Tumgik
deleongian · 3 years
Text
Magbalik Nakaraan Sa Vigan
Gian M. De Leon - September 11, 2021
    Matatagpuan ang Lungsod ng Vigan sa Lalawigan ng Ilocos Sur. Kilala ang lungsod na ito sa maayos na pagka-reserba nito bilang kolonyal na bayan ng Espanya. Bukod pa rito, tanyag din ang Vigan sa mga lugar na may malalalim na kultura at masasarap na pagkain. Dahil sa tanyag nitong kadakilaan, inirehistro ito bilang isa sa mga UNESCO World Heritage Sites.
    Isa ang Vigan sa pinakasikat na siyudad dito sa Pilipinas kaya naman hindi na ito pinalampas ng aking pamilya. Tumungo kami roon noong January 4, 2019. Nagtagal lamang kami ng mga ilang oras sa Lungsod ng Vigan dahil kinakailangan din naming umuwi kaagad. Ngunit ang saglit na oras na nilaan namin ay isa na sa pinakamemorableng pangyayari ng aking buhay. 
    Alamin kung bakit . . .
Tumblr media
    Mula sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan, bumiyahe kami ng apat na oras para marating ang Vigan City, Ilocos Sur. Umalis kami sa ganap na alas-otso ng umaga.
    Makalipas ang ilang minutong pagbibiyahe, nakarating na kami sa Rosario, La Union at kumain ng almusal sa Mcdonald’s branch dito.
Tumblr media
    (Ang litrato ay mula sa Facebook page ng Mcdonald’s Rosario, La Union https://www.facebook.com/mcdonaldsrola/)
    Ilang oras ang lumipas at naramdaman naming nalalapit na kami sa aming destinasyon dahil sa mga karagatan at kabundukang tanaw sa aming kotse. Hindi na lingid sa kaalaman ng nakakarami na sagana sa yaman ng karagatan at kalupaan ang Ilocos Sur dahil sa layog at longhitud nito.
    Nadaanan namin ang nagliliwanag na asul na karagatan ng Narvacan, Ilocos Sur. Dito, namataan namin ang grotto ni Kapitan Juan de Salcedo na nasa gitna ng karagataan. Sa kasalukuyan, mas kilala na ang tanawin na ito bilang Pila Grotto Paraiso ni Juan sa Sulvec, Narvacan, Ilocos Sur.
Tumblr media
   (Ang litrato ay mula kay Jane Dacumos ng Vigattin Tourism https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Tourism-at-Narvacan-Ilocos-Sur)
    Nagpatuloy kami sa aming pagbibiyahe at natagpuan namin ang Old Quirino Bridge sa Ilocos Sur. Sa pagkamangha ng aking pamilya sa taglay nitong estruktura, huminto kami rito ng mga ilang minuto para makakuha ng litrato.
Tumblr media
    Nagpatuloy muli kami sa pagbibiyahe at hindi kalaunan ay natunton na rin namin ang Vigan City, Ilocos Sur. Bumungad sa amin ang siyudad na tila mo ay nasa panahon pa rin ng kolonyalismo.
Tumblr media
    (Ang litrato na ito ay mula kay Aldrick “Chiki” Agpaoa ng Turista Boy https://turistaboy.com/tourist-spots-ilocos-sur/)
    Habang nasa kotse, tanaw namin ang makabagong mga kainan na nakaayon pa rin ang estruktura sa panahon ng mga Espanyol.
    Magandang halimbawa rito ang pagkakatayo ng Mcdonald’s …
Tumblr media
    (Ang litrato ay mula sa Four Square City Guide https://foursquare.com/v/mcdonalds/4dc0a25dfa8c91858b35f630)
    … at Max’s Restaurant
Tumblr media
    (Ang litrato ay mula sa http://www.kilovox.com:443/vigan-ilocos-sur-trip)
     Ala-una ng hapon kami ganap na nakarating ng Vigan City. Kaya naman ang una naming ginawa rito ay maghanap ng makakainan ng tanghalian. Malapit sa paradahan ng aming kotse ang natagpuang kainan ng aking ina, ito ay ang Kusina Felicitas.
