djaurrtomato24
djaurrtomato24
Let's Gaur
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
djaurrtomato24 · 1 year ago
Text
"Tanawing hindi malilimutan"
Ilang taon na ang nakalipas noong unang punta ko sa tabing dagat kaya't sobrang tuwa ko ng malaman ko sa aking pamilya sa side ni Papa na pupunta ng isa sa resort beach sa Botolan, Zambales. Isa sa pangarap na lugar na gusto kong puntahan ay Zambales dahil sa kagandahan ng tabing dagat. Sapagkat, hindi na kasama ang iilan sa amin kaya'y pakiramdam ko ay hindi kumpleto ang saya pagkulang. Ngunit, kahit na kulang ay masaya pa rin ako dahil kasama ko ang aking iilan sa pamilya at sa anyong kagandahan na pupuntahan naming lugar. Halina't samahan niyo akong balikan ang hindi malilimutang karanasan ko sa Kelaya Beach Resort.
Tumblr media
"Biyahe ng Pamilyang Trinidad"
Tumblr media Tumblr media
Noong Marso 02, 2024 ang araw ng alis patungong Kelaya Beach Resort. Inarkilang van ang sasakyan na ginamit namin, kami'y siksikan sa upuan dahil hindi nagamit ang upuan sa pinakalikod sa dami ng mga dalang gamit. Ngunit, kahit na ganoon ay puno pa rin ng tawanan habang bumabiyahe dahil sa mga birong usapan.
"Ang Kelaya Beach Resort"
Sa dalawang oras mahigit na biyahe ay nakarating na kami sa aming destinasyon, ang "Kelaya Beach Resort". Hindi makakadaan palooban ang sasakyan dahil ginagawa pa ang daan. Ngunit, pupwede ang tricycle kaya ang ibang gamit ay sinakay doon at ang iba naman ay dala-dala namin habang naglalakad patungo sa resort. Pagkapasok namin ito ang mga bumungad sa amin.
Tumblr media
Apat ang patriangle na kubo at isang malaking kubo sa pinakaunahan. Ang dalawang kubo na triangle ay may aircon at ang tatlo naman ay electric fan. Pagbaba at pagayos ng mga gamit sa kaniya kaniyang kubo ay lumabas na kami upang kumain, magpicture, at makita ang naghahapasang mga alon sa dagat.
Tumblr media
Nagkatahan din kami pagkatapos kumain at mga bandang Alas singko ng hapon ay nagpalit na kami ng mga damit para sa pictorial sa sunset. Pagkatapos mag pictorial tumungo na kami sa dagat para makisali sa nag-a-alunang tubig.
Tumblr media
"Huling araw"
Ako ang unang nagising sa amin dahil gusto ko abangan ang pag angat ng araw. Paglipas ng oras ay gising na ang ibang kasama ko at sila nanay ay nagluluto para sa agahan. Inaya ko ang aking mga pinsan at kapatid para maglaro ng badminton at volleyball. Pagkatapos namin maglaro ay nag agahan na kami at nagpahinga ng kaunti para muling lumangoy sa dagat.
Tumblr media
Sobrang saya namin dahil malaking alon ang humahampas sa amin, mayroong pagkakataon na nadadapa, natutumba patungo sa lupa dahil sa lakas ng hampas ng alon. Sinabi rin sa amin ng nagbabantay ng resort ay libre na ang paggamit ng inflatable kayak boat. Kaya pinahanginan namin dahil medyo sumingaw na at pagkatapos ay ginamit na namin ito. Hindi naging madali dahil first time namin ang pagsakay na kami ang nagsasagwan pero sobrang saya dahil nakaranas kami noon at puro puno ng tawanan.
Tumblr media
Bago kami umuwi ay pumunta kami sa ilog na may magandang tanawin. Ito ang huling litrato na magkakasama kami para sa huling araw.
Hindi talaga maiiwasan ang kagustuhang umalis ng tahanan upang pumunta sa ibang lugar para makapagsaya at makapagbonding kasama ang mga mahal sa buhay. Sa pagpunta sa iba't ibang lugar ay marami akong natuklasan at nakita. Isa na dito ang magandang tanawin ng dagat na hindi nakakasawang tignan at panoorin ang mga alon. Pangalawa naman ang mga naglalakihang bundok na ang iba ay nakalbo. Ang pang huli naman ay ang sa pamilya, natuklasan ko na masaya rin pala na wala kang social media at puro lamang kwentuhan at tawanan kasama ang pamilya.
Ang paglalakbay na ito ay isang malaking parte na rin ng aking buhay dahil kasama ko ang aking mahal sa buhay at sa gandang tanawing hindi malilimutan.
0 notes