doc-kat
doc-kat
My life
425 posts
my rules
Don't wanna be here? Send us removal request.
doc-kat · 1 year ago
Text
Year 2023
this is the first time na wala akong na ready na reflection for the whole year. It’s Jan 1 already pero ngayon pa lang ako magsusulat. hahaha. ayaw ko lang maputol ang nasimulan ko, so here I am.
First quarter of the year was kinda sad. My dad was diagnosed with CKD and need to undergo dialysis, atleast 3x a week. syempre problemado kami, kasi worried kami kung kakayanin ba ng katawan nya yun, but I’m happy he overcome it. may mga problem nga lang minsan, but still, kinakaya ni papa 🥺💕 Lagi kong dinadasal sa Panginoon na bigyan pa sya ng longer life dahil hindi ko pa naibibigay lahat ng gusto nila mama. Hoping for a higher income this year, para sa mas makapag provide pa sa kanila.
sa love aspect, HUY HAHAHAHA. Honestly, I didn’t expect na I’ll be in a relationship this year. but I’m happy I’m in a healthy one. I’m with a man who understands me, who still finds me beautiful after seeing all my flaws and insecurities. He may not give me material things na kayang ibigay ng iba, but he gives me intangible things that every woman wants. He constantly gives me assurance, he makes effort just to see me, (He’s from Pampanga, Im from Cavite pa 🥺) and the best of all, he doesn’t invalidate what I feel. I can always voice out what I feel without the fear of he will leave me, because he always willing to understand. He’s afraid of losing me and so I am. I know I’ll get a negative feedback from my fam because of choosing him, but I know, kaya ko syang ipaglaban and I know he can do things to reach his dreams. May isa lang talaga kaming problem, his religion is so strict not to have a rs with someone na iba ang religion. Hope we can settle this one this year. 🥺 Iloveyou My Serene, Carlo Navora.
Sa work, hmm. kinda getting tired with how my boss handles scheduling. and still no salary incease and walang bonus. hays. masaya working with my workmates (assitant and receptionist) but may takot pa rin syempre sa boss. I’m currently trying to apply sa LGU for the benefits like bonus and 13th month. hahahaha. need more money kasi ang dami kong plano sa buhay. HAHAHA. sana matanggap.
I also bought an expensive gift for my self pala. hahahahaha. putek. sabi ko sa sarili ko dati, di ako bibili ng phone na may phone higher than 10k, but here I am. using the first mansanas na binili ko para sa sarili ko. HAHAHAHA. deserve ko to. di naman ako naging madamot sa tao sa paligid ko eh. ☺️
2023 was not perfect but I can say its a happy one. sana magtuloy tuloy. 🫶
Lord, give me strength to face every challenges that 2024 will bring. Sana maging chill and happy lang so I can again, end this year with a smile on my face with all the people I love surrounding me. Kayo na po ang bahala Lord! Prayers up! 🙏🏻
Thank you 2023, Hello 2024! 💕
0 notes
doc-kat · 2 years ago
Text
Year 2022
Naiiyak ako. naiiyak ako sa tuwa habang sinusulat ko tong reflection ko ngayong taon. After years of heartbreaks, this year was my breakthrough.
Early this year, hindi ko pa rin alam kung ano na ba talaga ang mangyayari. Everything was still unsure. It was February when we heard the news na pwede na kaming mag completion form, meaning, finally after 2 years of our school holding our graduation, finally makakalaya na sa kanila. Doon ako nabuhayan ng loob. Nag process agad ng papers para maka habol ng filing for May 2022 board exam.
2 weeks waiting sa TOR, another 2 sa NBI. grabe, akala ko di ako makakahabol, but God is good talaga. I was able to take my board exam. May 20, 2022 the best day of my lifeeeeeeee!!!! Pumasa ako ng board exam!!! Lisensyadong dentista na akooo!!! hanggang ngayon it feels surreal. Six mos na akong nag prapractice as a dentist, pero sa tuwing naaalala ko pa rin yun, naiiyak pa rin ako. Thank you Lord!!! sobrang sulit ang pagod, iyak, at luha! I know I made my parents proud!
Sa work, sobrang thankful ko na ang bait bait ng napasukan kong amo. Hi Dr. Daisy!! sobrang thank you po sa pag tanggap sakin as associate dentist nyooo. sobrang thank you po sa tiwala Doc!!! ang dami ko pong natutunan sa inyo. at patuloy na natututunan. thank you po for your patience pag may mga mali po akong nagawa. hehe. super thank you Doc! Happy New Year poooo!!!
