dorm-mate
8 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Chapter 7
JASPER’s POV
"The subscriber cannot be reach. Please try again later."
Shoot! Wala pa din. Naka-ilang missed calls na ako sa kanya. Eto na yung last which is ni-reject na niya.
Hindi ko muna siya pipilitin sa ngayon. Kailangan ko muna ito unti untiin. Ayokong siyang biglain sa lahat. Baka mas lalo pa niya akong hindi mapatawad.
Binitawan ko na yung cellphone ko sa side table at humiga na sa kama ko. It's been 5 days since umuwi ako from Canada. It's been 5 days na din since nag-start ako maging stalker niya. Stalker na kung stalker, pero gagawin ko ang lahat magka-ayos lang kami ni Kath…
Tapos na akong mag-impake para sa paglipat ko sa UH bukas. Alam kong sa UH mag-aaral si Kath at mag-dodorm siya. Sikat na school iyon kaya pumayag din si Mommy na doon nalang ako mag-aral. Napag-usapan kasi namin na dito muna ako mag-aaral sa Pinas. Gusto kong magstay dito ng matagal. Napansin ko nga nung una na parang nag-aalinlangan siya, pero hindi ko nalang inintindi yun. Ang mahalaga sa akin ay makasama ko yung babaeng mahal ko.
As usual, hindi nahirapan si Mommy na ipasok ako sa UH gaya ng pag-pasok niya sa kapatid ko doon. Pag-aari namin ang Padilla Group of Companies o mas kilala bilang PGC. Isa ito sa mga pinaka-tanyag na kompanya sa buong Asya, kaya no wonder na pwede na agad akong lumipat doon bukas. Kahapon lang din lumipat si Enrique doon. Ako lang kasi ang nasa Canada. Dito siya nakatira kay Mommy. Or baka dun sa condo niya na pagmamay-ari din ng company namin. Wala kasi siya dito sa mansion kaya baka sa condo niya siya tunutuloy. Hindi niya nga alam na nandito ako sa Pinas. Gusto ko siyang surpresahin kaya di ko muna ipinaalam sa kanya na nandito ako.
Anyway, pagkadating ko dito galing Canada, dito ako dumeretso sa mansion namin nila Mommy. Dito kami lumaki ni Enrique at ni… Ugh, I don’t wanna mention his name. Kahit papano, namiss ko din itong bahay na ito. Lalo na yung kwarto ko na wala paring pinagbago.
Madilim na sa labas kaya I assume na mga nasa 7 or 8 na ngayon. At tama nga ako, It’s already 8:16 PM and I decided na matulog na for tomorrow. I have plans na lumipat na sa UH, pero hindi muna ako magpapakita kay Kath. Mas mabuting manmanan ko muna siya para malaman ko kung paanong panunuyo ang gagawin ko sa kanya.
I…
I love Kath.
I love her.
At alam kong ang gago gago ko para lang saktan ko siya ng ganoon. I’m too confused with my feelings back then. I made a wrong decision at laking pagsisisi ko tuloy ngayon. Siya lang ang nag-iisang rason kung bakit ako umuwi dito sa Pinas. Hindi na kakayanin ng puso ko na tiisin siya para sa ina kong walang inatupag kung hindi ang ampon niya.
Stupid electronic mails! I groaned in my head. Kung nabasa ko lang sana ng maaga ang e-mails niya, I wouldn’t assume that she didn’t care. Hindi ko sana iisipin na masaya siyang wala ako… Hindi ko sana babalikan ang nakaraan ko.
Ipipikit ko na lang ang mga mata ko ng biglang mag-ring ang phone ko. Agad agad akong umupo para tignan yung caller ID. Bigla agad pumasok sa isip ko na i-reject yung call na ito kaya napindot ko agad yung reject button.
At dahil nga sa ni-reject ko, agad agad din siyang nagtext.
Honey, bakit di mo sinagot yung tawag ko? Nakauwi ka na pala dito sa Pilipinas. Hindi mo man lang sinasabi sa akin. Pero hindi na mahalaga yun. Ang importante, nandito ka. I love you!
"Tsk!" napailing ako dahil sa nabasa kong text. How did she know that I’m here in the Philippines? “Connections… Orson has connections!”
Bullshit! I cursed in my head.
Yes, I have a girlfriend. I… I loved her. And the word loved is in the past tense. Dahil ngayon, it’s now clear to me kung sino talaga ang mahal ko. And that’s Kathryn. Kathryn Chandria Bernardo.
And my soon to be ex-girlfriend?
She’s the reason why I got so confused. She’s my past. She’s the girl that hunts me in my every dream. She’s…
She’s my first love.
I still care for her pero bilang isang kaibigan nalang, bilang bestfriend na lang niya. At hindi ko alam kung paano ko tatapusin lahat ng ‘to. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may nagbago sa nararamdaman ko.
Paano ko masasabing hindi ko na siya mahal?
xx-xx-xx
THE NEXT DAY
‘Univesity of Harvarch’
This university is owned by Mrs. Harvarch. Hmmm. I’m quite impressed. I’ve seen lots of good schools since sa ibang bansa ako nag-aral and no offense, medyo advance talaga ang school doon kesa sa atin. Maganda dito sa UH. Nabigla nga ako kasi parang parehas ang structure nito sa isang school sa Canada. Hindi ko na lang matandaan. And knowing this is Mrs. Harvarch’s property, hindi na ako magtataka pa kung saksakan ito ng ganda.
I looked around, trying to familiarize myself in this huge school. And when I say huge, ibig sabihin malaki talaga. Actually, I’m holding a map. Kailangan pa ba ng mapa ng school kung hindi ito malaki? I’m on my way to the building of dormitories dahil gusto kong icheck yung dorm ko. I want to know how it looks like. Sabi ni Mommy, magkatabi daw kami ng dorm ni Enrique and nasa second floor ang dorm namin. Kinuhanan niya kami ng tig-isang DOCD o Deluxe On-Campus Dorm.
Tinignan ko yung wrist watch ko. 8AM palang kaya alam kong naghihilik pa si Enrique. Minsan ko lang siya tawaging Enrique katulad ngayon. I call him Quen dahil ‘yun ang nickname niya. At sinadya kong agahan para naman masurpresa siya. Of course, I missed him, my brother. My REAL brother. Mamaya ko na lang siya kakatukin pag alam kong gising na siya.
I opened my dorm at lalo akong naimpress dahil parang nasa hotel ako, hindi sa isang Campus Dorm. Umupo ako sa isa sa mga sofa to check if it’s cozy and yes, it is. Binuksan yung flatscreen TV and a Samsung Icon popped up the screen. Umuunlad na ang Pilipinas ngayon… sabi ko sa isip ko sabay iling. Tinatapatan na ng mga bagong tayong schools ang mga school sa ibang bansa.
Tumayo ako para ikutin ang buong dorm ko then I stayed at my bedroom to fix my things. Mas nauna pa nga yung gamit ko dito e. Pinadala ko dahil medyo mabibigat yung suitcases na dala ko. Hindi ko kaya mag-isa buhatin lahat iyon.
Saktong patapos na ako mag-ayos ng gamit ko, when my phone rang from my pocket. Kinuha ko agad ito at sinagot. I didn’t bother to look at the color ID. That’s why I froze when I heard her voice, and regretted that I answered the phone.
“Hon!”
I still don’t know what to do…
Medyo nanuyo yung lalamunan ko, "H-hello." I tried to keep my voice okay.
"Hello Honey! Oh my gee, I missed you! Miss na miss na kita, Hon!” she giggled, “Pwede ba tayong magkita?"
Hindi agad ako nakapagsalita. I’m not sure if I’m ready to meet her…
"Sure.” I took a deep breath, “Saan ba?" I said as I’m crossing my fingers para ‘di niya ma-notice na I’m not calling her ‘Honey’. That’s our endearment to each other. Ayoko na kasi siyang tawaging gano’n if I feel nothing towards her.
"Ahmm…” she paused for a while, thinking, “Dito nalang sa school ko, Honey! Sa UH! Alam mo ba ‘yon? It’s one of Mrs. Harvarch schools. Buti nga nagtayo sila ng ganito sa Pilipinas, e…"
Halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat. Ni hindi ko na nga maintindihan yung mga pinagsasabi niya. Dito rin siya sa UH mag-aaral? Shit! Malaking gulo ‘to pag nagkataon. She’s a warfreak! Baka gumawa siya ng scandal dito!
"Hon, still there?"
Natauhan naman ako dahil sa boses niya, "AH! Y-yeah. Sorry! May kinuha lang ako…" I lied.
"It's okay!” malambing niyang sabi sa akin, “Ano? Magkikita ba tayo?"
Even if she can’t see me, I still nodded, "Okay, sige! I’ll be there in 30 minutes."
"Right! I’ll wait for you, Hon. I love you!"
Hindi ko na siya sinagot. Binaba ko na agad yung phone ko. Until now, I’m still shocked.
Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal? At ang isa pang ikinababahala ko, what if may gawin siyang masama kay Kath pag nalaman niyang si Kath na ang mahal ko? Na babae ang dahilan kung bakit ako makikipaghiwalay sa kanya?
Matatanggap kaya niya? Urgh. I hope so.
Tumayo na ako so that I could get dressed. Maghihintay muna ako dito sa dorm ko ng ilang minutes. Baka kasi magtanong siya kung saan ako tumutuloy kapag mabilis akong nakarating sa school niya na school ko rin. She’s a smart girl. Mahirap siya isahan kaya I have to be careful.
I care for her but I care more for Kath.
xx-xx-xx
KATHRYN’s POV
Nauna akong magising kesa sa alarm clock ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi eh. Hindi dahil sa natatakot ako dahil sa mumu or whatsoever, kun’di dahil kay Jasper… Ugh! I hate him calling Jasper. Pero mas nasanay na ako kesa sa…
“Kathryn, you better stop thinking about him!” I groaned, naiinis ako sa sarili ko.
Aaminin ko, may pagtingin padin ako para sa kanya. I still love him… Mahal ko pa din siya pero basta, alam ko may nagbago. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Kaya nga naiinis na ako e. Pilit ko mang hindi isipin eh kusa namang pumapasok dito sa isip ko ang lahat lahat. Lahat ng pinagsamahan naming simula nung makilala ko siya… that was the worst day of my life, ever. I missed her, my bestfriend. At siya ang rason kung bakit nagkakilala kami ni Jasper.
