Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
sa mga may struggle sa hair dyan, lalo na yung mga dry at buhaghag ang hair. may tips ako pero hindi ko lang alam kung makakatagal kayo. yun lang ay kung kayo ay yung tipo ng taong ayaw magparebond at gusto lang ng natural na buhok.
1st year high school ako noong nasira yung buhok ko dahil sa hindi tamang pag gamit ng pang plansa ng buhok, 2011 ata non yon. hanggang 2018 ko naging problema yon, ayoko parebond kasi unang una wala akong pera, pangalawa matipid akong tao at panghuli natatakot akong malagasan ng buhok. kwento kasi sa akin ng ate ko noon nung nagparebond daw siya nalagas yung bohok niya.
nung mga panahong nagstruggle talaga ako sa buhok ko, gusto ko magpahaba ng buhok noon kaso sobrang dami ng split ends kaya kailangan ko talaga ipabawas lagi tapos kung ano ano nang ginawa ko, sinubukan ko yung coconut oil, aloe vera, langis, etc. kaso walang nangyari, saka hindi naman kasi lagi may mga ganong ingredients sa bahay kaya di ko magawa regularly. malambot naman kasi yung buhok ko noon yung problema ko lang talaga eh yung pagkabuhaghag niya ng sobra!
and then last year lang naisip ko gamitin yung baby oil kasi naalala ko yung kaklase ko nung high school din, 1st year, sobrang pangit ng buhok niya, mas malala pa sa buhok ko yung sa kanya kasi sobrang dry na tipong may dandruff na siya tapos sobrang nipis na. tapos habang lumilipas yung panahon napapansin kong may improving tapos naging kaklase ko ulit siya ng 4th year. one time nakiusap siya magpatirintas sa akin tapos nung nahawakan ko yung buhok niya sobrang ganda na, parang rebonded kasi bagsak na bagsak na tapos ang dulas pa tas sobrang kumapal yung buhok niya yung tipong hirap ka nang sakmalin. tapos kapag iniipit siya kumakawala nalang sa kamay mo yung buhok kasi madulas tapos makapal yung strands.
tapos yon nga naisip kong itry, nag umpisa ako sa maliit na bote ng baby oil, araw araw akong naglalagay non yung tipong akala ng mga tao laging basa yung buhok ko kasi kumikinang na dahil sa oil, buong buhok ko kasi yung nilalagyan ko eh, hanggang anit.
bale yung routine ko non sa gabi ako naliligo pagkatapos ko maligo lalagyan ko na ng baby oil yung buhok ko kahit basa pa tapos hahayaan ko nalang non tas kapag mag gagabi na maliligo na ako, papakashampoo ko muna yung buhok ko kasi para mawala yung oil tapos conditioner pagkatapos tas ganon lang ulit ulit araw araw.
tapos siguro mga once or twice a month sinusubukan ko huwag na muna maglagay ng oil para makita ko kung may improvement napapansin ko naman na meron naman kaya tinuloy tuloy ko na.
dati maliit na bote ng baby oil yung gamit ko hanggang bumili na ako ng malaki, tumatagal naman siya ng ilang months kaya nakakatipid ako.
payo ko lang kung uumpisahan niyo mas magandang maikli yung buhok niyo kasi bandang huli ititrim yan. ang mangyayari kasi kapag nagbaby oil na kayo yung bagong tubo lang yung aayusin niya hindi yung mismong buhok niyo ngayon. makikita niyo nalang non na yung dry hair niyo bumababa na tapos yung bagong tubo nagiging straight tapos makapal na yung strands.
di ko masasabing eepekto to sa lahat pero kasi naisip ko na baby oil naman yon hindi siya harmful kasi nga dahil sa word na "baby". hehe.
yun lang. share ko lang. byebeye.
2 notes
·
View notes
Text
di ko alam kung totoo yung magwiwish kapag 11:11 na yung time. may nabasa ako na may isang babae na lagi nakikita yung 11:11 nang hindi sinasadya, and then tinry niya magwish at nagkatotoo, parang ganon kasi yung nangyari sa akin. madalas ko rin kasi nakikita yung 11:11 ng hindi sinasadya, nagumpisa yon since 2017, siguro sa isang linggo mga 3 hanggang 4 na beses ko nakikita yon mostly sa orasan pero may mga times din na mga ilang bwan na nakakalipas hindi ko nakikita yung 11:11.
one night late na ako natulog, hindi sinasadya napatingin ako sa orasan ko sa cellphone tapos nakita ko 11:11 pm na pala tapos bigla pumasok sa isip ko yung kwento nung babae kaya naisip ko rin magwish din, sabi ko "sana magkawork na ako." tapos kinabukasan lang may tumawag na sakin tungkol sa work. ang saya lang.
diba may ibang tao na hinihintay mag 11:11 para magwish? naalala ko pa na may kwento pa yan sa wattpad eh.
naisip ko lang kasi na baka totoo yung 11:11, ang kaso magkakatotoo lang yung wish mo kung natyempuhan mo lang nakita yung 11:11 at hindi dapat hinihintay.
saka kung totoo man yon di ko alam kung panghihinayangan ko ba yung mga chances noon na nakita ko yung 11:11 pero hindi ako nagwish.
share ko lang. haha
0 notes