dervy-sage
dervy-sage
Drevs Barrio
26 posts
We live once so we must make the best of it. "Perhaps nothing in this world ever happens by accident."
Don't wanna be here? Send us removal request.
dervy-sage 4 years ago
Text
Pahihintulutan mo ba ako kung sa mga susunod na pahina ng mga kabanata na isusulat ko ngalan mo ang magiging paksa nito?
0 notes
dervy-sage 6 years ago
Text
Happy Birthday Drevy!
To the MAN that I love the most. (Next to my father) hehe. HAPPY BIRTHDAY!! 馃槉 I LOVE YOU! 馃挅 Thank you for all the love and care for me. Always take care of yourself for you will take care of me for the rest of our lives. I want you to achieve your goals in life. I promise to stay by your side through bad times and good times. I will support you in every decision that you'll make. Hate it at the same time love it when you drink too much co'z you're too clingy asf. but it is bad for you health 馃檨 drink too much if you're with me na lang please? Hehe. Mwuaps! 馃構 You're strong. You're intellegent. You're my drevy. You're my everything. Enjoy your day! I LOVE YOUUUUUU!! 馃槉
0 notes
dervy-sage 6 years ago
Text
Giliw
聽 聽 Aywan ko ga sa kaartehan mo't ike biglang nanghingi ng ganire. Pero ayos laang naman sa akin, kahit pa ga ako'y tamad na tamad ikaw nama'y aking gagaw-an parin. Baka ako'y ulagain na sa iyo hehe. Juskupo! Sana'y di mabasa ng ama at pihadong ako'y maaasbaran kahit pa ako'y nasa kahanggan! 聽 聽Ay ari na nga! Kita'y katagal na diga? Sampung buwan na. Aba! Ako naman'y hanga sa iyo. Kahit pa ga ako'y singkar kaligalig, bigla bigla na laang magagalit at gawang kabanas-banas naman o kaya ay nagwawala na ang bulate sa tiyan ay ike nariyan parin. Aa! Ako'y naiihe sa aking sinasabi ih! Kupo! Pero ano, ako'y tuong hanga sa iyo. Ikaw laang ang nakatagal e. Yaan mo't babawasan ko nang kaunti ang kinseng baboy, ayos na ang katorse. Bawase na laang ang pang-gawa ng murkon, kaso ay baka magligalig naman ang mga bisita't iyon ang madalas inuuwi. Sige, yae na't dadamihan na laang nata ang suman at sinukmani. 聽 聽 Giliw, aywan ko kung bakin ga napunta agad sa kasalan ang aking sinasabi, samantalang monthsary pa laang naman nata. Gawa siguro ng nga babae mo. Oh! Sige, angal at nang ike masumbi ko riyan! Ay kase naman mahal, kilala ko ang mga babaysot, alam ko pag ka may gusto sila sa isang lalake kaya ako'y wag mong masisi at maidamay ang aking nagpapawis na ilong at baka ike matadyakan ko riyan! Ha? Linaw ga? O sya, yae na't alam kong ako laang naman ang iyong mamahalin. 聽 聽 Kahit pa ike mas madalas na ulagain kaysa sa akin, ayos laang. Ako nama'y laging busog sa iyo. Sus! Kaliit na bagay ng paglalambing! Kayang-kaya kong pag-amuying palot yang iyong salawal dahil sa kikig. Jok lamang mahal at baka ika'y bigla na laang manghalik hahahaha. 聽 聽Mahal, salamat ha? Alam kong ike minsan ay napapagod na sa akin. Lalo na't ako nga'y bugnutin sa iyo. Kahilig kong mang-asar sa iyo pero kapag ka ako naman ang inasar ay bigla na laang tutumal ang aking reply. Kaswerte ko't ako'y laging intindi mo :> Laging suportado sa aking lakad. Sa pagpapa-enroll, pagkuha ng rekwayrments, maski nung entrance exam ko ay ikaw ang nag-asikaso sa aken. Talaga namang kahit ako'y walang natanggap na maski isang goodluck sa nanay at dada ihh isang halik mo laang sa pisnge ko'y ayos na. Tamo't himala ako'y nakapasa :> 聽 聽 Mahal, hintay ka laang ha? kapag ka ako'y nagkatrabaho na, ikaw naman ang aking bubusugin. Ikaw naman ang aking bibilhan ng kung