako, Jackson. Harmy, baby? Akyat na tayo. Dun na kayo sa taas maglaro ni ate." "Okay mama. Ate sa taas daw tayo." Umakyat na sa taas sina mama, Harmy at Melo. Naiwan kaming apat dito sa sala. "Burn~! Hahaha! Weak ka pa rin kuya Jackson!" Ani Lyric. Naglalaro sila ni kuya Jackson ng NBA 2k** sa Xbox. "At least, sa video game mo lang ako natatalo." "Talo ka pa rin." Singit ni Shio sa kanila. "Oo nga, hahaha!" Nag-high five sina Lyric at Shio na siyang ikinainis ni kuya. Kung gaano siya ka-bully, ganun din siya ka-pikon. "1 on 1 tayo bukas, o?" "Sige!" "Ugok mo." Marahang binatukan ni Shio si kuya. "Tumigil ka. May rehearsals tayo bukas." Nagsukatan ng tingin ang dalawa pagkatapos ay bumaling si kuya kay Lyric. "After ng farewell party ng school maglalaban tayo." "Go on. 'Di ako takot sa'yo." "Ah, Shio, speaking of rehearsals..." "Gusto mong sumama sa last dance namin?" Singit ni kuya. Inirapan ko siya. "Ayoko pa rin. Maglaro na lang nga kayo ni Lyric!" Nilingon ko si Shio na nakatingin sa akin. "Tulungan mo naman akong mag-alegro ng kanta." Tumango naman siya. "Para saan ba?" "10th Grade Dance Battle. Final project para sa MAPEH." "Wait, Mr. De Leon is your MAPEH instructor, isn't it?" Tumango naman ako. "So mag-o-OPM kayo?" "Yes, I suggested to use Original Pinoy Music which fortunately, Jana approved." Parang na-amazed naman siya sa sinabi ko. "Buti napapayag mo siya?" "Well, nung una tumanggi siya. Panigurado naman na may naisip na siyang set ng kanta nung nabasa niya 'yung sinulat ni Sir sa blackboard." Ganun ka-competitive si Jana sa mga performance tasks namin. Ang dami niyang ideas na bigla bigla na lang sumusulpot. "But thanks to Clayn and Bea. Sila 'yung nagpaliwanag kay Jana kung anong advantage ang pwede naming makuha." "Buti naman. So, let's start? Sakto wala pa akong nagagawang kanta para sa last dance namin. Sabay na tayo." Kinuha ko yung laptop sa kwarto ko pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ni kuya para kunin ang laptop niya(nagkaroon na ng sariling kwarto si kuya sa bahay dahil sa dalas niyang matulog dito).'Yun ang gagamitin ni Shio para makapag-edit since pizza lang ang bitbit niya ng dumating siya dito kanina. Sa kusina ako dumiretso. Dito namin naisipang mag-edit. Ang ingay kasi nila Lyric at Kuya sa sala. "Sa Acoustica ka mag-edit. Mas mabilis doon. Cut lang ng cut tapos isasalpak mo lang 'yung music then pwede mo ng i-produce. Real quick." Panimula niya habang binubuksan ang laptop. "Shio." "Hm?" "Wala akong Acoustica." Natigilan siya at nilingon ako. Pagkuwa'y ngumiti. "Download." Tipid niyang sagot. "Mag free trial ka na lang muna. I-download mo na rin 'yung mga gusto mong kanta para dirediretso na tayo." ~*~*~ After hours of trial and error natapos din kami. It was fun editing music with Shio. Gabi na rin kasi at sa tuwing aantukin ako, he'll crack a korni joke. It was very unusual of him kaya hindi ko mapigilang matawa. Well, hindi sa joke niya kung hindi sa mukha niya. Who the hell will tell a joke with a serious face? Shio does! "*yawns* Tapos na ba?" Tanong ni kuya habang pababa siya ng hagdan. 