Tumgik
duploatpluma-blog · 11 years
Text
LUHA NG AKING MGA LUHA
Manhid na ang aking isip sa pag-iisip
Pagal na ang aking puso sa inip
Ngunit ang aking kaluluwa'y nanatiling nakatindig
Naghihintay malimusan ng kakarampot na pag-ibig
Niyurakan ng mapagsamantala ang aking karupukan
Pinatid nito ang pisi na sa dibdib ko'y nananahan
Pait ang ibinunga ng kanyang kasakiman
Ngayon pag-ibig ko'y nakapasan sa kamatayan
Sana'y maaring magmahal ng walang pagmamahal
Nang hindi ko iniluwal ang aking iniluwal
Nang hindi napagal ang puso kong pagal
At nang hindi ko isinugal ang aking isinugal
Ngayo'y patuloy sa pagluha ang aking mga luha
Dinaramdam ang hapding idinulot ng mapagsamantala
Sana'y hindi mananatiling manhid ang aking gunita
Nawa ang puso ko'y 'di malanta at mawasak sa dusa
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Text
SA GABI LANG AKO MAY INA Ni: Emil John Manguerra
Sa paglubog ng araw lang ako sumasaya
Doon ko lamang kasi nakikita ang aking Ina
Sa tuwing dilim na ang lumalatag sa planeta
Uubusin ko ang oras sa pagdungaw sa bintana
Ganoon ang gawain ko sa tuwi-tuwina
Inilalaan ko ang ngiti sa Ina kong sinisinta
Kinukuwentuhan ko siya’t pinapasaya
Tinititigan hanggang kaya pa ng mata
Ang nanay ko lamang ang pinakamaganda sa lahat
Taglay niya’y nagniningning na mukha’t makinang na balat
Sa kariktan niya’y wala na talagang tatapat
Yaon nga lang, sa gabi ko lamang siya nasisispat
Sa gabi ko lamang siya naiiyakan
Sa tuwing ako’y nalulungkot at nahihirapan
Ang pagiging anak niya’y doon ko lang din nararanasan
Sa umaga kasi’y wala na siya sa aking harapan
Ang gabi ang sandaling lagi kong hinihintay
Mula nang mawala ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay
Ang lagi kasing sinasabi ng aking Tatay,
“ Ang TALANG pinakamakinang daw ang siyang aking nanay”
3 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
#me
2 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
#me
2 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
#me
2 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
SOMETIMES, I HAVE THE CRAZIEST IMAGINATION EVER :) HAHAHA.
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
in good times, and in bad times, dun mo makikilala ang tunay na kaibigan. :))
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
to see an innocent smile reminds the whole world that there is still light in the dark :))
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Quote
A dreamer is one who can only find his way by moonlight, and his punishment is that he sees the dawn before the rest of the world.
-Oscar Wilde
2 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Photo
Tumblr media
Good morning! (=
Seize the day!
Proliferate the Good Vibes! HAHA.
2 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Quote
The guilty nose smells its own noise.
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Note
wow thank you for following back. Saying hi from Iloilo.
haha! hello po :) newbie palang po.
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Note
Hey there pretty! :) I hope we can be good friends. Have a great day! >:D
thank you po.. syempre we can be good friends!
0 notes
duploatpluma-blog · 12 years
Text
DIVISION PRESS CON- (LATHALAIN)
NAIIBANG  ISTILO NG  TITSER  KO
                      "Marami ka pang uubusing tinta"
                      "Hindi mo ako kayang tapatan" 
                      Nauubos na ang tinta ng aking pluma.Nanlalabo na rin ang aking mga mata.Mabuti na lang at natuldukan ko na ang lathalaing aking ipapasa sa aking guro.
                      "Lathalain bang matatawag ito?Ulitin mo!"
                      Araw-araw ay ganoon: uupo ako sa isang upuang matatagpuan sa pinakagilid ng kuwartong aming pinagsasanayan,ilalabas ang panulat at sisimulang gumawa ng lathalain,ipapasa sa aking gurong tagapagsanay at agad-agad sisigawan.Kukutyain.Pauulitin.
                      Hindi ko alam ang gusto nya,dahil ang totoo ay hindi ko rin sya lubusang nakikilala.Ang tanging alam ko ay sya ang "masungit" na tagapayo ng dati kong kaibigan na ngayon ay nag-aaral sa kolehiyo.At hanggang doon lang iyon...
                      Ngunit dumating ang isang araw na talagang nagpabago ng aking pananaw sa pagkatao nya.Pinasulat nya ako ng lathalain.Habang ako'y nagsusulat ay hindi ko namalayang sya'y umiiyak."Lumuluha rin pala ang gurong ito,"bulong ko sa aking sarili.Pero tumindi na ang kanyang paghikbi.Sumisinok.Umuungol.Hindi ko sya pinansin.Nagpatuloy lang ako sa pagsulat.Pero hindi ko sya matiis.May kung anong bagay ang nagtutulak sa akin upang sya'y akayin.Pakalmahin.Tumayo na ako't pinuntahan ko sya.Kinausap.Ibinaling ang kanyang tingin sa akin.Saka tiningnan ang aking sinulat...
