Text
I feel sorry for my girlfriend. Sobrang bait niya kasing anak kaya natetake for granted siya ng magulang niya. Nagagalit ako sa kung paano nila tinitreat si Nikka. Ibang-iba kung paano i-treat yung dalawang kapatid niyang mas nakakabata sa kanya. Dahil ba panganay siya? Kung tutuusin, sa kanilang magkakapatid, siya nga ang pinaka mahina. Pero napipilitan siyang maging malakas kasi yun yung hinihingi sa kanya.
Kaya sineseryoso ko rin talagang makapagtabi ng pera para maitakas ko na rin siya sa kanila. Hindi makakapagpahinga 'tong nobya ko hanggat nakatira siya sa mga magulang niya.
0 notes
Text
You know, I love my girlfriend so much and i just know na kami na talaga end game. I can clearly see it. Thing is, napapaisip ako. I'm doing all these things for her, treating her like a princess she deserves and all pero kapag ba napunta na sa panahong gusto na naming magpakasal, ako ba ang kailangang magpropose? Gusto ko ring maalok magpakasal.
Wala, naisip ko lang kasi nakita ko video ni pat and agnes sa tiktok, nagpropose na si pat kay agnes. Naiinggit ako. Di ko 'to iniisip dati e. Isa siguro 'to sa hassle part ng wlw relationship. Hahahahaha.
0 notes
Text
Tawang-tawa ako sa girlfriend ko kahapon.
After work niya, nagkita kami para maghotpot date. 7am yung out niya kaya natulog muna siya sa sleeping quarters ng office nila tapos nagmeet kami ng 3pm. Before kasi, ang easy ng lahat pagdating sa byahe kasi may sasakyan siya kaso sa kasamaang palad, nadisgrasya siya nung June kaya since then nagcocommute na lang siya. Passenger princess pa nga niya ako non at laging hatid sundo sa bahay. Anyway, ako naman e nagmomotor lang. Bilang luma na ang motor ko at maliit siya, hindi ko magawang ibyahe siya na angkas ko si Nikka dahil na rin parehas kaming medyo may kalakihan. Pag pumalpak ang motor ko habang angkas ko siya, di ko alam anong gagawin ko bilang wala akong alam sa pagkalikot ng motor.
Going back sa kwento, after namin kumain e nagcheck in kami sa isang motel sa cubao para makaligo siya. Nakakatawa na ang main purpose bakit kami madalas magmotel sa cubao e para makaligo siya. Taga antipolo pa kasi sya at ang hirap na uuwi pa siya para maligo tapos babyahe uli pa-ortigas para pumasok. Ngayon, nung oras na para umalis at pumasok siya sa trabaho, sabi ko ihahatid ko na siya. Minsan lang naman ilaban yung motor ko kaya okay lang din. Habang bumabyahe kami pa-ortigas, umaambon-ambon pa na medyo mabibigat ang patak. Sabi niya ang romantic daw dahil nakaangkas siya sa akin, tapos umaambon-ambon pa. Sabayan mo pa ng city lights.
Pero dito talaga ako natawa..kapag nasa EDSA ka kasi, kapag paakyat ka na ng rosario, kailangan mo magchange lane. Ngayon, para makita ko yung mga sasakyan sa likod ko, medyo nagli-lean forward ako sa motor para mag-adjust ako sa side mirror ko tapos medyo binibilisan ko yung andar para hindi ako mahagip ng mga sasakyan. Tapos sabi niya sa akin: para ba bumilis yung motor mo, aabante ka rin? Zoom zoom! (Non-verbatim) Ginawa pa akong ninja ng naruto! Hahahahaha!
Anyway, bibili na lang ako ng pyesa ng motor para kayanin timbang naming dalawa kasi masaya rin naman mga moments namin habang nagmomotor.
0 notes
Text
Magte-trenta na ako.