9 PM na kanina nung umakyat sila ni Lyric. Masakit na raw ang daliri ni Lyric kakapindot ng game console. Masakit na rin ang lalamunan ni kuya sa pakikipagsigawan sa kaniya. Oh, boys. "Tapos na. Ipoproduce na lang namin ang kanta." Ani ni Shio na sinimulan na ang pagpoproduce ng kanta. "Kamusta ang first editing mo, Mics?" Tanong sa akin ni kuya. "It was tiring but fun. Mabilis ko namang natutunan ang basics. All thanks to Shazuki." "I better get going. Lagot na ako nito." Ani ni Shio. Lagpas 12 AM na kasi. "Yeah. Ihahatid ko na 'to. Good night, Mics." Paalam ni kuya at nauna ng lumabas. "Ah, kuya." Liningon naman ako ni kuya Jackson. Nag-aalangan kasi ako kung hahayaan ko ba silang umuwi o dito ko na lang sila patutulugin sa bahay. Ginulo niya ako buhok ko. "We'll be fine. Don't worry." Sabi niya na tila nabasa ang nasa isip ko. Kuya knows me so well. "Okay." Hinatid ko na sila sa gate. Nagkaroon pa ng konting kulitan tungkol sa pagiging tulog mantika, which we all know na si kuya yon. Lagi kaya siyang late. "Good night, guys. Ingat kayo. Salamat!" Paalam ko. Shio waved at me bago pumasok ng kotse. Pumasok na rin ako ng hindi ko na natatanaw ang kotse nila. This day went long at kailangan ko pang gumising ng maaga bukas. #HeartOfDancing #HOD #Step4 #cessamirko #wattpad #writersblog http://wattpad.com/user/cessamirko
1 note
·
View note
Text
HOD - Step 3
"How's church?" Bungad na tanong sakin ni mama pagpasok ko ng bahay. "Blessed." Nagmano ako kay mama at umakyat na sa kwarto ko para magbihis. "Ate, bilis! Kain na tayo!" Sabi ni Lyric na kinatok pa ang pintuan ng kwarto ko. "Patapos na. Bababa na ako." Sunday is Church day. Kahit gaano kapuno ang schedule ko the whole week, sinisikap ko pa ring makapunta sa church. It is my way of thanking Him for the protection, guidance and blessings. Nagpapasalamat ako kasi kahit na gaano man kabusy, ka-stressful, o kasaya ang buong linggo ko, lagi Siyang nandiyan para sakin at sa pamilya ko. Nakatulong din 'yung pagkahilig ko sa music. Bassist ako ng music ministry sa church namin. Nakakamangha na naging daan ang musika sa pagpuri at pagsamba ko sa Panginoon. Masaya akong nagagamit ko ang talento ko para magpasalamat sa Kaniya. Sobrang kakaiba sa pakiramdam. "Ate, maganda raw 'yung Beauty and the Beast sabi nung kaklase ko." Kwento ni Melody habang kumakain kami. "Yung cartoooons?" Singit naman ni Harmony. Ang pinakabata kong kapatid. "Hindi yun. Mas maganda siya dun, Harmy." Pabulong na sabi ni Melo sa kanya. "Mama, lets watch it." Inosenteng sabi naman niya kay mama. "Pangit yun, Harmy! Nakakatakot 'yung beast. Kakainin ka niya ng buhay! Roar!" Pananakot ni Lyric na nilagay pa ang kubyertos sa tabi ng ulo niya. "Parang monster?" "Oo. Awooo~" "Monster daw tapos tunog multo." Singit ko. "Mumu 'yan eh." Boom! Hahaha basag si Lyric! "Ate naman, eh." Sinimangutan niya ako. I just stick my tounge out. "Ogag mo. Maganda 'yun Harmy." Pangungumbinsi ni Melo. "Bibig mo, Melo. Kumakain tayo." Pagbabanta nama ni mama. Ogag pala ah. "Sorry