                        "Lathalain bang matatawag ito?Ulitin mo!"
                        Lalong sumidhi ang aking pagpupursigi.Ipinangako ko sa aking sarili na ipapanalo ko ang laban.Anupaman ang mangyari ay ipapakita ko sa kanyang ako'y isang magaling na manunulat.
                         Nauubos na ang tinta ng aking pluma.Nanlalabo na rin ang aking mga mata.Mabuti na lang at natuldukan ko na  ang lathalaing aking ipapasa.
                         Naipanalo ko ang laban.Noon ko lang nalaman na ang bawat sigaw at pagpapaulit nya sa akin ang kanyang istilo upang maipanalo ko ang laban.Tama sya.Salamat sa kanya.Salamat sa istilo nya.Dahil ang totoo ay:
                        "Marami pa akong mauubos na tinta dahil kailanman ay hindi ko sya kayang tapatan kaya ko syang lagpasan!"
8 notes · View notes
duploatpluma-blog · 12 years
Text
ACUN DI-MALIMUT NA SISENTA SEGUNDO(My Unforgettable 60 seconds)
 Adtung gab'i na acun kita natanawan
Imo ging bati ining pusong nagtutuyug-tuyugan
Noong gabi na ikaw ay aking nasilayan
Ginising mo itong puso kong nagtutulug-tulugan
Ang acung kamut na imo ginghawiran
Yari sa acung gunam mula nang adtung baylihan
Ang aking kamay na iyong hinawakan
Dala ko sa aking isip mula noong sayawan
Indi cu mahambay kay nahadluk acung masaktan
Acun kita iniirog ine'y katuoran
Hindi ko masabi dahil natatakot akong masaktan
"Mahal Kita" ito'y katotohanan
Yari adtung sisenta segundong imo acu sinautan
Indi ko gid hayaang mahalin diri sa'kun puso magpakailanman
Nandito, yaong animnapung segundo mo akong sinayawan
Hindi ko hahayaang mawala sa aking puso magpakailanman
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Text
MGA ALAALA ( dedicated to IV-EINSTEIN)
Lumalapit na ang aming paghihiwalay
Ngunit parang ayoko pang sa kanila'y mawalay
Naging bahagi na sila ng aking BUHAY
Sila ang EINSTEIN, Kaibigan kong tunay
Naalala ko tuloy sa tuwing umaga
Ala-sais ang pasukan, ala-syete ang dating nila
Lahat ay "busy", sa guro nakatulala
Kunwari'y tahimik, nagkokopyahan pala
Ang desisyon ng isa ay desisyon ng lahat
Kung umangat ang isa, lahat ay aangat
Kapag ang isa'y bumagsak, lahat sila'y bagsak
Kaya tuloy noong NAT, damayan ding umiyak
Humihingi ng extensions kapag deadline na
"Pass the paper na nga", sumasagot pa
tabi-tabi ng upuan para maka-kopya
Tuwing uwian nama'y sa lobby nagsasama-sama
Bratz n' e-aji, Wave gurlz, Daugh bekiesz, Teamawa
The Company, RFTB, 4M, PALAKA,
Mhalditaz, Tropang Likod, EG-potx, Triumvirata
Samantalang "solo flight" naman sina gurra at dianara
Bagaman may mga grupo kapag pinag-isa
IV-EINSTEIN ng GTDLNHS  wala ng iba
Iba-iba ang personalidad na kapag naw2ala ang isa
Wala na rin ang lahat, saan ka pa?
Mr. Gatuz, Mr. Managbanag, Mrs. Alcantara
Mr. Marquez, Ms. Tablico, Mr. Lalaguna
Mrs. rivera at Mrs. Prado na aming ina
Mga gurong nakatatak na sa aming ALAALA
Sila ang kukumpleto sa isang kabanata sa aking buhay
Mga tauhang ninais kong 'wag sanang mawalay
Bagamat malapit na ang aming paghihiwalay,
Mananatili sila sa aking PUSO, Habambuhay...  
PAALAM NA... EINSTEIN..:'(
Yours truly,
Mr. President
1 note · View note
duploatpluma-blog · 12 years
Text
MY VALEDICTORY SPEECH: 14TH COMMENCEMENT EXERCISES GTDLNHS
Honorable guests,Congressman Rex Gatchalian, Congressman Magtanggol Gunigundo,city councilors, beloved Principals, teachers, faculty members, parents and Graduates..
