Text
SKOPOS: Para Kanino at Para Saan
Una sa lahat, para kanino? At ikalawa, para saan? Sino ang patutunguhan, ano ang pakay?
Desiderata, isang salitang nangangahulugang “kinakailangan” o “kagustuhan” sa Filipino; ang tekstong napili kong isalin bilang huling desiderato sa kursong ito. Sa gabay ng teorya ng skopos, ang tekstong ito ay isinalin na may layuning maipabatid ang layunin rin nito. Higit sa kahulugan, anyo, at mensahe ng teksto, naka-angkla ang teoryang ito sa panuntunang bawat teksto ay isinulat ng may kalakip na layunin at ang layuning ito ay dapat maiparating, higit na importante, dapat matupad. Sa madaling salita, hindi nito inilalahad, ni isinasaad kung “paano” dapat isalin ang teksto, bagkus, inilalahad nito sa tagasalin ang mga bagay na dapat niyang tingnan at intindihin batay sa angkin nitong layunin, na siyang gagabay sa kanya sa pagsasalin.
Para sa aking mga kaibigan, mula sa Batch 2018 ng UPLB BACA - mga naging kaklase, naging karamay, at naging sandalan; silang naging kapwa pioneer, experiment, at kaibigan sa karanasan - para sa inyo ito.
Nalalapit na ang susunod na kabanata ng ating buhay, nalalapit na ang susunod na goodbye; patuloy na tumatanda at hindi na bumabata pero sana’y huwag mahalin ang lumbay, bagkus dalhin ang aral at gunita. Nawa’y huwag kalimutan ang lahat ng pagpupunyagi, matagumpay man o hindi. Lagi’t lagi, kakayanin. Lagi’t lagi para sa bayan. Ngunit sa kabila ng lahat, sana’y huwag kalimutan, maging mahinahon at banayad sa sarili, maging masaya, sikaping maging maligaya. :)
1 note
·
View note
Text
SKOPOS: “Desiderata” sa Wikang Filipino
Disederato
MAGPATULOY NG MAHINAHON sa gitna ng ingay at pagmamadali, at alalahanin kung anong kapayapaan ang maaaring nasa katahimikan. Hangga’t maaari nang walang pagsuko, makipagkapwa-tao.
Ilahad ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw; at makinig sa iba, kahit na sa pulpol at mangmang; sila rin ay may mga istorya.
Iwasan ang maiingay at mapupusok na tao; nakagugulo sila ng diwa. Kapag inihambing mo ang iyong sarili sa iba, maaari kang maging banidoso at mapaghinakit, dahil palaging mayroong mas nakahihigit at mas nakabababang mga tao kaysa sa iyo.
Ikasiya ang iyong mga napagtagumpayan pati na ang iyong mga plano. Manatiling interesado sa iyong propesyon, gaano man ito kahamak; tunay itong kayamanan sa nagbabagong panahon.
Sanaying maging maingat sa iyong mga hanapbuhay, dahil ang mundo ay puno ng panlilinlang. Ngunit huwag hayaang bulagin ka nito sa kung anong kabutihan ang mayroon; maraming tao ang nagpupursigi para sa mataas na mithiin, at sa bawat dako, ang buhay ay hitik sa kabayanihan.
Magpakatotoo ka. Lalo nang huwag dayain ang pagmamahal. Ni maging mapangutya sa pag-big; sapagkat sa harap ng lahat ng katuyuan at kabiguan, ito ay parati tulad ng pastulan.
Maluwag sa loob na tanggapin ang payo ng katandaan, matikas na isuko ang mga bagay ng kamusmusan.
Pangalagaan ang tibay ng diwa upang maprotektahan ka sa biglaang kasawian. Ngunit huwag hapisin ang sarili sa mga madidilim na muni-muni. Maraming pangamba ang binigyang buhay ng kapaguran at kalungkutan.
Higit sa mabuting sanayin, maging banayad sa iyong sarili. Anak ka ng sanlibutan gaya ng mga puno at bituin; may karapatan kang maparito.
At malinaw man ito o hindi sa iyo, walang pag-aalinlangang naglalahad ang sanlibutan gaya ng nararapat. Kung kaya’t maging mapayapa kasama ang Diyos, anuman ang pagkakaunawa mo sa Kanya. At anuman ang iyong mga pagsisikap at ambisyon, sa maingay na kalituhan ng buhay, panatilihin ang kapayapaan sa iyong kaluluwa. Sa lahat ng pakunwari, pagod at pira-pirasong mga pangarap, maganda pa rin ang mundo. Maging masaya. Pagsumikapang maging maligaya.
1 note
·
View note
Text
SKOPOS: Orihinal na Tula ni Max Ehrmann
Desiderata
GO PLACIDLY amid the noise and the haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant; they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons; they are vexatious to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain or bitter, for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans. Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism.