ano-ano. Ikaw naman ang dadalhin ko sa mga kainan, pero sa ngay-on at ako'y wala pang trabaho, ako muna ang kainin mo hahaha. Jok lamang ule at baka ike bigla na laang manunggab! HAHA 聽 聽 聽Ako'y nahingi ng tawad. Patawad sa mga oras, araw at linggo na kita'y napaiyak. Ako'y tuong ulagain noong mga araw na iyon. Alam ko't gawang ako'y halos gabi-gabi ring naatungal noon, pero di parin piniling bumalik agad sa iyo. Napagsisihan ko na mahal, sa bawat luha na nakita ko galing sa iyong nagkikislapang mga mata, halos ako'y manghamon na ng panuntok. Kakatwa't magpapanuntok kami ng aking sarili gawa ng pananakit sa iyo. Diga nama't ako'y napatawar mo na? Ay kung hindi pa, ay sige at kakainin na kita. Ayieee. Dine ang kampit at nang ike mataga ko na! Wari ko'y tuwang-tuwa doon sa kakain ko siya. Kupo! 聽 聽 聽Ay siya mahal, ari ay tatapusin ko na dine at masyado nang mahaba. Alam ko namang mas gusto mong marinig ari kaysa mabasa. Yae mo't pag ka ako'y sinipag, babasahin ko ari sa iyo. Kapag ka hindi, ala ike magbasa na't baka ike masumbi ko pa riyan! Ay sya, sige na't ako'y tamar na tamar na. Bukod pa roo'y nahahalit na ata ang aking tiyan sa gutom e. Donut laang mahal saka delight hehe. Pahinga muna sa manok at baka tayo ay magkapakpak na sa pasukan. Ingat ikaw at ako'y pakakasalan mo pa. Atat nang makapag-suot ng saya sa buhanginan, Gahang ps. Seryoso ako sa donut at delight pps. Yae nang di mo masungkit ang mga bituin, ipangako mo laang na iyang iyong iya'y titigas laang sa akin. ppps: Mahal kita kahit pa ike ga isip ko laang. pppps: HAPPY 10TH MONTHSARY BINGOT!!!!
- Ghan
1 note View note
dervy-sage 7 years ago
Text
Sa pagkakasandal mo sa balikat ko, bawat segundo kinakabahan ako dahil ramdam ko na sa bawat paghigpit ng mga kapit mo sa bisig ko ay anumang oras handa nang bumitiw ang mga kamay mo, malapit na matapos ang kahibangan kong ito. Alam ko. Alam ko. . 06/28
0 notes
dervy-sage 7 years ago
Text
Sa pagdampi ng iyong labi sa aking pisngi,
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat mabahala,
Ito ba ay pagpapakita na ako sa'yo ay mahalaga,
O ito ay senyales at nangangahulugang ikaw ay nagpapaalam na,
Ang gulo, ang gulo,
Hindi ko na alam kung ano ba ito,
Kung saan pa ito patungo,
Kung bakit ganito,
Mahal, usap naman tayo.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
PAALAM NA MUNA
Sampu, dalawa, lima ... sandali parang ang gulo na ... kahit ipikit ang mata nakikita pa rin kita ... masaya akong nakilala kita ... pero sa ngayon paalam na muna.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
WALA NA
WALA NA ANG DATING PANANABIK NA MAKITA KA WALA NA DIN ANG KABA SA DIBDIB PAG NARIYAN KA KAYA KO NANG TUMINGIN SAYONG MGA MATA NA WALANG KAKAIBANG NADARAMA SA MADALING SALITA WALA NA.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Nasirang mga plano nasayang na panahon nanlamig na damdamin bakit nagkaganoon.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Ako'y nabighani sa simple niyang ngiti, Ikaw lang ang gusto at walang ng ibang hinihingi, Sa langit ako'y humiling, Sana'y pagbigyan, gusto lang naman sana kitang mahagkan
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Ako'y pikit mata sa pagdaan niya
Sapagkat takot ako na lalong mahulog sa kanya
Subalit di maiwasang sa malayuan ay pag masdan ka
Gusto ko sanang lumapit kaso wag na聽 聽 聽 聽 聽 聽 聽 聽 聽 聽 聽 sapat na sa aking makita kang masaya, nakangiti, nakatawa.聽
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
PRENDS!
