2nd year | AB International Studies Major in Asian Studies | Future Ambassadors | "The World is Our Playground"
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo






Ang indak-indak ay isa sa ina abangan ng mga Dabawenyo dahil dito pinapakita ang iba't ibang kultura. Pinapamalas nila ang kanilang galing sa pagsayaw base sa kanilang ipinili na kultura.
1 note
·
View note
Text
BUWAN NG WIKA


Ang buwan ng Agosto ay tinaguriang "Buwan ng Wika". Ipinagdiriwang ito ng bansa taon-taun. Ang bawat paaralan, pribado man o publiko, ay nagdiriwang nito sa iba't ibang paraan. Mahalagang ipagdiwang natin ito dahil nabibigyang importansya natin ang ating pambansang wika. Si Pangulong Manuel Quezon ang nagproklama na dapat ipagdiwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wika.
Lumaki akong sanay sa pagdiriwang na ito. Natatandaan ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang, tuwing Agosto, nagkakaroon ng mga maiikling programa ang aming paaralan. Ang mga ate at kuya namin ay nagtatanghal sa entablado suot ang kanilang makukulay na Filipiniana o barong tagalog. May iba naman na kumakanta ng mga tagalog na kanta o mas kilala natin bilang OPM. Sa klase naman, pinapagawa kami ng mga tula o sanaysay ng aming mga guro.
Nang ako'y nag-aral sa mataas na paaralan, isang linggo naming ipinagdiriwang ang buwan ng wika. May isang araw na kaming lahat ay nagsusuot ng mga katutubong damit, Filipiniana o barong tagalog. Nagkakaroon rin ng mga patimpalak sa aming paaralan. Binibigyang parangal rin ang mga mag-aaral na may pinakamagandang suot na katutubong damit, Filipiniana at sa mga lalaki namang naka-barong. Masaya ang pagdiriwang namin noon sa buwan ng wika.
Nang ako'y nag-aral sa kolehiyo, hindi ko gaanong naramdaman ang pagdiriwang nito. Wala naman kasing mga programa ang paaralan. Hindi rin inaanyayahan ang mga mag-aaral na magsuot ng "national costume". Sana sa susunod, maipagdiriwang ito ng paaralan ng maayos dahil mahalaga ang ipagdiwang ito. Ito lang naman ang buwan kung kailan nating binibigyang importansya ang ating wika.

0 notes
Text
EDUKASYON: SUSI SA TAGUMPAY

Edukasyon, ito ang sinasabing susi sa tagumpay. Ito'y nakapagbibigay ng maraming oportunidad sa bawat taong nakakapag-aral. Ang makapag-aral sa paaralan ay isang karapatan ngunit hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pribiliheyo na makapag-aral sa maganda at pribadong paaralan. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Masasabi ko talagang ibang-iba ang mga mag-aaral na nagmula sa pribadong paaralan kung ikukumpara mo sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Ano ba ang sistema ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan? Anu-ano ang kaibahan nito sa mga pribadong paaralan?
Tunay ngang kakaiba ang makapag-aral sa publikong paaralan. Ibang-iba ang sistema ng pagtuturo at ang mga kagamitan rin sa paaralan ay kulang. Natatandaan ko pa noong ako'y nasa elementarya pa lamang, ang mga aklat na aming ginagamit ay ginamit na rin ng mga nakaraang mag-aaral. Hindi ito "secondhand" dahil ilang ulit na itong ginamit ng mga mag-aaral; dumaan na ito sa pangangalaga at kamay ng maraming mag-aaral. Kaya nga kadalasan sa mga guro ay pinapaalalahan ang mga mag-aaral na ingatan ang mga ito.
Maswerte nga ang mga mag-aaral na nakakapag-aral sa pribadong paaralan. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang makapag-aral. Limitado rin ang mga kagamitan sa mga publikong paaralan. Ibang-iba ang mga pasilidad sa dalawa. Kahit iba man ang pagturo sa publikong paaralan, kahit hindi kagandahan ang mga kagamitan, hindi ito hadlang upang matuto at makapag-aral. Naniniwala akong ang edukasyon ay para sa lahat. Ang edukasyon ang magiging paraan upang umunlad ang ating bayan.
0 notes
Photo

Selebrasyon ng Buwan ng Wika kasama ang aming guro na si G. Vidal 😃👍
0 notes
Photo







Ang Pamulak sa Kadayawan o "Floral Parade" ay nagpapakita ng mga bulaklak, prutas at iba't iba pang mga magagandang bagay na makikita sa Lungsod ng Dabaw. Ito ay isang paraan ng mga Dabawenyo upang magpasalamat sa Panginoon sa mga masaganang ani at ba pang magagandang biyayang bigay niya. Bagamat napakainit ng panahon, marami pa rin ang dumagsa at nanood dito at tila na aliw at nagustuhan ito ng mga tao.
0 notes