depressedcofibean
depressedcofibean
Untitled
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
depressedcofibean · 6 years ago
Text
Uy, kumusta ka na? Ang tagal na din nating hindi nag-uusap, nagkikita. Tanda ko pa noon nung nakabaro't saya ka pa pero ngayon iba ka na. Nakaterno't kurbata ka na. Ang taas mo na daw, wika nga ng mga kaibigan mo.
Nakita ko nga rin pala kayo ng bago mo. Masaya kayong nag-uusap papasok sa opisina nyo. Napakainam niyang tignan kumpara sa akin na madumi ang baro at halos napupunit na ang putot. Bagay nga kayong dalawa talaga.
Pagpasensyahan mo na ako kung ako'y sumulat pa. Tila may kulang lang kasi noong nawala ka. Ngunit hindi na kita pipiliting bumalik pa. Wag kang mag-alala.
Naalala mo pa ba noong sinabi mong ako ang sumasalamin sayo. Nakikita mo ang sarili mo sakin kaya't talagang nagkakasundo tayo.
Naaalala ko din noong kasama mo akong nagsusulat ng iyong mga akda at sanaysay. Nagsusulat ka pa rin ba? O kagaya ko binitawan mo na rin ang pangarap nating dalawang maging manunulat ka?
Natatawa lang ako tuwing binabalikan ko ang mga araw ng iyong paglisan papunta sa isang bayang dayuhan. Ang pangako mo sakin ay hinding-hindi makakalimutan. Ngunit sa iyong pagbabalik tila di matignan. Pati nga iyong pamilya'y sinasabing ako na ay iyong iwan.
Ang dati na puro ako ang iyong bukambibig, napalitan ng isang taong matangkad, matangos, makisig. Bukambibig sa harap ng iyong kaibigan, kasamahan, sa trabaho, sa labas. Samantalang ako, ni minsan sa bibig mo'y hindi lumabas. Tinitignan ko na lang ang aking sarili kung ganun na lamang ba ako kadumi upang ikahiya ng sarili kong iniibig. Di rin naman kita masisisi, maging pamilya mo hindi ako ang pinili.
O siya. Tatapusin ko na rito. Alam ko rin namang hindi mo babasahin ito. Masaya pa rin naman ako sa paminsan-minsang pagbanggit mo sa aking pangalan kahit patago nga lamang. Hindi na rin siguro makikita ng liwanag ng araw ang ating piyesang naisulat. Hindi na siya mababasa ng lib libong tao kagaya ng iyong isinumbat. Hindi na siya magbibigay ngiti at inspirasyon sa kabataan, dahil sa loob ng kaha ko ito'y habang buhay nang magtatahan.
Sana ay magsulat ka pa rin kahit ako'y hindi mo na kasama. Alam ko naman na magaling ka mapatula man o nobela. Magpatulong ka na rin sa iyong kasintahang banyaga upang sa wika nila ay maging dalubhasa.
Paalam na,
Sana ay masaya ka.
Nandito lamang ako, hinding hindi ako lalayo. Maghihintay na lang na muli na sa akin ikaw ay bumalik. Tandaan mo nandito lang ako sa oras na iyong mapagtanto na iyang bago mo ay hindi na tumutugma sayo. Sana ay matutunan mo na akong mahalin muli. Hindi man ngayon, sa tamang panahon, aking minamahal na Pili.
Nagmamahal,
Pino.
1 note · View note
depressedcofibean · 6 years ago
Text
Pgtanggal ng Panitikan, tutulan.
Nang at ng,
Dito at rito.
Simpleng mga kataga,
Ngunit hindi magamit ng tama.
Sa labing walong taong buhay ko bilang isanh Pilipino,
Wikang Filipino nga ba'y akin nang nakabisado?
Kaya't ako'y nagtataka,
Bakit kailangang sa kolehiyo'y tanggalin,
Wikang kinagisnan natin?
Bakit parang hindi na binibigyang halaga,
Ang mga darating pa nating makata?
Ang rason nila'y hindi na daw mahalaga ito,
Pag-apak mo sa tunay na mundo.
Pero hindi ba't mas mahalaga,
Na ating sarili bilang Pilipino ay makilala.
At matalos natin ang ating pinagyaman ng isip,
At ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
Kaya't aking kaibigan,
Ako'y iyong samahan,
Kasama ng libu-libong kabataan,
Pagtanggal ng panitikan, TUTULAN!
#FilipinoAtPanitikanSaKolehiyaPanindigan
#FilipinoAtPanitikanPanindigan
#FilipinoAtPanitikanMakabuluhan
1 note · View note
depressedcofibean · 7 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Yes Liam I understand. Harry makes me feel this way too.
504 notes · View notes