Hazard, Capacity and Vulnerability Assessment Model of Barangay 397, Zone 41, Sampaloc City of Manila
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
house affected by the fire (4 years ago) & tall building found in the barangay (University Tower)
0 notes
Text
Interview Transcript
Kyla: Good afternoon po. Uhmm… galing po kami sa UST tapos magcoconduct po kami ng ano, uhh… interview. Saglit lang naman po ito, about sa hazard dito sa barangay. Yung una pong tanong, anong pinakamadalas na hazard ang nangyayari sa barangay? Kapitan: Eh katulad nitong mga nakaraang araw, eto ahh… nagkaroon ng ulan, baha. Kyla: baha Kapitan: Oo noh. Maghapon ang baha rito kaha- nung isang... nung makalawa yata. Last two days. Kyla: Katulad po ng nangyari pong baha, paano po kayo nagreready para po sa mga hazards na nangyayari katulad po ng baha? Kapitan: Pagkaganyang ano… may nangyayaring emergency na ano, pumupunta kami sa school, dito sa Juan Luna Elementary School. Yun lang ang ano namin. Tulad ng ano, halimbawa pag may lindol, ganon, pero sana naman ‘wag mangyari yung ganon… hindi pa naman nangyayari Ayun baha. Kyla: Baha po yung pinakamadalas na nangyayari? Kapitan: Ngayon lang yan, ngayon lang nangyari yan. Kyla: Yung baha po? Kapitan: Yung bagyong Maring… Kyla: Opo Kyla: Ah hindi po talaga madalas bahain? Kapitan: hindi… Kyla: Pero po kapag ganoon, gaano po kabilis magresponse yung mga tao po. Kapitan: Ehh yan, sanay na sila sa ganyan eh. Di mo, di naman na humihingi ng saklolo sa amin. Ako’ng kusang naglilibot, nakabota, tapos tinitingnan ko, kung saang lugar yung maano, delikadong lugar. Baka may sira, o yung maano sila sa kanal, ganyan. Pero ‘di naman. Wala namang ganon. Baha lang. After that, matatapos na. Kyla: Mayroon din po kaming, ano… prinepare na mga questions about sa… na tungkol naman po sa tatlong hazard—yung sa sunog po, sa baha, katulad nang nasabi niyo kanina, tsaka sa lindol. Una po muna, sa ano… sa sunog po. Meron, madalas po bang masunugan, may madalas na area po bang masunugan dito? Kapitan: Nangyari ito after siguro mga two years ago. Nakikita niyo yung doon sa dulong ‘yon? Nasunog ‘yon. Pero namang rumesponde, yung dito sa tabi ng UST. Kyla: Yung nasa may P. Noval lang din po? Kapitan: Oo ayun. Kyla: Ano po yung pinagmulan po ng sunog? Kapitan: Ahh… sabi nila sa kuryente. Yung iba namang nakausap ko, sa kalan. Yung de-ano, yung biglang sumabog. Yun yung pinagmulan ng sunog. Kyla: Meron po ba kayong ano, uhmm… sa area niyo lang po, sa barangay niyo lang po, na lugar na puwede pong, ano yung tawag dun? – na prepared po doon para sa sunog. Yung pangbarangay lang po. Kapitan: Kami, dito sa barangay meron kami fire distinguisher na pinaghahandaan. Kyla: Nasaan po ‘yon? Kapitan: Nandoon sa barangay. Kyla: Ah nandon po sa kabila… Kyla: So isang beses pa lang po nagkaroon ng sunog sa barangay. Kapitan: Oo yun pa lang. Kyla: Ano po yung sa tingin niyo po yung dahilan kung bakit po di po ganon kadalas yung sunog yung nangyayari sa barangay po dito. Kapitan: ah nagpabaya eh. Kasi malayo sa barangay, meron kasi eh. Matagal nang nakaano yung bahay na yan eh. *murmurs* *a little bit interruption* Kyla: Ah parang abandonado na po?! Kapitan: Oo. Kyla: Ahh doon lang. Next naman po ‘yung sa ahh, lindol po. Kapitan: Sa lindol… Kyla: Yung mga bahay po ba na pinapatayo dito, may mga plano po? Na kung saan po itatayo. Kapitan: Pagka, halimabawa, ano… kasi dito sa lugar naming karamihan mga ano na, nakikita niyo naman puro building. (Kyla: Opo) May abiso naman yan pagka anytime, pagka nagkaroon ng lindol na ano, yung pinakaano niyan, dito sa school naming, kasi ayaw naman pumayag nitong taga-UST. Kyla: Kapag nagpapatayo