Naisip ko nga na kung sana nakilala ko lang yung Kuya ko, edi may magtatanggol sa akin. Edi sana hindi ako umasa sa iba, kasi feeling ko ako lang mag-isa. Nandyan naman si Mommy pero kulang pa rin e. Nandyan rin naman si Daddy. Hindi ko kasi na-experience magkaroon ng kapatid. Hindi ko alam yung pakiramdam. And mommy was wasted when she lost Kuya.
And I hope if he’s still alive? Sana makita naman siya….
Tuck!
Dahil sa mga iniisip ko, hindi ko alam na napaiyak na ako. Sensitive kasi ako when it comes to my family. Kahit hindi ko nakita si Kuya, eh mahal ko ‘yun ‘no! I have seen a picture of him pero baby pa siya nu’n e. Nawala si Kuya nung baby pa lang siya e. Kung bakit pa kasi nawala si Kuya. Kahit nga hindi ko siya nakasama, eh ramdam kong namimiss ko siya…
Kring!
Napatingin ako sa side table ko. Tss! Ayan na, nag-alarm na tuloy yung orasan ko. Drama drama ko kasi e. Halata pa naman pag umiiyak ako. Aish. Makabangon na nga.
As usual, gano’n pa din naman ang ginagawa ko sa umaga. It’s everybody’s daily routine. Di ba pag gising sa umaga we have to pee, then we have to wash our face and brush our teeth. After that, kailangan natin mag-almusal.
Natapos ko lahat ng ‘yan in more than 30 minutes. I took a shower right after and then I get dressed. Uupo na sana ako sa isa sa mga sofa ng maalala kong ngayon ang kuhanan ng libro. 9:00 AM up to 11:00 AM lang.
"Hmmm… 8:00 o’clock pa lang naman–“ napatigil ako sa pagsasalita when I saw the shorter hand of the clock point at the number 9… “SHIT! 9 AM na agad?”
Agad akong tumakbo palabas ng dorm para makahua ko na yung books ko. Kahit alam kong OA ako at pwede ko naman makuha iyon sa ibang araw, eh gusto kong maging responsable. Kaya nagmamadali ako ngayon. Mahihirapan kasi ako kung hindi ko makuha ang mga libro ngayon dahil busy si Mommy. Friday na ngayon at pasukan pa naman next week.
Sa pagmamadali ko, hindi sinasadyang may mabangga akong babae. She immediately groaned at ng tinignan niya ako, I saw recognition in her eyes. Agad rin ‘yong nawala dahil sumama uli ang tingin niya sa akin.
"What the! Ano ba? Are you blind para ‘di ako makita? O sinasadya mo?” makahulugang tanong niya kaya naguluhan ako. Sinasadya ko? Ba’t ko sasadyain?
"Sorry! Hindi ko naman sinasadya eh. May kailangan pa kasi akong habulin. Baka malate kasi ako sa pagkuha ng books eh. Pasensya na Miss! Sorry uli…" sagot ko sa kanya. Hindi ko na pinansin yung mga sinabi niya kanina. I have no time for that. Kailangan ko na kunin yung mga libro ko.
Akmang aalis na ako nung bigla siyang nagsalita ulit kaya napahinto ako. Napaharap ako sa kanya. Her one brow is up.
"Kasalanan mo na yun! Kung responsable kang babae, dapat kanina ka pa umalis ng dorm mo! Ikaw yung kasama ni John kahapon di ba?” I saw disgust form on her face when she looked at me from my head to my toe, “Baka naman kumerengkeng ka Miss kaya nagkakagahol ka ngayon?”
Nagpantig ang tenga ko sa sinasabi niya. I was gritting my teeth at her. Pinipigilan kong wag sagutin siya. You very well know kung paano ko sinagot sagot yung Zoo Maintenance. Hindi ako basta basta umuurong but ayokong gumawa ng commotion dito. Hindi ako yung mabait at mala-anghel na bida katulad sa ibang storya. Mataray ako. Tandaan niyo ‘yan.
“Hindi ganyan ang taste ni John… Cheap! Mukha kang Ma–" dagdag niya pa. And I know, I’ve had enough…
Sasagutin ko na sana siya dahil masyadong nakaka-offend na yung pinagsasabi niya ng may biglang humatak sa kanya’t sumaway.
"JULIE!" sigaw ni Daniel sa kanya. Namutla ang mukha niya. Di niya siguro aakalain na makikita ni Daniel ang ginagawa niya, "Wala ka pa rin pa lang pinagbago!” umiling-iling si Daniel, “Gan’yan pa rin ang ugali mo.”
Nabigla ako kay Daniel. Kitang kita ko yung galit at bitterness a mga mata niya. Tinitigan niya lang si… uhm, Julie(?) I assume that’s her name dahil ‘yan ang tawag sa kanya ni Daniel e.
I was floating in the pool of curiosity in my mind ng bigla na lang akong hinatak ni Daniel. I snapped back at reality.
"DANIEL!” sigaw ni Julie from behind, “Ugh! Daniel! WAIT!” sigaw niya pa rin. Pero wala naman ata siyang balak habulin si Daniel dahil habang naglalakad kami palayo sa kanya, eh papalayo an rin ang boses niya.
Tumingin ako sa kay Daniel. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya pinawi niya lahat ng emosyon niya. Pinilit niyang ngumiti. Though halata naman na pilit lang.
"Oh, bakit ka tumigil?" tanong niya sa akin kasi napatigil ako, "May books pa tayong hahabulin."
Books…
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong kaya pala ako tumatakbo dahil sa mga libro ko. Nakalimutan ko bigla dahil sa nangyari kanina.
"WAH! Oo nga pala! Yung books ko!”
Dahil sa pagkabigla, nahila ko yung kamay ni Daniel na hawak ko na kanina pa. Reflex na siguro dahil nagmamadali nga pala akong makuha yung libro ko. Magkahawak yung kamay naming habang tumatakbo kami…
Teka…
MAGKAHAWAK!?
At dahil napuna ako ang magkahawak naming kamay ay parang nakuryente ang kamay ko. Pakiramdam ko na-ground tuloy ako and at the same time, nakikiliti rin ako. Naramdaman kong namula ang pisngi ko kasi it’s not normal for two people to hold hands while walking/running, lalo na kung wala kayong relasyon. And what made me feel more awkward is… we barely know each other. Hindi pa kami lubos na magkakilala.
Tss! That little voice in my head said that. Napabuntong hininga na lang ako at pinilit alisin ang ilang na bumabalot sa akin ngayon. Wala na akong oras para mailang ngayon. Eto namang lalaking ito, walang napapansin. Hindi man lang siya naiilang na magkahawak kamay kami. Tawa lang siya ng tawa. Nakakaasar! Siguro nakakatawa yung itsura ko kanina kaya ako pinagtatawanan nito.
"Bwiset ka! Wag ka nga tawa ng tawa diyan!" singhal ko sa kanya. Naiinis ako. Bwiset talaga siya. At tama ‘to, para malimutan ko ang ilang ko,“SINABI NG!” hindi pa rin kasi siya tumutigil sa pagtawa. Ang babaw naman ng kaligayahan niya.
"HAHAHA. S-sorry, Kath! HAHAHA." hirap siyang magsalita dahil tawa siya ng tawa. His face is all red at hindi ko alam kung bakit ba siya tawang tawa. And I don’t know why, but I found myself laughing with him. Siguro dahil para na siyang puputok sa super pula ng face niya.
After a few seconds, nakarating na din kami sa office kung saan pinapamigay yung books. Agad kong binitawan yung kamay niya. I sighed nung makita kong wala namang reaction tungkol dun. My hands are trembling kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung bakit. And when I looked at my hand, nakita kong nagpapawis ito. Am I too numb that I can’t feel my hand sweating? I groaned in my mind. Ano pang tinatayo ko dito? I should get my books!
"Nakakahingal yung ginawa mo Kath." reklamo niya sa akin. Nakayuko siya at nakapatong ang kamay niya sa mga tuhod niya. His breathing is hard. Hiningal siguro siya.
Of course, I’m also breathing hard too. Ngayon ko lang napansin na hingal na hingal na pala ako. I was so preoccupied dahil sa magkahawak naming kamay. I didn’t even notice that I was out of breath.
"Sino bang hindi hinihingal pag tumatakbo?" I asked him sarcastically. Tae siya! Hinihingal rin kaya ako, oh! Hindi niya ba nakikita?
Instead makipagaway, he just smiled at me, "Sige na. Kuhanin mo na yung books mo."
Napakunot yung noo ko. Huh? Kuhanin ko na yung books ko? Hindi niya kukunin yung kanya? Hindi ba siya sasabay sa akin?
"Di mo ba kukuhanin yung books mo?" tanong ko sa kanya, “Hindi ka ba –“
He raised his hand kaya napatigil ako sa pagsasalita, "Hindi. Nakuha ko na kanina pa…”
Toinks! Nakuha na naman pala niya yung kanya. Ba’t niya pa ako sinamahan? Ang layo kaya nitong office pero… Err. Ako yung humila sa kanya e. Aysusmaryosep! Makuha na lang yung libro!
"AY! Ge, kunin ko na yung akin.”
Pumunta ako sa isa sa mga pila. Buti na lang at hindi na masyado mahaba. Siguro kanina pa sila nagkuhanan. Eh 9 AM pa lang a? Alam ko 9 ang start ng kuhanan. Eh sabi ni Daniel, kanina pa siya kumuha. Ibig sabihin halos lahat maaga kumuha?
Nasagot agad ang tanong ko ng makita ko ang papel na nakadikit sa labas ng counter ng office.
CLAIM YOUR BOOKS HERE.
All Counters – 7:00 AM to 11:00 AM
Nako! Kaya naman pala e. Hindi pala 9 AM. 7 AM pala. TSS!
“Kaya mo ba buhatin yung mga books mo, hija? Medyo mabigat yan lahat.” tanong nung staff na pinagkunan ko ng books.