Marami akong issues sa pamilya ko. Ang pinaka madaling eksplenasyon lang sa nararamdaman ko para sa kanila e malaki ang tampo at pagkadismaya ko sa kanila. Pero dahil nga magte-trenta na ako, hinayaan ko na lang. Hinayaan ko na sila kung anong tingin nila sa akin. Hinayaan ko na sila sa kung anong pagkakakilala nila sa akin. Hinayaan ko ng maramdaman na binibigay nila sa akin lahat ng basic needs ko (at higit pa) hindi dahil mahal nila ako kundi obligasyon nila ako. Pananagutan. Anak, e. Walang choice.
Hinayaan ko na. Kapag nasasaktan ako, ikukwento ko lang sa girlfriend ko o sa kaibigan ko tapos okay na. Hindi na big deal. Hindi big deal kasi hindi naman na bago. Pero nitong nakaraan, pumutok na lang ako. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko sa kanilang tatlo; sa tatay ko, nanay ko, pati kapatid ko. Pilit kong pinapaintindi kung bakit ko nararamdaman yun lahat, ngumangawa ako sa kanila. Pero hindi ako pinakinggan. Ang konklusyon nila sa lahat ng sinabi ko e makasarili ko. Iyon ang sabi ng tatay ko.
Sabi ng tatay ko? Ok lang. Wala naman siyang sinabing maganda sa akin kahit kailan. Pero alam niyo kung ano yung masakit? Habang nararamdaman ko lahat ng galit at sama ng loob na iyon, sinabihan ako ng nanay kong insecure ako.
Akala ko tapos na ako masaktan sa pamilya ko. Akala ko tapos na ako i-big deal lahat ng mga sinasabi nila. Lahat ng pagdududa nila at walang kumpyansa sa akin. Core memory na naman pala ito. Ang sakit marinig na sabihin ng nanay ko na insecure ako. Ang naisagot ko lang sa kanya e "insecure?? Insecure??? Bakit?? Saan ba ako lumaki?? Dito ako lumaki sa bahay na 'to! Tapos sasabihin mo insecure??? Bakit kaya????"
Wala lang. Ilang araw na 'tong nakalipas pero masama pa rin loob ko. Nasasaktan pa rin ako. Bukod don, walang kumakausap sa akin sa bahay. Palagi na lang akong mag-isa.
0 notes
Text
Hi, tumblr. It's been awhile.
Ang tagal ko ng walang kinukwento rito at sobrang dami nang nagbago sa buhay ko. Nung huling bisita ko rito e heartbroken pa ako mula sa ex ko. Bale ngayon pala may bago na akong girlfriend. Nikka ang pangalan niya. Nagkakilala kami shortly after kong sinukuan yung ex ko. Nagkakilala kami sa isang lesbian dating app. Literal na ang hanap ko lang nung mga oras na yon e kausap lang at panay mga walang picture ng mga mukha nila yung mga sinaswipe right ko para makausap. Tapos siya naman naghahanap lang ng something casual din. Nung umpisa akala ko hindi kami magki-click pero nung unang beses naming magmeet in person, sigurado ako sa naramdaman ko agad. Pero sa susunod ko na lang ikukwento at nagpapaantok lang ako ngayon.
Ito pala kami:



Kung ikukwento ko briefly kung kumusta naman ako ngayon, siguro ang masasabi ko lang ay okay ako ngayon sa trabaho, kaibigan, at love life.
Nakahanap ako ng trabaho na fair naman ang sahod, hindi ganon kataas pero di rin ganon kababa at stress-free pa (limang buwan pa lang naman ako sa kanila). Sa kaibigan naman, akala ko nasort out ko na lahat, hindi pa pala. Pero masaya ako to keep the real ones. Tapos sa love life naman, sobrang okay talaga. Ganito pala dapat ang pagmamahal. Sobrang grateful ko na nakilala ko si Nikka. Pakiramdam ko, mas mahal niya ako kesa mahal ko siya kaya ang lagi ko na lang dasal e sana minamahal ko siya ng tama at sa paraang kailangan niya. Ang swerte ko sa kanya.
Anyway, yun lang muna. Medyo inaantok na rin ako.