Be yourself. Especially do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment, it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself. You are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should. Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be. And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul. With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.
1 note
·
View note
Text
Sanay Salin sa Tula: Ang Proseso at Paglalakbay
Kumpara sa unang sabak ko sa pagsasalin, mas naging madali ito para sa akin. Sa totoo lang ay nag-enjoy rin akong magsalin nito. Bukod sa nagustuhan ko ang tula sa anyo at nilalaman nito, nagustuhan ko rin ang mga talinghagang dala nito, at lalo na ang mensaheng ipinaparating nito.
Unang basa ko pa lang, sa tingin ko ay nakuha ko na rin ang mensahe nito, kahit kaunti kaya rini siguro naging madali ang proseso ng pagsasalin nito para sa akin. Gumamit pa rin ako ng tulong ng Google Translate at ni Gabby Dictionary sa mga terminong nahirapan akong isalin. Bukod dito, nahirapan rin ako ng bahagya dahil iniisip ko rin kung paano ko matatapatan ang mga tugma ng orihinal na tula. Sa kabila nito, hindi na rin ito naging mahirap dahil sa tingin ko na importante rin naman na naiparating ko ang mensahe na gustong iparating ng tula, at ng manunulat nito.
Masarap rin sa pakiramdam at nakadagdag rin sa aking pagtitiwala sa sarili noong napili rin ang salin ko bilang isa sa may mga pinaka-malapit na salin mula sa orihinal. Dahil dito, kaunti na lang rin ang mga binago ko mula sa unang sabak. Bukod sa mga komentong natanggap ko mula sa klase, isinama ko rin ang mga pagbabago mula sa orihinal na tula. Maliban doon ay wala na rin akong ibang binago puwera na lang sa mga tugmang ninais ko pag mas paghusayan. Sa tulong rin ng teorya ni Mildred Larson, mas nagabayan ako sa kung ano bang aspeto ng pagsasalin ang dapat kong pagtuonan ng pansin - ang kahulugan higit pa sa anyo. Gayunman, dahil tula ito ay pinaglaanan ko rin ng pansin ang anyo, partikular na ang tugma.
Sa wakas, sa tulong ng lahat ng mga konsiderasyong ito ay nakarating ako sa pinal na rebisyon ng aking salin na sa tingin ko’y maayos at sapat na naiparating ang mensaheng nais ipahatid ng tula.
0 notes
Text
Sanay Salin sa Tula: Pinal na Rebisyon ng “doon sa amin”
— pinal na rebisyon
blah blah
in our town, a village of petrichor
there is a savant of criticism, seemingly a sage
of the sky; in the lull of snores
he is nested, posing awake although asleep.
overjoyed in twittering, in a heaven of his own
spit-spewing, relentless, vicious in its retort
of judgment. once, to a neighbor he ruled a verdict:
“why did you not do anything? why did you not object?”
picky, delicate, his hearing and sight,
glued to the modesty his eyes desire;
ears pussing when hearing, eyes crusting when in sight
of the neighbors he has labeled mites.
then one day, the neighbor bemoaned —
“heavy is the crown of thorns this pandemic enthroned;”
impudent, the judge babbled:
“blah blah! go on with life, keep your mouth shut!”
used to the tirade, those reproached merely shrugged, retaliate they did not;
time focused on the cause of their hoarseness and wakefulness —
ensure that in the village of petrichor, in our own little world
every bird, every mouth, can safely and freely chirp.
0 notes
Text
Sanay Salin sa Tula: “doon sa amin”
— unang sabak
blah blah!
in our town, a village of petrichor
there is a sage of criticism, a magistrate
who acts like a bird; in the lull of a snore
he is nested, posing open-eyed even with eyes shut.
overjoyed in twittering, in a heaven of his own
spit-spewing, incessant, endless in its retort
of judgment. once, to a neighbor he ruled a verdict:
"why did you not do anything? why did you not object?"
fastidious, meticulous, his hearing and sight
glued to the modesty his eyes desire;
playing dumb and playing blind whenever in sight
of the neighbors he has labeled fools
then one day, the neighbor bemoaned —
heavy is the crown of thorns this pandemic enthroned;
incessantly irreverent, the judge babbled:
"blah blah! go on with life, keep your mouth shut!"
used to the tirade, those reproached merely shrugged,
retaliate they did not; time intended to address the reason for their hoarseness
and sleeplessness — in the village of petrichor, in their own little world
every bird, every mouth, must freely chirp.