po. Let's watch it please?" "Kung mauubos ni Harmy 'yung pagkain niya." Sabi ni mama na sinubuan ng pagkain si Harmy. "Okay lang ba sa'yo, Lyric?" Tanong ko. Siya lang kasi ang lalaking kasama namin sa bahay. Pangalawa siya saming magkakapatid. Sumunod sa kanya si Melody at bunso naman si Harmony. "May magagawa pa ba ako? Harmy yan eh. Say ahh~" "Ahh~" Ngumanga si Harmy at sinubuan naman siya ni Lyric. Isa rin 'to sa ayaw kong mamiss tuwing Sunday. Family bonding. ~~~ "Wahahaha! Wala kayong balaaaaa!" "Tse!" "Aray! Masakit yun ah!" Hinihimas ni Lyric ang ulo niya na tinamaan ng unan. "Ate, wala ka bang nakadownload na ganun sa laptop mo?" "Ilang beses mo ng tinanong 'yan, Melo. Wala." Lakas ng loob mag-ayang manood ng Beauty and the Beast wala naman pala siyang kopya. "Ano na lang papanoorin natin?" "Magic! Magic! Magic!" Napalingon ako kay Harmony na tumatalon-talon hawak ang DVD namin ng Now You See Me. Binuhat siya ni Lyric. "Pinanood na natin yan last week end eh. Iba naman!" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala si mama. Bumili siya ng pang-snack namin kaya kami lang magkakapatid ang magkakasama. "Ay, wait lang." Kinuha ko 'yung cellphone ko sa taas. Dinial ko yung number ni kuya Jackson. "Oh, Mics?" "Kuya? Pahiram naman nung Harry Potter Series ni tita. Please?" "Mo-ma kayo?" "Oo. Wala ng ibang mapanood eh hahaha!" "Teka kukunin ko lang tapos hatid ko sa inyo." "Sige. Thank you!" "Ate may panonoorin na tayo?" Tanong sakin ni Melo na sumunod pala sa kwarto ko. "Oo. Hintayin muna natin si kuya Jackson." "Darating siya? Kyaaaah! Harmy darating daw si kuya Jackson!" Tili ni Melo at nagtatakbo na pababa. Napailing na lang ako. Close talaga sila ni kuya. Halos siya na kasi ang ituring tatay ng mga kapatid ko. Tatay ko? Ayun. Nangibang bahay 6 years ago. Nasa church ako noon. Nami-meeting kami para sa isang outreach program. Nagkataon naman na may ipinadalang cookies si tita kay kuya Jackson para kina Lyric. Si kuya ang iniyakan nila Harmy hanggang sa pagtulog. After that day, naging close na yung mga kapatid ko kay kuya. Thankful ako syempre. At alam kong ganun din si mama. Kuya was there when she's vulnerable. Halos dito na siya matulog. *phone rings* "Oh, nahanap mo na?" "Mics, ano kasi eh. Wala dito yung DVDs." "Ha? Eh, nasaan?" "Hiniram nga pala ni --- ah... wala, wala. Nevermind. Hahaha!" "Huy? May nanghiram?" "Wala! Walang nanghiram." "So madadala mo na dito?" "Yep. Just wait for a few minutes. Pupunta ako dyan tapos kasama ko na siya." Wait, what? "Siya?" "Ha? Oo. Siya. Yung ano, si...si Potter! Hahaha!" "Ewan ko sa'yo. Bahala ka. Hintayin ka namin ah? See you. Ingat~" Bumaba na ako at naabutan ko 'yung tatlong nagre-wrestling sa sofa. "Ano yan?!" Natigil silang lahat na nakatingin sakin. "Hya~" "Ahh!! Hahahaha! Ate, ang bigat mooo!" Sigaw ni Harmy. "Ugh, naiipit ako. Ate!" "Hahaha!" Tinawanan ko lang si Lyric na nasa pinakailalim. "Aliiiiisss!" "Hoy! Aba!" "Hahahahahaha~!" Aba! Muntik na ngang humampas 'yung ulo ko sa center table dahil sa lakas ng pagkakatulak nila, tinawanan pa ako?! "Ate, ang pangit mo." "Ang harsh mo sakin, Melo!" "Witch! Witch! Witch! Hahaha!" Tinuturo turo ako ni Harmy habang nagba-bounce sa sofa. "Ate. Yun." Inginuso naman ni Lyric yung nasa likuran ko. Asdfghjkl! Reflection ko sa nakapatay na TV ang nakita ko. Mukha akong losyang! "HAHAHA! AMPANGET MOOO!" "Ah, ganon? Hetong sa inyo!" "Kyaaah! Ate! Hahahaha!" "Ate-hahahaha!