“Ah opo.” ngumiti ako sa kanya. Pinalabas niya sa isang lalake yung mga books ko and I gulped ng makitang ang taas nito. Pinagsisisihan kong sinabi kong kaya kong buhatin yung mga libro. Nakaalis na ako sa pila dahil may kasunod pa ako. Hinila ko yung books sa may gild at tinitigan sila.
Paano ko kaya bubuhatin itong mga ito? Ang dami eh!
"Akin na nga yan!” bahagya akong napatalon ng marinig ko ang boses ni Daniel sa may gilid ko. Ini-untie niya yung knot ng lubid na nakatali sa books ko. Kumuha siya ng marami at itinira niya yung oonti, "Oh, bakit?" tanong niya sa akin.
Napahawak kasi ako sa dibdib ko kasabay ng bahagya kong pagtalon. Ayoko talaga ng ginugulat ako. Madali akong gulatin at baka atakihin ako sa panggugulat niya. Parang kabute lang. Kung saan saan sumusulpot. Bigla ko ngang nalimutan na kasama ko pala siya e. Haha. Ang sama ko!
“Uhm, wala lang.” sabay iling ko. Naghihintay kasi siya ng sagot. Kinuha ko naman yung natirang libro sa sahig. Baka kasi nabibigatan na siya sa mga libro ko.
Habang naglalakad kami pabalik, napaisip ako bigla. Nung una ko kasing makita si Daniel eh akala ko good for nothing guy sila. Pilyo kasi ang itsura niya. Yung parang trouble lang ang ihahatid niya sayo? Pero ngayon nung pinulot niya yung libro ko, naisip ko na he is totally harmless. Napasigaw pa nga yung isip ko ng…
Wow! Gentleman pala siya? Ahehe!
xx-xx-xx
DANIEL’s POV
Aww! Sakit ng mga balikat ko. Dapat pala hindi ko na binuhat yung books ni Kath. Pak! Pakiramdam ko may kumotong bigla sa akin pero wala naman. Ay? Ang weird ko lang! Pero okay lang din naman. At least, pinatuloy niya ako dito sa dorm niya. This is my second time here. HEHE. At dito na daw ako mag-lunch sabi niya. Bayad niya daw sa pagbuhat ko ng mga books niya.
“Buti naman at naisipan mo akong pakainin.” I smirked at her nung sinabi ko ‘yon. Kalalapag ko lang ng libro niya. Sumalampak ako sa sofa and I let myself feel like I’m at home. Hindi naman ako ganito pero ewan. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko kay Kath kaya parang kumakapal ata ang mukha ko.
Inirapan niya ako habang inaayos niya ang books niya, “Tse! Manahimik ka diyan!” tapos ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
When she’s done, tumayo na siya sa pagkaka indian seat niya para tumungo sa kitchen. May naalala ako bigla kaya bago pa siya tuluyang makapunta sa kitchen, tinawag ko siya. I want to say something…
"Ahmm, Kath!"
Lumingon naman siya, "Oh?" with matching hulukipkip pa.
Napataas tuloy kilay ko. Kanina lang medyo mabait siya a? Tapos ngayon, tinatarayan niya na ako. TSS!
"Uhm, sorry nga pala kanina ha?" at nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin sa kanya. I felt like I cheated.
Huh? Cheated? Ano ba ‘tong mga sinasabi ko!
"Saan?" maang niyang tanong pero nakataas ang kilay niya.
“Sa inasal ni… ni Julie. Mali yung ginawa niya sayo kanina." napayuko ako sa sinabi ko. Siguro naguguilty lang ako. Maling kasi talaga yung ginawa ni Julie kanina. Maling mali.
"Okay lang iyon." ngumiti siya. As in yung totoong ngiti na mapapasigurado ka na okay lang talaga sa kanya iyon.
Tinanguan ko siya. I also smiled at her bago siya dumiretso papuntang kitchen. Magluluto pa lang siya and I’m sure matagal iyon so pinaglaruan ko muna yung keychain ko. Wala pang 3 minutes ang nakakalipas, bumalik siya kaya nagtaka ako. Tapos na ba siyang magluto? Ano? May naluluto bang dish in less than 3 minutes? Baka cup noodles lang yan oh yung instant noodles na nasa pack.
"Daniel..." pagtawag niya. Napansin ko agad yung hawak niyang siyanse.
"Hmmm? Ano ‘yon? Kailangan mo ng tulong?"
Agad naman siyang umiling. Iwinagayway niya pa ang kamay niya indicating that she doesn’t need help.
"Bakit John tawag nung… nung babae kanina sa’yo? Nung una kayong nagkita?" medyo nagulat ako ng konti sa tanong niya. Halata sa boses niya ang curiosity. Siguro nagtataka siya kung bakit John ang tawag sa akin ni Julie eh Daniel ang pakilala ko sa kanya.
"Daniel John Padilla ang full name ko." sagot ko sa kanya ng nakangiti.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isipan niya kasi hindi medaling basahing ang mukha niya. Hindi ko pa natititigan ang mukha niya at ngayon nagkaron ako ng chance, ngayon ko mas nalamang maganda talaga siya.
"Hmmm. Kaya naman pala! Hehe!” nakatingin na siya sa mga mata ko ng diretsyo. Ewan ko kung ako lang ba ‘to pero feel ko, may gusto pa siyang sabihin…?
She suddenly bit her lower lip, “Uhm, Daniel… Pu-pwede bang… A-ano! Since… friends naman tayo, ‘di ba? And I prefer calling my friends with their nicknames dahil oonti lang naman ang mga kaibigan ko. Pwede bang…”
"Ano?" I asked. Binibitin niya pa kasi e. Pasuspense lang siya?
"Pwede bang… DJ nalang itawag ko sayo? Since Daniel John ang name mo. Masyado kasing mahaba ang Daniel. At nasabi ko na sayo na mas gusto kong nicknames ang tinatawag ko sa mga kaibigan ko." I chuckled kasi parang hindi na siya humihinga ng sinasabi niya ‘yan sa akin. Siya naman, she glared at me. Tatalikod na sana siya when I answered her.
"Hmmm. Sige! Ikaw bahala!"
Ngumiti siya. Nginitian ko rin siya. I can see her eyes clearly at pakiramdam ko uli, may gusto pa siyang sabihin. Yet she don’t know kung sasabihin niya ba iyon o tatanungin. She’s hesitating.
"Isa pa ulit tanong…” lakas loob na sabi niya. Yung kaba sa mukha niya ay biglang nawala at napalitan ng nakakalokong ngiti.
Tinignan ko lang siya indicating to go on with her question.
"Ano mo iyong… Iyong babae kanina? Si… yung Julie?”
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.
xx-xx-xx
You can also read this on:
0 notes
Text
Chapter 6
KATHRYN’s POV
Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng pagkain. Midnight snack lang. Yung parang kutkutin? Naiiyak kasi ako sa pinapanuod ko dito sa iPad ko eh. Kawawa kasi yung babae. Alam niyo yung parang tanga siya nag-hihinaty? Sapul na sapul talaga sa akin e. Nakakarelate kasi ako.
Parang kami lang kasi ni... Jasper.
Bumalik nanaman sa akin lahat ng kirot dito nung nakita kong ginambala ni Jasper ang inbox ko. Kaya dinadaan ko sa pagkain at ice cream eh. Buti nalang at may ice cream sa ref ko. Wala nanaman akong karamay dito. Yes, years have passed pero sa tingin ko hindi pa rin ako masyado nakakapag move on. Although alam kong some things have changed in me. Kaya ng naging aloof ako sa mga ibang tao e. Nagtataka lang ako kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko kay Daniel.
Anyway, sabi ni Jasper sa message niya na he's sorry. Para saan? Sorry na pina-asa niya ako? Sorry na pinag-palit niya ako? Sorry na pinagmukha niya akong tanga dito sa Pinas? Oo alam kong 15 palang ako. Pero makirot eh. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa pinapanood ko ngayon, o sa nakaka-relate ako dahil nangyari na din sa amin ni Jasper ito.
Tatayo na sana ako para ibalik itong mga pinagkainan ko ng may biglang tumawag sa cellphone ko.
Nagmadali akong ilapag ang mga hawak ko sa kitchen at tumakbo ulit papunta sa kama ko. Tinignan ko yung caller ID. Di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Nanlalaki yung mga mata ko habang nakatingin sa screen ng phone ko.
Sino ba?
Si Jasper.
Tulala lang ako sa screen ng cellphone ko. Kung nagtataka kayo kung bakit may pangalan siya sa cellphone ko is simply because nakaregister pa rin yung number niya sa akin at hindi ako nagpapalit ng sim. Nakailang tawag na siya pero hindi ko parin sinasagot. Nagtatalo ang puso at isip ko sa kung ano ang gagawin ko. Para lang akong statwa dito na napako ang tingin sa screen ng cellphone niya.
"Huy! Di mo ba sasagutin iyang tawag mo?"
Bigla nalang may nag-salita sa may gilid ko. This time, hindi ako nagulat. Napatingin lang ako sa nagsalita na walang iba kung hindi si Daniel.
"Ah-ah-eh. Hindi naman ito importante." ni-reject ko na yung tawag ni Jasper. Didipensehan ko pa ang sarili ko para hindi niya mahalatang may mali sa akin. "At, tsa-a-aka. Nandito ka- ka eh! Paano ko naman makakausap ng maayos yung tumatawag? Privacy lang."
Parang tanga ko lang. Sana di niya mahalata na nanginginig ang boses ko.
"Ah okay!" sagot niya.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at nabigla ako. Napatingin uli ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko.
Bakit siya nandito! Paano siya nakapasok?!
"HO-HOY!" sigaw ko na medyo nauutal pa. Nagulat kasi ako dahil bigla na lang siyang sumusulpot sulpot.
Siya naman ang nagulat ngayon dahil papalapit ako sa kanya at aamba ng duro. Nakaturo ang index finger ko sa kanya.
"Bakit?" tinaas niya ang kilay niya sa akin.
"Papano ka nakapasok dito?!" pinagpapalo ko siya dahil naiinis ako sa kanya. Trespassing ang peg niya ngayon? Aba aba! Hindi porket magkaibigan na kami, eh pwede na siya basta bastang pumapasok rito! Actually acquaintance pa nga lang kami e. Wala pa akong alam sa kanya at mas lalong wala siyang alam sa akin.
