RIE ORPANO. 27. MNL. Graphic and Web Designer / Illustrator. Wanderlust. Weekend Cyclist. Ultimate Foodie. Explorer. Lost soul.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Note
Hi Ate! Napamessage lang ako kasi nakita kita sa tiktok hehe. I've been following you since nasa hallmark ka pa, I'm just happy to see that you're happy and thriving as always. Ingat lagi and God Bless always :)))
Hello anoooon. I rarely open tumblr na 😅 pero thank you so muuuuuch. I appreciate your message 🥰❤️ pakilala ka naman :p
0 notes
Text
Hello, it’s been a week since I moved out of our house. ‘Di naman ako nahirapan mag-adjust. Pero sobrang gastos ng first week kasi ang dami pa binili na mga kailangan. Post ako pictures soon pag mas maayos ayos na, ikakabit pa kasi yung wall shelf and sabitan ng clothes over the weekend so ayun. Bumili pa kami ng drawer, tapos mga pang linis, nag grocery din kami nung mga essentials like coffee, oatmeal, bread, palaman yung mga madali lang for mornings tsaka mga other essentials. Grabe yung gastos pero this month lang for sure kasi nga bagong lipat.
Nakakatuwa lang kasi ang dami ko pang di-discover sa jowa ko. First time lang kasi namin magsama na as in kami lang, tapos parang nagkakaroon na talaga kami ng team dynamics as a couple. And alam mo yun may mga napapansin kami lalo na ayaw namin na ginagawa ng isa. Hahaha. Like si Aleck pag nag timpla ng coffee he doesn’t throw away agad yung sachet or may tapon tapon na powder. Sometimes din yung clothes niya ilalagay lang niya sa bed. Or pag may kinuha siya hindi niya binabalik and kung saan-saan siya nag papatong tapos itatanong kung nakita ko or saan nakalagay. And on my part naman, he doesn’t like when I forget to close the door ng cr. Also pag hindi ko tinu-tuck sa table yung chair ko after mag work ni-reremind niya ako about it. And itaas pabalik yung seat cover. Small things like that pero ‘di naman siya yung as in annoying. And sabi nga nila learn to compromise. ‘Di naman siya big deal.
Meron din kaming parang certain routine and napag-usapan. Like if kung sino yung nag-prepare or hanap ng food hindi siya yung mag huhugas. Pero minsan sobrang busy ko sa work, he does almost everything tapos bawi nalang ako mostly dinner time. I say sorry pero sobrang understanding niya na minsan medyo demanding yung job ko or marami lang talaga workload for the day. I can just imagine pag nasa bahay na talaga namin kami nakatira and hindi sa apartment.
20 notes
·
View notes
Text
Good morniiiing. Share ko lang, nag start na kami bumili and mag lipat ng konting gamit kahapon sa apartment. Grabe nakakatuwa mamili kasama si Aleck. Nakaka-excite tapos ang sarap sa feeling na sabay kami pumipili ng mga gamit na need namin for the apartment. Pero nakakatawa rin at the same time looking at the prices. Hahaha. Parang pota, 400 pesos for a walis tambo??! So di namin muna binili yun ahaha. Sabi ng mom niya sa antipolo daw 200+ lang nadadaanan namin mga nag titinda dun tuwing nagba-bike or pupuntang Sierra. So ayun, bumili muna kami ng mga basic needs like yung toiletries, mga pang linis and hugas dun, tapos mugs and cups, plato spoon and fork, thermos ganun. Yung iba kukunin nalang namin sa mga bahay namin like extra rice cooker na di naman ginagamit tapos initan ng tubig ganon.
Our apartment may not be big pero tbh I’m happy. While waiting for our house to be fully constructed, we’re renting an apartment first. Okay narin to, para ma-experience namin how it is to live together and build like our own dynamics. Super supportive ng parents niya tbh. Kahit na nahihiya na ako sa mom niya. Hahaha. Is it just me?? Pero minsan talaga parang there’s this tension between the mom and the girlfriend. Idk. Hahaha. Pero we’re good naman, tita is so kind pero ako lang madalas yung parang nahihiya and na-a-awkwardan ng very slight. Hahaha. Yun dad ni Aleck good din kami, madalas kasama namin mag bike tapos tinulungan pa kami kahapon ikabit yung aircon. Mas light din kasi vibes ni tito, hindi siya intimidating and very friendly. Hahaha.