-yoko na hahahahaha!" "Hahahahaha! Tickles!" "Kami naman!" Sigaw ni Lyric na nakahanap ng paraan para makiliti ako. "Ahh!" "Hahahahaha!" Hindi ko alam kung paano ko ililihis yung katawan ko sa mga kamay nila. Nahulog na naman ako sa sofa! Naramdaman ko rin 'yung dahan-dahang pag usog ng center table. Puro tawa ang naririnig sa buong bahay ng biglang bumukas ang pinto. "Pizza?" "Kuya Jackson!" Nagsitayuan na silang tatlo at yumakap kay kuya. "Shio?" Nilingon ko naman si kuya ng may pagtataka. "Nakay Shio nga pala 'yung DVDs. Since hindi pa naman niya napapanood, sinama ko na siya dito." Pagpapaliwanag niya. Binalik ko naman ang tingin ko kay Shio na may tatlong box ng pizza sa kamay. "Hi?" Napakurap ako. O shit! Yung buhok ko! Agad akong tumayo at tumakbo sa kwarto. Narinig ko pa ang tawanan nila sa baba at kung paano sinabi ni Harmy na "Ang pangit ni ate!" bago ko isinara ang pinto. Langya. Nakakahiya! #HeartOfDancing #HOD #Step3 #cessamirko #wattpad #writersblog http://wattpad.com/user/cessamirko
0 notes
Text
HOD - Step 2
10TH GRADE DANCE BATTLE 'Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa klase. Nagkukumpulan na rin ang mga kaklase ko. Pinaguusapan ang nakasulat sa black board with bold fonts. May mga naeexcite at may mga kinakabahan. "Pag-aagawan ka nila, panigurado." Bulong sakin ni Anya pagkaupo ko. Si Anya ang seatmate kong madaldal. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi lang naman ako ang marunong sumayaw sa klase. Isa pa, wala naman akong balak magturo ng sayaw sa kanila. Ayokong maging leader ng mga taong naglilider-lideran. Masakit na sa ulo, masakit pa sa vocal chords. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanila. Ang iksi pa naman ng pasensya ko. "Good morning grade 10-Love." Biglang nagtransform ang klase. Mula sa mga nakatayong estudyante at nagkalat na mga upuan, lahat ay nakaupo na at animo'y mga anghel na hindi makabasag pinggan. "Good morning, Sir." Bati naming lahat sa guro naming si Sir De Leon. "How's your hell week?" Tanong niya. "Literal na hell, Sir." "Nakakastress po." "Sunod sunod po 'yung mga exams." "Ang dami pong performance tasks." Kanya-kanyang sagot ang mga kaklase ko. Hindi ko na kailangang magsalita. Wala namang mangyayare. Ang importante ay natapos ko na ang mga iyon. "Sir, PeTa namin yan?" Tanong ni Anya na itinuturo ang nakasulat sa black board. Ngumiti naman si Sir. "Kung hindi niyo napansin, Health lang ang itinest niyo sa subject ko." Panimula niya. MAPEH subject ang itinuturo sa amin ni Sir De Leon. Oo, Health lang ang inexam namin. Nakakainis. Nireview ko 'yung four areas tapos Health? Health lang?! "The 10th Grade Dance Battle. Tama ka, Anya. Ito ang