po, pumupunta po kayo mismo sa area ng pinagtatayuan? Kapitan: Ay syempre naman… Kyla: Chinecheck niyo pa po yun… (Kapitan: Oo) eh yung area niyo po na barangay, yung barangay na po ba ‘to malayo sa fault line? Kapitan: Malayo naman. Katulad niyan, yung sa *unidentified word*, yung barangay naming doon? Malayo naman… Kyla: Kaila—ay… Nung last month ba yun? Kailan ba yun? Naramdaman niyo po ba dito yung ano, (Kyla: …lindol po?) lindol po na saglit lang. Kapitan: Parang nananaginip ka lang kasi mabab-. Di ko masyadong napansin eh. Nabalita lang sa akin… na medyo intensity 3 or ahh, ganyan lang mababa. Di masyadong katulad nung nangyari sa ibang lugar. Dito sa… dito sa ka-Maynila-an, ‘di naman masyado. Di tayo apektado, kaya ‘di nagpanic yung mga tao. Di katulad sa ibang lugar. Kyla: Nag-s-spread po ba kayo ng awareness tungkol sa mga residente po dito sa barangay niyo tungkol po sa mga hazards na nangyayari tulad po ng lindol? Kapitan: Syempre, meron kaming mga pinapa-, may naka-poster kami eh. May poster kaming tungkol sa lindol kung paanong gagawin, diba yung nakaganyan mga estudyante, *demonstrates “Duck, Cover, & Hold* (Kyla: Ah opo) Kyla: May open area din po ba dito? Para *diana interrupts* (opo, yung parang evacuation, yung mga evacuation center na--) Kapitan: Iisa lang naman talaga ang ano naming eh, dito sa school. Kyla: Ah doon lang po lahat Kapitan: Doon lang wala nang iba. Dito sa UST, ayaw naman pumayag eh Kyla: Ahhheee hahahaha Kapitan: Ayan eh. Alam mo naman… mga tao Kyla: May mga estudyante din po Kapitan: Oo, kaya hindi kami ano… Kyla: Ibig sabihin po, parati po ba kayong nagbibigay ng mga tips po sa mga residente before, during, and after po ng typhoon. Kapitan: Kasi... ito ngayon, nag-aannounce ako kung merong uhh megaphone o ano. Halimbawa merong darating na sakuna, ohh “mag-iingat kayo, paghandaan natin ito.” Ganon pare-parehas lang. Pag dumating yun, hindi mo naman inaasahan yan eh, kung kailan darating eh. At least, marunong na sila. Meron kaming disaster na kung minsan ahh, after yung mga kuwan na yan, nag-eexercise kung papanong gagawin, pag may lindol. Inaano namin sa ano yan… sa barangay naming. Kyla: Ahh yung kanina po diba, ano, yung sabi niyo po isa lang po yung area na ma… na evacuation area po dito sa barangay. Gaano na po katagal yun, na yun lang po yung evacuation? (Kapitan: yung school?) Opo. Kapitan: Matagal na yan. Maliit pa ako, school na yan. Kyla: So sobrang tibay na po talaga nun. Kapitan: Siguro mga 40 years na yan. Ngayon maganda na ano nila eh dahil sa renovation. Maganda na yung school dyan. Kyla: Sa tingin niyo po ba, ready po yung mga residente po sa barangay niyo tungkol po sa mga hazards na maaaring mangyari po sa lugar. Kapitan: Ah oo pinaghahandaan na naming yan. Kyla: Eh diba po, kapag binabaha po, gaano po kataas yung inaabot ng tubig. Kapitan: Hanggang dito lang naman yun *touches the ankle* ito ito. Nakikita mo yan? Hanggang dito sa mga ganyan. Kyla: Pero hindi naman po inaabot ng mga hanggang bewang? Kapitan: Hindi naman…hindi naman naapektuhan nung bagyo. Mag-aano ka, tatanggalin mo yung ano. Hindi naman pumasok sa bahay-bahay. Hanggang dito lang sa labas. Kyla: *asks other groupmates* Kayo? May itatanong pa ba kayo? Wala na noh? Wala na kayong mga katanungan? Kyla: Tapos na? Kyla: Oo. Okay nap o iyon. Salamat po. (Kyla: Salamat po, thank you po) [[EXTENSION]] *talks about the building construction in front of the house of us* *street noises* Kyla: Parang condo po? Kapitan: Oo, parang condo yan. Kyla: Ilang floors po ‘yan? Kapitan: Malaki yan eh, siguro mga 31 o… Meron pang binabalak dyan sa Espanya, mga 50 floor. Kyla: Di po ba kayo nangangamba po na kapag lumindol