Tumgik
cm13860-blog · 6 years
Text
Masasabi kong mejo ok naman na ang pagsasama namin ngayon kesa noon, laging masama ang loob ko sakanya dahil sa mga masasamang salitanh sinasabi nya sakin. Ngayon, ganun parin naman siya feeling magaling forever, mahilig magsalita ng bugok, pero mas control naman ngayon kesa dati. Dati kase di ko na matake lahat ng sinabi nya, nadadamay pa pati pamilya ko, ngayon di na masyado. Pero ngayon palagi nya kong inaasar at iniinis, di ko alam kung sinasadya nya na inisin ako or sinasabi nya lang talaga yung totoo. Madali akong mainis pag kinukulit nya ko, tapos mahilig yumakap at humalik, sa iba siguro sweet pero sakin ngayong ngbubuntis ako naiirita ako. Ayoko kase ng makulit, mainit, malikot. Naiirita talaga ung pakiramdam ko. Naiinis rin ako pag ginagalaw galaw nya ko. Napepwersa ako lumaban sa kakulitan nya eh mabilis ako mapagod at manghina. Lahat ng pwersa ng babae ng gagaling sa abdomen or sa matres. Hindi maganda sa pakiramdam ko kase napwersa ung baby ko, isa pa nghihina talaga ko. Hindi rin maganda ung pakiramdam ko netong nakaraang araw. Bukod sa pang iinis nya sakin nasasaktan din ako minsan sa mga pinagsasabi nya sakin, tulad nung isang araw nalulungkot ako dahil naboboring ako sa bahay. Hindi sa naboboring ako na kasama siya, pero namimiss ko lang siguro mag trabaho, gumalaw ung katawan ko, ung magduty, mga tao, customer, kaibigan, katrabaho at iba pa. Palagi lang kase kaming nakahiga sa bahay, kain tapos higa ulet, nuod tv then tulog. Alam kong eto ung hinahanap hanap ko dati nung ngwowork pa ko pero namimiss ko lang talaga. Bukod pa dun nalulungkot din ako dahil namatay na ung huling puppy, akala ko talaga makakasurvive sya. Kase masigla naman ung mga mata nya nung mga nakaraang araw. Gusto ko sya
0 notes
cm13860-blog · 7 years
Text
.
Sa una lang naman magaling lahat, sa una lang naman mabait lahat, sa una lang galante, sa una lang bubuhatin ung bag mo, sa una lang naman maganda ung ugaling papakita nya sayo PERO pag sinagot mo na wala na lahat. Pagsasalitaan ka na ng masama, mamaliitin ka, at sasaktan ka sa kahinaan mo! Akala ko ok ung magiging buhay ko sayo kase madiskarte ka, mapagbigay, magalang etc pero hindi rin sa kabila ng magaganda mong pinakita napakasama mo, masama yang bibig mo! Kahit nasasaktan na ko wala parin. Oo nga pala perfectionist ka rin, konting galaw ko papansinin mo, sisistahin mo, gusto mo masunod lahat kung anong nasa isip mo, bakit di mo ko hayaan sa way ko? Palagi ikaw magaling, ikaw ung mautak, sabi mo nga wala akong isip, bobo, mahina ang utak, lahat na ng masamang salita sinabi mo na. Kaya nawawalan ako ng gana sayo na maging sweet, na pagsilbihan ka, kase minamaliit mo ko. Siguro nga wala sakin ung mga quality na hinahanap mo, yung pagiging wife material. Di kase ako mahilig sa gawaing bahay, pero on process pa ko sa sarili koo . Ewan ko kung maiintindihan mo pero kinokombimse ko parin sarili ko na maging masipag sa bahay. Gusto mo kase isang sabi mo perfect agad, nagtatry naman ako magluto sayo, minsan masarap minsan hindi pero gusto ko muna maging magaling dun and then sunod ko ung iba, pwedeng sa paglalaba, or pag aayos sa bahay. Eh ganito ako hindi mo ko mababago sa isang araw. Siguro hinahanap mo sakin ung ex mo dati kase magaling sa bahay, pero sorry ka nalang sakin ganito ako. Matuto tayong tanggapin ang bawat isa.
Ang problema pa, kahit gusto ko humiwalay sayo dahil sa ugali mo, hindi lang pala sa ugali mo pati sa mga pananakit mo sakin bukod pa sa pananalita mo, sinaktan mo rin ako piskal- pananabunot, pangungurot, paniniko, paninipa etc., di ko magawa dahil buntis ako. Tapos babantaan mo ko na di mo ko papakasalan, na kukuhain mo sakin ung anak ko? Ipagpapasa Diyos ko nalang yan, kung mawawala xa sakin un ang kapalaran ko. Oo masakit pero wala naman akong magagawa. Masama man ung nasa utak ko, pero bahala na . Kung anong nais ny Diyos sakin ipapaubaya ko na saknya. Hindi ako naging mabuting anak sa mga magulang ko, di rin ako naging masunurin sa Ama kaya tatanggapin ko kung anong kapalaran ko saknya, sana maawa parin Sya sakin.
0 notes