Yung dad ko din super supportive, nakakatuwa kasi magka-usap kami kahapon tapos alam mo yun sinasabi niya boomer daw siya and late learner pero gusto niya daw yung ginagawa namin. Nasa tama naman daw and malaki na daw kami maganda daw na naiisip namin na kailangan huwag umasa sa magulang. Yung mom ko lang talaga, idk. ‘Di pa kami nakakapag-usap ng maayos talaga, lahat parang dumadaan kay papa tas siya nagre-relay kay mama. It’s just so hard to open up to her kasi she’s not as open as papa kaya lagi ako natatakot magsabi sa kanya. Unlike kay papa na nakakabiruan ko and kaya ko sabihin lahat. My mom is super traditional, gusto niya talaga kasal muna bago magsama sa iisang bahay ganun. Tapos sinasabi niya pa dati, kung gusto ko daw mag desisyon sa sarili ko, gawin ko daw yun pag ‘di na ako nakatira sa bahay niya. Tapos ngayon naman gusto ko bumukod nagagalit siya. Naiintindihan ko din naman siya pero yun nga kasi malaki na ako, mag 28 na ako next year. Sana maintindihan niya din na may sarili na rin akong buhay and that I can make decisions for myself. Alam ko marami pa siyang masasabi pero hindi ko nalang dadamdamin. Iintindihin ko nalang din, alam ko mahirap din tanggapin for her lalo na nag-iisang babaeng anak ako tapos bunso pa.
3 notes
·
View notes
Text
Hear me out..
Hi blog, it’s been a while. I’m back again because I think this time I have something to write again. A lot has happened the past couple months. Been a bit busy with work too. I haven’t really shared anything here for quite some time now, but with all the ganaps going on in my life, I feel like I have so much to write and say. I feel sad kasi shet wala akong mapagkwentuhan, I don’t really have friends na super close and hindi na talaga ako in touch with them. I think sobrang laki na ng gap ko with them and we just really outgrew each other. So ayun, dito nalang ako magkekwento. Now where do I even begin... okay let’s do this.
So ayun, grabe I mentioned here before na we bought a house and lot ni boyfie and that was back in July of 2020. It’s been more than a year now and akala ko magiging mabilis and madali lang yung process. It was a pre-selling one so wala pang actual house na buo, model house lang yung nasilip namin before. And yung ibang ginagawa na pero hindi pa super tapos. We didn’t finish the 18 months to pay na downpayment after 6 months binayaran na agad namin in full kasi sisimulan lang siya pag nabayaran na yung full dp and na-process na yung bank loan. Pero grabe super tagal since pandemic and skeletal workforce tapos yung usual processing time nadodoble. Last September dun palang na-approve yung bank loan and nagka-pirmahan with the bank. Now, we are waiting for the title to be transferred to our names and it’s been like 2 months already. The construction still hasn’t started because we need to wait daw na malipat yung name + building permit. So probably mid to end next year pa yun matatapos and fully turned over to us.
On another note, I’m moving out of our house too probably by next week. Nakakahiya and ang hassle na rin kasi ng set-up namin ng bf ko. Almost every weekend I’m staying at their house kasi nagba-bike kami. I’m from Caloocan and he’s from Cainta. So ang layo, kaya dun ako natutulog. Minsan 2-3 days tapos uwi uli ako samin. It’s been like that since the pandemic started, dati labas labas lang kami pag weekend e. Tapos nung nag pandemic and naging into cycling kami dun na talaga ako madalas natutulog pag may ride kasi maaga gigising ganun. Nung una parang nagagalit pa nanay ko kasi traditional ganun, sa parents niya okay lang talaga pero syempre more than a year na, ‘di mo maiiwasan na may masasabi. So we decided to get an apartment na, dapat August pa ‘to pero nagalit din nanay ko nung nalaman na live-in mangyayari. Parang magpakasal nalang daw ganun kung gusto na namin magsama sa isang bubong. Pero alam mo yun 28 na rin kasi ako, tapos sobrang dependent ko pa sa magulang. Not financially. Pero nasanay ako dito sa bahay ever since na pag gising mo may nakahain na, I do cook naman and buy my own groceries at times pag hindi ko trip yung food dito. Tapos may tiga laba, tiga plantsa, tiga linis ng bahay at banyo. Nag wawalis and hugas naman ako ng plates pag inutusan. Hahaha. Pero ayun, gusto ko lang din uli mag independent living and matuto sa buhay. May plano naman talaga din kami magpakasal ng jowa ko, pero not right now. Gusto namin matapos muna yung bahay tapos kahit pag 30 years old na kami magpapakasal.
Nung sinabi ko sa tatay ko na gusto ko mag move out sabi lang niya basta ba daw kaya ko. Like kung afford ko daw why not. Tbh, hindi alam ng parents ko na 6-digit earner na anak nila. Hahaha. Before I use to disclose everything, like magkano sahod ko, pag nagka-increase or bonus sinasabi ko sa kanila. Pero nung nag resign ako nung August and nagka-new work after hindi ko na sinabi. Sabi ko lang mas mataas ng konti sa previous job. Kasi sa totoo kahit ako nagulat dun sa offer, like unexpected as in pero sobrang grateful. Hindi naman ako madamot sa family, I give certain amount monthly. Pero I think hindi naman na din nila need malaman magkano exactly pumapasok and ayaw ko din isipin na may pera ako lalo ng relatives. Hahaha. Pero ayun.
