Text
Sana may sweldo na lang ang pagffangirl, gusto ko na mag-full time hahahahjk #notjk
0 notes
Text
Take note, self:
Attendance to all concert days of SB19 is a MUST. Day 1 VIP seated and Day 2 standing. If in case of Day 3 or 4 or even 5, any tier will do hahaha
P.S. tinype ko ‘to kasi inggit na inggit ako sa nag-Day 2 hahaha mas iba ang energy 😭💯😆
2 notes
·
View notes
Text
May isa akong officemate na gusto manood ng concert nyo, SB19, kaso ang layo daw ng PH Arena hahaha. Sama daw sya manood next time kapag malapit lang (like MOA or Araneta) 🥹🥹🥹
Sumakses na talaga ang limang bano 🥹♥️
1 note
·
View note
Text
NAPANAGINIPAN KO SI JOSH CULLEN SANTOS 😭🤩 Papapicture lang ako, naakbayan pa 😭😂
Buti na lang hindi ako pumasok sa office hahaha kasi after ko mag-text sa boss ko, natulog ulit ako tapos dun ko na sya napanaginipan 😂😂😂
1 note
·
View note
Text
February pa lang ngunit aking isip ay nasa May 31 na hahahah
1 note
·
View note
Text
Stops for SB19 SaW World Tour was first announced by Billboard (Main)! OMGGGG! Kick off sa Bulacan on May 31st 🔥 Nawa’y maka-secure ng ticket at makanood 😭🙏🙏🙏
At nawa’y mas sumakses ang SB19 this 2025 and in the years to come ✨
1 note
·
View note
Text
Posible pala magkaroon ng crush sa dalawang tao nang sabay hahahaha
Crush na crush ko si Josh tsaka Pablo 😭😍
0 notes
Text
Kilig na kilig ako kapag naka-button-up shirt si Josh kasi feeling ko para sakin yon 🤣🤣🤣 Madalas kasi ako mag-comment sa Tiktok na ang gwapo nya sa ganong porma. Syempre feelingera tayo na nababasa nya comments ko hahaha
1 note
·
View note
Text
Hayf ka Josh! Malapit na ko ma-sway na bumili ng concert ticket mo huhuhuhaha takteng fangirling life ‘to 😭🤣
0 notes
Text
Gigil na gigil ako sa SM Cinema! Nag-book ako ng movie around 11AM para umabot pa ko sa 11:30AM na showing. So mung na-enter ko na OTP, biglang error page yung lumabas. Tapos pag-check ko, may email na success yung payment ko pero walang email from SM Cinema.
Tapos nung nandun na ko sa Tickets booth ng SM North, di daw nila maccheck that time yung transaction ko kasi down daw ang System. Bwisit na bwisit ako kasi ilang minutes na lang mag-start na yung movie!
Napakawalang kwenta ng website. Down pala servers and system nila eh bakit na-charge pa rin? Bwiset! Ngayon na nga lang manonood ng sine ganito pa. Never again talaga magbu-book online sa SM 😤
Inis na inis pa rin ako until now. Sayang oras and effort ko and syempre sobrang excited ako manood. Last day na ng showing today pero wala na kong ibang oras manood, kaya nga pinakamaaga kinuha ko. Hmp
Kung di man marefund, medyo oks lang since dagdag sales sa SB19. Pero hayuf pa rin ng SM!
0 notes
Text
News: may lowerbox tickets pa
Me/us: *cries in happiness and excitement*
After ma-purchase: ports 207 and 216 na lang choices 🫠
Reference kung san ang 207 and 216 🥲:

Ang panlulumo namin teh di matawaran hahah! Kasi magbabayad ka muna ng napili mong seat section (lowerbox, patron etc.) bago ka makakapili kung saang port ka. Surprise na lang kumbaga hahaha! Bwiset eh. That time may Upperbox tickets pang available tsaka VIP Standing, eh kung nalaman lang namin na nasa pinakagilid na lang pala yung natirirang lowerbox, eh di sana nag-VIP Standing na lang kami. Hayst.
Pero shoutout (shutdown sabi ni Ken haha) sa Dunkin’ Pearl Drive branch jusko apakapanget ng sistema! Iisa lang ang counter na open kaya apakabagal ng usad tapos ni wala man lang pa-sound ng SB19 songs pampagana!
Sana naman next time online ticket purchasing na lang. Maubusan man ng desired seat at least di nasayangan ng more than 8 hours na pagod sa pila.
0 notes
Text
Current fave sa solo songs ng SB19 members:
Pablo - La Luna. Surprisingly, inuulit-ulit ko sya. Alam ko sa sarili ko na hindi ganito mga papakinggan ko eh (kaya surprising talaga). Nakakatakot yung music pero ang lalim ng meaning nung song
Josh - Yoko Na. Nakaka-LSS! Actually may mga kabisado nang lines yung pamangkin ko hahaha! Mas gusto ko yung version nya sa Global Spin na sya lang kumanta
Stell - Classic. Ganda ng tono lalo na yung tagalog part. (P.S. ang cute nung ‘balibag’ dance step ng Room! Tawang tawa ako sa balibag entry ni Stell with Josh and Ken 😂😂)
Felip/Ken - Fake faces. Favorite ko yung biglang magiging lively yung chorus!