Ang saya talaga sa feeling pag may nga patient kang napapangiti no. yung sobrang thankful sayo kasi napaganda mo mga ngipin nila. kaya siguro ako dinala ni Lord dito, kasi madami din akong mapapasaya dito.
To all those new friends I made this year!!! Hello Caloy, Jasmine, Teph, ate Lovely, Ate Princesss so happy to all meet you. You made my year happier. To more year of chikahaaaan. hahahaha
Sa love aspect naman, I can say finally naka move on na ako sayo Greg. Reading our past convos or even talking to you doesn't hurt me anymore. no more pain. May love pa rin siguro since you're my first love but, alam kong kaya ko na ng wala ka. Masaya ako kahit walang ka partner. masaya ako kahit single. Pero malay mo naman. Baka naman Lord, nakuha ko na yung lisensya, baka pwedeng lovelife naman next. Hahahahahaha. but anyways your plan will prevail.
I can consider this year, the best year for me 💕 This year was full of blessings. And I can't thank God enough. But alam ko pong nagtutupad ko yung promise ko sa inyo. yung I'll do my best during dealing with every patient and not just go after money.
I don't know what 2023 will bring but I'm hoping for another successful year!!! I just want to ask for God's guidance every step of the way. Thank you 2022, and I welcome 2023 with a smile and hope. 💕
3 notes · View notes
doc-kat · 3 years ago
Text
Year 2021
A year full of heartbreaks. Sobrang fvck up mo. Dinurog mo ko. Im writing this reflection exactly just a day before the year ends.
Maganda ang pasok ng taon eh. akala ko okay. my birthday seems so good din. Its fine not until Feb. 25. Greg the guy I was so in love with, broke up with me. ang sakit maaalala. ang sakit balikan. hanggang ngayon masakit pa din pala talaga. Iiyak at iiyak pa din pala ako. hanggang ngayon, kwinekwestyon ko ang sarili ko. hanggang ngayon,. tinatanong ko ang halaga ko. hanggang ngayon, nagmamakaawa ako para lang mabigyan ng atensyon mo Greg. mahal na mahal kita masyado kaya nagagawa mo kong paglaruan. Hanggang ngayon, hindi ka sigurado sakin. hanggang ngayon, mas lamang ang takot mo kesa pagmamahal mo. For the year 2022 I promise myself not to beg for you to stay. not anymore Greg. you wanted to go? then bye for good. no more ignored message. no more chances. if you leave once more, I promise myself to blocked you. 3 years of chasing is enough. 3 years of on and off is enough. pagod na ko. Kung ang pangarap kong makaangat sa buhay ang dahilan bakit mo ko gustong iwan, then, go leave. 'cause Im done hurting. I'm done being broken. I'm done loving the person who made me feel loved but still left me. Iloveyou, but this will be the last time I'm keeping you.
Enough with the man who became my greatest heartbreak. Third week of April, my dad tested positive for Covid. almost everyone got infected. sobrang pagod ko nun dahil we are the one taking care of them.pero sulit lahat yung pagod nung lahat sila gumaling. Sobrang takot namin para kay papa at ate Cha nun. pareho silang bumababa ang O2 kaya takot na takot kami. but God is still good at di nya hinayaan ang pamilya ko. Thank you po Lord.
Nagkatrabaho nga pala ako. which I'm thankful for kasi nagawa kong bilhin yung mga gusto ko ng hindi humihingi kay mama. sobrang lalo kong na appreciate lahat ng minimum wage eaner. na kung pano nila pinagkakasya yung sahod nila sa pamilya nila. saludo po ako sa inyo. But yeah. di naman mawawala ang stress sa trabaho diba? pero sobra lang talaga samin. yung galit ng prof ko, sobra. to the point na pinapahiya na kami sa harap ng pasyente. sobrang lala. sobrang nangliit ako sa sarili ko. kaya masaya din ako na nakapag resign ako before the year ends. haha
Yung lahat ng pamilya ko, naka recover sa covid, sobrang thank you na din talaga.
Lord, sobrang napagod po ako this year, pero I know di nyo po ako pinabayaan. Nawa'y maging masaya ang bagong taong dadating. Diploma at lisensya lang po Lord. please. para makabawi na din po ako sa pamilya ko. Salamat in advance po. Haha.