Sorry sobrang haba ng post, I don’t know if anyone will be reading this but man, it just feels good to let it all out here. Thank you blog for being my friend and hearing me out. Dito talaga ako pumupunta pag gusto ko lang ilabas nasa utak ko or ishare ano nafi-feel ko. Will probably write again some more cos I feel like maraming magiging ganap uli sa buhay ko and share my new chapter and journey in life since I’m moving out.
4 notes
·
View notes
Photo




Tagaytay last Saturday with the bf’s family. Kasama din namin gf ng kapatid niya. Very spontaneous trip. Alam mo yung nagkayayaan lang bigla tapos g agad parents niya. Hahaha. That’s one of the things I love about his family, super hilig sa roadtrips or kakaen lang sa labas tapos basta g agad. Minsan magda-drive lang kami pa-tanay, Sierra Madre, Rizal tapos magkakape lang kami sa tabi-tabi. Lalanghap lang ng fresh air ganon. I really love their family dynamics plus their parents are really cool people. Modern family ganon. Dati sobrang nahihiya ako pag pupunta and matutulog sa kanila, pero sila pa yung nag-iinsist minsan na dun na ako matulog lalo pag gabi na tapos ihahatid pa kasi ako pauwi. Very welcoming and loving sila sa mga nagiging girlfriends ng mga anak nila. Mafi-feel mo talaga na part ka ng family nila. Lalo na sakin, as in part na talaga ako ng family. Pag pumupunta ako minsan 3-4 days ako nagse-stay sa house nila. Nung una against parents ko lalo na nanay ko kasi syempre babae akong anak, baka kung ano ano daw masabi ganon, pero eventually nasanay nalang din hahaha and syempre kinausap din ng jowa ko na okay lang talaga and gusto ng parents niya pag pumupunta ako dun.
So ayun. Kumaen lang kami sa Buon Giorno Caffe & Bistro ng late lunch kasi mga 1:30pm na kami dumating. ‘Di naman kami as in nag-ikot, kumaen lang talaga tapos dumaan lang kaming Balay Dako to buy some snacks then umuwi na rin. Sabi nga ni tita, dapat once a month may ganon daw kami. Lalabas as a family, kakaen lang or kahit drive lang daw tapos sa kotse lang kami tatambay, kakaen at magkakape. I just love how close and tight knit their family is.
15 notes
·
View notes
Photo

It’s been almost a month since I resigned from my previous company. And honestly, it has been an amazing time for me. Sobrang dami kong naging time to do other things, tapos naka-focus rin ako sa health and fitness ko. I wanted to switch sana to freelancing, and tbh I’ve been doing well in Upwork. Yung ibang projects, pag ‘di ko kaya i-take or tinatamad ako gawin binibigay ko sa friend ko, like nire-refer ko siya so she can start her own Upwork journey. Minsan kasi kahit wala ako in-applyan meron lang mga nag sesend ng invites. Ako kasi, mapili sa kinukuhang projects. Mostly, fixed payment and project basis lang para mabilis matapos, or kung meron hourly rate yung tipong 1 week span lang siya. Malaki-laki rin yung kinita ko sa time na nag-freelance ako. And meron akong mga loyal clients na bumabalik-balik from time to time whenever they need graphic needs. But having experienced full-time in the freelancing world for a couple of weeks, idk. I think and feel that it’s not for me. Hahaha. Minsan kasi nakakatamad rin dahil sa dami ng ‘free’ time mo. Parang instead na maging productive ako, opposite yung nangyayari. Magba-browse ako ng kung ano-ano, ‘di mo namalayan ang dami ng oras lumipas. Napagod ako sa corporate set-up and hindi ko narin kasi talaga feel yung previous company ko. So alam mo yun medyo nag re-connect lang din ako sa innerself ko tapos puro bike ako the past few weeks. And na-enjoy ko na yung time ko. Masaya naman sana maging freelancer, kasi hawak mo talaga oras mo. It’s up to you how you will spend the day and divide the hours for tasks and other stuff. Pero medyo scary and risky din siya cos it’s not constant and parang walang assurance sa kikitain mo every month. Tho na-reach ko naman yung goal ko. Pero ayun nga, mahirap kasi lagi ka mag-susubmit ng proposals and ang dami rin competition. Pero swerte ka if naka-build ka talaga ng relationship with a certain client. I wasn’t actually looking for a new job. Like okay whatever, chill lang ako. Puro upwork lang talaga. Tapos one time nag check ako ng linkedin ko, ‘di na kasi updated laman nun tapos may biglang nag-message. So ayun, I gave it a shot lang went through the process. Ang dami sis, may initial interview with their creative lead, tapos meron design task, then peer interview, tapos final interview. Actually kabado ako, kasi kakaiba yung company. They create social media ads for different company and businesses pero AI generated siya. So ang role namin, kami yung mag uupload ng assets ni client, para pag nag generate based siya dun sa mga nilagay namin. Pero we can tweak and edit it. Basta ‘di ko ma-explain. It’s pretty