0 notes
Text
Sanay Salin sa Tula: Orihinal na Teksto ng Tula
— Sanay Salin sa Tula: Ang Orihinal na Tula
mema
doon sa amin, nayon ng alimuom
may pantas ng pintas, isang hukom
na nag-aala-ibon; sa hele ng hilik
nakapugad, astang dilat kahit nakapikit.
aliw na aliw sa pagsiyap, may sariling langit
saboy-laway, walang habas, wagas kung humirit
ng husga. minsan, kapit-bahay binabaan niya ng hatol:
“bakit wala kayong ginawa? bakit hindi kayo tumutol?”
mapili, maselan ang pandinig niya at paningin,
nakapagkit sa gusto niyang mamasdang hinhin;
niluluga ‘pag nakarinig, minumuta ‘pag nakaaninag
ng kapit-bahay na tinatakan niyang kumag.
isang araw, kapit-bahay humingi ng paghinga –
kaybigat ng koronang-tinik na putong ng pandemya;
walang pakundangang tumalak ang hukom:
“mema! ituloy ang buhay, bunganga itikom!”
sanay sa batikos, mga hinatulan nagkibit-balikat,
‘di rumesbak; oras itinutok sa rason ng kanilang malat
at puyat – sa nayon ng alimuom, sa munti nilang daigdig
kailangang malayang sumiyap, bawat ibon, bawat bibig.
0 notes
Text
Unang Sabak sa Pagsasalin: Ang Proseso at Paglalakbay
Una sa lahat, sinimulan ko ang gawaing ito nang walang kahit anong karanasan sa pagsasalin. Tunay na ito talaga ang una kong sabak, at tunay rin na grabe ang kaba na naramdaman ko habang sinusubukan kong bigyan ng hustisya ang kauna-unahan kong salin. Naging mahirap man ito para sa akin, hindi ito naging hadlang dahil itinuring ko na lamang itong isang hamon sa sarili ko kaya’t ngayon nakarating tayo sa puntong ito.
Dahil sa unang sabak pa lang ay napaka-importante na nang tekstong isasalin, hindi na ako nagulat na naging mahirap ito para sa akin — paano ko nga ba bibugyang hustisya ang salin nang hindi nawawala ang boses, diwa, at mensahe ng talumpati. Inisip ko rin kung paano ko rin ba maipapakita ang kasiningan nang hindi mailalagay sa kompromiso ang katapatan nito sa orihinal na talumpati. Sa kabila nito, sa tingin ko masyado akong nadala ng takot at pag-aalaa na magkamali kaya’t naging ganon ang unang salin ko.
Ngayong nabigyan kami ng pagkakataong baguhin at mas lalong paghusayin ang pagsasalin, itinatak ko sa isip ko na imbis na tutukan nang maigi ang kasiningan ng salin, ay mas importanteng makita ang katapatan at kaangkupan ng mga salita at ng mismong salin sa orihinal na teksto/talumpating pinanggalingan nito. Dala ang pag-iisip na ito, sinubukan kong mas lalong pagbutihan ang aking salin sa pamamagitan ng paggamit ng mas simpleng mga termino na angkop at tapat pa rin sa orihinal, ngunit mas madaling maiintindihan ng mga maaari kong maging mga mambabasa. Higit sa lahat, hindi ko kinalimutan ang pinaka mensaheng nais ipabatid ni Frederick Douglass sa kanyang talumpati, pati na rin ang paniniwala sa kanyang ipinahahayag.
Sa pinal na rebisyon, ito ang pinanatili ko sa isip ko, at kalakip nito ang mga komentong natanggap ko mula sa aking propesor na makatutulong dini sa pagpapabuti pa nang salin ko. Pinakinggan ko rin ang sarili ko ng ilang beses upang marinig kung angkop nga ba ito at matapat sa talumpati, at kung may katumbas na kombiksyon ba ito kung ito’y gagawin ring talumpati sa wikang Filipino.
0 notes
Text
Unang Sabak sa Pagsasalin: Pinal na Rebisyon ng “West India Emancipation” ni Frederick Douglass
— pinal na rebisyon.
“Walang pagsulong kung walang pakikibaka. Silang nagpapahayag na kanilang kinikilingan ang kalayaan gayunman ay nagtatakwil sa kanilang galit ay sila ring nagnanais ng masaganang ani nang hindi nagbubungkal; sila ring naghahangad ng ulan na walang dalang kulog at kidlat. Silang naghahangad ng karagatang walang kakila-kilabot na ugong na dala ng nagngangalit nitong katubigan.
Maaaring maging isang moral, o pisikal na pakikibaka ang pagpupunyaging ito, o posible ring kapwa moral o pisikal, pero dapat na ito ay isang pakikibaka. Walang isinusuko ang kapangyarihan nang walang hinaing at pag-aaklas. Kailanman ay hindi ito nangyari, at hindi ito mangyayari kailanman. Tuklasin lamang kung ano ang tahimik na makapagpapasailalim sa mga tao at mababatid na ang katumbas na inhustisyang ipapataw sa kanila, at patuloy itong iiral hanggang sa ito’y simulang labanan gamit ang mapagpalayang diskurso o pag-aaklas, o kapwa diskurso at pag-aaklas. Ang katatagan ng mga inaapi ang siyang nagtatakda ng hangganan ng mga maniniil.”