Hinarang naman niya yung kamay niya para masangga niya yung mga palo ko,"O-oy! Wag mo nga ako paluin! Di kaya naka-lock yung pinto, kaya nakapasok ako."
Napatigil ako sa sinabi niya. Nasapo ko yung noo ko. Ang tanga ko kasi di ko na-lock yung pinto! Ang tanga tanga ko! Paano kung magnanakaw pala yung pumasok? O kaya masamang loob na nakalusot sa guard ng school? O worst baka sawa nanaman? Edi lagot lagot na ako? Hay! Bwiset! Humahalo yung pagka-aburido ko kay Jasper dito eh.
"EH BAKIT KA NALANG BASTA BASTA PUMAPASOK DITO!?” sigaw ko sa kanya. Pinigilan kong wag sumigaw pero huli na. Nakasigaw na ako.
Lumayo naman onti si Daniel,"Oy Kathryn! Easy lang diyan! Pumasok lang naman ako pero hanapin yung panyo ko. Mukhang naiwan ko ata dito. May napansin ka ba?”
Napakunot ang noo ko. Hmmm… Meron nga ba? Parang may napansin ako kanina e.
"May napansin nga akong panyo sa sofa. Hindi mo ba doon tinignan?"
Naglakad ako papunta sa sofa habang siya ay nakasunod sa akin. Hinanap agad ni Daniel yung panyo niya. Nakapamewang naman ako while I’m watching him. Nakita naman niya ang panyo niya sa ilalim ng unan. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi na lang niya hinanap? Sana ‘di na siya nang-istorbo!
"Eto lang pala." sabi niya habang dinadampot ang panyo niya.
I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay,"Bakit kasi hindi mo hinanap? Pumunta punta ka pa sa kwarto ko."
Nagkamot siya ng ulo na para bang naiirita. Ako naman ay medyo nainis kasi siya pa ang may ganang mairita ha? Nakawan ko kaya yung dorm niya? Bwiset!
"Alam mo, ang gulo mo din no?!" biglang singhal niya sa akin na nakapagpataas ng aking kilay.
"Huh? Bakit?" parang inosente kong tanong. Curiosity is evident in my eyes. Ano kasing ikinagulo ko?
"Kaya nga ako pumunta malapit sayo eh, para magpaalam sayo na hahanapin ko lang yung panyo ko. Sino ba namang taong hindi magagalit pag pinasok bigla yung dorm niya? Tapos sasabihan mo ko na bakit hindi ko hinanap?" medyo bakas ang inis sa boses niya.
Nganga ako sa sinabi niya. Kahiya naman! Pero sana… sana man lang kumatok siya di ba? AY! Ayoko na. Gusto ko pa sana sumagot sa kanya para idipensa ang sarili ko pero ayoko na nga makipagaway. Lalo lang akong mabababad-mood ngayon. Baka hindi pa ako makatulog.
"Oo na." umismid ako para ‘di ako mapahiya sa kanya. Tsaka pagod na rin e, “Oo na ikaw na tama!”
"Tss." he rolled his eyes. Syet! Bakit ‘di siya nagmumukhang bakla? May pa-tss pa siyang nalalaman diyan. Paalisin ko siya e!
Ting!
May umilaw na bumbilya sa ulo ko. Oo nga. Paalisin ko na siya. Wala nanaman siyang kailangan dito di ba? Nasa kanya na ang panyo niya at mukhang mahal na mahal niya iyan dahil hindi niya maipagpabukas ang paghahanap.
"Alis ka na?" mando ko sa kanya sabay punta sa pinto para buksan ito. Nilakihan ko ang pagbukas and I gestured my hand palabas.
Medyo nabigla siya, "Ha?"
"Ay hindi mo pa pala nahahanap yung panyo mo ‘no? Kaya magsi-stay ka na lang dito kasi hindi mo pa nahahanap?” sabi ko sa kanya, sarcastically.
“Ah – Sige…” mukha naman siyang natauhan sa sinabi ko. Napakamot pa nga siya ng ulo habang tinatahak niya ang daan papalabas ng dorm ko.
Sinara ko yung pinto at ni-lock nung makalabas na siya. Sumandal ako sa pinto at tumingala sa kisame. Hindi ko mapigilang ngumiti nung marinig kong mag-goodnight siya kahit alam niyang di ko naman maririnig. I don’t know why but I found it sweet. Kasi tinarayan ko siya di tapos sasabihan niya pa ako ng goodnight? Ah ewan. Basta napangiti ako.
"Goodnight din Daniel."
xx-xx-xx
DANIEL’s POV
Nag-goodnight ako kay Kath pero sa tingin ko hindi naman niya narinig yon. Bumalik nalang ako sa dorm ko. Matutulog na lang ako. Wala nanaman akong gagawin eh.
Hindi ko lang maiwasan isipin kung bakit ganoon si Kath kanina nung may tumatawag sa kanya. May problema kaya siya? Napakibit balikat ako. Gusto ko siyang tanungin pero wala ako sa posisyon. Isa pa, kahit magkaibigan na kami e may limitasyon pa rin naman. Kakakilala pa lang kaya namin.
Basta ang alam ko komportable ako sa kanya. Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko.
xx-xx-xx
You can also read this on wattpad: http://www.wattpad.com/4875968-dorm-mate-chapter-six#.UXkC76JkSb5
0 notes
Text
Chapter 5
DANIEL's POV
Walangyang Kath 'yon! Di binayaran yung KFC niya. Pina-alis nalang ako bigla. Nakakatampo!
Pero syempre... Joke lang yun! Hehe! Madami naman akong pera dito. Di na kailangan pang ipabayad. Nantitrip lang ako 'no.
At dahil pinalalayas na ako, bumalik na ako sa dorm ko ko na katabi lang ng dorm niya. Nag-decide na akong matulog. Nagpunta lang naman ako kay Kath, para kahit konti mawala dito sa isip ko yung nangyari kanina.
Alam kong 'di pa kami close at 'di pa kami masyado magkakilala kaya nga laking pasasalamat ko at pinatuloy niya ako kanina. Syempre, sino bang magpapatuloy ng isang 'di kakilala?
Pumikit ako dahil ngayon ko unti-unting nararamdaman ang pagod. At ang unang nakita ko sa pagpikit ko ay ang mga nangyari kanina...
Flashback
"John?"
'Di pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin siya. Maputi pa rin. Inaalagaan niya na talaga ang sarili niya. Pero ako, alam ko may nagbago sa akin. I feel uneasy not because I still have the same strong feelings for her but because I know myself that something is changed with my feelings.
Hindi na siya kalalim tulad ng dati.
"Hey! John? Is that you?"
At dahil sa nakita ko siya dito and I didn't expect I'd see her after two years, eh natulala ako sa kanya. I'm still captivated by her beauty at 'di ko maitatanggi iyon. Sadyang may nagbago lang talaga.
"Oo. Ako nga 'to."
Napayuko ako. Pakiramdam ko namumula ako. Kabadingan naman 'to kasi lalaki ako. Ba't ako mamumula? Nakakalito rin kasi di ba sabi ko nga may nagbago. Pero ba't pakiramdam ko gusto ko tumakas?
Kasi nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon? At nasasaktan ako hanggang ngayon dahil mahal ko pa rin siya?
She smiled at me. A sad smile, "DJ..."
"Why are you here?" I asked her. 'Di ko mapigilang hindi maging cold ang kalabasan ng boses ko. And I woulnd't deny it that I feel bitter about her.
Yes, I feel bitter. Aish.
"Ahm..." kinagat niya ang ibaba niyang labi, "Kasi DJ... Ano..."
Tumingin siya kay Kath kaya napatingin na rin ako. Paksyet! Muntik ko ng 'di maalala na may kasama pala ako ngayon. I was shocked by the girl in front of me's presence. Halatang walang alam si Kath at nalilito siya sa aming dalawa.
"Ahh Kath... Mauna kana pwede? Mag-uusap lang kami. Sorry." sabi ko kay Kath.
Umiling siya, "No. It's okay." tapos dumiretso na siya papasok ng dormitory.
Kami naman ay lumakad muna papuntang school park. Yung malaking garden malapit dito sa dormitory. Tapos umupo kami sa may bench. Di ko alam kung paano ko siya kakausapin, o kung paano ko sisimulan yung conversation namin. Hindi ko naman din inexpect na makikita ko siya ngayon gaya ng sinabi ko kanina.
"DJ..." tumingin ako sa kanya at napansin kong naluluha na siya, "Pumunta ako dito para mag-sorry sayo."
Sorry? Ewan. Hindi ko alam. Siguro matatanggap ko yung sorry niya dahil two years na ang nakalipas. Pero I don't think mababalik namin yung dati naming samahan.
"Sobrang pinagsisisihan ko yung ginawa ko sayo. Kaya ako umuwi dito sa Pilipinas para mag-sorry sayo. Narealize ko na mahal na mahal pala kita. I'm really for hurting you before! He was my childhood friend and my first love, kaya akala ko mahal ko pa rin siya..."
Niyakap ako ni Julie ng mahigpit at pilit kong itinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Masakit kasi Julie. 'Di naman kasi gano'n kadali 'yon. Kaya 'kong magpatawad pero mahirap.
At magiging kami uli?
I don't think so.
"DJ... Please? Give me another chance. Kahit friends nalang muna tayo. Alam ko na mahal mo pa rin ako. Kaya please! One more chance?" she's begging for another chance. Pagbibigyan ko ba siya?
Ihinarap ko siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang dalawang thumb ko, "Julie. Hindi ganoon kadali mapatawad ka. Siguro friends nalang muna tayo. Kaso hindi ko alam kung maibabalik ba yung dati nating pinagsamahan. Masyado pang masakit ito." itinuro ko ang puso ko at ipinapakita ko sa mga mata ko na nasasaktan parin ako.
"Hindi na kita sasaktan DJ." nakatingin siyang diretso sa mga mata ko. Kahit matagal na panahon na kaming nagkakakilala, I can't really tell if she's lying, telling the truth, or just acting. Minsan lang.