interesting. Tapos ayun, na-hire nga ako and I will start na on Monday. Grabe, super ganda ng offer as in walang wala yung previous company ko. The salary offer is just wow. Like I can’t even... Tapos 10am-6pm yung working hours pero as long as tapos ka na sa task mo, you can log-out. And sis, we have 21 leave credits per year + 5 festival leaves (pag may PH holidays and gusto ko mag leave pwede). Tapos flexible pa sila, pwede pa daw mag request ng additional pero for approval ng Creative Lead. They also have healthcare, sponsored fitness, learning and travel benefits. I don’t have to pay any of it, kasi part siya ng benefits ko!! No pressure din in working kasi we have 24 hours to finish our deliverables which I love. Idk, pero sobrang swerte ko talaga lagi. Grabe yung mga opportunities and experiences ko when it comes to work. May pagka-workaholic ako and love ko talaga ginagawa ko so laging may magagandang return. First job ko call center, lagi ako may awards and nakukuhang perks and freebies. Before ako mag resign meron sana akong free trip to HK nun due to my good perforance, isa ako sa top agents pero ‘di ko na kinuha nag resign na ako. Hahaha. Tapos sa next job ko sa Hallmark, napadala rin ako sa HK tsaka sa Russia. Tine-train na ako maging Brand Manager supposedly pero nag resign rin ako. Tapos sunod sa DP, from being a GD to Assistant Team Leader. Before ako mag first year, I was awarded as Rookie of The Year, price nun pupunta kami ng Arizona and sponsored trip yun ng company but then the pandemic happened so hindi pa natutuloy. Tapos nagkaroon narin ako ng mga cash incentives. Hanggang sa nagresign nalang rin ako uli. Then now, parang naka-jackpot ako sa new company ko. Sabi nga ng jowa ko, mapag-bigay daw kasi ako at sobrang bait sa mga tao kaya grabe daw ako i-bless ni Lord. Plus grabe din daw talaga ako mag trabaho. Sometimes, I just can’t help it. I’m just a very passionate person and I do love what I do. I really commit to it. So ayun, ang dami kong kinuda. Hahaha. Bye.
7 notes
·
View notes
Photo



Celebration of Life Simple and small celebration at home today. I decided to give the fam a little treat as a late celebration for kuya’s graduation, my family recovering in Covid and me getting a new job. Small wins & big wins. There’s just so many things to be grateful for. So ayun nga, after 3 weeks finally kahapon naka-uwi narin ako sa bahay. Nag pa-deliver lang kami food for merienda-dinner. Konting kainan lang to celebrate. Just really thankful kasi mild symptoms lang talaga na-experience ni kuya and papa. On-off fever + loss of smell & taste for a couple of days. Kay papa talaga ako pinaka-nagworry kasi chain smoker siya tapos senior citizen na, but God is good. Never siya naka-experience na hirap huminga. Habang naka-quarantine sila sa house, si kuya nag virtual graduation. After so many years, finally graduate nadin siya uli. Yung una kasi 2 year IT course pero certificate lang yun, gusto ni papa diploma talaga so nag-aral siya ng 4 years uli. And pagkatapos ng lahat lahat, ayun naka-graduate nadin uli si kuya. Then ako naman, kanina tinanggap ko na yung job offer sa new company. Super duper grateful talaga kasi hindi ko siya inexpect. As in I wasn’t looking for any jobs kasi kaka-resign ko lang nga, na-enjoy ko naman yung past 3 weeks din kaka-bike and me time, tapos freelancing. Pero ayun, I decided to give this job a shot. It’s different from what I’ve been doing tapos ang ganda pa ng working hours 10am-6pm, mas maikli sa dati kong company. Gusto ko yung I still have more time in the morning to do other things tapos ang ganda rin ng offer nila and benefits. As in nagulat ako sa pasahod sis, walang sinabi yung dati kong company. I’ll start on Monday pa, so ayun excited na rin ako. Grabe sobrang naniniwala talaga ako sa good karma. Minsan nga gusto ko na mapatanong e, like ganon ba ako naging super bait sa mga tao sa paligid ko (kahit minsan feeling ko naaabuso na ako). As in doble, minsan triple pa yung balik. Blessings after blessings sis. Tbh, medyo kinabahan ako, kasi nasakto pa yung covid ng family ko sa pag resign ko. Sobrang daming gastusin, pina-swab ko family ko nung nagka-covid sila and after the 14 days just to make sure na clear na talaga. E ang mahal pa naman ng swab + home service siya so may additional fee. Yung grocery, phone and water bill namin ako rin nag bayad. Bumili pa ako ng medicines and vitamins for them. Tapos since nag-stay ako sa house ng bf ko, nag bigay rin ako ng share for the grocery and electricity. As in ang dami kong naging gastos. Buti nalang ang dami kong freelance projects na nakuha lately, tapos ito nga meron ako new source of income ngayon. Ugh, parang ang surreal parin :((( Pero sobrang thank you Lord talaga. ‘Di mo ako pinabayaan.