Justin - Surreal. Gandang ganda ako sa tunog and lyrics!
Current fave sa SB19 songs:
(Di ko alam term sa mga genre pero ililist down ko yung mga bet ko sa ngayon hahaha):
- Ilaw. Lalim ng meaning tsaka tumatak agad yung tono ng song pagkarinig ko
- I Want You. Very sexy yung tunog hahah (pati lyrics and sayaw lol)
- Moonlight. Very catchy (tapos nung na-analyze ko na yung lyrics, very wild pala hahaha takte)
- Crimzone. Current favorite hype song ko! Let’s crimson drip!
- Hanggang Sa Huli. Sobrang ganda ng harmonization nila dito 🥹 Fave ko yung Wish Bus version nila nitong Hanggang Sa Huli
- MAPA is on another level. Sobrang galing ng pagkakagawa ng lyrics, ng tono, basta lahat. I really recommend na panoorin yung Lyric video ng MAPA para mas ma-feel yung lyrics. Galing nila Pablo 😭
- WHAT is so underrated. Ganda kaya ng lyrics and yung meaning. LSS ako verse ko ni Josh na bente-bente. Ganda rin ng MV nito, may kilabot factor 🥹
- MANA is another underrated song nila. LSS ako unang rinig ko pa lang hahaha. And yung meaning ng song 💯
Honestly, ang gaganda ng song ng SB19, lyrics-wise. Even yung mga songs nila for product promotions, walang tapon (LSS ako ngayon sa Win Your Heart na themesong ng Binibining Pilipinas hahah). Siguro di lang talaga ma-appreciate ng karamihan kasi iba yung tunog hahah! Kung ite-term ko sya sa words nila mama (or ng ibang tanders haha), matatawag mo syang “maingay” hahaha! Di ko alam yung genre pero siguro pop / hip-hop? Personally, hindi ako yung tipo na ganito ang papakinggan, pero buti na lang binuksan ng SB19 yung tenga ko for these kinds of music. Na-appreciate ko na ngayon 🤩
SKL: super excited na ko mapanood sila ng live! Parang awa 🥹
1 note
·
View note
Text
Hindi naman sa ano pero sana macancel talaga ang Team Building namin next Friday
0 notes
Text
SB19 fangirling update:
Parang si Pablo naman ang bias wrecker ko ngayon! Kakanood ko ng previous videos nila, natatawa ako kay Pablo 😂 Aside from coffee lover, mukhang malapit din kay Lord ‘tong si Pau ♥️
P.S. tawang tawa ako sa mga videos nila, hirap na hirap ako mag-pigil ng tawa sa FX 😂🤣🤣 lalo na yung natutulog si Josh sa kotse tapos kinakantahan nila ng “May bukas pa” habang si Ken nagsasabi ng lines ng pari. Hahaha bwiset eh
Lapag ko na nga links dito for future reference:
0 notes
Text
Sooooo nung nag-aadik ako sa SB19 these past few days, na-curious ako sa edad nila kasi nabasa ko sa comments sa youtube videos na si Josh pala ang eldest (akala ko talaga si Pablo since sya yung leader)
So eto na nga, ginoogle ko edad ni Josh tapos eto lumabas (exact view nung moment na yun na sinearch ko sa browser using PC sa office hahaha):

So unang una kong napansin yung 30 years kasi sya yung pinakamalaking font. So sumaya ako kasi sa wakas hindi na mas bata sakin ang bias ko hahaha! So next na chineck ko kung kelan sya mag-31 years old and OMG nabigla, natuwa, kinilig ako sa nakita ko:
OCTOBER 22, 1993
My exact birthdate! UTANG NA LOOB DESTINY NA BA ITO CHOZ HAHAHAHA! Kaya pala unang kita pa lang feel ko nang sya magiging bias ko hahahah
Yes, this is me in my SB19 fangirl era hahachz
P.S. nung nakaraan si Ken ang bias wrecker ko pero ngayon parang pa-Justin na ko. Pakagwapo ng mukha at boses!
0 notes
Text
Fan na ata ako ng SB19.
Nakita ko kasi sa Twitter yung clip ng First Take performance nila, na-curious ako panoorin ng buo kasi ang galing ni Pablo dun sa clip tapos todo project si Josh hahaha
Ayun, nung pinanood ko yung full video sa Youtube, nakailang ulit ako. Ang galing nila! Parang kada nood ko, iba-iba yung focus ko. Una si Josh (galing talaga mag-project sa camera tapos ang gwapo mag-smile ☺️ feeling ko sya bias ko hahahaha), tapos si Ken (grabe ilang beses ko inulit yung intro nya, revelation sa tulad kong first timer yung lalim ng boses nya omg! Bias wrecker ko ata ‘to hahaha), tapos si Pablo, then si Jah tapos si Stell — na given na kasi ang galing talaga kumanta.
Hanggang sa pinakinggan ko na yung ibang songs nila hahaha! Ganda ng blending nila dun sa Hanggang sa Huli, tapos iba din pala talaga atake ng MAPA kapag pinakinggan mo ng buo.
Anyways, fan na ako ng SB19!! At mas gusto ko pakinggan yung live performances nila (like Wish 107.5) kaysa yung nasa Spotify hahaha. Mas magaling sila mag-perform ng live IMO
0 notes