Text
Filipino: Ang Wikang Dynamiko
Ulat ni: Christian Andreo B. Cui
Masasabi natin na ang wikang Filipino ay dynamiko. Masasabi itong dynamiko dahil sa dami ng salitang isinasalin dito. Ang wikang Filipino ay matatawag rin na arbitraryo dahil sa mga binubuo na bagong salita sa ating bansa. Masasabi itong dynamike dahil sa araw-araw na pag gamit o pagbuo ng mga bagong salita. Ito ay bunga ng modernisasyon at ang malikhaing isipan ng mga Pilipino. Ang ating wika ay ang tulay sa ating pag komunika sa isa’t-isa. Bawat araw, buwan, at taon marami tayong naidadagdag sa ating wika. Pero nakakatulong nga ba ito sa pag-usbong ng ating wikang Filipino?
Ipinapakita sa dokyumentaryong aking pinanuod na ang wikang Filipino ay umuusad o nadadagdagan. Nagkakaruon ng mga bagong salin dahil sa modernisasyon. Halimbawa ng ganito ay ang “conyo” at “gay-lingo”. Sumasangayon akona ang mga ganyang salin sa ating wika ay nakakatulong sa pag-usbong nito. Isa kasisila sa mga nakakatulong sa pag usbong at paglaganap ng ating wika. Ang mga salitang idinadagdag sa ating bokabyularyo ay itinituturing ko itong isang advancement sa ating wika ngayon.Ayon din sa dokyumentaryo ang gay lingo ay ginagamit marahil para maiwasan ang diskriminasyon sa mga “beki” o bakla. Gayunpaman di naman lahat ay nakakaintindi ng ating sariling wika, kaya nagkakaruon tayo ng mga salitang bal-bal at iba pa.
Ang wika ay hindi ginagamit sa masamang bagay. Hindi dapat ito ginagamit sa pag diskrimina ng ibang tao. Kaya tayo nakakabuo ng mga soyolek dahil sa diskriminasyon o ibang maling pag gamit ng ating wika. Ang wika ay isang instrumento o midyum para makipag-ugnayan sa isa’t-isa. Hindi ito instrumento sa paggawa ng maling gawain. Ipinahahalagaan natin dapat ang wika. Ang ating wika ay isa sa mga dahilan na kung bakit tayo nagkakaisa. Sa makatuwid mahalaga na intindihin at mahalin ang ating wika. Kahit dagdagan pa ng ibang salita, dapat hindi natin kakalimutan kung saan ito nagsimula. Kagaya nga ng sinabi ni Doctor Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda.”.
0 notes
Text
FILIPINO: Ang wikang kinalimutan
Ano nga ba ang pambansang wika ng Pilipinas? Kapag tinanong mo iyan sa kasalukuyang panahon maari ang sagot ng madla ay tatama sa dalawang salita na ito, Tagalog at Filipino. Pero ano nga ba ang tamang sagot dito? Ang tamang sagot rito ay “Filipino”. Bakit nga ba Filipino ang sinasabing tamang sagot sa tanong na ito? Ito ang naipiling tamang sagot dahil ito ay itinalaga ni dating presidente Manuel L. Quezon. Si pangulong Quezon din ang namuno sa isang organisasyon na tinatawag na Komisyon sa Wikang Filipino. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay ang opisyal na kumokontrol sa wikang Filipino. Sila ay may gampanin sa pag preserba, pag-usbong, pagpalaganap, at pagpapanatili ng wika. Pero sangayon, ang masasabi parin nating sagot sa tanong na iyan, ang pambansang wika ng Pilpinas ay Filipino.
Kung ikaw ay tatanungin, sa tinging mo ba sapat ba ng iyong kaalaman sa wikang Filipino? Ang aking sagot sa tanong na iyan ay, hindi pa sapat ang aking kaalaman sa paksang iyan. Maraming kabataan ngayon ay nakatanim sa kanilang isipan ay, makapag sulat o makapag salita ka lang ng Filipino ikaw ay marunong na o mayroong ka ng sapat na kaalaman sa wikang Filipino. Kinakailangan parin ito aralin. Hindi natin masasabi na lahat ng pilipino sa Pilipinas ay mayroong sapat na kaalaman sa paksang iyan. Importanteng mabigyan ng pansin ang suliranin na ito. Marami paring tao sa Pilipinas na kaunti lamang ang kaalaman sa sarili nilang wika. Nararapat lang na magkaroon ng paksa ukol sa wikang Filipino. Importante rin ang papel ng mga titser upang maturuan ang kabataan kung papaano ginagamit ang wikang Filipino. Tayong kabataan ay mayroon din tayong papel sa pag-ayos, pagpreserba, at pagpananatili ng ating wika. Kinakailangan nating aralin ito, pakinggan o isapuso ang turo ng mga ating guro.
Kasama ang iyong/aking henerasyon sa pagbuo ng kinabukasan. Nararapat lang na mabigyan ng kaalaman ang kabataan ngayon dahil sila/kami ang mag papatutuloy ng sinimula ng ating mga ninuno. Ang punto ko ay simple lamang. Bigyan ng sapat na edukasyon o kaalaman ang kabataan patungkol sa wikang Filipino para tiyak ang pagpreserba nito para sa darating na mga henerasyon.
2 notes
·
View notes