Niyakap niya ako ulit ng mahigpit. 'Di ko alam kung bakit hindi ako masaya hindi tulad dati na yakapin niya lang ako, sobrang saya ko na. Siguro masakit pa talaga kahit two years na ang nakalipas. Nalimutan na siguro ng puso ko mahalin siya ng sobra. Wala na yung strong feelings ko para sa kanya.
Oo. Siguro mahal ko pa rin siya. Pero hindi na nga ganu'n kalalim.
"Ah Julie. Kailangan ko na umalis."
Tumayo na ako at nagpa-alam na aalis na. Sabi ni Julie ay hindi niya inexpect na dito kami magkikita. Mag-aaral pala siya dito at kakalipat niya palang pala sa dorm niya. 'Di siya pinapayagan umuwi ng Mommy niya sa Pinas kaya nga nagtataka ako pero wala ako sa posisyon magtanong. Kahit pa sabihing EX niya ako.
Ngumiti siya sa akin habang pinapahid ang mga natirang luha sa pisngi niya, "Sige DJ."
Naghiwalay na kami ng direksyon dahil may pupuntahan pa siyang iba at bumalik na ako sa dorm ko. Itinulog ko nalang muna yung sakit dito sa ulo pati na din dito sa puso.
End of Flashback
Aish! Wag ko na nga isipin yun! Ang mabuti pa ay matulog na ako. Hindi uso sa lalake ang may eyebags. Bawas pogi points. Pero sabi ng karamihan, bagay daw sa akin yung eyebags ko. Kaya nga tutulog ako ng maaga para 'di na lalo lumaki yung eyebags ko. Baka pumanget na ako e. Tsk!
Nag-shower muna ako at dumiretso sa kama. Saktong may tumatawag sa akin kaya sinagot ko na.
"Hello Mommy?"
"Hello anak. Nagawa mo na ba yung sinasabi ko?"
Napakunot yung noo ko. Ano ba yung pinagagawa ni Mommy...
"Yung makipag-close po sa anak ni Mrs. Bernardo?"
xx-xx-xx
JULIE's POV
"Bitchiest of the Bitchs." I smirked at myself at the mirror.
Hindi ko inexpect na makikita ko si DJ dito. Actually, all I've ever did a while ago was an acting. 'Di siya totoo. Peke siya. Arte lang. Since wala si EJ dito sa Pinas, eh mabobored ako. Past time ko muan si DJ.
I care for DJ pero I kind of want to play with hm. Lalo na nung nakita kong may kasama siyang iba. I want to prove to myself na 'di pa siya nakaget-over sa akin. Na ako pa rin yung mahal niya. Na ako lang. Gusto ko ako lang.
Pokpok na kung pokpok eh dito ako masaya.
Bitch nga 'di ba?
Sakto pa at dito din sa UH si DJ. Madali lang siya ma-aakit sakin. Alam kong mahal pa niya ako. Gusto kong mapatunayan na mahal niya pa rin ako. Kilala ko siya dahil matagal ang pinagsamahan namin kaya mapapa-ibig ko siya uli. I'm sure of that.
At wala muna akong ibang ipagfofocus kung hindi si DJ lang. Hindi bebenta ang acting ko sa kanya kung makikipaglandian ako sa iba.
Yes, I flirt with other boys even though I have a boyfriend named Elmo.
Kahit naman makipaglandian ako sa iba, that doesn't change the fact that I love him. Kahit na makipaglandian ako, siya pa rin lang 'din naman. You can't blame me bitch. I'm a hormonal teenager. 'Di ako pa-Maria Clara tulad ng ibang Pinay d'yan b'coz I grew in a different kind of environment.
I'm a whore but I'm a virgin. (dahil hanggang foreplay lang lahat sila)
Gets?
xx-xx-xx
You can also read this on wattpad: http://www.wattpad.com/4873634-dorm-mate-chapter-five
0 notes
Text
Chapter 4
KATHRYN's POV
5PM na. Kakagising ko lang mula sa mahimbing na pagtulog. Nakabalik ako dito ng mga pasado alas dose. Kumain muna nu'n tapos nanood lang ako ng TV hanggang sa makatulog.
Si Daniel? Nandoon sa Mars. Kasama si Bruno.
Pagkabangon ko sa kama, kumuha ako ng popcorn at flakes sa kitchen. Nag-prito din ako ng bacon. Wala akong magawa dito kung hindi lumamon ng lumamon at manuod ng TV. Tataba ako nito for sure at baka magpapyesta si Mommy pag nangyari 'yun.
Nilinis ko muna yung kalat ko sa kitchen bago ako pumunta sa sala. Umupo ako sa sofa at ini-ON ko na yung TV. Nilipat lipat ko yung channel para maghanap ng pwedeng panuorin. As usual, napadpad ako sa cartoons. Pangbata ba? Kesa naman yung mga x-rated.
Tawa lang ako ng tawa kay spongebob at kain din ng kain ng popcorn of course. Naka-ilang balik na nga ako sa kitchen para kumuha ng panibagong popcorn. Dami ko kayang stock ng pagkain dito. Sarap buhay no? Haha!
Di ko nga namalayan na may katapusan rin pala ang spongebob. 7:30 PM na at oras na para kumain ng dinner. Pero iCarly na yung kasunod na palabas kaya mamaya nalang ako kakain. Manonood muna ako.
~ So wake up the members of my nation It's your time to be There's no chance unless you take one And it's time to see The brighter side of every situation ~ Somethings are meant to be So give your best and leave the rest to me Leave it all to me Leave it all to me Just leave it all to me ~
Sinasabayan ko yung kanta ng iCarly kaya di ko namamalayan ang tunog sa labas ng dorm ko. Haha! Ang epic ko lang. Sinasadya kong isintunado yung kanta. Sarap pakinggan eh. Walang basagan ng trip!
~ Somethings are meant to be So give your best and leave the rest to me Leave it all to me Leave it all to me Just leave it all to me ~
Matapos yung kanta, isang nakakabinging katok ang sumalubong. Gusto lang sirain yung pintuan? TSS.
Toktok!
"Saglet!" tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa pinto, "Sisirain mo ba --"
Napatigil ako nang makita ko ang pinagbuksan ko na walang iba kun'di ang new friend ko na si Daniel... Eh. 'Di ko pa nga pala alam surename niya. At kaya ako natigilan kasi may hawak siyang plastic ng pagkain.
Teka. Pagkain?
"Oh?" tinaasan ko siya ng kilay ta's tinuloy ko na yung dapat kong sasabihin kanina, "Sisirain mo ba yung pintuan?"
Napakamot siya sa ulo niya, "Kanina pa kaya ako katok ng katok dito!"
"Sinabi ko bang kumatok ka?" humalukipkip ako at nakataas pa rin ang kilay ko.
"Tss." sabay tungo niya at irap. Aba!
"Bakit ba?" tanong ko. Kasi syempre may kailangan siya di ba kaya siya kumatok, "Anong kailangan mo?"
"Ah.. Sabay tayo dinner?"
Tinaas niya yung plastic na hawak niya na take-out sa KFC. Medyo naramdaman ko yung diyan ko na nagrumble na kaya naisip 'kong pumayag na rin. Although 'di dapat ako nagpapatuloy ng mga taong 'di ko pa masyado kakilala, eh sabi ko nga sa inyo harmless siya. Tsaka comfortable naman ako sa kanya. Parang matagal ko na nga siyang kilala.
"Sige... Para sayo lang ba yan?"
Ngumisi ang loko, "Ah... Oo e! 'Di kita nabilan! May pagkain ka naman siguro diyan ano?"
Ganu'n? Magaaya siya na sabay kami mag-dinner ta's 'di niya ko binilhan? Kapal huh! Pagsasarhan ko na dapat siya ng pinto kaso napigilan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ito naman! Syempre, bilihan kita. Ano ako? Shonga? Makikikain pa sa ibang dorm e may dorm naman ako?"
At ayun si loko, dumiretso na agad sa sofa ko e wala pa akong sinasabi. Inilapag niya yung KFC sa table at inilabas na yung mga pagkain. Ako naman ni-lock ko yung pinto. Baka may pumasok na magnanakaw o mumu.
"Kain na tayo?" aya niya sa akin matapos niyang maghain.
Hindi ko namalayan na nakatayo lang pala ako malapit sa pinto. Ay? Tulala ang peg ko? Anu bayan! Pinapanuod ko kasi si Daniel matapos maghain. 'Di ko namalayan na tapos na pala siya.
"Ah... O-oh sige." tumango na lang ako.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha yung isang cheesy bacon pasta. Grabe! Tinitignan ko pa lang, natatakam na ako ng sobra. Favorite ko kasi 'to. Buti na lang ito yung binili niya.
Kaya gora na Kath! Kainin mo na 'yan. Hahaha!
At gutom na ako kaya kinain ko na nga talaga. Nguya lang ako ng nguya habang natatawa dahil kay Spencer. Ang tanga niya kasi eh! Hahaha. Pati si Daniel, nabibilaukan na sa kakatawa. Wala ngang nagdadaldalan sa amin dito eh. Nakatuon yung atensyon namin sa panunuod ng TV at pag-nguya. Di ba nga don't talk when you mouth is full?
Mayamaya nagsalita na din siya, "Ahh, Kath."
"Hmmm?" sabay subo ko ng natitirang pasta sa bowl.
Ngumiti siya sa akin na parang wala ng bukas, "150 lahat." ta's niabot niya sa akin yung palad niya na para bang nanghihingi ng pera.
"Huh? Kala ko libre?" napakunot yung noo ko. Ba't niya kasi ako pababayarin? Eh siya yung nag-aya mag-dinner kami ng sabay?
"Libre ka diyan! Wala ng libre sa mundo, Kath! Lahat may bayad na!" nakangisi niyang sabi sa akin.
Kaya di ko na siya pinansin. Kinuha ko na yung mga kalat sa sala at dinala sa kitchen. Wala paring pinagbago yung ngiti sa mukha niya pagkabalik ko.
"Oy Kath!" pagtawag niya sa akin, "Psst!"
Tinignan ko siya, "Umuwi ka na nga!"
Natatawa na ako dahil para siyang batang namamalimos sa akin. Ang hirap pa isupress ng tawa ko. Napapahigikgik tuloy ako ta's muntik pa akong mabilaukan.