magiging performance task niyo sa subject ko. And at the same time, ito rin ang bubuo sa exam niyo. Sa Music area mapupunta ang score sa pinili niyong mga kanta. Your creative movements will fall on Arts. At ang overall performance ay ang magiging grado niyo sa PE. Pagsasamahin lahat ng grado at 'yun ang score ng PeTa. I'm giving you a week to prepare. Am I clear?" Mahabang lintanya ni Sir. Sinangayunan naman ito ng lahat. Inatasan kami ni Sir na magbilang hanggang tatlo. Iyon ang magsisilbing kasangga namin sa project. May labindalawang estudyante kada grupo. Group 2 ang nasalihan ko at sa kabutihang palad, lima kaming mananayaw na magkakasama. "We still have 40 minutes. Take this moment to talk about your music and stuffs. Utang ng loob, section one. Walang mag-iingay. I'm expecting a lot from you. Okay?" Ngumiti si Sir sa amin. "Good day, everyone. Happy week end." Section one. 'Yan tayo eh. Kapag unang section kailangan kayo 'yung pinakamagaling, pinakadisiplinado, pinakamatino. Nakakasakal. Para kang naalisan ng karapatang pantao. Para kasi sa iba, kapag nasa section one, kailangan perpekto ka. Bawal magkamali. "Guys, tara meeting." Tinawag kami sa isang bilog ni Jana. Ano pa bang bago? Basta kagrupo mo si Jana, matik na siya ang leader niyo. "One week lang ang meron tayo. Hindi lahat ng nasa grupo, dancers. So guys, sana naman makipag-cooperate kayo. Kung kada section may tatlong grupo, mahigit sampu tayong magko-compete. Kailangan ko ng koopersyon niyo." Sabi ni Jana na malumanay ang boses. Sinang-ayunan siya ng iba. Napatango na lang ako. Panigurado naman kasi na hanggang umpisa lang ang mga 'yan. Pagtuntong ng ikalawang araw, stressed na ang lola niyo at namamalat na ang boses. "Pag-usapan muna natin 'yung music. Anong balak niyo?" Tanong ni Jana. "Syempre maghihip-hop tayo." Singit ni Chris, isa pang dancer. "Gusto niyong mag-OPM?" Natanong ko bigla. Tinignan naman ako ni Jana ng salubong ang kilay. "Hiphop tapos OPM?" Sarkastiko niyang tanong. Nagkibit-balikat na lang ako. Ayokong makipagtalo lalo na kung sarado naman ang isip niya sa suggestions ng iba. Sa ilang taon kong nag-aaral, marami na akong nakasalamuhang katulad ni Jana. Mga kunwaring magtatanong ng suhestiyon sa iba, pero suhestiyon pa rin niya at ng mga kaibigan niya ang laging nasusunod. "Pwede rin, Ja." Singit ulit ni Clayn. Buti pa 'yan. Kahit lalambo- lambot kumilos, mabait siya sa iba. Hindi peke. "Nasa beat rin kasi 'yan ng music. May mga OPM songs na pwedeng sayawin, tsaka ang dami na ring music editor na naglipana sa internet." "Mahilig pa naman sa OPM si Sir. Dun pa lang may plus points na tayo!" Sang-ayon ni Bea, isa pang mananayaw na kaibigan ni Jana. Nag-isip naman "kuno" si Jana. "Sige na nga. Since ikaw naman Mics ang nag-suggest, baka pwedeng ikaw na rin ang bumuo ng alegro ng kanta." Request ni Jana. "'Di ba close kayo nung dancer na si Shio? Balita ko siya 'yung nagreremix ng mga kantang sinasayaw ng Beat Infinity!" Tila nagniningning ang mga mata ni Jana ng banggitin niya ang pangalan ni Shio. Beat Infinity ang