Tumgik
crstllr149 · 7 months
Text
I still can't believe that one of my biggest dream as a fangirl actually came true this year and this month 😭 pinapangarap ko lang iyun dati at hinihiling na sana mangyari, and you can't really go wrong in waiting.
Hindi ko na matandaan iyung taon pero elementary pa ata ako nung una kong nakita si Yoona sa tv. Nung pinalabas iyung Cinderella Man sa GMA. Hindi ko na maalala kung ano ang nasa isip ko nung panahong iyun pero nung nakita ko siya, inalam ko iyung pangalan niya sa opening ng palabas at simula nun, tinandaan ko talaga. Hindi ko rin matandaan kung iyung mismong taong bang iyon ko siya sinearch sa google pero tanda ko kung saan. Dun ko pa siya sinearch nun kela tita Jo sa Palmera sa computer nila. At nung mga panahong iyun, hindi pa ako marunong masyado sa computer at hanggang google lang para sa mga assignments. Tapos nakakatawa lang kasi sinearch ko siya nun pero hindi ko nakita na member pala siya ng isang girlgroup hanggang sa mapadpad ako sa wattpad nung 2011-2012. Eh nung mga panahong iyun, puro korean stars iyung mga nasa cover ng mga story tas may isa akong story na nabasa na siya iyung ginawang fictional character para sa bida. Nung mga panahong iyun, hindi ko na siya masyadong inaalala pero narealize ko na siya pala iyung bida sa Cinderella Man na nagustuhan ko. Hanggang sa sinearch ko ulit siya at nalaman ko na isa siyang member ng girlgroup which is Girls Generation. Habang iniisip ko iyung mga ito ngayon, pumapasok sa utak ko na meant to be talaga na makilala ko sila at iyun ang right time para makilala ko sila. Kasi nung grade 6 ako, sumikat iyung 2NE1 at Wondergirls pati SuJu pero hindi ko sila nakilala kahit nauna naman sila magdebut sa dalawang gg. Talagang iyung panahong iyun ang right time na makilala ko sila. Hanggang sa nagustuhan ko sila bilang girlgroup pero mas angat pa rin si Yoona nung mga panahong iyun.
Siya iyung self proclaim na first love ko 😹 Isa rin talaga sa nagustuhan ko sa kanya ay iyung pagiging totoo niya bilang tao. Kasi naman, siya iyung visual ng Girls Generation, halos karamihan ng kalalakihan, siya iyung ideal type, pero si Yoona, ang simple simple niya lang. Isa siya sa standard na beauty sa Korea pero hindi siya nahihiyang magmake face sa camera 😅 sobra akong naamaze sa kanya kasi hindi siya nahihiya sa kung ano man ang maging hitsura niya eh bilang babae diba, laging conscious sa sarili, pero siya, wala siyang pake 😭 I love her confidence sa visual niya at hindi siya nagpepeke ng characteristics para lang magustuhan siya ng mga tao.
Isa siya sa sinasabi nila na least member when it comes to singing, saying na visual lang ang kaya niyang iambag sa SoShi, other than that, wala na daw, at doon sila nagkakamali. Kasama siya sa dance line pero nung mga panahong iyun, hindi pa ako mahilig umappreciate ng sayaw 😅 but I really love her voice. Nababaliw ako nun sa boses niya 😹 guatong gusto ko kapag part niya na sa kanta, gustong gusto ko rin kapag meron siya solo performance sa concert nila at kanta ang ginagawa niya. I love the quality of her voice and that is one of many reason why I really love her. I love her inner beauty; how she never give up to reach her dreams even other's didn't believe in her. I love how she know what she wants and know how to get it. I love everything about her 😭
2012, when I officially proclaimed that I am a fan of her. I am certified YoonAddict 💗 I was 14 then, and while everyone around me is having crushes, boyfriend; ako, nababaliw kay Yoona 😹 sinabi ko pa nun na hindi ata talaga ako magkakaboyfriend kasi nag-iisa lang si Im Yoon Ah. She's my standard in everything 😸
A Walk To Remember, her first ever solo album and the first and only album (as of now) that I purchased since I became a fangirl. Kapag talaga tungkol sa kanya, ayaw kong palagpasin kasi siya siya eh. Siya si Im Yoon Ah. Sobrang tuwa ko nung nagrelease siya ng solo song which is Deoksugung Stonewall Walkway. At bilang isang YoonAddict, isa rin talaga iyun ang pinakahihintay ko, ang magreleased siya ng solo song which is already happened. At nung nagreleased siya ng solo album, hindi ko talaga pinalagpas na hindi bilhin kasi alam ko kung gaano kaspecial sa kanya ang maglabas ng ganun at isa rin talaga iyun sa one of my biggest wishes as her fan.