Ba't sa loob ng maikling panahon parang panatag na agad ang loob ko sa kanya?
"Eh! Ayaw! Bayad mo muna!" para siyang batang ayaw bigyan ng candy ng kanyang ina. Nakapout pa siya at ang sarap pisilin ng cheeks niya!
Natatawa ko siyang itinaboy na parang aso, "Shoo Daniel! Alis! Shoo!"
"Ano ako? Aso?" sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako lalo. Lumapit ako sa kanya ta's tinulak ko siya papunta sa pinto.
"Alis ka na kasi! Papatawag ako ng guard para hulihin ka pag 'di ka pa lumabas!" pagbabanta ko sa kanya pero nakatawa ako kaya mukhang 'di niya kakagatin.
Tawa lang kami ng tawa dahil sa mga kagagawan niya. Buti na lang napaalis ko siya dito. Bumalik ako sa sofa para icheck kung may kalat pa tapos pumunta na ako sa kwarto ko. Naalala ko bigla na may internet pala.
"Ay baboy! Pwede nga pala ako mag internet!"
Lumabas ako ng kwarto para patayin yung TV kasi bukas pa. Bumalik rin ako kaagad at pumunta ako sa kama ko. Sa side table, nakapatong doon ang iPad ko 'yun ta's dumapa ako. Magbabasa muna ako ng Wattpad o kaya magfi-facebook. Ikinonek ko muna yung iPad sa WiFi tapos sinync ko yung Wattpad. Baka kasi may updates na yung inaabangan kong stories. Tapos habang nagsysync yung Wattpad, tinignan ko yung facebook ko. May 2 unread messages. Sino kaya ito?
Pagkaload ng inbox ko sa facebook, natigilan ako sa pangalang bumungad sa akin. Nanlamig ako bigla. Di ko alam kung babasahin ko ba o hindi.
No...
"Jasper?"
xx-xx-xx
You can also read this on wattpad: http://www.wattpad.com/4873525-dorm-mate-chapter-four
0 notes
Text
Chapter 3
DANIEL's POV
Kumapit si Kath lalo sa braso ko. Nasa open space kami kaya wala kaming matutuntungan. As in kahit lalake ka, mapapalunok ka sa laki ng ahas na nasa harapan namin. Nakahawak nanaman ako ng snake before pero syempre, kasama ko yung taga-alaga. Yung sa Zoo?
"UHH... Nalapit siya o!" sabay turo niya pa doon sa snake.
Habang papalapit yung snake sa amin, papaatras kami. Si Kath naman, sobra na kung makakapit. Kanina lang tinatarayan niya ako ta’s ngayon ganyan siya? Tss. Pero ‘di ito ang panahon para manumbat.
“Stay still, Kath. Gagawa ako ng paraan.” sabay kuha ko ng cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Napatingin ako do’n sa ahas at parang gusto niya talaga kami lapain.
Paano ba kasi nakapasok ang isang ganyan ditto sa school?
Toot!
"Goodafternoon Sir. This is the University of Harvarch. How may I help you?"
I beamed at whoever is on the other line, “Kailangan namin ng tulong. May sawa rito and we’re trapped!”
"Saan po Sir?!" nataranta naman yung staff ng UH.
"Dito sa may right wing malapit sa ballroom.” triny kong huminahon kasi ‘di makakatulong sa amin ang pagpapanic ngayon.
"Sige po Sir!”
Bago ko putulin yung tawag, "Pakibilisan!" pagkatapos ay sinilid ko uli yung cellphone ko sa bulsa ko.
“D-daniel,” sumisinghot singhot na si Kath, “Ayan na siya o! Huhuhu!”
Buti na lang at dumating agad yung mga taga-alaga nung snake. Narinig namin na may paparating kaya napalingon kami sa direksyon na ‘yon.
“Ayun si Pichie o!” sigaw ng isang medyo binatilyo na naka-uniform na pang Zoo Maintenance, “Dali Ser! Kunin na natin!”
Agad nilang kinuha yung snake na ang pangalan ay Pichie(?) ta’s hinarap kami ng isang medyo may katandaan na Maintenance/Janitor ng Zoo Section ng UH.
“Mam, Ser, okay lang po ba kayo?” tanong ni Manong, “Pasensya na po kayo. ‘Di po kasi namin napansin na may sira na ang kulungan ni Pichie, kaya po siya nakatakas.”
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Manong at nung mapadpad ang tingin niya kay Kath, bigla siyang humiwalay sa akin.
“Pasensya na uli po, Ser. Napaiyak tuloy yung gerlpen niyo.” dirediretsong sabi ni Manong.
Nagulat kami ni Kath at sabay pa kaming sumigaw ng, “Hindi ko po siya girlfriend!” at “Hindi ko siya boyfriend!”
Kumunot naman ang noo ni Manong at napakamot siya sa ulo. Magsasalita na sana ako para sabihing okay lang dahil ‘di naman nila sinasadya, eh biglang umariba si Kath.
"Sa susunod kasi Manong, bantayan niyo ‘yang alaga niyo! Halos patayin ako nu’n sa sobrang kaba! Wag kasi kayo tatanga-tanga,” nakatingin siya ng masama kay Manong habang nakahukipkip kaya napalunok ako, “Paano na lang kung nahuli kayo at nalapa kami nu’n? Maibabalik niyo ba ang buhay namin, huh?”
Napayuko naman si Manong, "Sorry po Mam. Pasensya na po. Hindi na po mauulit."
"Sorry? Huh! Dapat lang! Mapapahawak kami sa kapabayaan niyo e. ‘Di naman kasi ‘yon makakatakas kung inaayos niyo yung pagbabantay niyo!” talak pa ni Kath. Galit na galit talaga siya.
And somehow, I find her cute. Ang cute ng istura niya pero ‘di ko nagugustuhan ang pagsagot niya kay Manong. Siguro natakot lang talaga siya. Unang tingin ko pa lang sa kanya, nakita ko na agad sa mukha niya na mataray siya. Na ‘di siya umuurong at palaban.
"Sorry po talaga Mam.” nakayuko pa rin sa Manong, ta’s tinawag niya yung kasama niya para humingi rin ng dispensa, “Pst! Loy! Humingi ka ng dispensa kenila Mam!”
Lumapit naman yung kasama ni Manong na binatilyo. Nag-bow siya sa aming dalawa, “Sorry po Mam, Ser. Pasensya na po talaga!”
Okay nanaman kasi ligtas na kami. ‘Di lang ako makasingit dahil walang preno si Kath. Kawawa naman sila Manong. Di naman nila sinasadya.
Pero ba’t ‘di ko magawang maturn-off kay Kath?
Lalo pa akong naaamuse sa kasupladahan niya.
"May magagawa ba yang sorry niyo? Wala naman ‘di ba,” nakataas ang isang kilay ni Kath, “Ayusin niyo yung kulungan niyan Manong kun’di patatanggalan ko kayo ng trabaho!"
Halos lumuwa ang mata ng dalawang maintenance na nasa harap namin. At alam kong sobra na kaya umabante ako at hinila ko ng braso ni Kath papunta sa likod ko. I looked at her and she’s throwing daggers at me na parang sinasabi niya sa tingin niya –bakit-mo-ako-tinulak-palikod-hindi-pa-ako-tapos? –
"Ah Manong, Kuya, ako na pong bahala sa kasama ko. Matatakutin lang po talaga siya sa sawa e," sinabi ko ‘yun kahit wala pa naman talaga akong alam tungkol sa kanya pero obvious naman ‘di ba na takot siya? “Ayusin niyo na lang po yung trabaho niyo sa susunod.”
Nginitian ko sila Manong tapos umalis na rin sila agad at ichecheck daw nila si Pichie. Tinalikuran nila kami at ito talagang si Kath, ‘di maawat.
"Hoy manong ayusin niyo yan ha!" sigaw niya sa likod ko pero nakatingin siya sa direksyon kung saan paroon sila Manong.
Hinarap ko si Kath at tinaasan ng kilay, “Kath naman. Seryoso, ‘di ka pa rin maka-get over?”
"Bakit ba?! Muntik na nga tayo lamunin nung sawa na yun eh!" singhal niya sa akin ta’s tinalikuran niya ako, “At ba’t ba kita kinakausap?” humarap siya sa akin uli, “Di naman kita kilala!”
Woah? Grabeng sudden change of mood a. PMS ba ‘to? Parang monster e.
"Di naman nila sinasadya yun. Sa tingin mo gusto nila tayo ipakain sa sawa?" sabi ko, “Lahat naman ng tao may pagkakamali. And I know that you have your flaws too. ‘Di iyon mawawala sa isang tao.” tapos ngumiti ako sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi ko. Siguro na-realize niya na mali yung inasal niya kanina kasi mali naman talaga. She should have thanked theme kasi kung ‘di kami dumating, nagging snake food na kami. Parang dog food lang.
"Oo na!" sabay irap niya pa. Hay! Ang taray talaga nito! “Oo na. Mali na ako.”
Tatalikod sana siya sa akin pero napigilan ko siya. Medyo tinatansya ko pa kung hahawakan ko siya o hindi kasi… kakakilala lang namin, ‘di ba?
“Ngiti ka na. Mas lalo kang nagmumukhang mataray at maldita pero sabagay, totoo naman ‘yun. Ang panget mo tuloy. Mukha kang monster kanina.” yung ngiti sa labi ko ay nagging ngisi.
Tinignan niya ako ng ‘di makapaniwala, “ABA! Sinong panget at mukhang monster? Yabang!” then she rolled her eyes again, “Kala mo kung sino…”
“Pikon.” ngumiti ako, “Dali na. Ngiti ka na.”
Hindi ko alam pero feeling ko, matagal na kami magkakilala. As in nung una kaming nagkita at tinarayan niya lang ako, naramdaman ko na na parang kilala ko siya. I felt the urge to follow her and I gave in kaya eto, kilala na niya ako. Everytime na makikita ko siya, parang gusto ko siya sundan. Alam niyo yung ganu’n?
“Bago ako ngumiti…” she paused for a while at tinignan ako ng nagdududa niyang look.
Napataas ang isa kong kilay, "Ano?"
