Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagkasira ng MRT-3, araw-araw na!
Dismayado ang libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa araw-araw na pagkakaroon ng aberya sa biyahe na halos walang pinagkaiba noong nakalipas na admi-nistrasyon.
Kahapon ng umaga ay dalawang beses natigil ang biyahe ng MRT-3 na ikinainis ng mga pasahero matapos na pababain sila ng tren.
Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na 10 minuto natigil ang tren ng MRT-3 pagdating sa EDSA Cubao Station southbound bago mag-alas-6:00 ng umaga.
Pinababa ang mga pasahero at pinalipat sa mga kasunod na tren, habang hinatak pabalik sa MRTdepo ang tumirik na bagon.
Bandang alas-8:00 ng umaga ay muling tumirik ang isang tren sa 100 metro ang layo makalampas ng North Avenue Station southbound. May limang minuto huminto ang tren bago muling umandar at nagbalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.
Dahil sa magkasunod na aberya ay marami na namang na-late na empleyado sa kanilang trabaho at mga estudyante sa pagpasok sa kanilang klase.
2 notes
·
View notes
Text
Tiyaking ligtas ang MRT at LRT
Isang napalaking check ang isyu ng seguridad at mapagkakatiwalaan ang ating mga commuting trains gaya ng MRT at LRT dahil maraming pasahero ang sumasakay rito araw-araw.
Mahigit sa isang milyong katao ang sumasakay ng tren kada araw kaya naman kailangan talagang masiguro na ligtas sa anumang aberya ang ating mga passenger trains.
Pero noong nakaraang taon, naging madalas ang mga glitches sa MRT at LRT at maraming insidente na kinailangang pababain at maglakad sa riles ang mga pasahero kapag nagkaaberya. Sa halip na makarating nang maaga sa papasukang trabaho o school, naatrasado na.
Matagal nang problema ang paulit-ulit nang pagkasira ng ating mga tren at talaga namang nakakatakot na ring sumakay dito. Subalit dahil sa matinding trapik sa mga lansangan, walang magagawa ang mga commuters kundi sumakay na lamang at manalangin na wala sanang mangyaring hindi maganda sa kanilang biyahe.
Marahil kundi lang trapik sa mga kakalsadahan ay mabawasan na ang tumatangkilik sa MRT at LRT dahil sa takot. Pero dahil sa mura lang ito at sa bilis nga ng biyahe, ito pa rin ang unang pinipili ng mga nag ba byahe sa pam publikong sasakyan.
Noong Martes ng gabi ay muling nagkaaberya sa MRT at mismong ang Department of Transportation (DOTr) na ang nagkumpirma na may kumalas na bakal habang umaandar ang tren na dahilan upang umangat ang gulong at nawala sa riles.
Buti na lamang at wala nang pasahero nang mangyari ito. Pero ang siste, sa halip na tumigil ay itinuloy pa rin ng driver ng tren ang pagpaandar na siya ngayong iniimbestigahan ng ahensya. Sino ba naman ang hindi matatakot na baka biglang kumalas ang tren sa riles?
Buti na lamang at wala nang pasahero ng mangyari ito. Pero ang siste, sa halip na tumigil ay itinuloy pa rin ng drayber ng tren ang pagpaandar na siya ngayong iniimbestigahan ng ahensya. Sino ba naman ang hindi matatakot na baka biglang kumalas ang tren sa riles?
Sa ganang amin, tungkulin ng gobyerno na magkaloob ng ligtas at komportableng biyahe sa mga mananakay ng tren. Hangga’t maaari ay tutukan na nila ang maintenance checkup sa mga bagon upang masiguro ang kaligtasan ng pasahero.
0 notes
Text
Dismayado ang libo-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa araw-araw na pagkakaroon ng aberya sa biyahe na halos walang pinagkaiba noong nakalipas na administrasyon.
Kahapon ng umaga ay dalawang beses natigil ang biyahe ng MRT-3 na ikinainis ng mga pasahero matapos na pababain sila ng tren.
Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na 10 minuto natigil ang tren ng MRT-3 pagdating sa EDSA Cubao Station southbound bago mag-alas-6:00 ng umaga.
Pinababa ang mga pasahero at pinalipat sa mga kasunod na tren, habang hinatak pabalik sa MRT ang tumirik na bagon.
