Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Biyaheng Hilagang Luzon!
Samahan niyo ako sa aking paglalakbay!
Taong 2017 umuwi ang aking mga magulang upang makapagpahinga at makapagbakasyon galing sa ibang bansa. Ito yung panahon na malaya tayong pumunta sa mga lugar na nais nating makita ang kagandahan, ito yung panahon na hindi mo kailangang mag pa swab test at magsuot ng face mask at higit sa lahat gawin yung normal na pamamaraan ng buhay. Tunay na ang mundo ay umiikot at talagang minsan tayo ay nasa itaas at minsan naman tayo ay nasa ibaba. Sa kabilang banda nakakalungkot mang isipin pero wala tayong magawa dahil hindi tayo ang may plano ng lahat ng ito. Sama- sama tayong tuklasin ang ganda ng Baguio!
Makikita niyo sa imahe na nasa itaas ang kanilang pinakamaliki at pinakamataas na “Christmas Tree” unang beses ko palang makapunta sa Baguio ng malapit ng magpasko kaya naman masaya akong naabutan namin ang kanilang magandang “Christmas tree”. Parang dati lang maaari pang mangyari ito, ngunit ngayon marami munang proseso bago muli makarating sa Baguio.
Halina’t samahan niyo ako sa iba pang lugar sa Baguio. Una na rito ang Camp John Hay, dito kami kumain ng aming unang pananghalian kalmado, mapayapa, at puno ng mga puno. Kay sarap pag masdan ng paligid punong puno ng pag asa at kapayapaan.
Mines View Park
Sa mines view makikita mo lalo ang kagandahan ng baguio. Sobrang ganda at lawak ng tanawin ang makikita mo. Maaari mong matanaw dito ang isang inabandunang mga minahan ng ginto at tanso ng Itogon, pati na rin ang mga bundok ng Cordillera. Tunay na marami pang lugar at bagay ang kayang maipakita sa atin ng Baguio.
Burnham Park
Saaming ikalawang araw kami ay natungo sa burnham park. SA Burnham park ay mayroong iba’t ibang aktibidad ang maaari mong gawin. Tulad nalamang ng nasa litrato sa ibaba maaari kang mag bisikleta at sumakay sa Bangka. Sinasabing nasa 32.84 hektarya ang laki ng Burnham kung kaya naman ay maraming mga bagay na maaari kang Makita at gawin dito.
Tara at tumungo naman tayo sa Wright Park!


Sa wright park naman ay maaari ka ding sumakay ng kabayo ito ay may oras lamang na nakalaan at may bayad para makatulong sa mga taong nag mamay ari ng kabayo. Isa pa rito ay ang pagkakaroon ng tyansa na makapagsot ng mga damit ng igorot. Sobrang saya ng araw na ito!
At sa huling araw namin sa baguio nagpunta kami sa La Trinidad Benguet.


At sa huli nagtungo kami sa lugar kung saan maaari kang makapapitas ng strawberry. Ang nasa likuran ko ay gawa lamang ng mga tao ginawa nila ito upang maipakita at maibahagi sa ibang tao ang kaya pa nilang gawin. Dagdag pa rito ginawa nila ang malaking istatwa ng strawberry upang maihayag nila na sa kanilang lugar nanggagalingan ang masasarap at masusustansyang prutas. Maaari kayong pumitas bibigyan kayo ng mga basket pagkatpos at kikiluhin at saka niyo pa lamang ito mababayaran at makakain.
Ilan lamang ito sa napakaraming lugar at magagandang tanawin sa Baguio. Nawa may natutunan kayo sa aking mga impormasyon na binaggit dito. Marami pang lugar sa Baguio na makikita ninyo. Kahit man lang sa ganitong bagay ay na ipasyal ko kayo. Maraming salamat sa pag sama niyo sa akin, sa aking paglalakbay! Hanggang sa muli!
4 notes
·
View notes