Tapos ngayon, fanmeeting niya ang first ever event as a fangirl na pinuntahan ko at talagang gumastos ako 😅 but it's all worth it because it's her. Although medyo malayo at blurred siya paningin ko, I'm still happy that I was there. Wala nang "so near yet so far" experience because that was what near mean for me, kahit hindi katulad sa iba na nahawakan, nayakap at nakausap siya personally, masaya pa rin ako to be with her that near. And it was really a dream that came true. And I'm so glad na naovercome ko iyung takot ko na pumunta sa crowded na lugar, medyo na feel ko lang din talaga iyung out of place but it was all worth it because of her.
Thank you Yoona, and thank You rin kay Lord because He allowed me to experience this 😭
#YOONITEinManila #YOONA_FANMEETING_TOUR
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
crstllr149 · 1 year
Text
Tumblr media
It's my 6 year anniversary on Tumblr 🥳
0 notes
crstllr149 · 3 years
Text
Watch "Salamat Panginoon Kilala Mo Ako (Chords&Lyrics)" on YouTube
youtube
Lately, napansin ko na isa rin talaga sa mga worries ko bilang tao iyung majudge ako. Well, kahit sino naman siguro talaga, takot majudge. Isa rin iyun sa dahilan kung bakit tahimik ako at reserve lalo na sa mga taong hindi ko kakilala masyado. At isa rin sa ayoko rin talaga iyung nakikita nila agad ako bilang mabait, hindi makabasag pinggan, ganun. Feeling ko iyung mga makakakilala sa akin, masyado akong jinajudge in a good way na minsan medyo hindi talaga nakakatuwa hehe Nakakatakot iyung mataas ang expectation sa'yo kasi ganun nila inisip na ganun ka. Minsan nakakatakot maging totoo sa sarili kasi alam kong madi-disappoint lang sa akin ang ilan. Walang perpektong tao dito sa mundo at isa na ako dun. Hindi ko alam kung kailan nagsimula iyung ganitong takot ko pero napapansin ko na talaga iyon dati pa na takot akong ipakita kung sino talaga ako. Pero kapag kaclose ko na ang isang tao kusang lumalabas iyon kaya minsan unconsciously, lumalayo ako sa iba kasi natatakot akong sa sasabihin nila once na makilala nila ako ng lubusan. It's either madisappoint sila or matanggap nila iyung ako na walang panghuhusga.
Lalo na sa mga taong nakakakilala sa akin dati pa. Kung sa mga kaibigan, okay lang kasi alam ko kahit ano pa sila o ako, kaya ko silang tanggapin at ako rin, kaya nilang tanggapin. Sa pamilya lang din ang isa sa kinakatakutan kong magjudge. Kung si Mama, okay lang kasi magulang ko siya, siya ang mas nakakakilala sa'kin kaya tanggap ko kung ano man ang sasabihin niya sa'kin, sa ibang kamag-anakan lang na nakasaksi na mabait akong anak. Bata pa lang, napapansin ko iyung mga papuri nila na si ako, mabait na anak, hindi pasasakitin ulo ng Mama ko. Mataas ang expectation sa akin interms sa pag-uugali tapos simula nun na-conscious na ako sa sarili ko. Natatakot akong magkamali na maglilead into disappointments. Masyado akong naging reserved. Naisip ko nga parang mas madali iyung makilala kang suwail na anak, pasaway, at pangit ang ugali bilang tao kasi parang mas malaya kang gawin ang gusto mo. Hindi ka matatakot na maipakita iyung masama mong ugali kasi medyo sanay na sila dun at kapag ganun, makikita talaga sa'yo ang pagbabago mo bilang tao. Kaysa sa taong tingin mo agad mabait only to find out na hindi pala. Mas malaki iyung judgement nun sa'yo ng tao.
