charagutana-blog
charagutana-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
charagutana-blog · 7 years ago
Text
The Breakfast Club
Movie Review
1. Tema
Paksa - ang pelikula ay tungkol sa limang estudyanteng lumabag sa “school rules” ay naparusahan. Ito ay nagpapakita ng paghihirap ng mga kabataang maintindihan ng mga matatanda o nila mismo. Pinapakita sa pelikula ang mga “social misfits” o ang “hierarchy” sa paaralan.
Layunin - layunin nitong ipakita ang pinagkaiba-iba ng mga estudyante sa paaralan, ang kanilang nararamdaman, pinagdaraanan at iba pa.
Mensahe - Hindi po mababase ang katangian o katauhan ng isnag tao base kung paano siya manamit o mag-ayos. Habang pinapanood ko ang The Breakfast Club, napagtanto at naisip ko nalang bigla na “Let’s break the Stereotypes”, hindi natin pwedeng husgahan kung ano ang nakikita natin sa panlabas.
2.Tauhan
John Bender - matapang at aroganteng lalaki
Claire Standish - “The Prom Queen”
Andy Clark - “Jock from the Wresting Team”
Brian Johnson - “Class Brain”
Allison Reynolds - “insecure neurotic” o ang weirdo sa kanilang lahat
       Ang mga tauhang ito ay nagkaroon ng pagbabago sa buhay nila. Simula noong makapag-usap sila, nakilala nila ang isa’t isa, ang problema ng isa’t isa, kung gaano kahirap “mag-fit” sa syudad, kung paano sila sa susunod na Lunes, kung mag-babatian ba sila sa cafeteria at marami pang iba. Si Allyson ay natutong mag-ayos at nagustuhan ni Andy sa dulo, Si Claire at Bender nagkatuluyan, si Brian ang nagsulat ng liham. Nang dahil sa isang Sabado, nagbago ang buhay nilang lahat.
3. Cinematography
Ang pelikula ay nangyari sa Shermer High School sa Shermer, Illinois. Maganda ang kanilang cinematography dahil makatotohanan ang kanilang tagpuan. Pinakita talaga sa pelikula na sila ay mga estudyanteng pinapasok ng Sabado bilang “detention”.
4. Musika at Tunog
"Don't You (Forget About Me)" – Simple Minds
"Waiting" – E.G. Daily
"Fire in the Twilight" – Wang Chung
"I'm the Dude" (instrumental) – Keith Forsey
"Heart Too Hot to Hold" – Jesse Johnson and Stephanie Spruill
"Dream Montage" (instrumental) – Gary Chang
"We Are Not Alone" – Karla DeVito
"Reggae" (instrumental) – Keith Forsey
"Didn't I Tell You?" – Joyce Kennedy
"Love Theme" (instrumental) – Keith Forsey
5. Konklusyon
Ang katapusan ng pelikula ay umuwi lamang sila ng kanilang mga bahay pero makikita mo na malaki ang pagbabago sa kanila. Hindi na sila yung mga estudyanteng dumating at hindi magkakakilala, may nabuo ng pag-kakaibigan sa kanila.
6. Rekomendasyon
             Kung ako ang tatanungin, nirerekomenda ko talagang panoorin itong pelikulang ito. Bukod sa maganda ito, maraming kabataan ang makakarelate dito. Maganda ang mensaheng binibigay nito lalo na sa panahon natin ngayon na madaming nag-ststereotype sa paaralan. Maraming may ayaw sa weirdo, dahil raw weird ito, mayabang daw ang mga ibang lalaki at marami pang iba. Isa pa, masarap itong panuorin lalo na kapag mayroon kang kasamang mga kaibigan.
References: 
https://www.rogerebert.com/reviews/the-breakfast-club-1985
https://en.wikipedia.org/wiki/The_Breakfast_Club#Soundtrack
0 notes