pangalan ng dance crew nila kuya. "Oo sige. Ako na bahala." Sagot ko. Tutulungan naman ako ni Shio. Susuhulan ko lang ng ice cream yun papayag na. "Kailan ang start ng rehearsals?" "Panigurado namang ayaw mo ng Sunday kaya sa Lunes na lang. After class tayo. At least three hours ang practice. Next next week na 'yan kaya ayusin niyo!" ~*~*~ Nakasalubong ko sina kuya sa hallway pauwi. Kasama niya ang buong crew. "Hi Mics!" Bati sakin nila Paul at Marky. "Hello." Bati ko pabalik. Gaya ng dati. Tumatambay ang grupo nila kuya sa bahay namin. Matik na 'yan tuwing Biyernes. "Last two fridays na lang pala akong makakahiga dito." Sabi ni Marky na nakahiga sa bermuda grass ng graden namin. Dito kami nauupo hanggang alas-nuebe ng gabi. Tamang kain, asaran at panonood sa mga butuin ang madalas na ginagawa namin. "Lalayas na talaga tayo, mareng Marky." Sambit ni kuya na tinawanan naman ng iba. Madalas kasing mapagkamalang babae si Marky. Lalo na kapag nakacap siya na sinasakluban pa niya ng hood with matching face mask or specs. Sa height niyang 5'6, nagmumukha talaga siyang babae sa ganung bihis. "Two weeks na laaaaang!" Paunat na sigaw ni Claw. "Sad na niyan si Mics. Wala ng manggugulo sa bahay niyo tuwing Biyernes." Sabi naman ni Brix. "'Di yan. Nandiyan naman si Shio." Singit ni Paul. Nilingon ko naman si Shio na nasa tabi ko. "Hindi ka aalis?" "May malapit na university naman diyan. Di naman ako kasing arte ng mga 'to." Pagkasabi niya nun binatukan siya ni Claw. "Para kay Mics, kamo." "Gago." Ha? Parang nao-off topic ako. "Anong para sakin?" Tanong ko. "Ang slow mo, Rythmica!" Binato ako ng tsinelas ni kuya Jackson. "Ang baboy mo." Nakasimangot kong pinagpag ang damit ko. Ang dumi ng tsinelas niya. Malay ko ba kung nakatapak kanina ng tae 'yun. Kadiri. "Tara Paul. Samahan mo akong bumili ng shake." Yaya ni Kuya kay Paul. "Literal na baboy." Bulong si Shio na umabot sa pandinig ko. "Tinatawa-tawa mo dyan, Mica? Ikaw, Shio, ah. Hindi pa nga ako nakakapuntang Laguna, kung ano-ano na agad ang natuturo mo sa pinsan ko." "Aalis na ba tayo o bibili kang mag-isa mo?" Tanong ni Paul kay Jackson. Napakamainipin talaga haha! "Anong strand kukunin mo sa Senior High, Mics?" Tanong sakin ni Claw. "'Di ko pa alam eh. Ikaw, saan mo balak mag college?" "Baka mag-Manila ako. Not yet sure. Pero gusto ko sa ibang lugar." Sagot niya. Buti nga sa Manila lang, eh. Si kuya lilipat na ng Laguna. Ang nakakainis pa, pagkatapos ng graduation nila, ilang araw lang aalis na siya. Wala siyang balak patapusin ang bakasyon. "Mamimiss mo sila." Singit ni Shio. "Kami lang talaga?" Sapaw ni Brix na may nakakalokong ngiti. "Aalis ba ako? Aalis ba ako?!" Mabilis na bara ni Shio. Natawa na lang ako sa kanila. Mamimiss ko nga ba ang Beat Infinity? Sobra. #HeartOfDancing #HOD #Step2 #cessamirko #wattpad #writersblog http://wattpad.com/user/cessamirko
0 notes
Text
HOD - Step 1
🎶 Yes, I do, I believe That one day I will be Where I was right there Right next to you 🎶
Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas maramdaman ko ang lyrics ng kanta.
