chie52081
chie52081
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
chie52081 · 12 days ago
Text
I. Panimula
A. May akda: Edgardo M. Reyes
- Si Edgardo M. Reyes ay isinilang noong Setyembre 20, 1936 at pumanaw noong Mayo 15, 2012. Siya ay isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Nasulat niya ang mga bahagi na ito: Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng Liwanag, at Ligaw na Bulaklak.Si Edgardo ay isa ring screenwriter, nobelista, at kuwentista.
- Ang Maynila: Sa Kuko ng Liwanag ay tungkol sa paghihirap at katotohanan sa Maynila. Pinapakita ang mga korupsyon ng mga mataas sa nobela na ito.
B. Pamagat: “Sa mga Kuko ng Liwanag”
- Sa nobela na ito, pinapakita ang pangyayari sa Maynila sa baba ng liwanag na inaasahan ng mga tao. Human trafficking, prostitutyon, korupsyon, madami pang kabalaghan, at paghirap ng mga tao na nagtatrabaho.
- Sa pamagat ng nobela, ang kuko ay tungkol sa paghihirap at pangit na bahagi ng Maynila. Ang liwanag naman ay tungkol sa inaasahan ng mga probinsyano at tao para sa Maynila. Ito ay dahil sa kahirapan ng mga tao.
II. Katawan
 
Tauhan, pagpapakilala, at paglalarawan
- Julio: Galing sa probinsyano na pumunta sa Maynila para hanapin ang kanyang sinta.
- Ligaya: Babae na pumunta sa Maynila at naging biktima ng human trafficking.
Tunggalian ng Pangunahing Tauhan:
Sila dalawa ay naghihirap at ang unang pumunta sa Maynila ay si Ligaya. Pagkatapos yan, pumunta na din sa Maynila si Julio dahil hindi na siya nagkaka liham galing kay Ligaya. Pero sa huli, hindi din sila nagka kapayapaan.
Iba pang Tauhan
- Mrs. Cruz: Human trafficker na linokohan si Ligaya tungkol sa mga peke na oportunidad
- Ah Tek: Isang Intsik na bumili at nag patay kay Ligaya bago siya namatay kay Julio.
- Mr. Balajadia: Ang kapatas ng construction site kung saan ng tatrabaho si Julio. Makasarili siya at hindi nag papa patas sa kanyang empliyado.
- Atong: Isang kaibigan ni Julio na nang tulong na masanay siya sa buhay ng Maynila.
- Pol: Naging gabay at mabuting kaibigan kay Julio.
Panahon:
- Ito ay naganap sa 1970s
Lugar:
- Maynila
Banghay:
Simula: Si Julio ay dumating sa Maynila
Kasukdulan: Na hanap na ni Julio si Ligaya at gumawa sila ng plano na tumakas
Wakas: Namatay si Ligaya at pinatay ni Julio si Ah Tek. Hindi pinakita ang huli pero parang namatay din si Julio.
Tema/Damdamin:
-Pinapakita ng nobela ang kahirapan ng mga tao sa mundo. Bumibigay siya ng pakiramdam na mapanglaw at malungkot dahil nakikita natin ang nararanasan ng mga tao parehas kay Julio. Hindi masyado na papansin ng mga tao kung gaano kahirap maging isang probinsyano lalo na pag nasa mas mababa kang uri sa lipunan.
Kabuuang mensahe ng Nobela
Bisang kaisipan: Ito ay isang magandang nobela dahil na kukuha niya ang pakiramdam ng isang tao pag nahihirapan. Ito ay isang klaseng trahedyang na hindi mo agad matatanggal sa isip mo pagkatapos mo ibasa ang nobela. Maganda ang pagka sulat ni Edgardo M. Reyes sa nobela na ito.
Bisang pandamdamin: Maganda ang epekto ng nobela sa damdamin. Dahil sa klaseng istorya na pinapakita ng nobela. Galit, lungkot, at pakikiramay ang naramdaman sa istorya na ito.
Bisang pangkaasalan: Ang natutunan ko sa istorya na ito ay tungkol sa pagasa at kasamaan. Dahil sa nag yari, si Ligaya ay naniwala kay Mrs. Cruz, siya ay nahulog sa isang impyerno ng human trafficking. Ito ay isang halimbawa na dapat natin ma alala. Wag tayo maniwala kahit kanino pag hindi natin kilala.
Teoryang Pampanitikan: 
Teoryang Realismo: Sa istorya na ito, ipinakita ang katutuhanan ng buhay. Hindi lahat ay palagi may masayang pagtatapos. Kay Ligaya, siya ay namatay. Habang si Julio ay baka namatay din o napunta sa prisinto. Ito ay isang example ng Teoryang Realismo. Palagi natin kailangan ma kita ang katutuhanan imbis masakit.
Teoryang Humanismo: Ang focus ng teorya na ito ay tungkol sa tao. Nakikita natin na kaya ang tao na gumawa ng kanyang sariling desisyon. Inisip ni Julio na hanapin si Ligaya at ginawa niya ang kanyang desisyon. Ito ang focus ng Teoryang Humanismo. Tungkol sa tao. Nakikita din natin ‘to nung nakita ni Julio ang callboy.
Konklusyon: Madami tayong matutunan sa istorya na ito. Tungkol sa kasamaan, pag asa, at ang mga teorya na ipinakita saatin. Dahil napanood ko ang pelikula ng nobela na ito, madami akong masasabi. Tungkol kay Julio at Ligaya. Sila ay isang nakakalungkot na katauhan. Dahil sa sobrang desperado ni Julio na hanapin si Ligaya, siya ay naka patay ng tao. Si Ligaya naman, sa gusto mang tulong sa pamilya niya, siya ay nahulog sa impyerno ng human trafficking. 
Rekomendasyon: Maganda ang pelikula na ito. Para sa isang pelikula na galing sa sobrang luma na kapanahunan, ito ay isa sa isang uri na pelikula. Rekomend ko na panoorin ito dahil madami ka matutunan.
0 notes