densar
densar
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
densar · 3 years ago
Text
Sulit nga ba sa Whiterock Beach Hotel, Waterpark sa Subic?
Tumblr media
Iba ang may-ari ng litrato. Makikita nag orihinal na litrato mula sa https://www.chiangdao.com/hotels4/asiahotels/philippineshotels/subiczambaleshotels/whiterockwaterparkandbeachhotel.htm
Hindi kumpleto ang pagbabakasyon ninyo sa Subic kung hindi niyo pa napupuntahan ang Whiterock Beach Hotel and Waterpark Resort. Tulad ng pangalan nito, ito ay isang beach hotel and waterpark resort na makikita sa Purok 3 Matain, Subic, Zambales 2209, Philippines. Isa ito sa mga resort na paboritong puntahan ng aking pamilya. Bago pa magkapandemya, madalas kaming magbakasyon sa Whiterock tuwing tag-init dahil maraming maaaring gawin doon. Ang pagbabakasyon sa Whiterock ay isang magandang paraan upang makapag-bonding ka sa iyong pamilya at mga kaibigan.
KWARTO
Marami silang inaalok na mga kwarto para sa kanilang mga customer. May 221 na kwarto ang bumubuo sa kanilang hotel. Mayroon silang Deluxe rooms na matatagpuan sa mismong building ng hotel nila. Ang Poolside rooms naman ay matatagpuan sa isa pang building na katapat ng Wavepool II (Giant). May inaalok din silang mga beachside rooms tulad ng Beachside bungalow North, Beachside Bungalow South, Beachside Suite, Beachside Deluxe. Bukod doon, may Beachside Villas din sila at mga condo unit.
Sa daming beses na naming nagpunta roon, marami na rin kaming kwarto natuluyan. Isa sa mga kwartong natuluyan namin ay ang Poolside Ground. Maayos at malinis ang kwarto. Mayroon telebisiyong may cable na makakapagaliw sa inyo kapag ayaw niyong lumabas ng kwarto. Bukod doon, mayroon ding mini refrigerator na may lamang mga inumin, air conditioner, at dalawang king size na kama. Sa dami naming natuluyang kwarto, ang paborito naming tuluyan ay ang Beachside Bungalow South. Tulad ng ibang kwarto, mayroon din itong malaking telebisyon na may cable, dalawang king size bed, mini refrigerator, air conditioner, at malaking kabinet na may safe sa loob. Napakaganda ng disenyo ng kwartong iyon, at mararamdaman mo talagang nais ka nilang maging komportable sa loob.
           Palaging malinis at kumpleto ang kanilang mga CR. Mayroon nakahandang malinis na tuwalya at gamit pang-ligo. Maagap din ang kanilang generator. Noong minsan ako’y naliligo sa CR, nawalan sila ng kuryente. Ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay nakaayos na kaagad iyon.  
Tumblr media
Ang litratong ito ay pag-aari ng iba. Maaari itong makita sa https://r.search.yahoo.com/_ylt=Awr9FqzAlRBihAsAUwajzbkF;_ylu=c2VjA2ZwLWF0dHJpYgRzbGsDcnVybA--/RV=2/RE=1645282880/RO=11/RU=https%3a%2f%2fwww.agoda.com%2fwhite-rock-waterpark-and-beach-hotel%2fhotel%2fsubic-zambales-ph.html/RK=2/RS=3GQLeJNmt8dzVOdy9AChp0WmqHo-
PAGKAIN AT INUMIN
Nag-aalok ang Whiterock Beach Hotel and Waterpark Resort ng dalawang restawran, na pinangalanang Beachpoint Restaurant at Sunset Restaurant. Napakaganda ng tanawin. Habang kumakain, makikita ng mga kustomer ang karagatan at kabundukan ng Subic. Tulad ng pangalan, matatagpuan ang Beachpoint Restaurant malapit sa dagat. Masarap kumain dito sa umaga dahil malamig ang simoy ng hangin. Mayroon silang barbecue, grill, at buffet-style na pagkain sa restaurant na ito. Sa kabilang banda, nag-aalok naman ang Sunset Café ng buffet breakfast at pati na rin ng mga a la carte dish. Mayroon din silang mga bundle na kapag inavail ninyo ay libre na ang buffet breakfast. Napakasarap ng kanilang pagkain kaya naman sulit na sulit ang iyong binabayaran. Bukod doon mayroon pa silang Sunset Bistro, Ice cream stand, Hotdog stand, Lechon stall, at Infinity Bar. Hindi na namin nasubukan pa ang ibang kainan dahil mas inuna na namin ang mga aktibidad sa resort.