This is the night of all nights! After four years of sacrificing our lives in high school, we are about to end it- end those times of laughters with our friends, teachers and families; end those sorrows and pains behind troubles; end those unforgettable moments in high school. At the same time, this is the moment to imagine our life in future...
Graduates, ipikit nyo ang inyong mga mata. Isipin nyo kung ano kayo sa hinaharap. imagine yourself as a successful being- a journalist, teacher, architect, engineer, chef, artist, doctor, pilot, accountant and so on. Maaari nyo nang buksan ang inyong mga mata. Keep Dreamin'! Nais ko lang sabihin sa inyo na noong kayo'y nangangarap at nakapikit, nandyan lang ang mga mahal nyo sa paligid. Have faith in God, in yourself and in others and by that time you'll find out what's possible if you never give up.
May I request everybody to stand up.
Mga lalaki, humarap kayo sa mga babae. Please repeat after me:" Girls, we are the handsome young gentlemen of this generation, we promise, that we will become successful! aabutin namin ang aming mga panagarap!"
Ngayon naman girls it's your turn. Also, repeat after me: "Boys,we are the beautiful young ladies of this generation,we promise, that we will become successful! aabutin namin ang aming mga panagarap!"
Magbigayan kayo ng kaunlaran sa bawat isa, please say: "May success be with you!"
On this very important night of my life, I would like to thank those people who take the biggest role in my triumph: Our Almighty God, for leading me to the right direction and for giving each and everybody as my inpiration; To my friends who teachme how to be strong and to make my dreams lasts long; To Mrs. Salvacion David, for touching our lives and for turning our dreams into reality; To my subject teachers, specially to my senior adviser, Mrs. Marites Prado, for being an agent of wisdom and as knowledge worker; To Mrs. Amparo Gozo, for widening our thoughts and for taking the responsibility when we are in trouble. Most of all, I would like to thank my mother, Mrs. Leticia Torcuator Manguerra, for being the best " Nanay" ever. Mhal na mahl ko po kayo. Bagamat dalawang linggo ko lang po kayo nakakasama kada dalawang taon, ramdam ko ang pagmamahal nyo saan man ako paroon.
To my fellow fourth year students, alay ko sa inyo ang medalyang ito dahil naging bahagi kayo sa apat na taong pagsusunog ko ng kilay. I know that after this graduation, you'll realize how high school changes your life, you will definitely miss those moments that molden you as an individual: You will miss your first period, recess, last period and no- classes. You will miss late-comers, violators, cheaters, cutting-classes, kulitan, texting during lessons, sleeping during class hours.You will miss field demonstrations, JS promenade, Zambales Youth Camp, fieldtrips and Baccalaureatte Mass. You will miss teachers, CAT offiicers, SSG's, Club officers and Homeroom officers.
You will miss Africa, my Africa, Africa of proud warriors in ancestral savanas.. a line coming from the poem "Africa" written by David Diop that was taught in English; You will miss AND, OR, NOT Gates or the basic logic gates in Physics;The logarithms, trigonometry and statistics in Mathematics; Ang nakakaantig na pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ng El Filibusterismo na bahagi ng ating talakayan sa Filipino; Computing GNP, TCI, Tax Due, GTCI and Net Income in Ekonomiks; the cha cha cha, waltz and rumba in mapeh; the basic cooking and baking and JavaScript lessons in TLE; at higit sa lahat ang pagpapahalaga sa sekswalidad at isyung moral ng isang indibidwal na tinuro sa Values.
Graduates, bear in mind that we are the children of yesterday's dream. Accept our world today. Strive for the best! Be the best Gentinians ever!Tayo ang gumagawa ng ating kinabukasan kaya't nararapat ding tayo ang gumawa ng paraan ng ating ikauunlad. Tandaan nyo ring hindi namn ako ang nagwagi sa labanang ito, dahil sa totoong buhay, hindi natin kailangan ng medalya dahil mas maganda pa ring makita natin ang ating mga sariling naabot ang pangarap! Dreams are the greates achievement that a man can ba proud of. Also remember to thank all the failures that made your life stronger and better.
Ito na siguro ang pinakamagandang ginawa ko swa buhay ko: ang tumayo sa harap ng napakaraming tao at magsilbing isang halimbawa ng nabubuhay na pangarap! Alay ko sa inyong lahat ang aking tagumpay!
There's only three things I can say to you my dear Graduates. Una, magsikap ka't abutin ang pangarap. Pangalawa, magsikap ka't abutin ang pangarap. At pangatlo, tandaan ang una ng hindi makalimutan ang pangalawa.
I really can't imagine myself saying "Paalam Gen. T., Paalam High School", the only thing I know, on this day, I confirm, " GRADUATE NA TAYO!!!"
Good Evening to one and all!
2 notes · View notes