chipsxdelight
chipsxdelight
for keeps ;
376 posts
personal blog
Don't wanna be here? Send us removal request.
chipsxdelight · 8 years ago
Text
nagbabasa ako ng old posts ko tapos hanep di ko mabasa nang ayos kasi ang liit ng font pero oki lang cute ng bago kong theme eh tiis na lang si acoe kahit pwede ko namang lakihan ng konti yung font from 9 to 11 ganern hahaha
2 notes · View notes
chipsxdelight · 8 years ago
Text
I want to delete this account already pero nanghihinayang kasi ako sa posts ko kahit puro kwento and rants, in short walang kwenta yung laman nito. Haha. Another reason is, may private blog kasi ako tapos dito ko rin nilagay sa account na ‘to. Basta ganun kaya kahit di ko naman ‘to masyadong nagagamit, edi sige hahayaan ko na lang dito. 
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
every time i speak i am reminded why i should not
180K notes · View notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
minsan nakakainsulto yung pinakamagaling sa block namin (almost lahat ng grades niya uno as in legit na 1.00) kasi magttweet siya ng "bakit di ako magaling sa ganito ganyang subject" "sana transferable yung kasipagan" "bakit ang tamad tamad" ko HELLOOOO??? pano pa kaming normal na estudyante lang?? huhu magrarant siya sa twitter ng naiinggit siya sa engg kasi ang galing daw sa math pero 1 naman grade niya sa algeb, calculus at moi hmmm feeling ko tuloy ang bobo ko hahahahaha
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
hay ethics wag ka namang pamajor pls hirap na nga kaming makapasa sa accounting tapos magdedemand ka pa ng case study na dapat mag iinterview kami ng mga tao na may ginawang immoral like drug addicts, prostitutes etc lwtf gusto mo ba kaming ipahamak??? hay jk pero ang hirap kasi eh demanding siya tapos ipepresent pa namin sa kanya wow parang ang daming time ah 3 meetings na lang natitira if dec pa siya magsstart hmm sige lang sir push mo yan
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
Gumawa ako ng private blog para doon ko ikukwento lahat pero anong nangyari ba't wala pa ring laman yun? Hahahaha
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
so ayon kelan ba ako magkaka jowa? HAHAHHAHAHA joke lang :((( wala akong balak mag jowa hanggat di pa ako nakakagraduate no and gusto ko sa aming 8 magkakaibigan (hs friends) ako yung huli para cute dejk :(( gusto ko lang talaga ako yung huli bakit ba ;;; eh kalahati pa lang yung may/nagkaron ng jowa hahahaha so matagal pa talaga and ummm parang ang weird if ever man na magkaka bf ako kasi di ko talaga maimagine sarili ko na may bf??? lmao sorry magulo talaga ako tas share ko lang din yung panaginip ko noong isang araw (10/20) na may nagsurprise daw sakin sa school??? grabe talaga akala ko totoo yun kasi yung guy na nandun ay yung nagbigay sakin ng parang flier or flyer (???) about sa isang political party ng faculty namin HAHAHAHHAA idk kung bakit siya napasama sa panaginip ko eh di ko naman yun kilala :ccc tas basta ayun medyo related sa 'love life' yun ayon lang bored lang talaga ako ngayon bye good night
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
So ayun sinabi ko na kay mommy na baka bagsak ako sa prelim exam namin sa accounting kasi hindi na talaga ako umaasa na papasa ako. Noong diniscuss kasi samin yung answers, iba yung mga sagot ko so wala na talagang chance. And ayoko namang paasahin yung parents ko na mataas grade ko sa acct. Ganito naging convo namin (chat lang bec nasa ibang bansa siya) Me: Mommy baka po bagsak ako sa exam sa accounting :(( Mom: Patay... Bakit? Di ka ba nag-aral? Me: Ang hirap po kasi. Nag-aral naman po ako. Mga ilang araw pa nga po eh pero ganun pa rin. Pero sabi naman po buong batch po namin nahirapan and sa ibang section po wala pa sa 10 yung pumasa. Mom: Ahay ano gagawin pag bumagsak? Me: I dunno. Sana nga po iadjust yung passing baka po may chance pa. Mom: Ahay Tbh expected ko na madidisappoint siya. Kasi palagi naman ganun pero alam niyo yun medyo umasa pa rin ako na may marereceive man lang akong encouraging words from her like 'bunso you did your best naman bawi ka na lang next time' or 'naiintindihan ko naman' pero 'ahay' lang talaga nakuha ko. Actually, this is one of the reasons kung bakit may time na naiinggit ako sa friends ko kasi supportive parents nila. Naiintindihan nila yung pagiging 'AMVian' ng anak nila pero yung sakin kahit anong explain ata ang gawin ko never nila maiintindihan yung acads life ko. Hahahaha
1 note · View note
chipsxdelight · 9 years ago
Text
bes yoko na sawang sawa na ako na madaling araw na nakakatulog. :((( Kahit sobrang inaantok na ako and pagod (kahit wala naman akong ginawa buong araw lol) di ko talaga kayang makatulog ng maaga. Idk kelan nag start to pero buong bakasyon ganito na ako. Tuwing 2-4 am na ako nakakatulog and di siya nakakatuwa tbh. Like mga 1 am tinatry ko talaga matulog pero di talaga kaya. Di ako mapakali so ang ending umaga na ako nakakatulog. F u body clock let me sleep plssss anyways okay lang ba gumamit ng sleeping pills? :( feeling ko kasi kailangan ko na nun hahahaha
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
Let me talk about my friends.
