Tumgik
chrispallogna-blog · 5 years
Text
Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino
           Ipinagdiriwang bawat Pilipino ang Buwan ng Wika sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ngayong taon, ang pinapaksa ng tema ay ang ating wikang katutubo at saka paano natin ito maisasamantala upang ang ating bansa ay tumungo sa pagkakaisa. Ang tema ngayon ay masasabi kong nararapat lamang dahil ang mga ganitong uri ng wika ay ating dapat pahalagahan dahil ito ay parte ng ating kultura na hindi natin dapat hayaan maglaho at ating gamitin upang mas magkaroon ng integridad an gating bansa na magsisimula sa ating mga sari-sariling buhay.
           Ang mga wikang katutubo ang mga lenggwahe na itinatampok ngayong tao bilang katuwang ng mga Pilipino patungo sa pagkakaisa ng ating bansa. Ito ay niyayakap natin, niyayakap ng wikang pambansa upang matupad ang ating hangarin na makabuo ng isang wikang pambansa na tunay na ingklusibo. Ang mga wikang ito ang ating gamitin upang magkaroon ng pagkakapareho pareho sa ating mga pagkakaiba dahil ang wika ay ating ginagamit sa pang araw-araw, ito rin ang tutulong sa atin upang pagbigkisin ang mamamayan upang magkaroon ng pagtutulungan at pagkakaisa na magiging benepisyal sa pagkakataon na kailangan ang mga Pilipino bilang isang kabuuan ng mga taong nagmamahal sa bayan at nagmamalasakit sa kapwa.
           Sa pagdiriwang ng buwan ng wika, ating pagyamanin ang pagkakaroon ng malalim na kultura na nagbunga sa wika na ating magagamit upang makamit ng ating bansa ang kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay ng bawat Pilpino.
1 note · View note