3 notes
·
View notes
Text
Hello Tumblr world. I’m back again. Grabe after 3 weeks, finally naka-uwi narin ako ulit sa house namin. I’m so happy to see my family and my dog. Na-miss ko talaga sila, syempre yung room ko din. Thank you Lord for healing my family from covid. We will have a mini celebration tomorrow mga dinner time, late celebration kasi finally graduate na ulit si kuya tapos syempre magaling na sila and they survived covid. I spent 3 weeks away from them and stayed at my boyfriend’s house. Family narin niya nagsabi kasi na wag muna ako umuwi para ‘di na mag spread pa. Tapos nagpa-deliver nalang ako ng grocery sa house namin. Lahat din ng transactions online lang, like paying the bills and all. Tapos buti nalang din bff’s ni mama yung mga neighbor namin so pag may need ipa-bili napapa-kisuyuan sila from time to time. Yung ibang relatives din namin nag padala ng mga food kila mama habang naka-quarantine sila. Pinapa-iwan nalang sa gate. Tapos bumili ako ng oximeter and yung thermal scanner for them sa house + super daming alcohol and disinfectant. Buti nalang talaga hindi grabe yung covid experience nila. I was so worried especially with my dad kasi senior citizen na siya tapos chain smoker pa. Alam mo yung kung ano-ano na pumapasok sa isip ko, kasi baka maging grabe tapos hindi pa siya vaccinated. Pero thank you Lord talaga hindi grabe. Alam mo yung sumabay pa yung resignation ko, na ang daming gastos and all pero he really did provide. Grabe yung freelance projects ko and sunod-sunod na opportunities na pumapasok, kaya sobrang nagte-thank you din ng nanay ko kasi kuripot daw ako minsan pero in times of need sobrang maaasahan ako. Like wala sakin yung maglabas and bigay ng pera. E syempre family kami, sino pa ba mag-tutulungan. Sobrang ingat talaga ngayon, bumili ako nung parang nano spray parang baril tapos may uv keme. Kailangan bago pumasok ng bahay spray lahat, damit pati mga bitbit. Tsaka lagi kami magte-temp check. Nakaka-praning na kasi tlaga sobrang daming cases. Tbh, pangalawang beses ko na naligtas. Una sa family ng boyfriend ko nung march lahat din sila nagka-covid and na-expose ako, pero hindi ako nahawa. Tapos ngayon sa family ko, hindi rin ako nahawa. Si mama din hindi kasi parehas kami fully vaxxed na. So people, if you have the chance to get vaccinated grab it.
2 notes
·
View notes
Text
I wish I could go home right now but I can't kasi nga naka-quarantine dun family ko since positive si kuya and papa. 2 weeks pa bago ko sila uli makita face to face. I also miss my dog, my stress reliever and kukulitin ko lang pag pagod or bored or sad ako. Huhuhu. Wala naman daw sila masyado nafi-feel. Si kuya medyo nag kaka-panlasa na daw uli. Pero ayun. Sad lang. Thankful kasi for the 2nd time, naka-iwas na naman ako sa virus. 'Di ko alam if malakas lang talaga ako kay Lord. Nung march kasi family ng bf ko nagkaroon and na-expose din ako sa kanila pero ayun 'di naman ako tinamaan. Tapos ngayon family ko. E na-expose din ako sa kanila bago ako pumunta sa bahay ng bf ko, mga 5 days after dun nalaman na positive sila. Ako wala naman anything, nakakapag-bike pa nga.
Hindi ko alam kung alam mo yun, sana kasama ko nalang sila ngayon. Pero on the otherhand ang swerte ko padin talaga. Pero ughhh. I want my familyyyyy. Ka-chat and call ko lang nanay ko from time to time. Kami din kasi nagko-coordinate. Like if may need sila sa house or anything. Pag may lalamove or grab, pinapa-iwan nalang sa gate, tutal bayad ko naman na yun. So ayun, ang hirap lang. Mukha lang akong chill pero deep inside sobrang takot ako. Yung tatay ko matanda na 62 years old, tapos 'di pa vaccinated. Ang pasaway pa daw sabi ng nanay ko, pero pinagsabihan siya at tinawagan sa house pati nung bff ni mama. Ayun nakinig naman na daw, iniinom at kinakaen na mga bininigay ni mama. Hayyyyy life. Idk.
