Don't wanna be here? Send us removal request.
charoterangbabaengbeki-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
#ItTakesAManAndAWoman "Hindi lahat ng bagay may happy ending sa totoong buhay.." SUPAH DUPAH LATE POST! BASAHIN NIYOOOOO TO AH! Hahahaha! Sinong nakapanood nito? *taas kili-kiling maputi* Nagsimula to sa A Very Special Love na aminado akong napanood ko sa internet, grabe napaka pogi ni John Llyod dun. Kaya lang ngayon parang.. Di na siya ganun ka epek. Pero pogi parin naman si bebe ko! :"> Sinundan ng You Changed My Life.. Na pinaiyak ako ng bongga, .. Ilang years TAYONG naghintay. Hanggang sa may napanood akong video, photoshoot siya ni Sarah G. (video ni Sir Raymond Isaac) wala pang idea ang madla na may 3rd installment na pala.. Sinabi niya sa video na may movie daw sila ni John Llyod.. And I was like, asdfghjkllllll?!! Saw the trailer, at promotion there, everywhere. Naloko ako sa trailer nung una dahil si Laida daw "fiercer, bolder, braver!!" Bongga agad ang unang kong naisip. So ayun 3rd week na nung movie na pinalabas di ko parin napapanood, kaya nung sa kakauwi ko lang sa province namin. May jetlag pako, nanonood agad ako karakaraka!! Movie date with mahself. Naloko ako dahil 3rd week na yun diba? I was expecting na wala ng tao siguro sa sinehan mga lima o tatlo nalang kami? Usually kasi ganun eh. Naloka ko sa nasight ko!! Puno ang taas ang nahirapan akong humanap ng upuan sa baba! O diba!! So let's go straight to the movie! Sino ba ditong di natuwa kila Miggy MONDEMONYO at kay SUPLAIDA MAGTALAS? Sa bangyan nila at sa mga pa, "TRUST! Wow! Big word! Sige nga Mr. Montenegro, LET'S TALK ABOUT TRUST!" Ni Laida. Dati aminado ako, bwisit na bwisit ako kay Sarah G kasi feeling ko O.A at epal siya pero binago ng movie to ang pananaw ko skanya!! Ang fierce niya!! Favorite ko ding line yung, "keneshions! Keneshions that you don't have." (Connections!) XD Sa Zoila and friends, especially Joross my loves!! Napaka natural ng pagpapatawa ni Joross! At ang cute cute niya!! :") Ang cute nitong tatlong to no? Napaka natural umarte at infyernezzzzz the movie will be boring without them! Aminin niyo yan mga teh!! Kay Isabelle Daza, nakakaloka. Unang una bwisit na bwisit ako kay Belle dahil epal siya sa labstory ni Miggy-Laida, pero kung iisipin sa movie may mabubuong panibagong movie sa storya ni Belle at Miggy diba? Lakas maka No Other Woman, chooooz!!! WEDDING: MIGGY AND LAIDA VERSION 3.0 !!!! :") "Noon pinangarap ko lang mahalin ang isang Miggy Montenegro. Ngayon nagpapasalamat ako dahil di na ako naghintay ng matagal para matupad ang pangarap ko na yun. Hindi naging madali ang love story natin. Ilang beses din akong napagod at sumuko. Matagal bago ko naintindihan na walang instant happy ending. And then I realized that I failed to understand the true meaning of unconditional love. Of love that I always thought and I perfectly had for you." - Laida Magtalas "Five years ago, during one of the worst days of my life. When every one was walking out of me, a girl walked into my life. And I never thought that… that day… hindi mo alam na yun pala ang pangarap ko. Yun na pala ang future ko." - Miggy Motenegro "Patawarin mo sana ako sa mga, sa mga oras na sumuko ako. Ganun pala pag nagmahal ka ng totoo, kasama lahat ng maganda, ng pangit, ng malungkot, ng masakit. Ngayon, kaharap mo ang isang Laida na alam na ng buong-buo ang pinapasok nya. Isang Laida na hindi lang happily ever after ang gusto, kundi isang Laida na pinipili ang reality ever after with you. Mahal na mahal kita bebe ko. Mahal na mahal kita at wala na kong ibang nakikitang pang gagawin kundi mahalin ka at pagsilbihan ka buong buhay ko…" - Laida Magtalas "Today I realized I won’t be making any vows for my wedding. NO! Because this is not the day for promises. Today I stand here in front of you in complete surrender. I have no worries. I have no fear because I know and I know because i’m sure. I’m sure because I’m yours. God bless our marriage and God bless me for wanting 12 kids with you. I love you."- Miggy Montenegro Fact: Sila Sarah At John Llyod ang gumawa ng wedding bows nila. :) JUMIYAK AKO NG BONGGELS DITEY!!!! Feeling ko ako yung kinakasal o nanay ako ni Laida, charot.. Nakakatanda ng ilang years yung nanay!!! Pero seryoso, nakakaiyak diba? Last na yan eh. Wala na daw kasunod sabi ni John Llyod. Nakakaiyak lalo na tong line na to, “And for the first time in my life, I want to be the last.” Sabi ni Miggy, since nung unang movie Miggy wants to be number 1. Then nung sinabi niya to, naluha ako. Parang I feel na parte akong movie. Na ako yung bida. :) xoxo, Laida MATALAS
5 notes · View notes