ATRAKSIYON
Ano pa nga ba ang una mong gagawing sa isang beach resort at waterpark kung hindi lumangoy. Ang Whiterock ay mayroong 15 na swimming pool. Mayroon silang dalawang wavepool, isang kiddie pool, grand pool, infinity pool, plunge pool, big bowl water slide, ocean waterpark, at iba pa. Kung hindi mo nais makilangoy at gusto mo lang magbabad, mayroon silang 40 na whirpool na nagkalat sa buong waterpark. Hindi sa lahat ng oras nakasindi ang whirpool, tulad noong naabutan namin. Kinausap lang ng aking ama ang staff kaya sinindihan nila ito.
Hindi kumpleto ang iyong pagbabakasyon kapag hindi mo nasubukan ang mga aktibidad na mayroon sa Whiterock, tulad na lamang ng kayaking, banana boat, canoeing, jetski, at surfing. Sa aming pangalawang araw sa whiterock, sinubukan namin ang kayak. Unang beses namin itong ginawa, Mabuti na lang at mabait ang staff nila. Tinulungan nila kami ng aking pamilya kung paano ito gamitin. Maaari ring magbasketball, volleyball, zipline, wall climbing, rappelling, at bowling ang mga nagbabakasyon dahil mayroon silang mga lugar para rito.
Tumblr media
Ang litrato ay galing sa https://www.whiterock.com.ph/family-fun-cente
PASILIDAD
           Para sa mga gustong tumakas mula sa polusyon at stress sa paligid, mayroon silang mga pasilidad para roon. Isa na roon ang hardin. Malawak ang kanilang hardin, at maramin kang makikitang klase ng halaman. Talaga nga namang masarap at nakagiginhawang tignan ang kanilang hardin. Mayroon din silang picnic area para sa may nais magpicnic kasama ang kanilang pamilya o kaibigan. Sila ay nag-aalok din ng teambuilding sa kanilang teambuilding ground. Ito ay aming nadaanan noong kami ay mag-aagahan.  Ang kanilang teambuilding ground ay sadyang isang malawak na lupain na may nakatanim na damo. Hindi pa roon nagtatapos ang kanilang mga pasilidad, mayroon din silang spa at gym para sa mga gustong magrelaks at mag-ehersisyo. Bukod doon, mayroon din silang lugar para sa may mga pagdiriwang o kaganapan na gagawin, tulad ng Sunset Function Room, Pinatubo Grand Ballroom, Subik View Room, Seaside Event Center, at Pistahan Pavillion.
Tumblr media
Ang litratong ito ay galing sa https://www.whiterock.com.ph/facilities
SERVICES
Nagbibigay ang Whiterock Beach Hotel and Waterpark Resort ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga kustomer. Bukas ang kanilang front desk nang 24 oras bawat araw at handa silang tumulong kapag nagkaroon ng problema. Tulad na lang noong naiwan namin ang susi para sa aming kwarto, agad-agad silang tumulong upang buksan iyon. Nag-aalok din sila ng mga concierge at tour service, na nakakatulong sa mga bisita na unang beses pa lang nakapupunta roon. Mayroon silang mga laundry facility para sa mga customer na nagpaplanong manatili ngunit walang dalang pamalit na damit o kulang ang dala. Ang mga customer na gustong gumugol ng mahabang oras sa lobby o mahilig magbasa ng mga pahayagan ay maaaring gawin ito nang libre dahil mayroon silang nakahandang mga diyaryo at magasin.
PETS
Isa ang Whiterock Beach Hotel and Waterpark Resort sa mga lugar na maaaring magbakasyon kasama ang kanilang mga alagang hayop. Tumatanggap sila ng mga kustomer kasama ang kanilang mga alagang hayop. P500.00 ang kanilang hinihinging bayad kada alaga na iyong dadalhin kada araw. Ang P500.00 ay may kasama ng dog/cat bed, food and water bowls at disposable poop bags. Tinatanggap nila ang mga alagang hayop na 30 lbs o mas mababa, ganap na sinanay, at naaangkop na pinigilan. Ipinagbabawal nila ang mga alagang hindi pa bakunado para sa kaligtasan ng nakakarami. Noong kami ay nagpunta roon, mangilan-ngilan din ang makikitang mga alagang hayop na nilalakad ng kanilang amo sa hardin. Hindi na namin nasubukang magdala ng alaga rito dahil wala kaming oras para maalagaan sila.
 KONKLUSYON
Ang mga kustomer na mananatili sa Whiterock Beach Hotel ay mayroong malaking tsansa na magkaroon ng magandang karanasan. Mababait at matulungin ang kanilang mga tauhan. Sila ay maaasahan tuwing nagkakaroon ng problema. Maganda at malinis rin ang buong kapaligiran na para bang takot ang mga tauhan na madumihan ang lugar. Malinis at masarap din ang kanilang inihahain na pagkain. Higit sa lahat, talagang sulit ang iyong ibabayad dahil hindi ka mababagot doon.
Sources:
https://www.whiterock.com.ph/restaurants
https://www.whiterock.com.ph/faq
1 note · View note