2022, please be a kind and good year. kalmahan mo lang ha? 😂
0 notes
doc-kat · 4 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Thank you for making my birthday worth to remember. I wanted to hug you right now. If only I can, I'll hug you tight like there's no tomorrow. I love you mahal. I love you so bad Mart Greg 🥺❤️
01-13-21
0 notes
doc-kat · 4 years ago
Text
2020
this year was full of heartache. I was looking forward sa taong to. akala ko itong taon na to ang magiging taon ng achievements ko. I even enter a review center in preparation for board exam pero walang nangyari.
graduate na sana ako, kaso dahil sa covid, nawalan ako ng chance mag mock boards, thus, no graduation for me and no board exam. Ang sakit. kasi gustong gusto ko nang matapos to. Gusto ko nang grumaduate at magka lisensya. gusto ko nang magtrabaho at makatulong kila mama pero eto ako, tambay pa din. palamunin pa din. :( tho hindi nila ako prinepressure, pero alam ko for sure, my parents already wants me to finish studying and have my licensed.
hi MG. hindi man kita gustong isulat dito but I need to. cause you're one of the reason of me being broken hearted this year. I was ghosted twice by you but I still love you. akala ko kasi you're serious with me. Nung nagpadala ka ng regalo, akala ko seryosohan na. hindi pa din pala. but I accepted you anyways. for the second time. kahit alam kong di ka pa din sigurado sakin, kahit alam kong mas malaki pa din yung chance na iwan mo ko kaysa mag stay sakin. pero MG, this will be the last time na papayagan kitang iwan ako sa ere ng walang maayos na paliwanag. kasi MG, sa bagong taon na darating, pinapangako ko sa sarili ko na isang ulit pa, ako na ang aalis. mahal kita. totoong totoo. kaya kitang ipaglaban sa pamilya ko pero kung susuko ka na ng wala pa ang laban, susuko na lang din ako mahal.
pero di naman puro negative ang nangyari sakin.
I lose 20kgs!!!! so proud of you self. more to go next year ha!!! lezzgo Self. kaya natin.
at iba pang bagay na ipagpapasalamat ko sa Diyos.
Dear Papa God, thank you for keeping my family safe po. Salamat at lumipas ang taon na ni isa sa pamilya namin ang dinapuan ng covid. Sana po patuloy nyo kaming ingatan at gabayan. Salamat at hindi po gaanong naapektuhan yung business namin.Salamat po at nairaos namin ang pangangailangan namin nung lockdown. Salamat po ng marami!
Nasira man po ang plano ko ngayong taon,alam ko pong plano Nyo ang masusunod. In Your perfect time, I'll reach my goal, I'll be a licensed Dentist, I'll helped and give back to my parents,and I'll be with the person who'll stays with me thru thick and thin.
I hoping and praying for a better year. 2021, please be a better year! ❤
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
October 23 - you broke my heart again.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
na ol maganda
My insecurities are kicking. 🙃
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
cheating is a choice.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
Noong tinanong mo kung bakit?
Ikaw yung nakaramay nung panahong magulo.
Ikaw yung taong pala kaibigan.
Ikaw yung tipong di ako magugustuhan.
kaya
Ikaw yung nilayuan, dahil akala ko'y ako'y isang laruan.
Ikaw yung biglang nawala nang di ko alam ang dahilan.
Ikaw yung yung nagbigay ng sakit, kaya minsan natanong ko na din kung bakit.
Bakit ikaw? Hindi ko din alam.
Ang alam ko lang gusto ko tong ilaban.
Dahil...
Ikaw ang nagbibigay ngiti sa kabila ng pait.
Ikaw ang unang naiisip pag gising sa umaga.
Ikaw ang gustong huling makausap bago matapos ang araw.
Ikaw yung gustong makasama sa pag abot ng pangarap.
Ikaw yung pipiliin kong unawain sa kabila ng minsang pagdududa.
Ikaw yung gugustuhin kong intindihin pag ang mga bagay ay malabo.
dahil ikaw,
ikaw yung taong ayokong mawala.
ikaw,
Ikaw yung taong mahal ko
1:26 am | 09-19-20 | mk
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
How can I be better?
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
Being compared to an ex is a different kind of pain.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
hirap matulog ng may sama ng loob.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
August 17 start ng no rice diet. kaya ko kaya ng isang buwan? 🤔
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
Tumblr media
Trusting you is my choice, breaking it will be yours. Salamat at sinabi mo to. medyo mababawasan na ang pag ooverthink ko. iloveyou love.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
may takot pa din talaga sakin. takot na baka it wont work. takot na you'll slip away, but I will choose to trust. hays. Iloveyou.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
Tumblr media
Sana nga talaga mahal. lalaban tayo diba? we will make it diba? hayy. mahal ko.
0 notes
doc-kat · 5 years ago
Text
Tumblr media
08-07-20
nag ka label din. Hahaha
I hope this will work. kasi pag hindi pa din, di ko na alam. Baka maging mayamang tita of the fam na lang ako. 😂 Pero srsly talking, I want this to last. Di na ako bata, I want something serious. 😭
0 notes