Ngayong college hindi ko na mafeel na may high school friends ako. Feeling ko kasi nakalimutan na nila ako. Sorry kung medyo madrama pero ganun talaga nafeel ko sa kanila. 9 kaming magkakaibigan since high school; 4 kaming nandito sa manila, 3 sa Batangas, 1 sa Las Piñas and yung isa bumalik na uli sa province namin. 
Last year (July 2015), nagkita kita pa kami ng friends ko na nandito sa Manila kasama yung iba pa naming friends. Lahat sila mga galing school pa, ako lang yung hindi kasi vacation pa namin that time. So ayon medyo okay pa. Then next na nagkita-kita kami ay noong December. Almost complete kami that time maliban sa isa naming friend kasi hindi siya umuwi. Then January 2016, nagkita pa rin uli kami ng hs friends ko. Tapos di na yun nasundan kasi lahat kami busy na.
Noong April, niyaya ko sila (yung mga taga Manila lang), kasi alam kong vacation na nila. Okay lang naman sakin yung lumabas para makipag meet sa kanila kahit may class pa kami that time. I mean kahit after uwian man lang ganun or kahit Sunday. Sadly, lahat sila umuwi sa province namin. Medyo nalungkot ako that time. Lagi ko silang tinatanong kung kailan ba sila babalik dito sa Manila para magkita-kita uli kami pero ayon walang nangyari. Puro drawing lang. Tapos sabi nila kapag may pasok na daw sila, okay na. But until now, walang balita. Simula noong June, hindi na ako nag-aaya. Iniintay ko na lang na yayain nila akong makipagmeet kasi ang daming beses ko silang niyaya noong bakasyon nila pero puro tanggi na lang sila kasi ganito ganyan. Nakakasawa pala ‘no. Ganun pala yung feeling na mareject. Dati kasi ako yung nangrereject pero ngayon ako na yung nirereject. Hahaha. And oh nalala ko na yung isa sa mga excuse nila noon, kesyo di daw magtuma sched namin. Lol bakit yung hs friends ng college friends ko, may time pa silang magkita kahit gaano kacomplicated scheds nila. Pero bakit yung friends ko, kailangan ako lagi yung mag aadjust? Hays. Hindi naman sa nagdadrama ako dahil lang sa hindi ko sila nakikita. Medyo sad lang kasi may time sila makipagkita sa iba naming friends pero pag sa akin, wala na. :) 
Pero ngayon tanggap ko na tong situation na ‘to. Nasanay na kasi ako eh. Hindi naman sa mapride ako kaya ayoko silang yayain uli. Ayoko lang na rejection uli yung matatanggap ko. Hahaha basta ganun. Tapos alam niyo ba na if ever na maapprove na yung papers namin tapos kailangan na naming umalis, parang ayoko na sabihin sa kanila. Gusto kong maramdaman nila yung feeling na ‘bakit kasi di ako nakipag kita sa kanya noong mga panahon na niyaya niya ako. Ngayon tuloy di ko na alam kung ilang taon pa yung hihintayin ko para lang makita siya’ Hahaha. Joke lang. Pero parang gusto ko itry ‘to if ever man na aalis na talaga kami. Gusto ko lang itry kung mamimiss ba nila ako kapag wala na ako dito sa Philippines (pak ganern) o kung walang effect sa kanila kasi di naman ako importante sa kanila.