🎶And it’s hard The days just seem so dark The moon and the stars Are nothing without you🎶
Sinimulan ng mag-groove ng katawan ko. Nagpapagewang-gewang pakaliwa’t pakanan.
🎶 Your touch, your skin Where do I begin? No words can explain The way I’m missing you 🎶
Hanggang sa lumabas na ang natural na galaw. Bawat kumpas ng kamay na sumasabay sa bawat nota.
🎶 Deny this emptiness This hole that I’m inside These tears They tell their own story 🎶
Iminulat ko ang aking mga mata at sinumulang maglapat ng puso sa bawat galaw. Mababasa sa mukha ang sakit at l But the feeling’s overwhelming, it’s much too strong 🎶
Bawat pitik ng balikat, bawat pag giling ng katawan, bawat pagpadyak ng paa. Lahat sumasabay sa ritmo at lirika.
🎶 Can I lay by your side? Next to you, you And make sure you’re alright I’ll take care of you I don’t want to be here if I can’t be with you tonight 🎶
Bawat kilos ay may ipinapahiwatig. Humahaplos sa hangin, galaw na may nais sabihin sa kanya, sa taong tinutukoy ng kompositor sa kanta.
🎶 I’m reaching out to you Can you hear my call? This hurt that I’ve been through I’m missing you, missing you like crazy 🎶
Nabitin ang galaw ko sa ere ng pumasok ang liwanag mula sa labas ng auditorium.
Sinalubong ako ng kanyang matamis na ngiti.
“Mahal mo talaga ang pagsasayaw.”, wika niya. Napangiti na lamang ako.
“Malaya ako sa pagsasayaw. Nagagawa kong ilabas ang galit at tuwa, ang sakit at hapdi sa simpleng kumpas at padyak. Kahit papaano ay nababawasan ang stress na nararamdaman ko.” Pagpapaliwanag ko. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko na siyang lagi niyang ginagawa.
“Kaya proud ako sa'yo, eh. Kahit gaano kabusy ang hell week nagkakaroon ka pa rin ng oras para linangin ang talento mo.” Inakbayan niya ako at giniya palabas. “Malapit ng matapos ang break. Kung hindi kita pinuntahan paniguradong late ka na naman sa exam mo. Nakakarindi ka pa naman magtantrums kapag hindi mo natatapos yung test niyo.”
“Ang OA mo! Nakakarindi ka dyan.” Depensa ko. Tinignan naman niya ako ng nakakaloko at ngumisi.
“Sus. Paulit ulit kaya. Masasagutan ko lahat ‘yun kung hindi lang ako kinapos sa oras. Ang hirap kaya nung exam niya tapos bibigyan niya ako ng 30 minutes para magsagot?!” Sabi niya na ginagaya ang boses ko. Inismiran ko na lang siya. Nakakapikon si kuya kung hindi mo siya kayang sabayan sa pang-aalaska niya. Kaya madalas niya akong asarin tuwing badtrip ako. Alam niya kasing mas maiksi ang pasensiya ko kapag ganun.
“Sino ba namang di maiinis dun? 120 items ipapasagot sayo within 30 minutes? Buti sana kung nagtuturo siya ng maayos.”
“Isang oras ho kasi dapat yung exam mo kung hindi ka nalate.” Sasagot pa sana ako kung hindi lang dumating si Shio.
“Alam na alam kong paparating kayo. Lagi na lang kayong nagtatalo.”
“Si kuya kasi-”
“Tama na 'yan.” Putol ni Shio sa sasabihin ko. Nakataas pa pareho 'yung kilay niya. Stressed agad. Tch.
Bumaling naman siya ng tingin kay kuya. “Pinapatawag ka ni Ma'am Buenaflor. Kakausapin ka tungkol sa last dance natin dito. Ako nang maghahatid sa pinsan mong makulit sa klase nila.”