Tapos kahapon sa Bible Study nasabi ko 'to. Iyung mga takot ko as a Christian. Kasi hindi naman talaga naalis iyung pangmamata ng ilan sa mga Kristiyano lalo kapag nakagawa ng mali. Na sa isang pagkakamali lang mapag-iisipan ka talaga kung totoo ka bang Kristiyano. Karamihan ng tao kahit same mo pa as Christian. Mataas ang expectation sa'yo dahil sa religion mo. Na Kristiyano ka, hindi na pwedeng magkasala, hindi na pwedeng magpakita ng masamang ugali, dapat lagi kang mabait, masunurin, magalang, kalmado, pasensyosa... Mga ganun, na makitaan ka lang ng ugaling hindi sakop sa ganun, kukwestyunin na ang pananampalataya mo. Masyado nilang kinukulong sa isang box at ini-expect nilang ganun lang dapat. Masyado silang nag-i-stay sa kaisipan na Kristiyano ka, dapat banal ka. Which is, oo, sinabi nga ni Jesus na maging Christ-like tayo pero bilang tao, hindi naman natin iyon kayang i-maintain. Darating pa rin naman tayo sa point na magkakasala at magkakaroon ng maling desisyon ang importante marunong tayong umako ng kasalanan at handa tayong magpalinis sa Diyos at magbago. Pero hindi iyun overnight, by process iyon at minsan, Diyos lang ang nakakakita ng improvements mo kasi iyung tao, maraming hinihingi, mga unnecessary naman iyung iba.
Sabi nga sa Mark 2:17, na nandito siya para sa makasalanan at hindi para sa mga matuwid.
At nakakatuwa lang kasi sa lahat ng worries ko na iyan, isa lang ang sagot Niya sa akin. Itong kanta. Kinanta namin 'to ng closing, coincidence or not kung bakit ito iyung napiling kanta, alam kong ito ang sinasabi sa akin ng Panginoon.
Huwag akong mangamba o matakot dahil Siya ang mas nakakakilala sa akin. Alam Niya ang nilalaman ng puso ko, ng isipan ko, ang buong buhay ko at lahat ng lihim ko, mabuti man iyan sa paningin ng iba o masama. Kilala Niya ako. Alam Niya ang lahat sa akin, be it my flaws, alam Niya iyun. Hindi ko kailangan ng validation ng iba dahil iyung sa Kanya lang ang importante. Hayaan na kung madisappoint ang lahat ng tao sa akin basta Siya, hindi. Kahit hindi ako tanggap ng iba, Siya tanggap ako. At patuloy Niya akong itutuwid sa lahat ng kamalian ko.
Sobrang enlightenment ng kantang 'to dahil pakiramdam ko, kinakausap talaga ako ng Diyos. Isang paalala sa akin na huwag ako matakot sa sasabihin ng iba, dahil Siya ang mas nakakakilala sa akin, Siya lang ang may karapatang i-judge ako.
0 notes
crstllr149 · 3 years
Text
Oo nga, ang immature lang din kasi nung mga nagsasabi na, "ito ako eh, ganito talaga ang ugali ko, take it or leave it", "minahal mo ako ng ganito na ang ugali ko kaya tanggapin mo kung ano man ang ipapakita ko", like dude! Alangan naman siya lang ang mag-aadjust? Mahal ka niya kaya dapat tanggapin niya kung ano at sino ka pero siya mahal mo ba talaga? Kasi kung mahal mo din talaga siya, mag-adjust ka rin. Aalisin mo iyung alam mong toxic na ugali mo. Kasi nakakasira talaga iyan. And you can't expect someone na laging mag-aadjust for you.
Tumblr media
1K notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Photo
Pero minsan kasi, ang hirap din talaga kapag lagi kang tahimik. Iyung kaya mo naman idefend ang sarili mo pero mananahimik ka na lang kasi alam mo once na magsalita ka, lalala lang ang conversation. Pero ang hirap din kasi kung mananatili lang sila sa isipan mo, parang mababaliw ka hangga't hindi mo binibitiwan ang mga salitang gusto mong sabihin.
