Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
BLOG





The Parisian Macao
Pagkadating namin sa bansang Macau ay nag check-in kami sa The Parisian Macao hotel, ang hotel na ito ay isa sa napaka magarang hotel na kung saan dito ay may maraming pasyalan. Dito masasabi ko na meron silang magandang serbisyo at isa sa na gustohan ko ay ang kanilang pagkain kung saan masasabi ko na hindi ka malulugi sa binayaran mo per stay.
Makalipas ang ilang oras ng pag papahinga ay pumunta kami kaagad sa Senado Square at sumakay ng bus.




Senado Square
Ang Senado Square ay parang plaza na kung saan nag titipon tipon ang mga tao at namamasyal. Maraming high end boutiques and apparel matatagpuan dito kagaya ng Victoria Sceret, Guess, Calvin Klein, Nike, at marami pang iba. Sa makikita nyo na halos lahat ng turista na namamasyal dito ay pinoy at mas maraming tao ang pumupunta dito tuwing gabi.
Kinabukasan ay pumunta kamo sa Ruins of St. Paul.

Ruins of St.Paul
Ang Ruins of St.Paul ay isa sa pinaka sikat na landmark dito sa Macau dahil sa nakakamanghang ekstraktura na tumatayo dito. Itinayo mula 1602 hanggang 1640 ng mga paring Heswita na naglakbay sa Malayong Silangan upang kumalat ang Katolisismo, orihinal na kasama sa site ng St. Paul College at ang Church of St.Paul, nakilala tin bilang "Mater Dei" , isang simbahang Purtuges na nakatuon kay Saint Paul the Apostle.
1 note
·
View note