"Paano mo nalamang Katkat ang tawag sakin ni Mommy?" bwelta niya sabay urong palayo sa akin. Itinaas niya ang right hand niya and she pointed her index finger to me.
"Eh kasi… di ko sinasadyang marinig yung usapan niyo ng Mommy mo pagkadaan ko. Katkat agad narinig ko so naisip ko na Katkat yung name mo pero common sense na lang, tunog nickname e.” sabi ko habang kinakamot ko yung ulo ko.
"Ahh…” tumango-tango siya, “So ikaw yung nanakot sa akin kahapon ‘no?"
Nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi niyo pero ‘di ko pinahalata.
Paano niya nalaman yun?
Aish! Ang bobo ko talaga. Tss. Syempre nga naman mahahalata niya na ako yu’n kasi nga ako pa lang ata ang kakilala niya rito… o nagaassume lang ako na ako pa lang? Takte. Isip palusot DJ. Paktay ka!
"Ha? Ako, nanakot sa iyo? Impossible!" nagmaangmaangan look ako para mabenta sa kanya, "Bakit naman kita tatakutin aber?"
"Hmmm... Wala lang. Ikaw pa lang kasi ang may kilala sa akin dito at may alam ng pangalan ko. So hindi imposibleng ikaw yun!" hinihimas-himas niya yung baba niya habang sinasabi niya ‘to tapos nakatingin siya sa itaas.
"Malay mo, multo talaga yun? Sa gwapo kong 'to?” sabay pogi sign ko, “Taga-kilig kayo ako!" tapos kinindatan ko siya.
"Sus!" tinakpan niya yung mukha ko pagilid, tapos siniko niya ako kaya napa-aray ako, “Ay sorry!”
Siguro ganito talaga siya mga ka-close niya. Brutal. At nafeel niyang hilamusin ang mukha ko… so comfortable siya sa akin. Friends na kami?
"Sakit nu’n a!” sabi ko sa kanya habang hinihimas yung parting siniko niya.
Natawa lang siya, "Ang yabang mo kasi eh! Hahaha."
Napangiti na lang ako. Eh ang ganda niya kasi e. Lalo na pagtumatawa.
“Friends na tayo a? Wala pa rin kasi akong kakilala rito.” Naninigurado lang ako. Malay mo, ‘di pa pala kami friends. At ang bata ko naman masyado pakinggan. Ang childish!
Napatingin siya sa akin, “Ano pa bang tawag mo dito? Tsaka, okay na rin ‘to. At least may kakilala ako. Mukhang namang harmless ka.”
I wriggled my eyebrows at her telling her that I’m absolutely harmless.
xx-xx-xx
KATHRYN’s POV
Woo! Akala ko mamamatay na ako do’n kanina e. Napag-initan ko tuloy ng ulo do’n si Kuya at Manong. ‘Di naman sa wala akong galang pero ganu’n talaga kasi ako lalo na pag natatakot at nininerbiyos.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Daniel. Grabe lang ang kayabangan niya, di ko ma-reach. Ta’s tinanong niya pa nga ako kung friends na daw kami. Pumayag naman ako kasi okay rin yun para may kakilala ako kahit isa man lang dito. Gaya rin ng sabi ko, mukha naman siyang harmless.
"Talaga namang harmless ako e. Ang gwapo gwapo ko kaya para maging dangerous!” ayan nanaman siya. Ang yabang nanaman niya.
Pansin ko lang a? Parang… parang matagal ko na siyang kilala. Nung nakausap ko kasi siya, comfortable ako e. Di ako uneasy. Parang katulad kapag kasama ko si… Err. ‘Di ko na dapat ‘to iniisip.
“Grabe. Ang hangin mo ‘no? Kakakilala pa lang natin, ‘di ka na nahiya!” natatawa kong sabi sa kanya.
Huminto naman siya ta’s tumingin sa akin, “Eh totoo naman ka-“
Di natuloy ni Daniel ang pagdedepensa niya sa sarili niya kasi biglang may nagsalita. Napatingin kami sa kanya at mukhang tinatawag niya si Daniel.
"John?” tawag nung babaeng mistisa na maputi kay Daniel. Medyo curly yung buhok niya sa bandang dulo pero straight at base sa pustura niya, ‘di siya galing dito sa bansa. Kilala ko yung mga suot niyang brands ng damit at halos lahat ‘yun, sa States lang makikita. ‘Di ineexport dito sa Pilipinas.
Pero ‘di lang ‘yon ang napansin ko. Napakunot ako ng noo.
Eh? Bakit John?
Napatanga lang si Daniel du’n sa babae, "Hey! John? Is that you?"
xx-xx-xx
You can also read this on wattpad: http://www.wattpad.com/4873431-dorm-mate-chapter-three
0 notes
Text

Kathryn, a girl who's been left by her young love, EJ, will have to go to a famous University of Harvarch. There she'll meet Daniel, na tatayo bilang kuya niya, as what EJ had promised to her. Magkapitbahay sila ng dorm at syempre, everything goes to place. How will they handle things kung malaman nila lahat ng totoo? What will Kathryn choose? Life? or Death? Poof! Go on and find out.
0 notes
Text
Chapter 2
KATHRYN's POV
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing-kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Grabe? Parang katapusan na ng mundo kung tumunog ang alarm clock ko. Ito ata yung bagong bili ni Mommy e? Kinakapa-kapa ko yung side table para mapatay ko na iyong alarm clock. Panira ng tulog eh.
"Ayan. Wag ka ng maingay ha!"
Para akong baliw na kinakausap yung alarm clock. Humiga ako pabagsak at niyakap ko uli yung unan ko. Tutulog uli, syempre.
Ikot doon, dito, pa-iba iba ako ng puwesto. Antok kasi ako diba? Kaso hindi ko na mahanap yung antok na yun nung umupo ako para patayin yung alarm clock. Wah. No choice, Kath! Bangon na.
Tumayo na ako para magsipilyo, dumiretso na ako sa kusina, at nagluto ng almusal. Nang maluto, kumain na ako at diresto naligo. Napagdesisyonan ko kasing maglakad lakad. Umaga naman at madami na din sigurong naglilipat.
Nagbihis na ako ng simple lang. Shorts na brown tapos walang manggas na puting pang-itaas. Maiinit para magpantalon kaya ganito muna.
Lumabas na ako ng pintuan. Tumungin muna ako sa left, bago sa --
"Hi Katkat!"
"Ahhhhhhhh!" napatakip ako sa bibig ko. Nakakagulat kaya 'te? Kabute lang?
"Nakakatakot ba ako?" pa-ngisi ngisi pa itong lalakeng ito. Matangkad siya kaya nakatingala tuloy ako. Ako na maliit.
Hindi din naman ako interesado sa kanya kaya umalis na lang ako bigla. Ayoko mag-isip na na-shock siya. Bastusan na kung bastusan, ayoko lang ng taong papatayin ako sa gulat.
Hindi na ako lumingon at dumiretso na ng lakad. Mag-gagagala muna ako sa school. Aalamin ko kung ano makikita ko rito. Napakalaki kasi e. Tsaka para di na rin ako maligaw pag may pasok na.
Sige lang akong lakad hanggang sa kung saan na ako makapunta. Jackpot ako dahil madaming tao dito. Mga officers siguro, yung mga dating estudyante. May inaayos ata para sa darating na pasukan. Dito at yung SC Office eh. Alam ko, maganda daw ang office no'n. Malaki ang points pag ikaw ang naging President. Syempre, mahirap din. Madugo daw dito sa UH, e.
Nakita ko din yung mga science lab, libraries, music room, tsaka mini stage. May GYM din for varsities. Tapos ang ganda ng Theater nila. Nasilip ko lang eh. Oh, asa labas ako ha? Yung wing na 'to ay parang park. Building by building ito. One for each eh. Kaya pala 100K ang tuition dito. Hanep na school eh!
Sa side ng theater, ay may naka-lock na gate. For Foundation day ata ito eh? Nasabi sa akin ni Mommy na hiwalay daw yung pinag-gaganapan ng foundation day. Nakita ko din na may rooms na halatang for booths. Nganga nalang ako. Wala pa sa 1/16 ng school na ito yung Elementary School ko dati eh!
Sa side naman nito, may pasukan pa. Ballroom something ata? Nilakad ko pa at nakakita ako ng sign na Do not Enter. Mukha namang pang prom itong building sa harap ko kaya di na ako dumiretso. I bet maganda din iyon.
Babalik na sana ako sa kwarto ko dahil mag tatanghali na na ng may napansin ako nakatayo sa harap ko.
"Katkat."
Sino pa ba? Si asungot.
"Oh? Bakit alam mo pangalan ko? Kath na lang pwede." medyo mataray ang pagkakasabi ko. Nakaka-irita kasi eh. Di ako yung friendly type na babae. Ayoko lang magtiwala ng sobra.
"Tss. Taray naman." Eh? Buti alam mo, "Daniel name ko." ngumiti siya at sinesenyasan niya ako gamit ang mga mata niya na kuhanin yung kamay niya.
Shake hands? Sige. Pakabait lang muna tayo.
"Masaya ka na?"
"Oo."
Halata nga eh. Abot tenga lang ang ngiti?Hindi na ako sumagot at nagpa-alam na na aalis na ako.
"Alis na ko?" sabay turo dun sa direction pa-exit.
"Oh sige. Sabay na tayo."
"Si-sige."
Nagsimula kaming maglakad lakad. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Lumipas ang mga minuto, malayo layo na din ang nalakad namain. Nakaka-bingi ang katahimikan sa paligid. Kaya binagsag ko na. Boring eh.
"Ah.. Sorry nga pala kanina? Di lang talaga ako pala-kaibigan."
Ngumiti siya sa akin, "Wala yun, okay lang."
"Stalker ba kita?" may masabi lang ako. Trip ko, e. Mukhang sinundan ako eh. Malay ko ba?
Inirapan naman niya ako. Naks! Kalalaking tao, nangiirap? Buti na lang at di siya nagmumukhang bakla.
"Ako? Stalker? Tsk. Taas pangarap mo Katkat." sabi niya at dahil Katkat nanaman ang tawag niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin.