Tinanguan naman siya ni kuya. Maka makulit 'to.
“Hoy, Rythmica. Ayusin mo, ah?” Bilin ni kuya Jackson na sinundot-sundot pa akong noo ko.
“Shut up.” Saway ko sa kanya. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa pangalang 'yun. Kairita. Okay sana eh. Unique. Kaso parang masyadong pambabae.
“Naiinggit talaga ako sa inyo ni Jackson.” Bulalas ni Shio ng makalayo na si kuya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang classroom ko.
“Bakit naman?”
“Wala. Magpinsan kayo pero dahil sa closeness niyo, para na kayong magkapatid.” Pagpapaliwanag niya. Napangiti na lang ako ng tipid.
Matalik na magkaibigan sina kuya Jackson at Shio. Magkaedad rin sila, sadyang si kuya lang talaga ang ginagalang ko.
May kapatid na babae si Shio, mas bata siya sakin. Makulit at maingay ang babaeng 'yun pero napakamalambing niya, lalo na sa kuya niyang si Shio.
Kung bakit naiinggit si Shio, 'yun ay dahil namatay ang kapatid niya apat na taon na ang nakakaraan. May leukemia ang pumanaw na ina ni Shio, sa kasawiang palad, namana ng kapatid niya.
Nang matanaw ko na ang pintuan ng klase ko, tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya. Nilingon niya ako ng salubong ang kilay.
“'Wag kang mainggit sa amin ni kuya Jackson. Kasama mo naman kami. Magpinsan na parang magkapatid? Kaibigan ka namin Shio. Kapatid na rin ang turing namin sa'yo.” Nginitian ko siya.
“Dito na lang ako. Ayun na lang, oh.” Turo ko sa pintuan ng klase ko. “Baka malate ka rin. Bye, Shio.” Anas ko sabay tapik ng dalawang beses ang pisngi niya.
#HeartOfDancing #HOD #Cessamirko #Wattpad #WritersBlog #Step1
http://www.wattpad.com/user/cessamirko
0 notes
Text
HOD - Musika
Hindi lang basta pagpadyak.
Hindi lang basta pagtalon.
Hindi lang basta pagtapon ng kamay at paglikha ng iba’t ibang kilos ang pagsasayaw.
Nangangailangan rin ito ng puso.
Let the music take over. Let your body rocks naturally. Let music cover your heart.
Feel what the writer feels when he wrote the lyrics. Feel what the composer feels when he put melody on the song.
Dance like no one’s watching.
Lagyan mo ng puso.
Dahil ang pagsasayaw, ay parang pag-ibig.
Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan nakakasakit. At mananatili itong talento mo, kung hindi ka bibitiw.
Kung hindi ka susuko.
#HeartOfDancing #HOD #Cessamirko #Wattpad #WritersBlog #Musika
http://wattpad.com/user/cessamirko
0 notes
Photo

New plot has arrived ^_^
#newstory #writerfeels #wattpad #cessamirko
0 notes
Text
First
First?
Saan nga ba nag-umpisa ang hilig ko sa pagbabasa? Kailan nga ba nagsimulang lumabas ang mga kataga? Ano nga ba ang nangyari noong una?
Impluwensiya. Naimpluwensiyahan ako ng isang kaibigan na labis kong pinasasalamatan. Nang dahil sa kaniya naging bukas ang aking mata sa larangan ng pagbasa.
Pagbasa. Pagbasa na sa kalauna’y nakakagawa na rin ng mga mumunting linya. Linyang nagsilbing hudyat ng buhay ko bilang manunulat.
Ano nga bang nangyari noong una?
Nabigo.
Nabigo ngunit hindi ako sumuko. Pagkabigo na siyang naging dahilan ng aking paglago. Pagkabigo na nagiging leksyon sa bawat tagpo.
Ako, si Mirko Manunulat, at ito ang una kong banat.
0 notes