Bandang alas-8:00 ng umaga ay muling tumirik ang isang tren sa 100 metro ang layo makalampas ng North Avenue Station southbound. May limang minuto huminto ang tren bago muling umandar at nagbalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.
Dahil sa magkasunod na aberya ay marami na namang na-late na empleyado sa kanilang trabaho at mga estudyante sa pagpasok sa kanilang klase.
Pagkasira ng MRT-3, araw-araw na!
2 notes
·
View notes
Text
Paglala ng serbisyo ng LRT at MRT
Ayon sa artikulo na ipinalabas ng pinoyweekly.org noong Hulyo 21, 2015 mainit, pasira-sira, mahaba ang pila at siksikan ganito nilarawan ng estudyanteng nagngangalang German Francis ang kanyang byahe papuntang eskwela. Ayon sa tala ng Ibon Foundation, lalong dumami ang bilang ng mga aberya sa operasyon ng MRT at LRT sa kabila ng dagdag-pasahe noong 2014. Mayroong naiulat na 25 glitcheso kapalpakan mula Enero hanggang Hunyo ng 2015 o katumbas ng 4 na glitches sa isang buwan. Mas mataas ito noong 2010-2014 kung kailan umabot ng dalawang aberya lamang sa loob ng isang buwan.Naiulat kamakailan ang pagtulo ng bagon sa kasagsagan ng malakas na ulan ng LRT-1 na hawak ng consortium ng malalaking negosyante na Pangilinan-Ayala.Ayon kay Raymond Palatino, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isa ang pag-iwas sa mga ganitong aberya sa ‘di-umano’y mga katwiran ng gobyerno sa paghihikayat ng pribadong mga negosyante para pondohan ang pampublikong transportasyon. Taliwas naman ito sa reyalidad sa ilalalim ng Public-Private Partnership (PPP) ni Pangulong Aquino.“Isang magarbong pangalan lang ang PPP ng pribatisasyon,” ani Palatino, “ngunit ang tunay, mas nauuna yung kita higit sa mas mahalagang pangangailangan para sa servisyo-publiko. Ang nangyayari, pagtalikod ng estado sa kanyang tungkuling magbigay ng abot-kayang mass transport service.”Inaalma ng mga komyuter ang anila’y lumalalang serbisyo sa mga tren sa kabila ng pagdoble ng singil at nakaamba pang mga pagtaas sa pasahe.Para kay Honey Grace Alfonso, ikalawang taon sa kursong Civil Engineering sa PUP, hindi makatwrian ang mataas na presyong binabayaran niya sa pampublikong sasakyan.“It’s not fair. Hindi worth it ‘yung binabayaran namin when it comes to their service – delayed trains, siksikan, ‘yung machines for cards ay hindi gumagana ‘yung ilan,” ani Alfonso.“Ang nangyayari, double-whammy. Dagdag-pasakit sa mga tao na hindi makayanan ang mataas na cost of living sa city, pero kailangan pa magbayad nang mahal sa transport para makapasok sa mga trabaho nila,” ani Miguel Aljibe, enhinyero at miyembro ng Advocates of Science and Technology for the People (Agham).Hindi sapat ang pondo.Sa pag-aaral ng Agham, ang mga mauunlad na bansa ay iyung may matatatag na mass transport system. Malaking bahagi ng kanilang badyet ang iginugugol nito sa pagpapaunlad ng mga pampublikong tren.
0 notes
Text
Nagsimula ang operasyon ng LRT noong Disyembre 1, 1984
0 notes
Text
Kasaysayan ng LRT
Ang Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila na sa ingles ay Manila Light Rail Transit System ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May dalawang linya ang LRTA: ang LRT-1, na tinatawag bilang Linyang Dilaw, at ang MRT-2, na tinatawag bilang Linyang Murado. Bagaman kinikilala ang sistema bilang isang sistema ng "magaang riles" (light rail), maaaring dahil sa pagiging angat ng lambat-lambat, maituturing na mas malapit sa isang metro sa terminolohiyang Europeo-Hilagang Amerikano ang mga linya ng LRTA. Ang sistema ng LRTA ay ang unang sistema ng metro sa timog-silangang Asya, na itinayo na mas maaga pa kaysa sa MRT ng Singgapur ng tatlong taon. Walang kaugnayan ang LRTA sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlunan ng Maynila (MRTC), o ang Linyang Bughaw, na bumubuo ng sistemang magkaiba ngunit magkaugnay.
0 notes