Iyak na iyak na ako sa buhay sis, naliligo ako kanina tapos umiiyak ako habang nag sho-shower. 'Di ko na napigilan. Gusto ko nga humagulgol talaga nagpapatugtog nalang ako sa cr baka kasi marinig e nasa bahay nila bf ako. Kagabi pa din kasi kami nagkaka-bwisitan. Ang hirap, kasi nasa bahay nila ako. Tapos diba nakakahiya naman kung maririnig kami nag sisigawan. Tapos gusto ko ng space pero saan ako pupunta?? Kung ayaw ko siya kausapin, saan ako pupunta sisss?? Nakaka-puta lang yung life. Sorry Lord pero napapa-kwestyon talaga ko kanina bakit family ko pa. Agskaabakahakahdja.
4 notes
·
View notes
Text
Grabe strezz and pagod ko today siszt. So ayun na nga ano, covid positive dad and brother ko. Confirmed. Nag book kasi ako ng pupunta sa house para ma-test sila. Rapid antigen na para mabilis, gusto ko rin kasi malaman para kung makaka-uwi ba ako o ano. Tapos ako nag asikaso lahat pati payment and all kasi hindi pa naka-withdraw si mama lagi offline mga atm na malapit samin.
So ako din mag aasikaso ng lahat ng needs nila for the two weeks na quarantine sila ngayon sa house. Layo ko pero buti nalang talaga ang daming pwede online ngayon. Jusq. Si mama kasama nila sa house, negative pero hindi narin siya maka-alis since na expose kila papa at kuya. E ako 1 week na wala sa house and wala naman ako nafeel kakaiba so ayun. Kawawa lang din si mama kasi siya mag asikaso ng mga food and all nila sa bahay ngayon. Tapos tawagan nalang kami sa messenger.
Dami ko na binilin jusko. Lahat ng info na shineshare ng jowa ko na ginawa nila nung nagka-covid sila shine-share ko na din sa pamilya ko. Sana talaga wag na mag worsen. Yung tatay ko pa naman lakas mag yosi. Tapos kami lang ni mama fully vaccinated, si kuya 1st dose palang tapos si papa naman hindi pa vaccinated. Hay 'di ko na talaga alam. Dito ako ngayon sa bahay ng jowa ko, tapos yun nga sabi ng parents niya sa kanila muna ako kasi mahirap nga pag lahat kami magkahawaan. Pero ayun, dami ko pa need asikasuhin bukas and ipadala para sa kanila sa bahay. 🥲
2 notes
·
View notes
Text
Sis, sobrang nase-stress na ako. Wala kasi ako sa bahay ngayon and hindi ko alam kung uuwi ba ako o ano ba. Kasi nag message yung nanay ko, masama daw pakiramdam ng tatay ko nung isang araw pa tapos nilagnat. Tapos chinat ko kapatid ko kasi ‘di ako nire-reply ni papa seenzoned lang. E tinatanong ko siya ano nafi-feel niya kamusta naman siya. Tapos si kuya sabi siya naman daw walang panlasa and pang-amoy. So ngayon nag cocontact ako ng pwede mag home-swab kasi gusto ko muna manigurado bago ako umuwi ng bahay. Mamaya covid pala e ‘di lahat pa kami nagkaroon. Sino nalang yung lalabas pag may kailangan o kung anuman. Yung tatay ko senior na pero ang tagal namin nakumbinsi magpabakuna. Alam mo yung katwiran na kung mamatay, e ‘di mamatay kasi dun din naman daw siya papunta. Dapat may schedule na siya last week kaso hindi siya inallow kasi medyo inuubo ubo na siya nun. Yung kuya ko naman kaka-first dose lang last week, sabay kasi dapat sila ni papa, kami ni mama fully vaccinated na last month pa. Grabe lang yung stress. Hindi ko na alam sis. Ang dami ko na chinat sa fb, yun iba wala na available today. So nag hahanap ako kung meron sana today or tomorrow na latest. Ughhh. Nakaka-iyak lang.
2 notes
·
View notes
Photo

Made this one last month. Meron kasi kaming weekly art prompt nung July. Like we can post anything, an artwork or poem or any creative output tapos may weekly theme. Ito yung pang a day in your life. Grabe lang in-effortan ko siya kasi yung past weeks, re-used artwork lang pino-post ko. Tapos biglang tatlo lang kami nag post. Hahaha. So yeah. That is me on a day to day basis. Yung workout tho, ‘di na uli consistent. Hehehe. I’m trying to build a new routine now that I don’t have a corporate job. Medyo maaga parin naman ako nagigising like mga 6:30-7:30. Ang sarap lang na I don’t have to rush, or hindi ko na-iisip na hay trabaho na naman bukas. And I can really enjoy my mornings. Like just to brainstorm while I sip my coffee and listen to music. Or just play and make lambing to my dog. Or even write like what I’m doing right now. Nawala yung anxiety and morning rush na shet, balancing or need mag attend sa concerns and yung constant chats. What a relief talaga! Dun kasi ako ina-anxiety, ako pa naman yun tipo na pag may nag message gusto ko nare-replyan ko agad.