1 note
·
View note
Text
Tbh, i hate myself for feeling this way towards my ex. I am mad. I am angry. I don't wish her well in life. I want her to suffer. Medyo nakakaramdam ako ng saya talking shit about her at alam kong mali yun. I really do feel bad about it. Kaso iniisip ko, paano naman yung pain ko? Hindi ko siya mairelease sa pamamagitan ng pagkwento lang sa iilang tao. Pakiramdam ko gusto ko siyang sirain. Sa lahat ng naranasan kong sakit at hirap sa kanya, pati na rin ng pangangaliwa niya, gusto ko lang makaganti man lang. Immature. I hate this but at the same time I feel like she deserves this. Idk. Idk. I hate this. I hate myself for being like this. I want to be a mature adult sa paghandle nito pero gusto kong gumanti. Uh..
1 note
·
View note
Text
Higit isang buwan na rin mula nung break up. Sobrang struggle ng pinagdaanan ko, at sa totoo lang ang unfair. Anyway, sinubukan kong makipagkilala sa mga bagong tao, naisip ko wala namang masamang makipagdate na, siya nga nagcheat e. Nung umpisa medyo wala akong confidence talaga kasi pakiramdam ko di ako kaaya-ayang tignan pero dun sa nakadate ko kahapon, grabeng validation yung nakuha ko. Attractive pa rin pala ako? Pasok pa sa mercado ng mga tomboy. Nakakatawa na inamin niya sa akin kanina na aligaga siya nung nagkita na kami finally kasi she finds me cute daw. Nagkandahulog pa nga mga gamit niya, akala ko clumsy lang siya.
Naisip ko lang, ito ba naramdaman ng ex ko kaya aliw na aliw siya sa pagchicheat? Sobrang kailangan nya ba talaga ng validation na may nagagandahan pa rin sa kanya? Oo it felt good pero ewan ko ha, kapag ba partner mo nagsabi na maganda ka, hindi na nagka-count? Kasi sa akin nagmamatter lang ang sasabihin niya e. Ah ewan.
0 notes
Text
“Ang nalilimot ng isipan ay itinatago ng puso.”
—Ricky Lee
22 notes
·
View notes
Text

This is my hardest good bye. We've been together and lived together for 2 years, and now we're putting an end to it. You actually broke up with me a month ago but I just can't accept the fact that I will be living my life without you, palagi pa rin akong umuuwi sa 'yo, checking na baka pwede pa. Lagi akong umuuwing bigo. Everytime I ask if pwede pa, firm ang sagot mong hindi muna. I held too tight with "muna", and my impatient ass just can't stay still.
Danica, you are my reason at hindi ko na alam kung para saan na ngayon ang mga gagawin ko. I'll strive hard to be the best version of myself while you're gone para kapag maisipan mong bumalik, hindi ka na matatakot. Mahal kita. Mamahalin kita habangbuhay. Palagi kang may babalikan.
0 notes
Text
isang magulong post ulit
mahal ko siya. mahal niya ako. pero walang nangyayaring tama sa aming dalawa. di niya kami mapaglaban. wala na rin akong dahilan para lumaban. toxic na kami. hindi ko na maramdaman na mahal niya ako dahil hindi niya nabibigay sa paraang kailangan ko. hindi ko na siya nasusuportahan sa mga bagay na kailangan niya, nagiging pabigat ako. sabi niya hindi sapat na mahal lang namin ang isa't-isa. di ko maintindihan bakit kailangan maghiwalay agad pwede namang baguhin yung set up. mahal ko siya. mahal niya ako. pero di na kami nakakatulong sa growth ng isa't-isa. mahal ko siya. mahal niya ako. pero hindi na namin mapakita. hindi na namin maprovide yung pangangailangan ng isa't-isa. o baka hindi na namin kailangan ang isa't-isa? hindi. kailangan ko siya. pero hindi ko mabigay yung kailangan niya sa ngayon. hindi na siya naniniwala sa mga pangako ko. pero mahirap. kapag ba hindi ko nagawa yung pinangako kong 'yun, 'yun na ba ang depinisyon ko? kapag ba hindi ko nagawa 'yung pangako na 'yun, 'yun lang din ba ang saysay ko? mahirap. walang motibasyon. walang inspirasyon. puro duda ang laman ng utak ko ngayon para sa sarili ko. hindi pa ako naghihilom sa trauma na dinulot sa akin sa mga kaganapan ko noon. gusto kong patunayan yung sarili ko sa kanya, pero hindi na niya kayang maghintay pa. mahal ko siya, mahal niya ako. ayoko pang bumitaw pero kinapos na yata sa pag-abot.