Tumblr media
    (Ang litrato ay mula sa Vigan Onlinehttps://www.viganonline.com/ViewEntity.phpCategory=Restaurant&Name=Kusina%20Felicitas)
    May karamihan na ang kumakain dito noong dumating kami. Sa kabutihang-palad, nakahanap kami ng pwesto na sakto sa aming pamilya. Maganda ang kapaligiran ng kainan na ito dahil sa taglay nitong antigong disenyo. Bukod sa ayos nito ay tunay ring masarap ang kanilang mga pagkaing hinahain.
Tumblr media
     (Litrato mula kay @leeart ng Steemit https://steemit.com/tasteem/@leeart/tasteem-980c57)
Tumblr media
    (Litrato mula sa Trip Advisor https://www.tripadvisor.com/LocationPhotoDirectLink-g424958-d1674181-i51055945-Kusina_Felicitas-Vigan_Ilocos_Sur_Province_Ilocos_Region_Luzon.html)
    Pagkatapos kumain, sumakay naman kami sa kalesa upang lubos na malibot ang lugar. Tinulungan kami ng nagmamaneho na umakya’t bumaba ng kalesa dahil kami ng aking pamilya ay hindi sanay sa ganitong pamamaraan ng paglalakbay. Lubos ding maalam ang mga nagmamaneho sa mga lugar na aming dinadaanan. Habang nagmamaneho, binibigyan niya rin kami ng mga impormasyon tungkol sa lungsod ng Vigan.
Tumblr media
      Una niya kaming dinala sa Bahay ni Padre Burgos o mas kilala sa tawag na Rehiyonal na Museo ng Ilocos sa Lungsod ng Vigan. Matatagpuan rito ang ilan sa mga gamit ni Dating Presidente Elpidio Quirino.
Tumblr media
    (Litrato ng iskultura ng Dating Presidente Elpidio Quirino mula sa https://primer.com.ph/travel/2017/02/08/ilocos-regional-museum-complex/)
    Ang kwarto ng dating presidente.
Tumblr media
    (Litrato mula sa Primer https://primer.com.ph/travel/2017/02/08/ilocos-regional-museum-complex/)
Tumblr media
     Nasa iisang establishimento rin ang Dating Kulangang Pamprobinsiya ng Ilocos Sur.
Tumblr media
    (Litrato mula sa Primer https://primer.com.ph/travel/2017/02/08/ilocos-regional-museum-complex/)
Tumblr media
    Pagkatapos naman namin sa museo, dinala kami ng nagkakalesa sa gawaan ng mga longganisa. Kilala ang Vigan sa masasarap nitong mga longganisa kaya’t nag-uwi na rin kami ng ilang balot ng mga ito.  
Tumblr media
    Sa huli, natapos din ang aming paglalakbay sa kalesa. Naikot namin ang ilang mga lugar sa Vigan sa halagang P150.00 – P250.00. Binalik kami ng nagkakalesa sa sentro ng siyudad. Doon, nagsimula kaming maglakad-lakad at bumili ng mga pasalubong.
Tumblr media
    (Litrato mula kay Johanes Godoy ng Wanderera https://wanderera.com/vigan-tourist-spots/)
Tumblr media
    Bago umuwi, tumungo kami sa Coffee Break Vigan upang mag-meryenda. Mayroon silang samu’t saring mga palamig, tinapay at kape na hinahain kaya rito na rin kami bumili ng pagkain para sa biyahe.
Tumblr media
    (Litrato mula sa Travel Philippines Today https://www.travelphilippines.today/itinerary/coffee-break-vigan/)
    Ganap na alas-tres ng hapon, nagsimula na kaming bumiyahe pauwi ng Olongapo. Para sa mas mabilis na paglalakbay at makaiwas sa trapiko, dumaan kami sa TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway). Nakauwi kami ng ligtas sa Olongapo sa ganap na alas-onse ng gabi.
    Marami na rin ang naitalang mga sulatin tungkol sa lungsod ng Vigan, ngunit naniniwala ako na mas maganda maranasan ang kagandahan at kahusayan ng lugar na ito sa ating sarili mismo. Sa pamamagitan nito, mas mabibigyang kahulugan ang ating pagkatao at mas malilinang ang pagka-Pilipino. Sa mga pagkain, lugar at mga tao, masasabi na totoong mayaman ang kultura at kasaysayan ng ating bansa. Namumuhay tayo sa panahon kung saan lahat ay mabilis at walang kasiguraduhan, sa susunod na pagkakataon, tara na’t magbalik nakaraan sa Vigan!
4 notes · View notes