Tumblr media
413 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Photo
Pero ganun ba talaga iyon? Dahil hindi ka na masaya kaya aalis ka na? Sa pagiging masaya ba talaga nasusukat kung mag-i-stay ka o hindi?
Tumblr media
346 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Photo
O iiyak ka din para may kasama siya 😹
Tumblr media
202 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Photo
Wow hahaha Pastor Engr Terrence, is that you? 😹 Pero si Eunice talaga 'to huhu
Tumblr media
279 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Photo
Nasaan ka?
Tumblr media
154K notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
Yes, empathy is a must!
“Opinion is really the lowest form of human knowledge. It requires no accountability, no understanding. The highest form of knowledge is empathy, for it requires us to suspend our egos and live in another’s world. It requires profound purpose larger than the self kind of understanding.”
— Plato
2K notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
Amen! Kaya hindi ko maintindihan iyung mga taong hindi kayang makaramdam ng genuine happiness. Na mas lamang ang pagiging malungkot kaysa pagiging masaya. Happiness is a choice naman. Kahit wala ng kasiyahan ang buhay mo, kung gugustuhin mo naman magkaramdam ng kasiyahan, magiging masaya ka.
“Happiness is not the absence of problems, it’s the ability to deal with them.”
— Steve Maraboli
1K notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
Aray. As someone na mahilig magprofess ng feelings sa mga taong mahalaga sa akin at hindi marunong mag-effort. Ouch.
“When someone truly cares about you, they make an effort not an excuse.”
— Unknown
560 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
😔
“You will never be free until you free yourself from the prison of your own false thoughts.”
— Philip Arnold
710 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
youtube
Gusto kong umiyak sa may bandang "You're the only love that satisfies me", kasi ramdam na ramdam ko 😭 ganun iyung nararamdaman ko simula nang maintindihan ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Naisip ko na mahirap maghanap ng love dito sa mundo ng kagaya sa love na kayang ibigay ng Panginoon. Kaya simula nun, doon ako nakaramdam ng contentment, doon ako nawalan ng pake sa lovelife haha tunay iyon 😹 kaya halos sa fictional character lang ako naiinlab 😹 nararamdaman ko na, hindi ko na kailangan ng ibang tao para masatisfy ko iyung sarili ko. Para maging masaya ako. Para matanggap ko ang sarili ko. Kasi sa Panginoon pa lang, kung paano Niya pinakita kung gaano Niya ako kamahal, busog na busog na ako 😸
0 notes
crstllr149 · 3 years
Text
Sa buhay, hindi talaga maiiwasan ang pagsubok. Kahit sabihin mo pa na ikaw ang pinakamasiyahing tao dito sa mundo, or sabihin mo na immune ka na dahil sa mga pinagdaanan mong pagsubok, may times talaga na makakaramdam ka ng pagod--physically, emotionally, lalo spiritually. Maiisip mo na hindi mo kaya, na ayaw mo nang mabuhay dito sa mundo. Pero kasi kung iisipin mo, hindi mo talaga kakayanin lalo na kapag sa sarili mo lang ikaw umaasa or sa ibang tao. Tulad nga sinabi sa verse na ito, tapat ang Diyos. Tapat Siya sa mga anak Niya. Tapat Siya sa mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya ipahihintulot ang mga pangyayari sa buhay natin kung alam Niyang hindi natin kaya.
Kung iniisip mo na hindi mo talaga kaya, siguro kasi sa sarili mo lang ikaw nakadepende. Simulan mong maging dependent sa Panginoon. Isurrender mo ang buhay mo sa Kanya, humingi ka sa Kanya ng tulong. At tulad ng pangako Niya rito, bibigyan Niya tayo ng lakas para mapagtagumpayan natin ang kung ano mang pagsubok ang ibigay Niya dahil kasama natin Siya. Hingiin natin ang lahat sa Kanya dahil Siya lamang ang makakapagbigay niyon sa atin.
2021, MAY 10 • 10:40AM
Tumblr media
0 notes
crstllr149 · 3 years
Photo
Tumblr media
447 notes · View notes
crstllr149 · 3 years
Text
#vsco
0 notes