cmanayon
cmanayon
Manayon, Carlos Enrique
2 posts
Filipino Bosconian
Don't wanna be here? Send us removal request.
cmanayon · 5 years ago
Text
Wikang Pambansa uunlad pa ba?
Akda ni: Carlos Enrique G. Manayon
Tumblr media
Wikang Pambansa uunlad pa ba o paunti-unti nang namamatay sa kasalukuyan ito ay isang katanungan para sa bawat isa. Sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon naging kontrobersyal na isyu ang  pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Ayon sa CHED ang pagtanggal ng asignaturang Filipino ay naayon lamang dahil ito ay napag diskusyonan naman ng DEPED at CHED na yung mga dating nasa first year at 2nd year college subjects ay ibaba papunta sa senior high dahil ani nila na dapat pagkatapos ng K-12 dapat ang mga estudyante ay university ready na pagtapak ng kolehiyo at major subjects nalang ang kanilang inaaral. Ayon naman sa alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang filipino hindi ito nararapat dahil maraming guro ang maapektuhan nito at para daw sinabi na nila na hindi mahalaga ang pambansang wika natin kung kaya’t sa high school lang ito maituturo.
Bilang isang Pilipino, hindi nararapat na ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay tanggalin dahil unang una ito ay yaman na taglay ng ating bansa, at para sa akin ang bawat yaman na mayroon tayo ay dapat pangalagaan at dapat nililinang ng bawat isa. Sumasang-ayon ako sa naging depensa ng tagapgtanggol ng wikang Filipino na malaki ang epekto nito sa ating bansa lalung lalo na ang mga guro natin. Kung patuloy na matatanggal ang asignaturang Filipino ay parang paunti-unti na nating pinapatay ang wikang pambansa. Dahil kung ating nagagawa na tanggalin ito sa kasalukuyan malamang sa hinaharap magiging madali nalang sa atin na kalimutan ang ating Wikang Pambansa lalung-lalo na napag iiwanan na tayo ng ibang bansa. Kung ang pag unlad ng ating wika ay namamatay na masasabi na rin natin na hindi na umuunlad ang ating bansa dahil walang bansang maunlad nang walang sariling wika at panitikan. Dapat tayong magkaisa na manatili ang wikang Filipino  at paunlarin, dahil para sa akin mahalaga pa rin ito sa kolehiyo dahil napapalawig nito ang mga teorya, praktika at silbi nito sa pamantasan, bansa at buhay. Ika nga nila na “mayroong silid para sa pagbubuti” o sa katagang Ingles “there’s a room for improvement”  bakit natin tatanggalan ng pagkakataon ang mga mamayanan  na paunlarin at pagbutihin pa lalo ang sariliing wika kung ito naman ay karapat-dapat na linangin ng bawat Pilipino.
Ang kontrobersyal na isyu na ito ay isang nakakagulat at nakakalungkot na panyayari para sa akin dahil sa dami-dami nang problema o suliranin na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan bakit ito pa ang naisipan nilang solusyonan. Para sa akin, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay hindi problema para sa ating bansa bagkus ito ay solusyon para sa ating Wikang Pambansa na paunti-unti ng nawawala.
1 note · View note
cmanayon · 5 years ago
Text
WIKANG FILIPINO ATING PAIGTINGIN WAG ITONG BALIWALAIN!
Akda ni: Carlos Enrique G. Manayon
Tumblr media
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o 
Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura dahil dito tayo ay kinkilala ng iba’t ibang bansa. Ayon sa ipinapahayag ng isang episode sa dokumentaryong may titulong Investigative Documentaries: Wikang Filipino, ang ating wika ay nakakalimutan na sa paglipas ng panahon. Isa pang dahilan nito ay dahil sa modernisasyon, ang pag-usbong ng makagabagong salita tulad ng gay linggo, jejemon, at iba pa. Natalakay rin ni Ginang Mila Villanueva, isang guro sa panitikan ng Wikang Filipino sa San Pedro Relocation Center National High school, na nalilimutan na natin ang wastong proseso sa paggamit nito. Ani nga niya na malaki ang pinagbago ng mga estudyante niya ngayon kung ikukumpara sa mga estudyante niya noon, dahil kung ikukumpara ang pagtuturo ng asignaturang ito noon mas masasabi natin na mas maganda noon dahil mas detalyado ang pagtuturo nila . Maraming pagkakamali na ating di natatama sa kasalukuyan dahil sabi niya hindi na masyadong nabibigyang pansin ito. 
Sumasang ayon ako sa mga nasabi ni Ginang Mila dahil akin ring napapansin ang pagbabagong ito. Sa kasalukuyang panahon ito ay pinoproblema na ng ating bansa  dahil pati ang ating pamahalaan binabalewala nila ito tulad ng sinasabi nila na tanggalin na ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay mas lumalala lang dahil din sa mga Pilipino na naimpluwensyahan o mas tinatangkilik ang ibang kultura. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang Filipino sa puso’t diwa ng ibang pilipino. Ika nga ng dalubwika “walang tatamis pa sa kanyang sariling wika” Kung ito ay bibigyan natin ng solusyon mapapaigting natin ang wika kung ang asignaturang Filipino ay bibigyan ng kahalagahan, huwag nating hayaan na ito ay mawala sa atin. Dahil sa pamamagitan na lamang ng asignatura na ito, ay napapalawig ang teorya, praktika at silbi ng Wikang Filipino sa pamantasan, bansa at buhay.Tulad nga nasabi sa bidyo masasabi natin na mas maayos ang mga naging estudyante noon dahil noon detalyado ang pagtuturo sa asignaturang ito. Naging malaki ang pagbabago ng ating wika nung nagsimula itong baliwalain ng pamahalaan o hindi pinahalagahan.
Ang Wikang Filipino ay ating paigtingin at pausbungin. Kung ito ay patuloy na malilimutan hindi uunlad ang ating sariling bansa, dahil walang pag -unlad kung wala ang sariiling wika at panitikan. Kaya dapat natin itong bigyang kahalagahan at maging isa sa dahilan ng pagunlad ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay yaman nating mga Pilipino.. Kaya lahat tayo, mahalin at pangalagaan ang sariling wika dahil ito ay na maituturing yaman na tinataglay ng Pilipinas. 
4 notes · View notes