clutteredmindovercoffee
clutteredmindovercoffee
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
clutteredmindovercoffee · 4 years ago
Text
BAHAY BAHAY NA PARANG DI SA AMIN
 Ang hirap pala nung feeling na ikaw ang may ari ng bahay pero para kang nangungupahan.
Hindi ako nasanay na nakikihati sa space kasama ng ibang tao. Siguro kaya hindi din ako tumagal sa work ko sa Princess Cruises since may kacabin mate ako.
Hindi ko alam pero para kong tinanggalan ng privacy at ng freedom sa sarili kong bahay. Parang ako pa yung nagaadjust sa mga tao. To begin with, ako naman nagbabayad ng lahat ng bills.
 Hindi ko alam kung nagiging madamot baa ko, o masyado kong gustohing mas private yung space naming o naiirita lang ako talaga.
 Matagal tagal na din silang nakiki CR, nakiki kusina, nakiki kain sa dining table, basta nakiki hati sa maliit na space na meron kami sa bahay.
Ngayon lang din kasi ako tumagal sa bahay simula nung nagwork ako sa barko nung end of 2018. Ngayon, mas napapansin ko na yung kawalan ng respeto sa amin sa space na sa amin naman talaga.
Space na pinaghirapan ni Mommy and ni Daddy. Space na sa akin, sa aming magkakapatid naman talaga dapat.
Naiirita ako na kailangan kong maghintay para magamit yung CR para maligo, magtoothbrush, dumime. Naiirita ako na bakit ako kailangan mag hintay na matapos siya/sila kumain bago ako makakain sa table.
Pwede bang dun ka lang sa kwarto mo. Kasi di naman kami nakiki hati sa space mo.
Tsaka sana pagisipan ninyo naman na ilang taon na din kayong nakikihati sa amin. Ang tanda na natin para maghati hatian pa sa bahay. Nawawalan na kami ng privacy and freedom sa sarili naming space.  
1 note · View note