I was able to have a good breakfast today kahit mag 7am na ako nagising. Hindi ako nagmamadali or anything. Hindi ko kailangan isabay yung almusal sa trabaho at kumaen sa harap ng laptop ko. I can eat peacefully and not have anything to worry about. Ngayon nalang ako uli na-feel at ease, at peace and free.
#art#artwork#riedesignph#life#vector#vector art#vector illustration#digital art#digital illustration
6 notes
·
View notes
Photo

Share ko lang how my day went today. Mag 7:30am na ako nagising since medyo late nga ako natuloy last night. Tapos medyo nag work ako nung umaga. O diba kaka-resign ko lang pero freelance work agad inatupag ko. Hahaha. Ang ganda lang kasi talaga ng gising ko, kaka-iba yung vibes. Like sobrang light and alam mo yun, walang heavy dreading feeling. Tapos sakto, naabutan ko yung isang client ko previously sa upwork, may konting unfinished works pa kasi kami na naiwan kasi kinasal yung sister niya so ayun. First time uli namin mag pang-abot sa chat since iba nga kami ng timezone. Sa washington kasi siya based. And we had our first call, nag video call kami para naman din magkita kami and magka-idea ano talaga itsura hahaha and get to know each other better nadin and connect more on a personal level.
Tapos grabe sobrang na-inspired talaga ako. And alam mo sa totoo lang after yesterday parang biglang gumana ulit yung utak ko. Sobrang tagal ko kasi nasa creative block and literal mental block na parang wala talagang pumapasok sa utak ko. Tapos parang wala lang ako time talaga or pagod so alam mo yun parang wala masyadong tumatakbo sa utak ko, very stagnant tapos blanko talaga. Iniisip ko lang dati papasok na naman bukas, tapos manunuod lang ako ng netflix or mag ge-games sa phone after kasi yun na yung parang me-time ko, tapos pag weekends bike. Ganon lang talaga paulit-ulit. Tapos kahit gusto ko i-try ulit magsulat or gumawa ng artwork hindi ko talaga kaya. Like wala yung creativity sakin. My job sucked the creativity and life out of me. Tapos biglang today sobrang productive ko, like ang dami kong na-accomplish. Nag general cleaning pala ako ng room ko nung hapon. As in inalis ko yung pallet bed ko, tsaka yung mga cabinet para malinisan ko yung mga gilid at ilalim. Tapos nag vacuum ako and nag mop ng floor. Yung picture sa taas yung current set-up ko. Bumili ako ng mouse and keyboard, ilang buwan ko rin tinyaga yung trackpad. Hahaha. Plano ko kasi bumili ng monitor tapos ico-connect ko dun yung macbook tapos nakatupi lang siya on the side. Dami ko nakikita sa pinterest na ganon e. Libro lang pala gamit kong ‘riser’ lol. May gamit akong laptop stand previously, pero ayun bibili na ako ng parang monitor riser. Next month ko bibilhin siguro yung monitor. Tapos bibili pa ako ng mga desk organizer tsaka yung extension ko ilalagay ko sa ilalim ng table, bibili ako nung parang under the desk cable rack/management. So ayun, masaya ako kasi madalas na ako uli nakakapag-sulat dito.
3 notes
·
View notes
Photo

So ayun na nga, last day ko na kahapon sa work. Yung ibang QAs kahapon lang din nila nalaman na last day ko na. As much as possible kasi ayaw ko masyado ipagkalat. Hahaha. Iniiwasan ko kasi yung madaming magme-message. Pero ayun nga, nung morning sabog chat ko kasi ang dami ng nagme-message tapos tag sakin. Hahaha. Tapos grabe, after pala nung exit interview parang yun na yun. Hindi man lang pinatapos yung shift sis. After ko sa tasks ko dine-activate na ako agad dun sa Slack. Kakaloka. Hahaha. Yung iba sa fb nalang nag-DM kasi magme-message palang daw sila tapos pag tingin nila deactivated na. Our APM also organize like a goodbye zoom party after our shift. Supposed to be e-numan session siya with games and all that. Pero wala naman nagdala ng alak or umiinom. Hahaha. Naging mukbang siya char. Hahaha. Naglaro kami nung parang scribble tsaka sa jackbox ng iba ibang games. Tapos ayun konting chikahan narin. It was fun. And I’m glad na we were able to bond for one last time. Medyo late na ako natulog kagabi kasi inisip ko naman walang pasok kinabukasan. Sunday, rest day. Gigising ako na wala ng mabigat and dreading feeling in the morning. Sobrang good vibes lang ako today. Actually inspired and energetic ako. Hahaha. Hay, life is good and I feel so blessed.