po ehh biglang-- Kapitan: Eh yun na nga rin ipinagtataka namin eh kung bakit pinapayagan na bigyan ng permit yun eh. (Kyla: Ahh) Kasi nakita mo yung nangyari dun sa ibang bansa noh, halos gumuho. ‘Wag naman mangyari dito sa Pilipinas yun. Kyla: Yung doon din po sa kabilang street, may mataas din po doon. Kapitan: Oh yung katabi naming barangay, mataas din yun. Kyla: Kailan pa po iyon sinimulan? (Kapitan: Ha?) Kailan pa po iyon sinimulan? Kapitan: Siguro last… two years na yata yan inano. Patapos na sila eh. Kyla: Ano po ‘yon, condo rin po? Kapitan: Parang, parang ganon rin. Kung minsan ang ginagawa dyan eh binibili yung ano eh. Tapos, anong tawag nga sa ganon? Tapos pinapa-upa yun. Commercial states ba yun. Marami akong nakikitang mga estudyante dito yung mga ano eh… umuupa sila dyan eh. Yang ilang mga dorm dyan. O kunware, uupa sila, isang pamilya ganyan. Kyla: Diba po nabanggit niyo kanina na yung sa school po dyan, yung nag-iisan evacuation center. Wala po ba kayong plano na ano… nagmagdagdag pa po ng iba pang evacuation area dito sa barangay. Parang renovation na rin po. Kapitan: Kasi dito, wala na kaming bakanteng ano eh ganyan. Halos (Kyla: Puro na building) nabibili na ng mga Chinese. Nakikita niyo naman siguro dikit-dikit na yung mga ano. (Kyla: opo) Tulad nito, balak ibenta ito kung saka-sakali. Isang building yan. Kyla: Ayon, dagdag lang po ehe. (Kyla: Ahaha) okay na.
0 notes
Text
CAPACITY AND VULNERABILITY ANALYSIS (CVA) MATRIX FLOOD HAZARD
0 notes
Text
CAPACITY AND VULNERABILITY ANALYSIS (CVA) MATRIX FIRE HAZARD
0 notes
Text
CAPACITY AND VULNERABILITY ANALYSIS (CVA) MATRIX EARTHQUAKE HAZARD
0 notes
Text
CAPACITY AND VULNERABILITY ANALYSIS (CVA) MATRIX TYPHOON HAZARD
0 notes
Photo
The area of the barangay near the España Boulevard is more prone to a high level of flood because we all know that the main road often experiences flood when heavy rainfalls, maybe because of a poor drainage system around the area. The nearer the area to España Blvd., the higher the chance to experience the flood. The farther the area, the lesser the chance to experience a flood.
0 notes
Photo
The areas that were highlighted red are where the infrastructures are crowded and were built with light materials. It is also near the cables of wires and it is in open air.
0 notes
Photo
The earthquake hazard map shows that when an earthquake happens on the barangay, the areas with the high-rise buildings will be the ones so much affected. And as you can see on the map, more than 80% of the barangay will be affected. On the other hand, the area that is far from the buildings will probably have an easy evacuation when earthquake occurs.
0 notes
Photo
The areas behind or beside the tall buildings will not feel the worst out of the intensity of the typhoon since the tall buildings will block the air or rain that can destruct the infrastructures.
0 notes
Photo
Barangay 397 is one of the 241 barangays found in Sampaloc, Manila, with a total of 978 barangay population governed by Brgy. Capt. Resty L. Pineda. The barangay is located in front of the University of Santo Tomas, where the streets of Padre Noval and Galicia are located. On the other hand, the boundaries of the said barangay are the streets of Moret, Loyola, Tolentino, and España Boulevard. Since the area is near the University of Santo Tomas and Far Eastern University, you can find some low-cost rooms for rent and affordable eateries in the barangay. One of the most visited places in Barangay 397 is the famous Amo Yamie Crib in España. Here also stands the University Tower 1 and other than that, there is also a building under construction along the P. Noval Street.
1 note
·
View note