2 notes
·
View notes
Text
LIMAMPUNG DAHILAN PARA IWANAN MO AKO
Palautos ako
Tamad ako
Hindi pa rin ako independent
Hindi ako magaling humawak ng pera
Mahina loob ko sa trabaho, hindi ako makatagal kaya ikaw gumagawa ng paraan para makapagbayad sa bills
Palagi kong kinukwento sa kaibigan ko kapag nag-aaway tayo
Reactive ako sa nararamdaman ko
Bossy ako
Isa akong disappointment sayo
Hindi ako kaproud-proud.
Hindi ka 100% komporatable sa akin
Hindi ko mabigay buong atensyon ko kapag may kinukwento ka
Insensitive ako
Hindi ako nagtatry alamin mga hilig mo
Hindi ako palaging tapat, naglilihim ako
Hindi ako maasahan
Hindi pa rin pabor sa magulang ko yung relasyon natin
Inconsiderate ako
Selfish ako
Unfair ako
Trigger mo ako
Lalong humirap buhay mo nung nakilala mo ako
Inilayo kita sa siyudad
Hindi ako sapat
Palagi akong nagkakamali
Mataas pride ko
Hindi sa lahat ng pagkakataon naiintindihan kita
Kung hindi mo ko nakilala, hindi ka nahihirapan sa pera ngayon
May better kang mahahanap na iba kasi hindi ako pumasok man lang sa bare minimum
Mas magagawa mo lahat ng mga hilig mo kasi hindi mo na kailangan i-consider yung gagastusin mo
Mas magkakaoras ka sa mga kaibigan mo
Hindi ako nagreresearch ng mga kailangan ng mga pusa
Inaasa ko lahat ng may kinalaman sa internet. Online banking, applications, inquiries.
Wala ng manggugulo sayo during working hours mo
Pinipilit kitang i-try yung mga bagay na hindi ka komportable
Duwag ako
Mahina loob ko
Bobo ako, palagi kitang hindi maintindihan
Bilang sa isang kamay ko kung ilan ang kaibigan ko, says a lot about me and my personality.
Ayoko sa sarili ko
Never akong naging helpful kapag kailangan mo ng opinyon
Hindi ko nabibigay kung anong kailangan mo kapag may problema ka
Insecure ako
Wala akong tiwala sa sarili ko
Hindi ako maaasahan
Failure ako
I am not strong enough for you
I am a disaster
Mapangpuna ako
I am not supportive enough
4 notes
·
View notes
Text
kung paano, sino at anoman ako ngayon, resulta lamang ito ng takot nang muling pagbalik sa madilim na mundo. takot ito ng paulit-ulit na pag-iyak at pagkabalisa. takot ito ng muli pagkawala ng sarili at paghahanap ng saysay para gumising. matagal kong binuo ang dating nasira. ako. hindi ko sinasabing naging mabuti ang kinahinatnan pero doon ako muling nabuo. kailangan ko bang ihingi ng tawad sa lahat ng tao ang naging ako? siguro. hinahayaan kong mahalin ako ng lahat sa kabila ng walang kakayanan kong magmahal nang tama. ni pag-alaga ng nararapat ay hindi ko maibigay. sa dami ng nangyayari, isa lang ang nauunawan: lahat ng hawakan ko ay nasisira. siguro nga...baka nga... nararapat sa akin ang mag-isa, dahil ang mahalin ng tama, kahit kailangan, hindi mauunawan ng aking katawan.