2 notes
·
View notes
Text
Pagod na pagod ako today sis. Grabe lang ‘tong week na ‘to for me. Last week ko na sa company pero walang patawad. Huhuhu. Isang linggong absent yung isa namin GD kasi nagka-covid. Gusto niya pumasok today pero inadvise na 1 week nalang siya mag leave kahit mild lang symptoms. Para makapag-pahinga din talaga. So sobrang stressful lagi ng umaga kasi need namin i-distribute yung workload niya for the day. Tapos kaninang umaga hindi pa nakisama yung system, nagloloko so manual kami nag-assign lahat. Kinailangan ko rin nga pala mag punta ng bank so umalis ako saglit. Pagbalik ko ang dami parin i-che-check. Hay grabi, gusto ko na inuman ng alak. Hahaha. Nag-chat rin pala yung college friend ko na pina-part time work ko nung nakaraan. Yung ginive-up ko kasi hindi ko na kaya isabay and ayaw ko ma-compromise gawa ko for her company. Umalis daw kasi yung parang head ng design niya, so gusto niya mag call para pag-usapan namin baka pwede ako bumalik since resigned na nga ako. Bukas nalang namin pag-usapan kasi pagod na talaga ako. Hahaha. ‘Di na keri ng brain cells ko mag receive ng any info tonight and i-process pa. Hay jusq lord what a challenging week. Grabe talaga, aalis nalang ako at lahat ang dami pang chenelin na nagaganap. Gusto ko lang naman magpahinga. Huhuhu.
3 notes
·
View notes
Photo


My weekend was unproductive AF. Hahaha. I had things in mind that I wanted and need to do but I ended up not doing them anyway. I just feel exhausted last Saturday that I didn’t have the energy to do things during my rest day at work. I literally just laid in bed, watch netflix and slept. I haven’t had a good sleep and been sleeping late the past couple of days. I’m used to staying at my bf’s house during the weekends and we go cycling but because of the ECQ obviously we can’t see each other and ride our bikes. Also, I sleep better when he’s around. Huhuhu. We don’t sleep on the same bed but just talking and cuddling before we sleep and waking up seeing him first thing in the morning just feels good which I miss. Gaaad, my sleep cylce is fucked up and I wake up every now and then.
I wanted to go to the grocery because online grocery apps/sites is not complete with some of the items I want. But I’m just afraid to go out and I don’t really wanna get close and interact with other people. It’s just giving me anxiety :( I cooked some pasta yesterday and made myself coffee. I’m having hyperacidity again but jeez I just can’t help myself. I love coffee so much. Huhu. Anyway, that’s how my weekend went. I’ve paused on taking freelance projects for now since it’s a hectic week for me as it will be my last day at my full-time job this Saturday. Medyo mahirap siya isabay and dun rin ako napagod tbh. Hahaha. Bigla kasi dumami yung invites and I can’t handle them all. It’s tiring. Next week nalang ako uli aariba. Chos. Anyway, I hope y’all are having a good week. It really feels nice being able to write here again and just share anything and everything. Tumblr will always be my safe place.
6 notes
·
View notes
Photo
Posting some of my works recently. Yung iba practice lang, yung isa part ng design test sa gusto kong kunin na project. I just love clean and minimalist designs and a lot of brands and businesses lately are leaning or switching towards that direction and I get to develop it with them which is really exciting. It’s been a while since I really got to design talaga so medyo worried rin ako kasi baka alam mo yun hindi magustuhan yung gawa ko, or medyo mapurol na knowledge ko or meron akong mga mali mali. Hahaha. Got new clients yesterday. Actually medyo kinakabahan na ako, kasi last week ko na nga sa company na pinagta-trabahuhan ko. Sinwerte ako nung mga first few weeks ng July ang dami kong naging extra money cos I got this client na sobrang daming projects for me, gusto ko kasi talaga i-build yung profile ko sa upwork and clients para alam mo yun pag nag full-time freelance na ako ‘di ako masyado mahihirapan. Tapos lately sobrang tumal ang dami ko na pinag-submittan ng proposal. Hahaha. Puro project based lang kasi kinukuha ko para pwede ko lang din gawin pag free ako or weekends since nga may main job pa ako. Then biglang kahapon, sunod-sunod yung may nag-invite. Yung iba hindi ko inapplyan, pwede kasi yung ganon may mga personal na mag-iinvite sayo. Tapos ayun, I did some design tests and I got the 2 clients. I was overthinking the past couple of days and ina-anxiety na naman ako. Alam mo yung nag se-self doubt na ako and questioning if I really made the right decision. Hahaha. Nag resign ako not really thinking about the money despite the pandemic. I just wanted to take a break, reconnect with myself, do what will make me happy and eventually ignite that passion back within me. I want to own my life, have more freedom to choose and drive it to the direction I want. It’s funny cos whenever I start to doubt and procrastinate things, life throws something good at me. Sorry but sometimes I just really need a validation. Hahaha. Also, naniniwala ako with good karma. Grabe lang, I feel so blessed in life. Whenever I give or do something good, it returns a thousand folds talaga. Give and you shall receive, ganon.
4 notes
·
View notes