"Ay este, Kath pala!" sabay kamot niya sa ulo pero may nagsisilay na ngiti sa labi niya.
Napakunot ang noo ko. Bakit siya ngingiti ngiti diyan? Tss. Ayoko lang kasi ng may tumatawag sa aking Katkat dahil si Mommy lang ang tumatawag sa akin noon. Marami naman pwedeng itawag sa akin, e. For example, Kathryn (full name ko), Chandria, Kath, Cha, Chacha... Ugh. Napaka-iling ako.
"Si Mommy lang ay may tawag niyan sa akin so please don't call me Katkat again." nakataas ang kilay ko habang sinasabi ko sa kanya ito at tumango-tango naman siya.
I smirked, "So ano nga? Stalker ba kita?"
xx-xx-xx
DANIEL's POV
"Di nga kasi!"
Naglalakad lakad kami ni Kath. Pabalik na kami sa dormitory. Tinanong niya pa kung stalker niya ako eh. Ako? Stalker? Sa gwapo kong ito, di ko na kailangang mangstalk. Babae na mismo ang kusang lumalapit sa akin.
"Eh bakit alam mo na nasa right wing ako?" mataray na tanong niya.
"Namamasyal lang din ako. Sa medyo kalayuan doon sa Ballroom, may isang building daw doon na puno ng mumu. Pupuntahan ko sana kaso bawal eh." medyo nanghihinayang na sabi ko.
Gusto ko lang malaman kung totoo. Baka sabi sabi lang e. Di ka naman dapat kasi maniniwala kapag di nakita ng sarili mong mga mata.
Tumingin ako kay Kath na napatingin sa akin. May itinuturo siya kaya napakunot ang noo ko. Baka mamaya pinagtitripan lang ako nito, e. Ang taray lang niya kasi. Iwan ba naman ako kanina doon? Suplada masyado. Tss.
"Hoy Kath! Bakit ba?" taas kilay kong tanong. Namutla kasi siya e. Tapos parang natahi yung bibig niya.
Nagulat ako ng biglang kumapit siya sa akin. Ramdam kong nanginginig siya. Napatingin ako kanina niya pa tinuturo at napanganga ako. Anong ginagawa ng isang ganyan dito!?
"D-daniel... D-DANIEL!"
xx-xx-xx
You can also read this on: http://www.wattpad.com/4873344-dorm-mate-chapter-two
1 note
·
View note
Text
Chapter 1
KATHRYN's POV
Alam mo yung mainit? Oo, mainit dito sa labas. Tirik yung araw eh. And dami dami pang sinasabi ni Mommy.
"If you need anything, tawagan mo lang si Mommy ha? Ma-mimiss kita. I love you Katkat!"
Hinug ako ng mahigpit ni Mommy tsaka kiniss sa cheeks. Nagpa-alam na kami sa isa't isa ng may bigla akong naalala.
"Ah, Mommy."
"Yes baby?" malambing na sabi ni Mommy. All my life, ganito siya. I am 15 years old pero eto, ganito pa rin ang trato niya sa akin. Baby niya pa rin ako.
"Yung car ko ha? Para makakabisita ako sa inyo pag may time ako."
Tumango lang si Mommy, "Oh sige. Ako na ang bahala don."
Umalis na si Mommy gamit ang kanyang kotse. Ako naman, bumalik na ako sa school.
Ah, eh. Bakit ako nasa school?
Simple lang. Magdo-dorm ako.
Wala pa namang pasukan, pero minabuti na namin ni Mommy na ilipat na yung mga gamit ko. Para di na rin ako mahihirapan. Tsaka, ilang days nalang din at pasukan na.
Inililibot ko yung mata ko habang naglalakad. Tinatandaan ko lang naman para di ako maligaw ligaw pag may pasok na. Medyo malayo layo pa yung entrance papunta sa dormitory. Malaki kasi yung school eh. May garden na pagkalaki-laki na I think e pinakagitna ata ng school? Madaming puno doon at mukhang masarap tambayan.
Sa kabilang dulo, yun na ang entrance ng dorm. Marami pang bakanteng kwarto kaya wala pang masyadong tao dito. Kinikilabutan na nga ako kaya binilisan ko na ang paglalakad. Kahit maaga pa, wala naman akong kasama.
Pagkatung-tong na pagkatungtong ko sa entrance..
"Katkat..." napalingon ako sa likod ko pero wala namang tao.
Di ko nalang pinansin at naglakad pa ako ulit. Iniisip ko nalang na kaya ko ito at di pa ako mamatay.
"Katkat..."
"Katkat..."
"Ho-oy, di magandang bi-biro ya-an ha?! Si-sino ka?! Ba-baki-kit mo ko ki-kilala?!" sobrang nanginginig ako sa kinatatayuan ko. Na-uutal pa ako sa sobrang takot. Matatakutin talaga kasi ako.
"Katkat..." di pa rin tumitigil iyong *gulp* mu...mu.
O_O
"AHHHHHHHHH!"
Sa sobrang takot ko, kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko agad yung pinto tapos napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal ko. OA ba? Matatakutin nga kasi ako. Di ko alam pero ganito talaga ako mag-react pag natatakot ako.
"Haaaa..." napabuntong hininga ako. Grabe, hiningal talaga ako dun! Buti nalang andidito na ako.
Binuksan ko yung TV para naman mawala na sa isip ko yung nangyari kanina. Manunuod na muna ako tapos aayusin ko na yung gamit ko mamaya. Umupo ako sa sofa at sinimulan ng manood.
Nagtataka ba kayo? Sikat kasi itong University of Harvarch. May mga DOCD dito. Ang ibig sabihin ng DOC ay Deluxe On-Campus Dorm. Pwede mo ding ipasadya yung kwarto mo. Kaya medyo dulo yung akin, kasi nga DOCD. May sala ako, kitchen, at bedroom. 2 TV, 2 CR, medyo malaki ng onti yung sala tsaka maluwag ang bedroom. Airconditioned pa. Lahat naman eh, kahit yung Traditional Room na dalawang student dapat ang mago-occupy.
Syempre mahal ang ginastos ni Mommy dito. Yung traditional room nga eh 15k na per month, paano pa kaya yung DOCD at Single Rooms? Kaya nga may mga nagshashare ng dorms para hindi masyado malaki ang bayad.
Tinignan ko yung wrist watch ko at 5PM na pala. Mag-aayos na muna ako ng gamit ko. Kaso bukas parin yung TV. May inaabangan ako eh. Pumasok na ako sa may kwarto ko at ibinukas na yung tatlo kong suitcases.
Matapos kong mag-ayos ay pinagpatuloy ko ang panunuod ng TV.
xx-xx-xx DANIEL's POV
Hay! Ang dali talaga manakot ng mga babae ngayon. Natatawa na lang ako dun kay Katkat. Para siyang ewan. Hahaha!
Andirito ako ngayon papasok sa sarili kong dorm. DOCD ang kinuha ni Mommy sa akin. Sabi ko nga SR na lang kasi okay din naman yun pero she insists. Malas lang nung Katkat dahil magkatabi kami ng dorm. Madali ko lang siya matatakot pag nakahanap ako ng tyempo.
Paano ko nga ba nalaman na Katkat ang pangalan niya? Ganito lang naman...
Papalabas siya ng school ng magkabanggaan ko siya. Imbis na mag-sorry siya, inirapan niya lang ako tsaka tumakbo ng ulit. Ang taray ba? Eh wala naman akong magawa so sinundan ko siya. (pero di ako stalker uy!)
Tapos ayun, magpapaalam lang pala sa Mommy niya. Sabi pa nga ng Mommy niya "If you need anything, tawagan mo lang si Mommy ha? Ma-mimiss kita. I love you Katkat."
Kaya ko nalamang Katkat ang name niya. Mukha ngang spoiled brat eh? Buti nalang di niya ako napansin kanina!
Inayos ko na yung mga gamit ko kanina kaya wala na akong dapat pang pagka-abalahan. Manunuod na lang ako ng TV tapos mag a-iPad mamaya. Maglalaro ako ng temple run at 2K12. Boring kaya, try mo dito?
Matapos ang ilang shows at ilang laro, ay dinalaw na ako ng antok. Pinatay ko na yung TV at nagshower na ako. Pagkatapos, nagbihis na ako at kumuha ng kapirasong papel. Sumulat lang ako ng onti tsaka lumabas at ipinasok yung papel sa ilalim ng pinto ng katabi kong dorm. Hindi ko mapigiling hindi mapangisi. Pumasok din ako agad at nagsimula ng matulog.
Ano kayang magiging reaksyon ni Katkat? Excited na ako malaman. HAHAHA! I'm grinning from ear to ear.
xx-xx-xx KATHRYN's POV
Humikab ako, "Inaantok na ako!"
Tumayo na ako habang nagkakamot ng mata papunta sa pintuan. Iche-check ko lang kung naka-lock yung pinto. Pagkadating ko doon, may napansin akong papel sa sahig. Agad kong pinulot ito.
"Ano kaya ito?" napakamot pa ako ng ulo. Ang aga naman para sa mga love letter. Sanay kasi ako na mabigyan ng love letter dun sa dati kong school. Kaso nagstop yung love letters sa hindi ko malamng dahilan. AH... ewan!
Binuksan ko na lang yung papel. Binasa ko yung nakasulat tapos nanlaki yung mga mata ko.
Goodnight Katkat. Sana makatulog ka ng maayos!
WAH! Ganito ba ako kaganda at pati multo nagkakagusto na sakin? Tae naman oh! Dahil sa papel na ito na nagwiwish na makatulog ako ng maayos, eh hindi na ako makakatulog ng maayos! Tsk.
Humiga na lang ako sa kama at ipinikit na ang mga mata ko. Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko at nakinig lang ng nakinig ng mga music. I felt relax dahil sa mga pinapakinggan ko. Pinipilit kong alisin yung takot ko. Hindi na ako bata. Kailangan hindi na ako agad matatakot.
Luckily, antok na talaga ako kaya nakatulog rin ako kaagad. Idagdag mo pa yung napakagandang musika na pinapakinggan ko....
xx-xx-xx
You can also read this on: http://www.wattpad.com/4873191-dorm-mate-chapter-one#.UZHgCKJHJQS
1 note
·
View note