"Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi."
Don't wanna be here? Send us removal request.
Link
Rowena Remiendo, QUEZON CITY: Yes, most Filipinos are more interested in gossip rather than knowing the truth. That鈥檚 why the Philippines is like one big movie industry.聽
0 notes
Photo




OO, CELEBRITY CRAZED
Oo, alam kong kilala niyo ang mga taong nasa itaas. Kahit hindi ko pa sinabi kung sino sila, may natural nang maliit na boses sa mga isipan niyong nagsasabi kung sino sila.
Isa pang nag-udyok sa mga gumawa ng PBB na gawin ito ay ang pagiging "celebrity-crazed" ng mga Pinoy. Inilalagay natin ang mga artista, musikero, at kahit na sinong "elite" sa聽pedestal. Iniidolo natin sila, at natural na gusto nating聽maging sila. Oo, umaabot sa puntong iyon. Kung kaya't, maraming nang programa at聽reality shows ang gumagawa ng mga聽instant celebrities mula sa mga manlalahok nila.聽
Isang patunay na mayroon espesyal na lugar ang celebrity sa mga puso natin ay ang dami ng showbiz聽websites ngayon. At ang dami ng mga聽followers ng mga ito.
Naging matagumpay naman ang season 1 ng PBB sa paggawa ng mga instant celebrities (kitams naman sa itaas) kung kaya't patuloy na ginagawa ang聽reality show聽 na ito.
0 notes
Text
Chismis-Chismis 'Pag May Time
Isa sa mga pinaniniwalaan kong pangunahing nag-udyok sa mga聽producer ng PBB na gawin ito ay ang natural na pagka-chismoso't chismosa ng mga Pinoy. Mahilig tayong makiosiyoso sa mga ginagawa ng iba, at mahilig tayong makialam -- 聽sa buhay ng kapitbahay, kapamilya, kapuso, kapatid. Kung kaya't naging "gossip-monger's haven" ang PBB, sapagkat 24/7 mapapanood ang buhay ng mga ordinaryong Pilipino sa internet, at sa telebisyon.聽
Isipin mo -- 聽12聽housemates na nagmula sa iba't ibang buhay, ikinulong sa iisang bahay.聽Isyu doon, isyu diyan. Mga mikropono sa bawat sulok ng bahay. Camera sa bawat dingding.聽Malaking puhunan para sa ating mga聽producer.聽
Sa isang sarbey na iginawa ng philstar.com聽, itinanong ang iba't-ibang pinoy "Do most Filipinos tend to gossip?" at ito ang mga sagot nila:

Sabi pa nga ni G. Fernandez, "We need not ask this question." Hindi na nating kailangan itanong iyan, dahil alam nating kung may isang bagay na tunay na "national identifier" natin, iyon ay ang pagiging..ehem.. "inovolved."
Oo nga naman.聽
0 notes
Text
"Pinoy Ako, Pinoy Tayo"? 'Yong totoo.
Sa kanta pa lang ng Pinoy Big Brother, o mas kilala bilang PBB sa lokal na diskusyon, maiisip natin na may malinaw na "sense of self" ang mga Pinoy. Aba, sabi nga ng聽Orange and Lemons, "Pinoy ako, Pinoy tayo, Ipakita sa mundo." At iyon nga ang ginawa ng聽PBB!聽Ipinakita nito sa buong mundo (Studio 23 po para sa 'Pinas; TFC para sa mga kababayan natin sa labas) ang mga ginagawa ng mga聽housemates sa "Bahay ni Kuya" sa loob ng isang daan at labindalawang araw. Tsismisan, dramahan, sigawan, inlaban... lahat nang puwedeng ipakita ng聽Philippine television, ipinakita ng聽PBB.聽
Ngunit, nakapagtataka kung bakit nagkaroon ng PBB. Bakit ito patuloy na sinusuportahan ng madlang-people tao, matapos ang unang pagpapalabas nito noong ika-21 ng Agosto, 2005? Ano nga ba ang mayroon sa lipunan at nagkaroon (at patuloy na nagkakaro'n) ng PBB reality show?聽
ANONG NAGAGANAP?聽
0 notes
Audio
"Ibang-iba ang Pinoy
Huwag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako, Pinoy Tayo."
0 notes