Sa buong taon at panahon Na nagkaroon ng pagkakataon Bakit hinayaan ang noon Bakit nagtapat kalang ngayun Alam ko feelings ng lalake Sa tuwing siya'y matotorpe Kasi hindi lang namn mga lalake Pati rin kaming mga babae Kaya naman aking naintindihan Na ika'y nagtapat sa kahuli-hulian Na kahit hindi ito personalan Pangako sayo kailanman di ako maiilang Pero Sana sa tayo'y muling magkita Wag mong ipadama na ika'y nahihiya Sana'y ang dati Mananatiling pareho Na kahit anong nangyari walang nagbago. Nasa huli magkaibigan parin tayo
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
SANA
Hindi ko namalayan na sinisira ko na yung sarili ko para buuin ka,
Ginagawa ko yung mga bagay na makakasama sa akin para mapabuti ka,
Pero ngayon ay nasaan ka ?
Nasa piling ng iba masaya,
Habang ako heto鈥檛 nasa ere pa rin kung saan iniwan mo akong nag - iisa,
Naghihintay na sana, sana, sana, sana bumalik ka.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Alien
Tanaw kita sa aking kinauupuan,聽
Gustong-gusto kitang pagmasdan kahit na hindi mo alam,聽
Inaabangan ko ang bawat pagsulyap mo,
Umaasang makita ang mga ngiti mo,
Sinasambit ng labi ko sana may tayo.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Ikaw
Ikaw ... Oo ikaw nga ang dahilan ng mga ngiti ko, Oo ikaw ang laging nasa isip ko, Hindi ko alam kung bakit kahit sa aking pagpikit ikaw ang nakikita, Na kahit sa panaginip ay kasama ka, Yang magulo mong buhok, Mapupungay mong mata, Sabay tingin sa akin habang suot ang ngiti mong kay ganda, Ang tinig mo na sa akin ay parang musika at hinding hindi ko pagsasawaang pakinggan kahit nakakabingi na, Ako ay naaakit teka tigilan mo na, Hindi ko alam kung sasabihin ko ba, Siguradong pag tapos ng araw na to ay hahanap-hanapin ka, Kaya't mga huling sandali ay susulitin ko na.
1 note View note
dervy-sage 8 years ago
Text
...
biglang bumilis ang takbo ng puso hindi alam kung ano ang gagawin ko sana hindi totoo sana biro lang yung sinabi mo pero ano nga bang magagawa ko kaibigan mo lang naman ako ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba talga tayo ni hindi ko rin masabi ang nararamdaman ko ngunit kahit ganoon masaya na ako masaya na ako kase masaya ka na masaya ka na sa piling ng iba.
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
Happy Valentines Day
Bulaklak? wag na malalanta ... Chocolate? wag na sasakit ngipin nya ... Teddy bear? wag na itatambak lang naman ... Effort? wag na ok na ako na ganito tayo ... Ayoko na mag iwan ng kahit ano para hindi ka mahirapan na kalimutan ako kung sakali man na makahanap ka ng bago ... 馃檪馃憤
0 notes
dervy-sage 8 years ago
Text
(pending)
Nagmahal, nasaktan, akala ng iba nagbago ... Pero ang totoo ako pa rin yung dating ako ... Ako pa rin yung nakilala mo ... Ako pa rin yung taong nagmahal sa'yo ... Ako pa rin yung dating nagpapasaya sa'yo ... Ako pa rin yung mula umaga hanggang gabi kausap mo ... Hindi naman talaga ako nagbago ... Gusto pa rin kitang pasayahin ... Gusto pa rin kitang patawanin ... Gusto ko ako pa rin yung pinagsasabihan mo ng mga problema mo ... Gusto ko pa ring bumalik sa dating tayo ... Ang problema lang may iba na kasing nagpapasaya sa iyo. 馃檪
0 notes