1 note · View note
chipsxdelight · 9 years ago
Text
Yay finally! Nakapagpalit na ako ng theme. Cutieeee pero ang liit ng font pero cute pa rin medyo kpop-ish nga lang. Lol la lang ginaya ko lang sa theme ng  kpop-related acc ko. Pero di ko pa naayos yung links na wala namang kwenta. Hahahahaha 
1 note · View note
chipsxdelight · 9 years ago
Text
hi!! ngayon ko na lang uli ‘to nabuksan para magpalit ng theme lol 
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
Buhay pa pala 'to. Hahaha
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
“i don’t watch tv” proudly says a person who spend 8 hours a day in the internet
1M notes · View notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
160226 // Meltdown
Oh my gosh! I'm in tears right now because my friend's dance crew won!! Charing! Pero seryoso nanalo sila omg omg nakakatuwa kasi sobrang worth it yung pag stay namin hanggang sa end ng competition. Omg talaga. Di ko ineexpect na mananalo sila before kasi akala ko sobrang magagaling talaga yung ibang groups but noong napanood ko na yung performance ng TNHH (my friend's dance crew) WOW GRABE ANG GALING. Hindi sa biased ako pero magaling talaga sila. Kahit na hindi sila sobrang synchronized at least malinis yung moves nila and transition. Yung concept din nila yung pinakamalapit sa theme. Basta ganun. Nakakatuwa talaga. Noong inannounce nila yung winner, napatalon din kaming magkakaibigan sa sobrang tuwa. Hahaha and congratulations sa lahat ng dance crews. Magagaling naman lahat but mas angat nga lang yung sa TNHH. *** Tapos grabe eto pa may ikukuwento pa ako. Hahaha yung nagchampion kasi last year sa meltdown, nagperform din kanina. Tapos may gwapong member. Hahahaha nakakaloka ang tilian ng mga girls kay koya! And mga 'day jusko nakita namin ang abs ng koya mo. Hahahahha pero seryoso may gwapo pala talaga sa faculty namin 'no na dancer pa. Huhuhu Yung nanalong king chuchu naman hahaha nakakaloka. Yung isa talaga yung bet ko e, yung ka-team ng friend ko but unfortunately di siya nanalo as a king chuchu. Pero ayun yung king nga nung nag freestyle sila, napatalon at napatili yung friends ko kasi may abs din ang koya mo. Hahahaha magaling din naman siya magsayaw sadyang di ko lang siya bet. Haha pero omg freshie palang ata or sophomore yun. And lastly, si ano hahahaha kateam siya ng friend ko and sobrang galing niya magsayaw. *flips everything* SOBRANG NAIINGGIT AKO SA DANCING SKILLS NIYA. Hahaha member din kasi siya ng dance troupe mismo ng faculty namin and ayun pwede na siyang maging trainee sa South Korea total Korean naman siya. Hahahaha k. Siya yung pinakamagaling na dancer kanina sa lahat ng contestants. Lol okay matutulog na ako. May quiz pa kami bukas sa Calculus. Gusto ko lang ishare yung nangyari ngayon.
1 note · View note
chipsxdelight · 9 years ago
Text
Gustong gusto ko talagang mag focus sa studies but lagi akong natetempt mag internet or gumamit ng phone. Tulad na lang ngayon, sa halip na matulog dumaan pa ako dito sa Tumblr. Hahaha k bye. Good night! May dalawang quizzes pa ako bukas and hindi pa ako nakakapag-aral. Wtf...
0 notes
chipsxdelight · 9 years ago
Text
It’s been a month (and a week?) since nag start ang 2nd sem namin and sobrang disappointed ako sa sarili ko. Ang tamad tamad ko kasing mag-aral. Kahit may quiz kami kinabukasan, chill pa rin. Ayan tuloy, ang baba ng results ng quizzes ko. As in bagsak lahat except Marketing. Nakakaiyak. Kasi yung profs namin this sem, hindi takot mambagsak ng students. Natatakot na tuloy ako. As much as possible, I don’t want to fail. Nakakahiya kasi sa parents ko and nahihiya ako sa sarili ko. Kasi alam ko naman na mas may igagaling pa ako, na kaya kong makakuha ng matataas na scores kung nag-aral lang sana ako ng mabuti. Basta ayun, sobrang nakakalungkot lang talaga. Everytime na naiisip ko yung results, napupuno ng negative thoughts yung isip ko. Hays di lang talaga maiwasan. And ngayon nag start na kaming magka 2nd quiz and so far nakakapasa na ako. Naperfect ko pa yung quiz namin sa Rizal. Medyo happy na ako doon kasi bawi na yung score ko sa 1st quiz. Sana lang talaga maging consistent na pasado na yung scores ko sa lahat ng subjects.
Teka dapat na ba akong maging gc? Hahaha. Ang hirap din kasi pag di mo iniisip yung grades mo eh. Kahit na sabihing ang mas importante ay natuto ka, wala rin kung hindi ka makakapasa. Sobrang hirap kasi talaga. Yung pagbagsak kasi sa isang quiz, sobrang laki ng effect sa grades. And mas mahirap kung bumagsak sa subjects kasi pwede yung maglead sa debarment. Oooh scary. :c
0 notes