Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
TANAW SA PAGLUBOG ARAW
Sa patuloy na pagusbong ng populasyon ng Pilipinas nasasabi ba nating ang ating bansa ay umuunlad ng gaya sa mga pangako ng ating gobyerno?Isa na nga lamang sa kanilang pangako ay ang pababain ang kahirapanat unemployment rate ngunit sa ngayon ang bansa ay dumaranas parin nito sa 2.24 na porsyento ng unemployment rate.
Isa ang Maynila sa mga pinaka abalang parte ng bansa ngunit kaakibat nito ay ang populasyon at ang walang hanggang pagikot ng kahirapan.sa pinagabagong naitala, nakita ng Bangkong Pandaigdigan ang Poverty rate sa Pilipinas na nagsasabing ito ay may porsyentong 19.8% noong 2020 at 18.7 sa 2021.
Ayon naman sa ating,Presidential Spokesperson Salvador Panelo,Ito ay naturingang "Magandang balita".
Bago tayo dumako sa dokyumentaryong tatlong-araw ,atin munang pag-isipan kung ano ang pagkukulang ng mamamayan,gobyerno,at ng mga sektor ng lipunan.
Ang Dokyumentaryong Tatlong-Araw
Isang bahagi ng kahirapan ay ang gutom,malnourishment at kawalan ng pagkukuhanang sapat upang masabing kaya ng isang mamayan sumabay sa mga napapanahong pangyayari.
makikita sa dokyumentaryong ito kung paano nailalarawan ang uri ng kahirapan.sa linyang "Pag wala na kaming makain natutulog na lang po kami".Kung sa halimbawa na sila ay nakakaranas sa patuloy na pag ikot ng cycle ng kahirapan ,na walang kasiguruhan na magigising o makakain sa kinabukasan.
marami man ang nagsabi sa mga komentong:
"they have just accepted their situation. maramig paraan para kumita sa mabuting paraan. hindi lang nila ito hinahanap"-Isa sa mga Netizen.
Tama,kaya nila itong hanapin mentally ngunit sa kanilang pisikal na kondisyon,edad at antas ng pinagaralan ,sa atin bang palagay ay makakahanap sila ng disenteng trabaho? Marahil mas pipiliin ng mga kompanya o ng mga simplent trabaho ang may pinagralan o may kaunting kakayahan na gumawa ng trabaho mabigat man o magaan.
sa pagpasok ng komentong ito maidadagdag ang sinabi ng kanilang anak na si Gemalynn Buenaflor na."Tinamad na rin po ako mag-aral,wala naman silang pera at may anak na rin ako."
siya na mismo ang nagtakda ng hangganan,sa kaya pa nyang gawin.siya sa kanilang magkakapatid ang pinaka may kakayahan na magtrabo ngunit siya ay humarap sa isyung "teenage pregnancy"o ang maagang pagbubuntis.
Sapat na ba na ang makapangasawa ng mayaman?upang matustusan ang kahiraapan? Makikita sa dokyumentaryong ito ang sumusunod:
Isyung pangkalusugan.
isyung pangkapaligiran
Isyu sa mababang antas ng pinag-aralan
isyung pang-kabataan (Maagang Pagbubuntis)
Sa aking kabuuang ideya para sa cycle ng poverty ,lack of education at unemployment sa bansa.
sa lyrics ng kantang luha na" Gulong ng buhay patuloy-tuloy sa pag-ikot noon ako ay nasa ilalim bakit ngayon nasa ilalim pa rin sana bukas nasa ibabaw naman."
Kabilang ang Pilipinas sa Tiger Cub Economy o ang isa sa mga bansang umuunlad at papaulad ngunit ito ba ay nararamdaman ng maraming mamayan sa atin.isang malaking kalhilahanan ang edukasyon upang makahanap ng isang maganda at disenteng trabaho ,kaya nagkaroon tayo ng k-12 na dapat ay nagbibigay paggkakataon sa mga tao na makahanap ng trabaho sa mas pinaikling termino ng edikasyon ngunit ,kung ako ang kompanyang nais nilang pasukan ,at sa kanilang mga nag-aaply marahil mas pipiliin ko ang mga aplikanteng tapos ng kolehiyo.
Isa pang koneksyon nito,kahit napakaraming mga libreng paaralan ,sa dami ng nais nilang dokumento na nangangailangan ng gastos paano nalang ito mapapadali. Sa dami ng taon na kailangan luklukin sa pag-aaral ay hindi doon natatapos ang lahat .Kailangan parin patakbuhin at pilitin na isiksik ang sarili upang makapasok sa mga nais na sektor ng ekonomiya.Isa sa mga nagiging uwian ng walang o may mababang pinag-aralan ay ang pangangalakak,sugal at kapit sa patalim.
Makikita sa isang maikling dokyumentaryong ito ang Kahalagahan ng pag-aaral sa isang mamamayan upang masuklian ang lahat.maipapakita rin dito ang kahalagahan ng suporta ng iyong kapatid,magulang,kaibigan ,upang mnmaitanghal mo ang yong pinaka mabuting kakayahan.
KONKLUSYON:
Marami man ang mga bagay at matagal man ang cycle ng kahirapan at unemployment rate ang nababagtas sa ating bansa,magisip tayo ng mas malinaw na imahe ng kaisipan na bukas uunlad ako,bukas pagbubutihasn ko,bukas magiging the best ako. Wala naman mawawala,ang uemployment man sa ating pandinig ay may masamang epekto eto naman ay nagdudulot rin ng munting kabutihan sa ating bansa.halimbawa ng ikaw ay nagtrabaho sa ibang bansa at naka pag ipon ng pang negosyo sa iyong pag-uwi marami na itong naidulot sa iyong sarili at sa ekonomiya.
0 notes