3 notes
·
View notes
Text
TMI
Ako: Gusto mo akong samahan? Maliligo na ako.
Danica: Sige pagka-out ko.
*Pumunta na ng banyo para makapagbawas muna*
Danica: Lab naka-out na ako!
Ako: Tumatae ako!
Danica: Bakit ka tumatae???? Siguro hindi mo ako mahal.
Ako: ???????
Ganito yata talaga makipagrelasyon sa bagets.
2 notes
·
View notes
Text
Usually kapag nag-aaway kami at susubukan niyang iwanan ako sa bahay ng dis-oras ng gabi, palagi ko siyang pinipigilan kahit saktan niya ako kakapiglas. Sinasabi kong hindi ligtas para sa kanya dahil napakadali niyang dakpin dahil maliit siyang tao. Natatakot ako para sa kaligtasan niya. Wala akong pakealam kung anong gawin niya sa akin basta mapigilan ko siya at mapanatag akong ligtas siya. Kagabi nung umuwi ako galing trabaho, wala akong naabutang tao sa bahay. Nakaramdam ako ng luwag sa puso ko na wala siya dahil hindi ko rin siya gustong makita pero kahit ganon, tinignan ko pa rin kung talaga bang umalis siya. Sa pagcheck ko sa bahay, mukhang cellphone lang ang dala niya. Bago mag 10pm, umuwi siya. Ramdam ko na ayaw niya pang makipag-usap dahil hindi siya sumilip sa kwarto tapos after 15minutes siguro bigla niya uli kinuha yung susi ng unit, nagpalit ng damit at kinuha ang gamit. Wala akong ginawa at hinayaan ko siya. Sa paglabas niya, binagsak niya pa 'yung pinto, e wala naman kaming interaction sa mga oras na nagsama kami sa unit.
Okay lang naman mapagod 'di ba? Ang hirap pala makisama.
1 note
·
View note
Text
Halos isang taon na mula nung bumukod ako sa parents ko, sobrang bigat pala talaga ng issue ng pera, no? Wala akong magawang iba ngayon kundi kumayod at matulog. Hindi ko magawang ilibre yung sarili ko o gawin yung pagliban sa trabaho kagaya ng dati dahil inaasahan ko 'yung kikitain ko sa kinsenas at katapusan. Napakalaking factor din ng pera sa relasyon namin ng girlfriend ko. Nakakalungkot pero ito 'yung realidad namin ngayon dahil sapat lang naman ang kinikita naming dalawa. Sapat. Walang sobra. Minsan kinakapos dahil sa mga hindi inaasahang mga gastusin. Madalas wala siya sa hulog dahil anxious na wala siyang pera at nakaasa sa akin o sa kaibigan niya.
Minsan napapaisip ako, ako ba 'yung dahilan bakit siya nahihirapan? Pero hindi lang naman ako 'yung nagdesisyon nito 'di ba? Ako rin naman, nahihirapan. Lahat ng gusto ko noon, napoprovide ko sa sarili ko, ngayon sobrang dalang na. Pero hindi ko naman sa kanya tinatapon 'yung bigat. Bakit pakiramdam ko pasan ko lahat?
Lately sobrang drained ako. Para bang hindi ako entitled para ma-acknowledge 'yung nararamdaman ko. Sa lahat ng pagkakataong gusto kong ramdamin 'yung sama ng loob ko, hindi ko magawa kasi sasabayan ako lagi ng galit ng girlfriend ko. Minsan kapag napag-uusapan namin, parang palaging importante kung sino ang tama. Puro pride. Nakakasuya. Hindi ba pwede 'yung nasaktan mo rin ako at iacknowledge mo 'yun?
Kailangan ko bang kabahan kung alam ko na lang na mahal ko siya?
1 note
·
View note
Text
good things will happen 🧿
things that are meant to be will fall into place 🧿
698K notes
·
View notes