- Frederick Douglass, sa kanyang talumpating "West India Emancipation," Canandaigua, New York, August 3, 1857
0 notes
Text
Unang Sabak sa Pagsasalin: "West India Emancipation" ni Frederick Douglass, Isang Talumpati
— unang sabak.
"Hindi makakamit ang pagsulong nang walang pagpupunyagi. Silang nagpapahayag na kanilang kinikilingan ang kalayaan gayunman ay nagtatakwil sa kanilang galit ay sila ring nagnanais ng masaganang ani nang walang pagtitiyaga; sila ring naghahangad ng ulan na walang dalang dagundong at lintik. Silang naghahangad ng karagatang hubad sa malalakas na ugong ng mga alon nitong dala.
Ang pagpupunyaging ito ay maaaring maging isang moral, o pisikal na pakikibaka, o posible ring kapwa moral at pisikal na pagpupunyagi, ngunit marapat na ito ay isang pakikibaka. Kailanman ay walang isinuko ang nasa trono nang walang pag-aaklas at hinaing mula sa masa. Kailanman ay hindi ito nangyari, at hindi ito mangyayari kailanman. Tuklasin lamang ang susupil sa boses ng masa at mababatid na ng siyang nasa kapangyarihan ang katumbas na inhustisyang kanyang ipapataw sa kanila, at patuloy itong iiral hanggang sa ito'y simulang tutulan at labanan gamit ang mapagpalayang diskurso o pag-aaklas, o kapwa diskurso at pag-aaklas. Ang tibay at tatag ng mga inaapi ang siyang maghahatol ng taning sa maniniil.”
- Frederick Douglass, sa kanyang talumpating "West India Emancipation," Canandaigua, New York, August 3, 1857.
0 notes
Link
— Unang Sabak sa Pagsasalin: Ang Orihinal na Teksto
Maaaring ma-access ang kabuuang transkirpt ng talumpati ni Frederick Douglass na pinamagatang "West India Emancipation" gamit ang link na nasa itaas. Ito ang orihinal na teksto na isinalin mula sa Ingles para sa unang sabak sa pagsasalin.
Para naman sa sipi ng talumpati na aking isinalin, maaaring sumangguni rito:
“If there is no struggle there is no progress. Those who profess to favor freedom and yet deprecate agitation are men who want crops without plowing up the ground; they want rain without thunder and lightning. They want the ocean without the awful roar of its many waters.
This struggle may be a moral one, or it may be a physical one, and it may be both moral and physical, but it must be a struggle. Power concedes nothing without a demand. It never did and it never will. Find out just what any people will quietly submit to and you have found out the exact measure of injustice and wrong which will be imposed upon them, and these will continue till they are resisted with either words or blows, or with both. The limits of tyrants are prescribed by the endurance of those whom they oppress.”
- Frederick Douglass, “West India Emancipation” speech, Canandaigua, New York, August 3, 1857.
0 notes
Text
Panimula
Maligayang pagdating!
Malugod kitang tinatanggap sa aking munting paglalakbay sa mundo ng pagsasalin.
Bilang paggunita sa kauna-unahang sabak ko sa pagsasalin, ang munting blog na ito ay binigyang buhay ko upang maibahagi sa inyo ang mga pagsubok at paglalakbay ko sa mundo ng traduksyon. Dito, inyong masasaksihan ang lahat ng aking pinagdaanan sa proseso ng pagsasalin, mapa-talumpati man o tula, prosa o kotasyon. Sa blog na ito, sama-sama nating balikan ang mga hamon na aking hinarap, at ang mahabang biyaheng aking tinahak upang makamit ang aking layunin - maibahagi at maipakita sa inyong lahat ang taglay na kagandahan ng pagsasalin, at ang mensaheng nais kong maipahatid sa lahat.
Bilang isang manunulat at tagasalin, ang mensaheng nais kong ipahatid ay hindi lamang para sa iba ngunit pati na rin sa aking sarili. Nawa’y ang kagustuhan kong makapaghayag ng kagandahan ng literatura, ng pangaral, at ng istorya ay sapat na’t kapuri-puri. Ang lahat ng lalamanin ng blog na ito ay hangad kong makapagbigay aral, inspirasyon, at katatagan sa lahat ng makakabasa kaya’t lahat ng ito ay para sa inyo at para sa lahat.
Ito man ang una kong sabak sa pagsasalin, sana’y kahit papaano, matagumpay kong maipahatid ang mensahe ng mga tula, prosa at talumpating isinalin, kasama na ang diwa at inspirasyong maaaring dala-dala ng mga saling ito.
Samahan ninyo akong lakbayin ang byahe sa larangan ng pagsasalin!
Tara!
0 notes